Lindsay POV Makalipas ang ilang linggo mula noong gabing iyon, ginawa ko ang lahat para iwasan si Jake. Hindi ko alam kung paano siya haharapin nang hindi ko naaalala ang tatay niya. Tuwing tumatawag siya, hindi ko sinasagot. Tuwing mag-aaya siyang makipagkita, palagi kong idinadahilan na busy ako sa trabaho. “Galit ka pa rin ba? I'm sorry na, okay? I love you, sweetheart.” Nang mabasa ko ang text message na iyon ni Jake, biglang pumatak ang mga luha ko habang nakaupo ako sa tapat ng computer ko sa opisina. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Hindi ako galit sa kaniya, galit ako sa sarili ko. Sobrang dumi ng pakiramdam ko. "Lindsay, may problema ba?" tanong ni Jennifer, ang katabi ko sa cubicle, nang mapansin niyang tahimik akong umiiyak habang nagpupunas ng mukha. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at umiling na lamang ako. "Wala, Jen. May pumasok lang sa mata ko," pagsisinungaling ko, sabay pilit ng isang ngiti. Bago pa man makapagtanong ulit si Jennifer, biglang pumal
Last Updated : 2026-06-25 Read more