Share

BOOK 2- UNDYING

He was dying to kiss her. Hindi niya lang magawa dahil nakapangako siya sa asawa na hindi niya ito hahalikan sa labi na bagay na gusto niyang pagsisihan. Hindi niya alam kung papaano niya magagawang maging mapusok ng hindi sumasayad ang labi niya sa labi ng asawa.

Kaya ang pananabik niya sa labi ng asawa ay sa punong-tainga nito niya pinuntirya. He tasted the earlobe as his for a long moment. Doon niya ibinuhos ang lahat ng gigil niya sa asawa. Binasa ng dila niya ang tainga nito paikot na ikinaungol nito nang mahina. Nasisiyahan siya sa nakikita niyang reaksyon ng asawa. Kahit puro pagtututol ang lumalabas sa bibig nito. Pero ang tono ng boses nito ang nagsasabi sa kaniya na ituloy ang balak niya. Wala siyang makapa na conviction sa boses nito kahit ang katawan nito iba rin ang sinasabi sa kaniya.

Damn! Hindi na niya mabilang ang mga mura na pinakawalan niya. Init na init na siya pero pilit niyang pinagkakasya ang sarili sa ganitong paraan. Kung tutuusin nasa kaniya ang lahat ng kara
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status