공유

13 - Fever

작가: NicaPantasia
last update 최신 업데이트: 2025-02-04 09:47:26
KHALESSI MONDRAGON

Nagising ako nang may araw nang tumatama sa mukha ko. Kumikirot pa rin ang ulo ko at nanlalabo pa rin ang mga mata ko. Sinubukan kong umupo kahit nananakit pa ang katawan ko. Hindi gaya kanina ay nilalamig ako, ngayon ay tumutulo na ang pawis ko.

Inihilig ko ang ulo ko para tanggalin ang pagkakalabo ng mga mata ko at nang umayos ang paningin ko ay nagulat na lamang ako nang makita ko si Fabian na nakaupo sa sahig, pero nasa higaan ang kanyang ulo, nakapatong sa mga braso niya. Tulog at mukhang pagod na pagod.

Napatitig ako sa suot niya. Isang lumang t-shirt iyon na may butas-butas pa, pero kahit na gano’n ang itsura niya, ang gwapo niya pa rin tignan.

Napatingin naman ako sa damit ko at nakita kong iba na ang suot ko. Nagulat ako nang makitang bestida ang suot ko. Unlike sa damit ni Fabian, maayos at malinis ang suot ko. Kanino kaya ito?

Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang silid kung nasaan kami ngayon ni Fabian. Maliit ang silid, tanging higaan na gawa rin sa
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • TBD #1: His Redemption   92 - The Call

    KHALESSI MONDRAGONHindi ko naman masasabing kamukha ni Fabian si Khalian dahil una sa lahat, hindi si Fabian ang ama nito. Pangalawa, mas kamukhang-kamukha ko ang anak ko.Ika pa nina Mama at Papa, ay para daw kaming pinag-biyak na bato ni Khalian. A boy version of me. Tuwang-tuwa pa sila na makita na parang kambal ko ang anak ko. Pati ugali ay manang-mana sa’kin. Kaya walang mag-aakala na anak ito ni Fabian o kahit sino mang lalaki.Tatlong araw ng lumipas ay busy kami ni Fabian sa pagpo-promote ng movie namin. Kaliwa’t kanan ang trabaho at kahit na nakakapagod ngumiti sa harap ng maraming tao para lang ipakita na maayos kami ni Fabian ay ginagawa ko pa rin.“Lessi! Anong masasabi mo sa issue tungkol kina Fiona at Fabian? Akala namin ay kayo ang magkakatuluyan? Usap-usapin rin ay magiging partner mo ulit si Fabian sa bagong proyekto?”Sunod-sunod din ang mga katanungan. Kaliwa’t kanan ang mga ito at iisa lang din nagiging sagot ko. Either yes or no.Premier night. Gusto sanang sumama

  • TBD #1: His Redemption   91 - The Movements

    KHALESSI MONDRAGONAfter eating, Alej and I went straight to Tagaytay, para salubungin ang anak at ang pamilya ko. They’re staying here until everything is settled. May private nurse naman si Khalian, at kompleto na rin ng mga gamit na kinakailangan niya sa sakit niya, though, kinakailangan pa rin naming pumunta sa ospital para sa dialysis niya.“I think everything is settled,” Alej said after he checked everything.Nasa likod naman namin ang tatlong kasambahay na mag-aalaga sa pamilya ko na tapat na naninilbilhan sa pamilya nila Alej.Sila ang kinula niya dahil alam niyang mapagkatiwalaan sina Nanay Rosa, Nanay Meding at Ate Lolit. May driver na ring kasama na si Kuya Noel at guard na si Kuya Basil. Nakaupo lang ako sa sofa habang hinihintay ang pagdating ng pamilya ko, habang mukhang balisang-balisa naman si Alej sa tabi ko. Hindi naman iyon ang unang kita niya sa pamilya ko, pero iyon ang magiging unang kita nila bilang boyfriend ko.Hinawakan ko ng kamay si Alej saka ako ngumiti

