Share

KABANATA 3

Author: Mhiekyezha
last update Last Updated: 2022-10-31 18:38:26

PABALIK NA SI ZACHARY mula sa isang Linggong pananatili sa may Manila. Sinamahan niya kasi ang long-time girlfriend niyang si Claudel sa mga photoshoot nito sa may Makati. 

Bilang nobyo nito ay ginagawa niya ang lahat para suportahan ang nobya sa nais nitong gawin sa buhay. Claudel is undeniably beautiful and men's eye-catcher. Nag-umpisa ang karera nito bilang modelo noong nadikubre ito ni Rance Punzalan sa isang mall sa Manila. Simula noon ay halos doon na rin umikot ang buhay ni Claudel na bagay sinang-ayunan niya rin. Wala naman siyang lakas para pigilan ang nobya sa mga gusto nitong gawin lalo pa’t nakikita niya na mahal ni Claudel ang trabahong pinili.

Kaya nga kahit nakakaramdam siya ng paninibugho kanina sa manager nitong si Rance at sa kasama nitong singer and actor na si Jeron Ramirez ay isinantabi na lang niya. Katwiran niya, ay parte lang iyon ng trabaho nito at ‘di niya kailangan magpadala sa emosyon niya. Kahit na ang totoo ay gusto ng kumawala ng pagseselos niya. Hindi niya mapigilan na magselos lalo na’t parang sinasadya pa ng manager nitong si Rance na yakapin at hawakan ang kamay ng nobya niya sa maraming tao. Kahit ang mainis at magalit ay ‘di niya magawa dahil pangalan at career ng nobya niya ang masisira kung paiiralin niya ang selos. 

At sa tuwina na hindi ito umuuwi sa condo unit niya sa Buenavista Makati Condominium. Nandoon ang pangamba na baka may kasama itong iba o hindi kaya ang manager nitong si Rance. Pero ang lahat ng iyon ay isinasantabi niya at bagay na agad niyang inaalis sa kaniyang isipan. 

Claudel Margarette Reyes is his childhood sweetheart. His ideal woman and his yearning for her to be his wife. Mula kinder hanggang sa magkaroon sila ng relasyon noong high school. At maski magpahanggang mag-college sila alam niya na loyal ito sa kaniya at ganoon din siya rito. Kaya palagi niya isinasantabi ang mga pagdududa na nararamdaman niya sa tuwina na minsan ay nakakaramdam siya ng hindi maganda. Mas inuunawa niya ito at mas hinahabaan niya ang pasensiya niya sa nobya para hindi sila magtalo kahit sa maliit na bagay. Palagi niya inuuna ang nararamdaman ng nobya niya kaysa sa nararamdaman niya. Ganoon niya kamahal si Claudel. Lahat ng luho nito ay ibinibigay niya kahit na masaid pa nito ang ipon at share niya sa kompanya nila ay ayos lang sa kaniya. 

Kung hindi lang siya pinauuwi ni Nana Cora ay hindi niya talaga iiwan ang nobya na kasama nito ang manager sa Manila. Nag-extend pa kasi si Claudel ng tatlong araw pa sa Manila kaya hindi na niya ito nakasama pauwi. 

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Zachary ng mga sandaling iyon. 

Palaisipan kasi sa kaniya kung bakit uuwi ang magulang niya ngayon gayun ang plano ng mga ito ay mananatili muna ng isang buwan sa Australia kasama ang Kuya Zeke niya na siyang tumatayong CEO ng Buenavista Corporation.

His parents own multiple hotels, restaurants, condominiums, and, hopefully soon, an airline. 

Ganoon napalago ng magulang niya ang business na dating isang hotel lang ang pagmamay-ari ng mga ito. Kung hindi maambisyon ang ama at lolo niya hindi siguro niya mararanasan ang buhay na tinatamasa niya ngayon. Mas lalo pang lumawak ang hawak na negosyo ng mga ito nang magsimula ang Kuya Zeke niya ang namahala sa Buenavista Hotel. Dati ay nasa pang limang puwesto ang Buenavista Hotel sa lahat ng luxury high-class hotel sa bansa. Pero dahil sa sipag at galing ng Kuya Zeke niya ay nasa top one na sila na na-maintain nila sa nagdaan na panahon.  

