GABI na ng bumalik ako sa condo. Ang inaasahan ko ay nasa kuwarto na si Thana at mahimbing ng natutulog subalit naroon pa rin pala ito sa sala at hinihintay ang pagdating ko.
"Hon, ba't ngayon ka lang?" Kaagad niyang tanong matapos akong gawaran ng halik sa pisngi.
"Uhm... napasarap kasi ang kuwentuhan namin ni Iñigo kaya hindi agad ako nakabalik." Tinulungan pa ako nitong hubarin ang aking coat.
"Halika na, ipaghahain na kita ng makakain mo. Pasensiya na, nauna na akong kumain, nagugutom na kasi ako eh." Todo explain ito habang sinisimulan ang paghahanda ng pagkain.
"Busog na ako eh. Kumain na ako sa restaurant ni Iñigo." Hinaplos haplos ko pa ang aking tiyan para lang patunayan sa kanyang busog na nga ako.
"Huh? Eh, pa'no 'to? Sayang naman 'yong mga niluto ko. Sana pala tinawagan mo ako para hindi na ako nag-abalang magluto." May himig ng pagtatampo sa tinig nito na halatang pin
NASA kalagitnaan ako ng meeting with my investors nang bigla na lang mag-vibrate ang aking cellphone. Kaagad ko itong sinilip at ng makita ko sa screen nito ang mukha at pangalan ni Thana ay dali-dali akong nagpaalam sa kanila upang sagutin 'yon."What is it honey?" masuyong tanong ko sa kanya."Kuya, ako 'to. Si Molly!""Oh, bakit?'' puno ng pagtataka'ng tanong ko sa kanya. "Sabihin mo na kaagad Molly kung ano ang kailangan mo. May meeting ako at wala ngayon si Beberly dito kaya hindi ako magkandaugaga kung ano ang uunahin ko.""Kuya, mas kailangan ka ngayon ni Thana.""Molly, pakibilisan mo! Ang sakit na eh!" Dinig kong sigaw ng isang babae sa kabilang linya."Molly, sino 'yon?""Sumunod ka na lang kuya. Itetext kita kapag nakarating na kami ng hospital. Sige na, k
six months ago............ DAHAN-dahan kong imunulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y pinakatitigan ko ang puting kisame. Hanggang sa mapadako ang paningin ko sa dingding na kulay puti rin ang kulay. Nangunot pa ang aking noo matapos kong igalaw ang aking kamay at mapagtanto kong maraming tubo ang nakakabit saakin.Iniangat ko ang kaliwa kong kamay, dahilan upang masagi ko ang babaeng nakaunan sa kanyang mga braso habang nakasubsob sa gilid ng aking kama."Who the hell are you?" bulalas ko. Kaagad naman itong naalimpungatan."OMG! Thanks God! Gising ka na kuya!" Aniya na aambahan sana ako ng yakap. Subalit mabilis ko itong napigilan."Kuya? What's wrong?" Namimilog ang mga mata'ng tanong niya saakin."Who are you? Ba-bakit tinatawag mo akong kuya?"Sa halip na sumagot ay
NANG sumunod na araw ay muli na naman akong dinalaw ng aking mga kaibigan. At sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na tinigilan ang pangungulit sa kanila. Tila naririndi na sa'kin si Aston kaya't napilitan itong kausapin ako."Wesley and Iñigo, i-i t-think, mas mainam kung lalabas muna kayo. Ako na lang ang bahalang magkuwento kay Simoune." Suhestiyon ni Aston na ngayon ay hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan."Pero bud, paano kung magalit si Molly?" Protesta ni Iñigo na kaagad ay naisip ang kanyang kasintahan."Don't worry, i can handle this." Ani Aston.Nang tuluyan ng makaalis ang dalawa ay kaagad na akong nilapitan ni Aston. Naupo ito sa silyang nasa may gilid ko at isang malalim na buntong hininga ang agad na pinakawalan bago ito nagsalita."Bud, i know na hindi madali para sa'yo ang lahat. Gusto kong sabihin sa'yo an
KINABUKASAN ay naalimpungtan ako dahil sa malakas na pag-iyak ng sanggol. Nagpalinga-linga ako sa loob ng silid ngunit wala naman akong nakitang sanggol doon. Kaya't tinatamad na bumaba ako ng kama upang hanapin kung saan nagmumula ang ingay na 'yon.Nakalabas na ako ng silid ay wala pa rin akong makita ngunit nag patuloy pa rin ako sa paghahanap. Sunod kong pinuntahan ay ang guest room. At namilog ang aking mga mata matapos kong buksan ang pinto.Tama nga ako ng narinig, iyak nga ng sanggol 'yon. Dahan-dahan akong lumapit sa crib na naroon sa gilid ng kama. Laking gulat ko pa ng isang sanggol na lalaki pala ang naroon. Napakalusog nito, may matangos na ilong at may mapupungay na mga mata. Bigla itong tumigil sa pag-iyak ng maramdaman nito ang aking presensiya. Pinakatitigan ako nito at paulit-ulit nitong inaangat ang kanyang braso at likod na para ba'ng gusto
