INIP NA INIP si Samarra habang nakaupo sa mahabang upuan ng audience racetrack bench ng Sydney Dragway.
Tumingin siya sa kaniyang relo.
It’s four o’clock in the afternoon. Halos lampas ng isang oras na niya hinihintay si Ezekiel pero ni anino nito ay hindi man lang niya nakita.
Napakagat labi si Samarra kapagkuwan kinuha niya ang cellphone sa bag para tawagan niya si Ezekiel.
Wait….
Biglang natigilan si Samarra at napaisip kung tatawagan ba niya si Ezekiel o maghihintay na lang siya rito kung kailan ito darating.
Oh, God! What should I do?
Should I dial his number?
Frustrated ang mukha ni Samarra habang nakatigtig sa cellphone na hawak niya.
What if she goes back home alone?
Bigla siyang napatayo sa naisip.
Kung uuwi siyang mag-isa ‘di kaya mapahamak ang kaniyang assistant na si Jameson sa magulang niya?
Wala sa bansa ang magulang niya dahil um-attend ang mga ito sa isang business conference na gaganapin sa Spain kaya hinabilinan ng Daddy Frost niya si Ezekiel na samahan muna siya sa mansyon nila habang wala ang mga ito. Ang magulang naman ni Ezekiel ay noong isang araw pa umuwi sa Pilipinas dahil may aasikasuhin din na mahalaga.
Kaya kung aalis siya ngayon?
Malamang sa malamang ay mapapahamak si Jameson dahil sa kaniya at ayaw niyang mangyari ‘yon sa assistant niya.
Nahahapong napaupo muli si Samarra dahil sa naisip. Ang kaniyang likuran ay isinandal niya sa backrest ng upuan kapagkuwan ay tumingala sa langit.
Napangiti siya nang mapait ng mapansin ang hugis ng ulap na tila mukha ni Ezekiel ang nakikita niya.
Buhat nang malaman niya na hindi si Ezekiel ang kaniyang mapapangasawa, may kung anong pinong kurot sa puso niya na hindi niya kayang pangalanan. She knows she has feelings for Ezekiel, whether she admits it or not.
Kung may kakayahahan lang siya na tumutol sa magulang niya, gagawin niya talaga. ‘Wag lang matuloy ang kasunduang kasal sa kapatid ni Ezekiel.
Sino ba kasing may gusto na mapunta sa sitwasyon niya? Na ‘yong gusto niyang lalaki magiging future brother-in-law niya pa. Ni sa hinagap ayaw niyang maging komplikado ang magiging sitwasyon niya kung sakaling magkaroon siya ng asawa.
Oh, God! How is she going to get out of this? She has never met the younger brother of Ezekiel, whom she will marry three years from now. She is unable to wed a man she doesn't genuinely love.
Kaya kung hihilingin ni Ezekiel na tumakas sila at magpakalayo-layo gagawin niya. Handa niyang iwanan ang maganda niyang buhay makasama lang ito. Pero papaano niya gagawin ‘yon kung wala naman sinasabi si Ezekiel kung gusto ba siya nito o hindi?
Alam niya nakatakda na rin ikasal si Ezekiel sa apo ng kaibigan ng lolo nito. Parehong-pareho ang kanilang magiging sitwasyon ni Ezekiel ang makasal sa taong hindi pa nila lubusan na kilala.
Mas madaling isipin kasi na kung si Ezekiel ang mapapangasawa niya. At least alam na niya ang ugali nito at kaya niya pang pakibagayan kahit na napaka-arogante at dominante ito.
Isang pang buntong-hininga ang ginawa niya at bagot na bagot inilibot ang tingin sa buong racetrack. Nakita niya ang kaniyang pinsan na si Luther na papasok sa loob ng racetrack.
Huminga siya nang malalim at isinandal muli ang likuran sa upuan. Nakatingala siya sa langit at nagmuni-muni. Kapag sumapit ng ala singko ng hapon at hindi pa dumating si Ezekiel. Kahit magalit ito sa kaniya ay uuwi na lang siya na mag-isa. Tutal nandito pa naman ang pinsan niya na puwedeng pagbilinan kung sakaling magkasalisi sila ni Ezekiel.