Ang Kuya Zeke niya ay assistant na ng ama niya sa mula ng fifteen years old pa lang ito. Kapag may pasok sa eskwelahan ay pumapasok ang kuya niya sa hotel nila hindi bilang anak kung hindi bilang ordinaryong trabahador. At kapag summer naman ay madalas nasa ibang bansa ang kuya niya para sumama sa mga business convention ng ama niya. Nag-umpisa ito sa pagiging janitor hanggang sa maging batang CEO ng Buenavista Hotel. Ika nga ng kuya niya ay walang shortcut sa lahat ng gagawin nito. 

Halos paluguran nito ang magulang nila na talagang ipinagmamalaki ng Daddy Calvin niya sa lahat. Sa edad na bente-uno ng kuya niya ay nakapagpatayo na ito ng isang high-class bar na talagang dinudumog ng mayayaman. 

Ang Ozem Pub Club ay isa lamang sa negosyo ng kuya niya kaya kahit papaano ay nakakaramdam siya ng kaunting paninibugho lalo pa’t madalas ay pinagkukumpara sila ng Daddy Calvin niya. 

Sa edad na disi-otso ay hindi naman siya nagtatrabaho sa Buenavista Hotel o kahit sa Buenavista Corporation hindi gaya ng kuya niya. Kaya nga marahil ay hindi sila close ng ama niya dahil hindi siya katulad ng kuya niya kung paluguran ito. 

Alas kuwatro ng hapon nasa San Carlos na siya pero ipinag-iisipan pa rin muna ni Zachary kung dederetso ba siya kaagad sa bahay nila sa Villa Escaler o dadaan muna sa San Carlos Bay para roon mag-isip at magpalipas ng oras.

Sa huli ay ipinasya ni Zachary na dumaan muna sa San Carlos Bay para pagsawain ang sarili na pagmasdan ang mangasul-asul na dagat ng San Carlos. 

Lumabas siya ng kotse at umupo sa hood ng kotse niya. 

Hindi niya alam kung may kinalaman ba siya sa biglaang pag-uwi ng magulang niya o dahil na rin sa nalalapit na kasal ng Kuya Zeke niya. Three months from now ikakasal na ang kuya niya sa apo ng kaibigan ng Lolo Cervo niya na bagay ayaw niyang mangyari sa kaniya. Hindi siya fan ng mga arrange marriage at mas lalong ayaw niyang ikasal siya sa babaing hindi niya gusto. Para sa kaniya ang kasal ay isang sagrado at pang habang buhay kaya ayaw niyang ang mga magulang niya ang mag-a-arrange niyon para sa kaniya. Three years from now graduating na siya sa kurso Business Management. At sa mga panahon na iyon ay bente-uno na siya kaya maaari na niyang pakasalan si Claudel para hindi siya matulad sa kuya niya.

Wala na siyang nakikita na ibang babae na pakakasalan maliban kay Claudel. His love for Claudel will last until he reaches his golden years. Simula noon hanggang sa huling hininga niya, alam niya na si Claudel lang ang babae para sa kaniya.

Papalubog na ang araw pero hindi pa rin makapag-decide si Zachary kung uuwi na ba siya o hindi pa. Ipinasya niyang tumayo at maglakad-lakad muna sa kahabaan ng San Carlos Bay. Hindi pa siya tuluyan nakakalayo ay nakatanggap na siya ng tawag mula sa mayordoma nilang si Nana Cora.

“Hello, Nana?” pilit niyang pinasigla ang boses para hindi ito mag-alala sa kaniya.

Dahil kung mayroon man na isang taong nag-aalala sa kaniya ‘yon ang Nana Cora niya. Yaya ito ng Daddy niya simula pagkabata hanggang mag-asawa na ang Daddy niya. At kahit sila ni Kuya Zeke niya ay inalagaan nito. Kailan man ay hindi nila itinuring na iba si Nana Cora para na nila itong pangalawang Lola.

“Where are you, young man?” isang baritonong boses ang sumagot sa kabilang linya na ikinalunok niya nang husto. Agad niyang inilayo ang cellphone sa tainga at ibinalik muli.

“H-hello… Nana— Hello!” aniya at nilalayo ang cellphone para magmukhang choppy ang na-receive niya na call. 

“Zach! Umuwi ka na ngayon din!” maawtoridad na wika ng ama sa kaniya na ikinabahala niya nang husto.

