Share

THE SAVIOR

HANNA'S POV

"Anu ba! bakit mo ba ako pinatawag? alamo namang busy akong tao ei"

Naiirita kung bungad nung pumasok ako sa loob, well busy naman talaga ako no!

"Hayy"

Ang buntong hininga ko sabay nang buong lakas kong bagsak sa aking katawan sa isang mahabang couch. Grabe na pagod ang ferson today! Kung bakit ba kasi napaka malas ng araw ko ngayon.

At mula sa di kalayuan ay sumagot naman ang isang lalaki habang nakatuon ito sa kanyang komputer. Grabe napa awang ang labi ko dahil sa napaka gwapo ng kaharap ko, ay teka kailangan ko atang saluhin ang puso ko mukhang malalaglag ei.

Nakatitig lang ako sa kanya at pinag mamasdan ang bawat niyang galaw, napaka husband material ng dating nya.

"Busy ka? Kung ganun anong ginagawa mo sa rooftop?" Tanong nito sabay ng pag baling niya ng tingin sa akin. Napa iwas ako ng tingin atsaka sumandal, hinawi ko ang buhok ko para ilaylay ito sa likod ng upuan atsaka duon ay pumikit ako.

Nakakantok talaga kapag mga ganitong oras.

"Bakit hindi ba ako pwedeng mag relax for a while?,hindi na ako nakakapag pahinga di na tuloy ako nakakapag pafacial, nakakapag salon at makapag shopping man lang tulad ng ginagawa ng iba"

Pag rereklamo ko habang nakapikit parin at dinadama ang lambot ng couch pati na ang samyo ng bango nitong office. Actually, this is my favorite place to release stress pag sa bahay at office matagal akong antukin pero dito parating matamlay ang katawan ko at gusto nalang matulog. Kaya nga bihira lang akong pinapapunta dito ng mukong nato dahil wala akong ibang gagawin kundi ang matulog lang. My comfort zone!

"Atyaka tignan mo nag d-dry na ang skin ko dahil sa lamig pati na mga labi ko......"

Puno ko pa pero nagulat ako ng imulat ko ang mata ko

"Ganun ba!"

Ang sagot nito, habang nakayuko at nakatitig sya sa mga mata ko. Nashock naman ako kaya napalunok ako ng laway habang nakatingin sa kanya. Grabe ngayon kulang nakita ng malapitan ang mukha nya, imfarness huh! ang kinis ng balat nya at tinalo pa nya ang face ko, saan kaya to nag papafacial?.

Pero bumalik ako sa sense ko, teka bakit parang bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko? Hala! para silang nag kakarerang mga kabayo. Sa pag kaka tanda ko after 15 years ngayon nya lang ako tinitigan ng ganito kalapit.

Nung mga sandaling yon, bigla nalang nag kusang pumikit ang mga mata ko, syempre dapat pag mga ganitong eksena ready tayo. Sya nga pala, wala akong umagahan, pero nag brush ako ng teeth ko ahh! so ibig sabihin fresh parin ang hininga ko if ever na may kissing scene. Haha Im excited!

"Hindi bat sinabi ko naman sayo na kumuha ka na ng secretary mo?"

Ang rinig kung sagot nito, dahilan para mapadilat akong nakanguso. Samantalang sya ay nakaupo na sa isang single na sofa!

"Anong ginagawa mo?"

Nag tataka nyang tanong habang nakatingin sa akin na nakanguso. Kaya naman inistart kong igalaw ang panga ko para kunwari naga stretch..

"Ah-huh!? W-wala ineexercise ko lang ang panga ko baka mastroke dahil sa excitement na wala ding pinatunguhan, Anu nga uling sabi mo?" Pag iiba ko ng usapan, habang nag eestretch parin sa panga ko, sige papanindigan ko na nakakahiya naman sa kanya! Pambihira! Akala ko exiciting part na ei, natuyuan tuloy ng laway ang lalamunan ko.

"Ang sabi ko, bakit hindi ka nalang kasi mag hire ng secretary nang hindi ka napapagod ng husto?"

Tugon nito sabay ng pag dikwatro atsaka binuksan ang folder na hawak niya..

"Secretary? I dont think its a better Idea"

sabi ko naman atsaka ako tumayo.

Well, totoo yon pwede naman talaga akong mag hire ng secretary or assistant ko para mapadali ang trabaho ko and sa wakas i can have a spare time para mag shopping, mamasyal at sumunod kung saan si leigh pumupunta. Kaya lang, im not that kind of person hindi ko maeenjoy ang trabaho ko at hindi ko mafefeel ang sinasabing 'success' if hindi ko pinag hihirapan ang mga bagay na gusto ko!.

" You know me leigh ayoko ng mga secretary na palaging bubuntot sa akin and mag iinform 24/7 kung anong next schedule ko, You know that i am known to be a successful fashion designer, which is alam nang lahat how organized i am, and how does my time management works hindi bat dyan nga ako nakilala?" Monologue na sagot ko sa kanya.

"I have beauty!" Sabay wahi ko sa buhok ko

" And charisma"

Atska ako nag maganda at nag pa cute sa harap nya, like seducing him. At sya naman natulala sa akin na blanko ang expression, diko alam kung namangha ba sya sa ginawa ko o naasiwa sya.

"Tumigil ka nga dyan!"