  • TBD #1: His Redemption   90 - Using You

    KHALESSI MONDRAGONMasyadong naging mabilis ang nangyari. Pagkatapos mag-shooting sa Paris ay agad din kaming dumiretso sa Venice at maayos na tinapos ang huling scenes.I acted in front of him. In front of them. I acted as if I knew nothing, as if my heart didn’t get hurt from what I saw. Afterall, I am an actress. I can manipulate them by my acting. Hindi naman ako matatawag na best actress kung hindi ako marunong manipulahin ang nararamdaman ko.This pain will subside. Darating ang araw na tuluyang mawawala iyon kung bibigyan ko ng impostansya ang ibang bagay—gaya ng pagbibigay ng buong atensyon sa anak ko at kay Alej.Alej focused on me. Sobrang maalaga niya in a way na ang hirap niyang tanggihan. In the end, we—no—he also announced our relationship.“Ako na, magpahinga ka na, okay?” Mahinahong saad ni Alej at pilit na inaagaw ang sandok sa’kin.Nasa condo ko siya at naabutan niya akong nagluluto ng makakain. Ilang beses na ring naglalagi rito ang lalaki matapos ang shooting nami

  • TBD #1: His Redemption   89 - Issue

    KHALESSI MONDRAGONAkay ako ni Alej papasok sa hotel room ko dahil sa nahihirapan akong huminga. Sobrang sakit na rin ng ulo ko kakaiyak dahil sa nangyari kanina.“Here,” mahinang saad niya saka inabot ang tubig sa’kin.Tinanggap ko iyon. Nangangatog pa rin ang kamay ko habang umiinom. Hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ko, parang ‘di ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari.Did I really do that?Sinabi ko ba talaga na boyfriend ko si Alej sa harap ni Fabian?Napakurap ako. Napakapit sa noo ko habang unti-unting bumabalik ang eksena sa isip ko—ang pagkabigla, ang katahimikan, at higit sa lahat, ang mukha ni Fabian.Walang galit. Walang selos. Walang kahit anong emosyon.Blangko.Sobrang blangko ng mga mata niya, ni walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha.I know I’ve hurt him. At mas lalo ko lang siyang masasaktan kung mananatili kami sa isa’t isa. Kaya alam kong tama ang ginawa ko.“Lessi,” tawag-pansin sa’kin ni Alej.Napaharap ako sa kanya na nakaluho

  • TBD #1: His Redemption   88 - Boyfriend

    PRESENTKHALESSI MONDRAGONMy heart felt heavy when I woke up. Sobrang bigat rin ng mga mata ko kakaiyak na gusto ko na lang ay umuwi at tapusin na ang lahat ng ito.“Oh? Gising na pala ang sleeping beauty?”Inirapan ko si Shivani nang lumabas siya mula sa banyo ng hotel room ko.Pumuslit ang babae kagabi nang makauwi kami ni Alej, kasama niya sina Cielle at Lana.May runway si Elle bukas ng gabi kaya dadalo kaming lahat para panoorin iyon. Ngayong umaga ang dating nina Mali at Sere dahil may tinatapos pa sila kahapon para sa launching event ni Mali next month.Elle and Lana are still sleeping beside me. Magkayakap pa ang dalawa na para bang hindi kilalang supermodel si Elle at hindi professional manager ng isang sikat na cruise ship si Lana.“May sleeping beauty pa ba na ganito itsura?” Pabalang na tanong ko sa babae.“Ayos lang ‘yan, maganda ka pa rin naman. Crush ka nga ni Niko e.”Napataas ang kilay ko sa sinabi ng babae. Dinawit pa nga ang pangalan ng boyfriend niya.“Are you real

  • TBD #1: His Redemption   87 - The Kiss

    PRESENTKHALESSI MONDRAGONNasa iisang lamesa na kaming apat. Nasa tapat ko si Alej habang nasa tabi ko naman si Fabian.Si Alej na ang nag-order ng pagkain ko. And while waiting for foods, nagkwentuhan kami kahit na wala ako sa mood makipag-kwentuhan sa kanila.“So, Lessi, balita ko may new movie ka daw kasama si Alej after this movie natin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng new fans niyong dalawa ni Fabian since ang ganda talaga ng chemistry niyo.”Chemistry.Maganda ba talaga? Because maybe we had a thing. But that was before. At ang makikita namin ngayon, ay puro aktingan lamang. Nothing personal, just pure job—or just that what I’ve thought.Aminin kong may pagkakataon na naging masaya ako habang kasama si Fabian sa loob ng apat na buwan para lang sa taping na ito. Masaya ang puso ko kahit na ilang beses ko nang isasaktan ang sarili ko at pilit siyang nilalayo.And our project has come to an end. Wala na rin dapat balikan dahil matagal ng tapos ang meron kami.“Hindi

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status