“Dad! Dad— ikaw ba… hello!” Kahit kinakabahan si Zachary sa ginagawa niyang kalokohan ay itinuloy niya pa rin ang pagpapanggap na choppy ang sinasabi ni Daddy Calvin niya sa kabilang linya. 

“Zachary! I’m warning—” Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito dahil mabilis niyang pinatay ang cellphone.

Halos pagpawisan si Zachary sa ginawa niya. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng ginawa niya ngayon. 

Sh*t! Mura niya ng tumunog muli ang cellphone niya. Pagkakita pa lang niya sa pangalan ng caller ay halos panginigan na siya ng tuhod.

Hindi niya alam kung sasagutin ba ng tawag mula sa ama o hindi? Sa huli ay ini-off na niya ang cellphone para hindi na siya nito kulitin. 

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago sumakay ng kotse. Kailangan na niyang umuwi para malaman kung bakit siya pinauuwi ng ama.

Pagkapasok pa lang ni Zachary sa loob ng bahay ay agad na siyang sinalubong ni Nana Cora.

"Nana…"

“Bakit ngayon ka lang umuwi? ‘Di ba sabi ko sa ‘yo na umuwi ka ng maaga kasi nagbilin si Calvin na dapat nasa bahay ka na bago pa sila makauwi?”

Alanganin na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Naroon sa dibdib niya ang pangamba na hindi na niya gustong ipahalata sa kaharap niya.

"Nasaan ho sila?"

“Nasa study room. Naroon din ang Mommy mo. Ano ba kasing ginawa mo?” takang tanong pa nito sa kaniya. 

"Hindi ko ho alam…."

"Sigurado ka ba?"

“Oho!” mabilis niyang sagot kay Nana Cora.

“O, siya! Pumunta ka na roon para malaman mo na rin…”

Napahinga nang malalim si Zachary at napa-sign of the cross bago pinihit ang pabukas ang nakapinid na pinto. Kung ano man ang ginawa niya mag-so-sorry na lang siya agad para matapos na.

Nakita niya ang Daddy Calvin niya na seryosong nakaupo sa swivel chair habang ang ina naman niya ay nakaupo sa mahabang sofa na tila hinihintay talaga siya.

Nahigit ni Zachary ang paghinga niya ng sinenyasan siya ng ama na umupo sa visitors chair na nasa harapan nito. Dahan-dahan siya naglakad pahayon sa upuan na itinuro nito. Pagkaupo niya ay siya namang pagtayo ng Daddy Calvin niya para umikot lang papunta sa harapan niya. 

"Do you know what's inside those envelopes?"

Agad na umiling si Zachary sa tanong ng Daddy Calvin niya. Alam niya na hindi ‘yon report card niya sa school dahil wala pa naman ang second semester nila. 

Impossible kayang pinasundan siya ng Daddy niya? 

Bigla parang doble ang kaba na nararamdaman niya kung nagkataon na malaman nito na lumuwas pa siya pa Manila kanina.

Shit! Mahina niyang pagmumura at yumuko. 

"Open it!" 

Marahan na tumango si Zachary at pilit na pinapakalma ang sistema. Dahan-dahan niyang kinuha ang tatlong envelop na nasa ibabaw ng lamesa. Bagaman nanginginig na ang mga kamay ay nagawa pa rin niyang hindi ipahalata iyon sa ama. 

Binuksan niya ang isang envelop na naglalaman ng bank statement niya na hindi umabot sa thirty million. Doon kasi pumapasok ang lahat ng share niya sa kompanya. Ang isang savings account naman niya na halos nasa isang daang libong peso na lang ang natitira.  

Napalunok siya kapagkuwan ay tumingala sa ama na halos mag-isang guhit na ang kilay. 

Napayuko siyang muli at binuksan muli ang isa pang envelop.

Nahigit niya ang paghinga nang makita ang laman ng pangalawang envelop. ‘Yon ang mga credit bills niya sa isang black card na hawak ni Claudel. Halos umabot na sa apat na milyon ang nagamit ng kasintahan. 

Bigla para siyang pinagpawisan nang malapot. 

Papaanong nalaman agad ng ama niya?

"D-dad…" 

Bagaman wala pa siyang sinasabi na si Claudel ang may hawak ng isang credit card niya. Alam niya na may ideya na agad ang ama niya kung pagbabasehan niya ang ekspresyon ng mukha nito.