Sagot nya sa akin sabay ng pag hagis sa maliit na unan na nuoy nasa likod at sinasandalan niya. Napa busangot nalang ako, nakakainis sya! wala man lang epek kahit na mag pacute ako! anu ba to tuod!?

"Alamo ikaw ang labo mo! lahat ng lalaki pag nakikita ako halos malaglag ang mga mata tapos ikaw walang reaksyon? Anu ka dyan poste?"

Naiirita kong sagot

"At anu naman kasing kinalaman ng beauty at charisma sa sinasabi mong organized at time management huh!?"

Napabuntong hininga na lang ako sa sagot nya, ayyyyyy talaga!!! ang sarap nyang tirisin. Kalma self! kalma! Naku talagang nang gigigil ako pati sa halik na naudlot kanina huh! Makaalis na nga lang ng mapayapa baka hindi makapag timpi ang kaluluwa ko.

"Sinisira mo ang araw ko, dyan kana! wala kang silbi kausap!"

Atsaka ako umakma ng tayo para sana umalis pero bago ko pa nagawa ay nauna na syang tumayo atsaka inabot sa akin ang folder na kanina nya pa hawak at binabasa-basa. Naiinis ako sa folder na ito, ito ata ang dahilan kung bakit hindi nya nakikita ang kagandahan ko ei, nag seselos ako sa folder na to huh dahil kanina pa siya hawak at tinititigan ni leigh! Ay ang sarap punitin!

"Anu ba to, wala akong panahon mag basa!" Pang iisnob ko sa folder na nakalapag sa mesa.

" Ayaw mo bang malaman kung anong laman niyan?"

Ano bang sinasabi niya. Minsan mas nakakatakot tong si leigh keysa sa mga client ko ei. So, ayon nga out of curiosity ay kinuha ko ang folder atsaka ito tinignan. I was frozed in a shock!

"Seryoso! nakuha mo? paano mo nakuha?" Ang nag lululundag kong celebrate habang hawak ang folder, na halos magusot na dahil sa sobra kung tuwa. Kaya naman, napayakap ako kay leigh atsaka siya hinalikan ng ilang beses sa pisngi

"Salamat talaga leigh! Your my savior!

Ang sabi ko, atska bigla-bigla nalang akong nakaramdam ng ilang dahilan para mapakamot ako sa ulo sabay sabi nang;

"A-ayy pa-pasensya na, nabigla lang ako." Ilang nasabi ko atsaka ibinaling Ang tingin sa papel.

Tama! ito nga ang nanakaw na sketch. Hindi ko alam kung anong ginawa niya para makuha ito, pero salamat sa kanya. Buti nalang talaga!

Pagkatapos nang moment na yun pumunta si leigh sa mesa niya at duon ay bumalik sya sa ginagawa na para bang walang nangyari, o sadyang ako lang ang nakapansin nun? Ako naman nakatayo parin, diko nga alam kung uupo ba ako o lalabas ako nang office.

"Ahm, kumain kana ba?" Ang pag babasag ni leigh sa katahimikan ko.

"Huh! ah-ako? oo"

Sabi ko atsaka ako bahagyang napalakad palapit sa desk niya. Oo nalang kahit hindi naman talaga ako nag umagahan.

"Ah ganun ba?" Tipid na sabi nito.

Kaya naman tumango ako kasabay nito ay ang malakas na pag kulo ng tiyan ko na akalamo may microphone sa loob dahilan para mapa tingin sya sa tiyan ko atsaka bumalik ng tingin sa akin. Pambihira!

"Ah-ang totoo, hindi pa kasi ako nag umagahan ei" Nakayuko kong sabi habang nakapout.

Nung mga sandaling yon, agad siyang nag dial sa telepono.

"Secretary Sanchez, kindly reserve me a lunch for two" Utos niya sa kanyang secretary. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang coat na nakasabit sa wooden hatstand niya.

Ang totoo, 15 years na kaming mag kasama ni leigh kaya sanay na sanay na sya sa akin, sya lang kasi ang nakakaalam ng strength at weaknesses ko.

Alam kung mali na mag kagusto ako sakanya pero hindi ko maintindihan kung bakit bukod sa pag kakaibigan may ibang spark akong nararamdaman sa tuwing mag kasama kami, sa tuwing tinititigan niya ako at kapag hinahawakan niya ang kamay ko para bang kilalang kilala sya ng buong pag katao ko! Kaya nga iniiwasan ko talagang makipag interact sa kanya ng malapitan dahil may kung anong nararamdaman ako. At hindi ko sure if alam nya ang tungkol duon dahil wala naman siyang reaksyon sa mga pinag gagagawa ko, o sadyang sanay lang sya na nag bibiro ako.

Hayyy!!!anu ba kasing nangyayari sa akin? o baka ito talaga ang resulta kapag hindi ka nakapag umagahan? Grabe! hindi ko narin minsan maintindihan ang sarili ko. Tama! wala lang to, focus sa show hanna, focus ka muna huh!

"Tara na!"

Sabi naman ni leigh atsaka ito agad na lumabas.

Teka iniwan niya ba ako? Ang natawang Sabi ko sa sarili ko dahil sa di ako makapaniwalang iniwan nya lang ako Ng ganun ganun lang.

Kaya naman nakabusangot kong kinuha ang bag ko atsaka ako lumabas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status