ALAS dose na ng bumalik ako sa condo. Naabutan kong nakatayo si Juliet sa may pintuan na para bang hinihintay talaga nito ang pag dating ko."Naku sir, mabuti naman at nariyan na kayo. Kanina ko pa kayong hinihintay eh. Nakapaghain na kasi ako ng tanghalian natin.""Hindi mo na sana ako hinintay pa at sana'y nauna ka ng kumain."Wala sa sariling naibulalas ko.''Sir naman! Ang harsh niyo. Halika na, ipinaghanda na rin kita ng t-shirt na pamalit dahil alam kong basa kayo ng pawis." Nakangiti pa rin nitong sambit.Hindi ko alam kung concern nga lang ba talaga ito saakin o sadyang may balak siyang akitin ako. Ngunit gayo'n pa man ay lihim rin akong napangiti. Naisip kong napakasuwerte naman ng lalaking mapapangasawa niya dahil masyado siyang maalalahanin at maasikaso."Salamat." Tipid kong tugon. Tinalikuran na ako nito at muli ng inasikaso ang mga pagkain sa mesa.
NAGISING ako'ng tagaktak ang pawis sa aking noo at habol ko ang aking hininga. Buong akala ko kasi ay hindi na magpapakita pa'ng muli ang babae sa aking panaginip. Subalit, muli na naman itong dumalaw. Sinabi nitong alagaan ko raw ang anak namin. At kapag hindi ko raw ginawa 'yon ay isasama niya na ako sa kabilang buhay, habang patuloy niya pa rin'g iginigiit na siya raw ang aking fiancee.Ilang minuto rin akong napatitig sa kawalan habang iniisip ang kanyang mga sinabi. Kung totoo nga na may anak kami, nasaan at sino ito?Naihilamos ko na lamang ang dalawa kong kamay dahil sa samu't-saring isipin na 'yon. Kailangan kong magmatyag sa nangyayari sa aking paligid lalo na sa mga ikinikilos ni Molly. Kung sana lang ay wala akong amnesia, eh 'di sana'y hindi ako nahihirapan ng gan'to. Alam kong may mali eh at alam kong may itinatago silang lahat saakin. Ayoko na rin naman'g umasa sa pangako ni Aston na sa
ALAS singko pa lang ng umaga ay bihis na bihis na ako kahit pa nga pakiramdam ko ay sobrang antok ko pa. Paulit-ulit ko rin'g sinulyapan ang aking wrist watch at kanina pa ay parang gusto ko ng pihitin ang mga kamay nito nang sa gayo'n ay sumapit na ang alas-siyete.Nagpasya na lng akong bumaba upang magtimpla ng kape para naman kahit pa'no ay mawala ang antok at pagkainip ko.Eksaktong pagkababa ko ng hagdan ay siya naman'g pagsulpot ni Juliet sa aking harapan.''Good morning Sir Simoune!" masiglang bati nito saakin."Ang aga mo naman yata'ng mangbuwisit!" singhal ko sa kanya, ngunit sa halip na masindak ay nginitian pa ako nito na siyang lalong nagpa-init sa ulo ko."Sir, mali na naman ang sagot mo! Dapat, "good morning din Juliet!" Pinagdiinan pa talaga nito ang kanyang sinabi.
PAGDILAT ng mga mata ko ay mukha agad ni Juliet ang aking nabungaran"Where the hell i am?" Kaagad na naibulalas ko."Sir, nasa hospital ka po." Malumanay na tugon ni Juliet."What?"muling naibulalas ko matapos kong magpalinga-linga sa paligid."Nawalan ka daw po kasi mg malay kanina kaya't isinugod ka kaagad ni Ma'am Molly dito sa hospital." Paliwanag pa nito."Tsk! Bakit hindi mo pa ako ilabas dito? Okay naman na ako eh. Walang sakit o kahit na anong klaseng physical injury ang makikita sa'kin." Pangangatwiran ko pa."Hindi puwede sir. Malalagot ako kay Ma'am Molly kapag sinunod kita.""That stubborn woman!" Naiinis na bulyaw ko. "By the way, where is my stupid sister?""Sir, sorry po, pero ako kasi ang inutusan ni Ma'am Molly na magbantay sa'yo."Bakit? Nasaan ba si Molly?""Uhm...may importante raw po siyang aasikasuhin.""How ab