“Break up with her,” mariing utos nito na nagpatayo sa kaniyang kinauupuan.

Agad na iniling niya ang ulo bilang pagsalungat niya sa utos nito.

Kung may pag-aalayan siya ng pangalan niya ay si Claudel ‘yon at wala ng iba! 

Kaya hindi niya kaya ang pinagagawa ng ama niya dahil lang sa pera. Kung kailangan niyang magtrabaho para maibalik at mabayaran niya ang ginastos ng kasintahan ay gagawin niya.

"I'm sorry, Dad. I love Claudel." 

"Sure, you can! I've decided that you'll marry Samarra when you graduate from college,” wika pa ni Daddy Calvin niya bago siya nito iwanan sa loob ng study room.

Natitilihan siya na sinusundan ng tingin ang ama na papalabas ng silid na iyon. 

"Son…."

Napatingin siya sa ina na bakas ang disappointment sa mukha nito.

"Mom...."

"You disappoint me…."

Natigilan siya sa sinabi ng ina kapagkuwan ay napayuko. 

Kung mayroon man siya na huling gagawin ay ang ma-disappoint ang ina. 

“I’m sorry, Mom…” paghingi ng paumanhin sa ina bago ito lumabas ng pinto.

Nanghihina na napaupo si Zachary sa upuan habang inaalala ang mukha ng Mommy at Daddy niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- OFFICIALLY STARTED

    Naniningkit at patalim nang patalim ang tingin ni Samarra kay Zachary. Nakapaling ang ulo ng asawa sa may gawing bintana na hindi niya alam kung nagagandahan ba talaga ito sa mga tanawin na nakikita o sadyang iniiwasan lang nito na mapatingin sa kaniya.Kasalukuyan na nilang binabaybay ang mahabang daan sa villa escaler patungo sa Phase V ang Mistletoe Village. Exclusive lang iyon sa mga kaibigan ng anak ng may-ari ng Villa Escaler katulad ni Zachary.Tumikhim siya nang may lakasan, pero parang walang naririnig ang asawa niya. Nanggigigil na umisod siya palapit sa asawa, pero tila sinasadya nitong hindi siya pansinin.Tumingin muna siya sa driver na nagkataon na tumingin din ito sa rear-view mirror.Ngumiti siya at pilit na pinapakalma ang sarili.Gustong-gusto na niyang kastiguhin ang asawa dahil sa mga pinagsasabi nito sa magulang nito tungkol sa hindi "nila." Take note, "nila.” Talagang dinamay pa siya nito sa kalokohan na pinagsasabi nito! Hindi nila kailangan ng kasambahay sa mag

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- PRETEND

    Kanina pa pinagmamasdan ni Samarra ang asawa na nasa tabi niya, pero tila nililipad ng hangin ang isip nito kung saan. Tahimik na tahimik lang ito at parang hindi mapakali dahil mayamaya ang pagtipa nito sa cellphone. Hindi niya tiyak kung sino ang kausap nito sa cellphone dahil parang binigyan lang ata ng problema ang asawa niya.Nang makarating sila sa Buenavista Resort, nakatanggap ito ng tawag. Nagpaalam pa ito sa kaniya na sasagutin ang tawag, kaya hinayaan lang din naman niya dahil baka nga important iyon. Ang buong akala niya ay sa tabi niya sasagutin ang tawag nito, pero laking gulat niya na lumayo pa ito sa kaniya.Napakunot-noo si Samarra habang nakatingin kay Zachary na naglalakad palayo sa kaniya.Ganoon ba iyon ka-importante at ka-private para hindi niya marinig?Gusto man pagdudahan ni Samarra ang ginawa ng asawa ay hinayaan na lang niya.“Let’s go, love,” kaagad na wika ni Zachary ng bumalik ito matapos ang ilang minuto na pakikipag-usap sa cellphone kung sino man i

