MasukEpilogue: The Legacy (Paglipas ng Panahon)Sofia POVLumipas ang dalawampung taon.Nakatayo ako sa gitna ng silid-aklatan sa lumang bahay sa Tagaytay—ang bahay kung saan minsan naming natagpuan ang totoong kahulugan ng pamilya. Hinahaplos ko ang malaking litratong nakasabit sa itaas ng tsimenea: ang huling portrait kung saan buo pa kaming lahat kasama si Dad James at Mommy Lindsay.Wala na sila pareho ngayon, payapang pumanaw sa kanilang pagtulog ilang taon na ang nakararaan, ngunit ang kanilang presensya ay nananatiling buhay sa bawat sulok ng tahanang ito.Bumukas ang pinto at pumasok si Ethan, may konting pilak na ang buhok ngunit ang mga mata ay puno pa rin ng parehong pagmamahal at lambing na nakita ko noong mga kabataan namin."Sofia, nakahanda na ang lahat sa labas," nakangiting wika ni Ethan habang iniaabot ang aking shawl. "Dumating na rin sina Kuya Jake mula sa airport."Lumabas kami patungo sa malawak na hardin. Naroon na ang lahat—si Kuya Biboy at Ate Jenny na masayang nak
Sofia POV Pagkatapos ng almusal, lumabas kaming lahat sa malaking hardin para sa aming taunang family portrait. Abala si Kuya Biboy sa pag-aayos ng tripod at camera, habang si Ate Jenny naman ay tumutulong sa pag-aayos ng mga damit ng mga bata para magkakabagay ang aming mga kulay. Lumapit sa akin si Ethan mula sa likod at dahan-dahang isinara ang kaniyang mga braso sa aking baywang, habang pinagmamasdan namin si Dad na masayang kinakalikot ang mga laruan ni baby James Ethan Jr. sa damuhan. "Tingnan mo si Dad," pabulong na biro ni Ethan sa aking tainga. "Sino mag-aakala na ang dating kinatatakutang tycoon ay magiging paboritong kalaro ng mga bata sa damuhan?" Natawa ako nang mahina at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. "Iyon ang maganda sa buhay, Ethan. Walang taong hindi pwedeng magbago kapag natuto siyang magmahal nang tapat. At napakaswerte natin dahil naabutan ng mga anak natin ang bersyong ito ni Dad." "Sofia, Ethan! Halika na rito, handa na 'yung camera!" siga
Lindsay POVLumipas ang dalawang linggo ng aming pananatili sa Canada. Mabilis na lumipas ang mga araw na puno ng pasyal, masayang kainan, at gabi-gabing kwentuhan sa harap ng fireplace kasama si Jake at ang kaniyang pamilya.Isang maagang umaga, nakaimpake na ang aming mga bagahe sa sala habang naghihintay ng sundo patungong airport. Nakasandal ako sa bintana habang pinagmamasdan si James na maingat na binubuhat si Chloe para halikan ito sa pisngi, habang si Liam naman ay nakakapit sa kaniyang hita."Mamimiss ko po kayo, Lolo James, Lola Lindsay..." pabulong na sabi ni Chloe habang nakayakap sa leeg ni James."Mamimiss ka rin namin, apo," malumanay na sagot ni James habang hinahaplos ang buhok ng bata. "Mag-aral ka nang mabuti, ha? At siguraduhin mong sasama ka kay Daddy kapag umuwi kayo sa Tagaytay."Lumapit si Jake at niyakap kaming dalawa ni James nang napakahigpit. "Mag-iingat kayo sa biyahe, Dad, Mom. Maraming salamat sa pagpunta rito. Malaking bagay 'to para sa amin ni Maya.""
James POV Nang huminto ang aming rentadong sasakyan sa tapat ng isang magandang bahay sa Ontario, maaliwalas ang aming pagsalubong sa gitna ng malamig na hangin ng Canada. Nakatayo na sa may bakuran si Jake kasama ang kaniyang asawang si Maya at ang dalawa nilang anak na masayang nagtatakbo sa damuhan. Nang magtama ang aming mga mata, agad na sumilay ang maluwag na ngiti sa mukha ng aking panganay. "Dad! Mom Lindsay!" masayang bati ni Jake habang mabilis na lumalapit sa amin upang mag-alok ng isang mahigpit at maaliwalas na yakap. "Kumusta ang biyahe niyo, Dad?" tanong niya nang kumalas siya sa yakap habang tinatapik nang marahan ang aking balikat. "Medyo malamig na ang panahon dito ngayon, mabuti na lang at nakabalot kayo nang maayos." "Mabuti naman, Jake. Napakalayo man ng nilipad namin, nawala agad ang pagod ko nang makita ko kayo," nakangiti kong tugon habang pinagmamasdan ang kaniyang buong pamilya. "Naku, Jake, excited na excited ang Dad mo simula pa noong nasa eropl
Sofia POV Lumipas ang ilang buwan. Isang umaga habang naghahanda ako ng almusal sa kusina, bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding pagkahilo at pagduduwal. Napahawak ako nang mahigpit sa gilid ng mesa at napapikit. Mabilis na tumakbo si Ethan mula sa sala nang marinig niya ang aking pagdaing. "Sofia! Anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala niyang tanong habang inaakbayan ako at inaalayang maupo sa silya. Ngumiti ako nang mahina habang hawak ang aking tiyan. Kinuha ko ang isang maliit na balot mula sa aking bag na kanina ko pa gustong ibigay sa kaniya. Inabot ko ito kay Ethan habang nanginginig ang kaniyang mga daliri sa pagbubukas nito. Sa loob ng kahon ay may isang maliit na pares ng baby booties at isang pregnancy test na may dalawang malinaw na pulang linya. Napatigil si Ethan. Nanlaki ang kaniyang mga mata at dahan-dahang tumingin sa akin, halos hindi makapaniwala. "S-Sofia... buntis ka ulit?" nanginginig niyang tanong, may mga luhang agad na p
James POVNang tuluyan nang lumubog ang araw at magsimulang magliwanag ang mga bituin sa kalangitan ng Tagaytay, pumasok na ang mga bata sa loob ng bahay kasama nina Jenny at Lindsay para maghanda sa hapunan.Naiwan kaming tatlo nina Biboy at Ethan sa gazebo habang malamig ang ihip ng hangin. Inilabas ko ang isang kahon ng mga lumang cigar na matagal ko nang hindi nabubuksan at inialok ito sa dalawa kong men-in-law."Dad, bawal na sa'yo 'yan 'di ba?" biro ni Biboy sabay tawa nang mahina habang inaabot ang isa para kay Ethan."Minsan lang naman, Biboy. Pagbigyan mo na ang ama mo," sagot ko habang pinapailawan ang dulo ng akin.Tinitigan ko silang dalawa. Ang dalawang lalaking humawak sa puso ng mga anak ko. Si Biboy na dating galit na galit sa akin pero ngayon ay ang pinakamatatag kong sandigan sa negosyo at pamilya. At si Ethan, ang anak ng dating kaaway na naging simbolo ng tunay na pagpapatawad at bagong simula."Gusto kong magpasalamat sa inyong dalawa," seryoso ngunit malumanay ko