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- KISS

    Ang isang linggo na bakasyon na plano nila sa Isla ay tinapos din kaagad ni Zachary. Ayaw nitong mag-take ng risk kung sakali man na umulan ulit mamaya katulad kahapon. Katwiran nito, hindi nila pareho kabisado ang Isla at kahit na maganda ang panahon ngayon ay wala rin kasiguraduhan na hindi uulan. Ayaw pa man umuwi ni Samarra ay wala na rin siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa desisyon ni Zachary. Pakiramdam niya, mas parang nagka-trauma pa ata si Zachary kaysa sa kaniya. Hinayaan na lang niya ito na magligpit ng kanilang gamit at magligpit ng mga kalat habang siya ay nasa balkonahe para pagsawain ang mga mata sa mala-crystal beach ng Isla.Maganda ang sikat ng araw at maaliwalas. Maganda kung itinuloy nila ni Zachary ang unang plano nila na mag-island hopping at doon na rin sa yacht magpalipas ng gabi. Kung sakaling matuloy iyon, siya na ata ang pinakamasayang babae. Naranasan naman niya ang mag-island hopping sa Hawaii at maglibot sa dagat gamit ang malaking yate na pagmama

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2-SHOWER

    Pareho pa nilang habol ang kanilang paghinga matapos ang mapugtong halik na binigay ni Zachary sa kaniya. Itinukod niya kaagad ang dalawang kamay sa malapad na dibdib nito para magkaroon nang kaunting espasyo sa pagitan nilang dalawa.Si Zachary na yakap-yakap pa rin siya at mas lalo siyang hinapit. Naramdaman niya ang masuyong paghalik nito sa ulo niya kahit na marahas pa rin ang paghinga nito. Nang umangat ang kamay nito mula sa baywang niya pataas. Kaagad niyang pinigil ito ang mga kamay nito.“M-masakit pa ang katawan ko,” naaalarma na wika niya. Yumuko siya kaya ang labi ng asawa na sasalubong sa labi niya ay sa ilong niya tumama.Lumayo ito nang kaunti kaya napaangat ang tingin niya. Naniningkit ang mga mata nito na para bang hindi nito na-gets ang sinabi niya."Pardon?""Sabi ko, masakit ang buong katawan ko dahil sa ginawa mo kagabi," halos pabulong na lang niya ang huling salita. Nakakahiya man sabihin iyon pero kailangan. Kung hindi baka malumpo na siya ng asawa. Nanghihina

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- ASSUMING

    NAGISING si Samarra sa masarap at mabango na aroma ng kape na nanunuot sa ilong niya. Wala na siyang katabi at mataas na rin ang sikat ng araw nang matanaw niya sa labas ng bintana. Tila nagdahilan lang ang langit kahapon dahil kung kahapon ay halos walang tigil ang pag-ulan. Ngayon naman ay sobrang tirik ang araw. Tila bang hindi umulan kahapon kasi kay ganda talaga ng panahon ngayon. Nakasuot na rin siya nang maayos na damit at boxer short ni Zachary kaya marahil hindi niya ramdam ang lamig sa buong kwarto. Hindi niya alam kung anong oras siya iniahon ni Zachary sa bathtub kagabi. Marahil sa sobrang pagod at antok na nararamdaman niya kaya hindi na niya namalayan ang lahat. Tumagilid siya ng higa at doon niya nakita sa ibabaw ng nightstand ang isang tasa na umuusok pa. Kaagad na kumalam ang sikmura niya. "Good morning, my gorgeous and lovely wifey." Nakatapis lang ng twalya si Zachary nang magsalita mula sa likuran niya. Kalalabas lang nito ng banyo at may hawak pa ng isang malii

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- SLEEP

    Hindi maipaliwanag ni Zachary ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Para siyang nakalutang sa cloud nine habang yakap-yakap niya ang hubad na katawan ni Samarra.Mahimbing ito na natutulog sa dibdib niya habang siya naman ay hindi dalawin ng antok.Halos dalawang oras na ata siyang nakatitig sa magandang mukha ng asawa habang nakatakip sa hubad nilang katawan ang kumot na puti kung saan may tuyong marka ng pagkabirhen nito.Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyari ang lahat ng iyon sa kanila. Binigay ng asawa niya ang isang regalo na kailan man walang makakatumbas na kahit sino. Hindi niya alam kung bakit parang napakaemosyonal niya habang pinagmamasdan ang asawa.Buong buhay niya mula sa magulang hanggang sa dating nobya niyang si Claudel. Palagi siyang nakakaramdam ng kakulangan. Para siyang bata na naghahanap ng palagi ng kalinga.Tanging kay Samarra lang niya naramdaman ang kapanatagan. Kahit simpleng hawak lang nito sa mga kamay niya. Alam niya ito 'yong babae na hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status