Ikinurap-kurap ni Samarra ang mga mata at nakakaramdam na rin niya ng antok. Ipinaling niya ang ulo sa magkabilang dulo ng inuupuan niya. May mangilan-ngilan na tao na nakaupo sa kahanay niyang upuan.
Ipipikit na sana ni Samarra ang kaniyang mga mata ng makarinig siya ng matinis na tilian at hagikgikan animo’y mga kinikilig. Nagtutulakan pa ang mga ito na parang may gustong puntahan. She thought that the group of girls the same age as her.
Ipinikit ni Samarra muli ang mga mata at hindi na niya gaanong binigyan pansin ang mga babae.
"OMG! Il était si chaud!” impit na tili ng isang babae sa grupo.
Napadilat muli siya ng mata at nilingon ang mga babae. Kitang-kita ng dalawa niyang mata ang isang matangkad na babae na nakatayo na pulang-pula ang mukha at parang pigil na pigil ang kilig nito.
Kung sino man ang tinutukoy ng mga ito na hot malamang sobrang hot talaga 'yon, kasi parang sinisilihan ang puwet ng babae kung kiligin dahil may paghampas pa ito sa mga balikat ng kaibigan.
Agad na iginala niya ang mata sa buong paligid ng racetrack at sa gilid ng peripheral views niya nakita niya ang kaniyang pinsan na si Luther na kabababa lang ng sports car nito.
Napailing na lang si Samarra ng ulo at napangiti.
Wala naman kasing kupas ang kaguwapuhan ng pinsan niyang si Luther halos lahat ng kababaihan sa racetrack ay talagang inaabangan ang pinsan niya.
Kinuha ni Samarra ang towel bag niya at inilagay niya sa mukha. Itutuloy na lang niya ang naudlot na pag-idlip dahil sa tilian ng mga babae.
Ipinikit niyang muli ang mata.
“Je crois qu'il est asiatique, probablement philippin,” obserbasyon na wika ng isang babae.
Nanatili lang nakatakip ang mukha ni Samarra ng towel pero ang tainga niya ay nanatiling nakikinig sa mga babae. Kuryosidad man si Samarra ay pinigilan niya pa rin ang sarili na tingnan at alamin kung sino ang tinutukoy ng mga ito. Alam niya na hindi ang pinsan niyang si Luther ang tinutukoy ng mga ito dahil ang pinsan niya ay walang bahid na Pinoy.
“OH MON DIEU! Il se dirigeait dans notre direction,” anang pa ng isa na may kaba sa boses nito.
Hindi na nakatiis si Samarra ay inis na inalis na niya ang towel na tumatabing sa mukha niya. Agad na sinundan ng mata niya ang itinuturo ng isa pang babae sa kasamahan nito. Sabay-sabay pa ang mga ito na naghagikgikan na animo’y kinikilig sa nakita.
Mula sa kinauupuan kitang-kita niya si Ezekiel sa ‘di kalayuan na naglalakad papalapit sa kinauupuan niya.
Napaayos siya bigla ng upo.
Ezekiel had a gorgeous, well-toned figure, shown by his white t-shirt. He was dressed in rugged jeans that fit him perfectly. He walks like a Greek God, making ladies turn their heads to him.
Awtomatik pa na napakunot ang noo niya ng makita niya ang isang babae na humarang sa dinadaanan ni Ezekiel. Sa tingin niya ay kasing edad lang ‘yon ng lalaki. Muntik pa na mapairap si Samarra ng natatawang hinaplos ng babae ang braso ni Ezekiel kapagkuwan ay inilapit nito ang mukha sa tainga ng lalaki.
Hindi na naalis-alis ang pagkakunot ng noo niya. Mula sa pagkakaupo ay mabilis siyang napatayo ng paraanan ng babae ang isang hintuturo sa dibdib ni Ezekiel habang kagat ang labi na tila inaakit nito ang lalaki.
Agad na umahon ang inis sa dibdib niya hindi sa babae kundi kay Ezekiel mismo dahil parang natutuwa pa ito sa babaing walang pakundangan na nagpapakita ng interest dito.
Men will always be men. Their weak point is a woman with large breasts wearing a little dress.
Napailing ng ulo si Samarra.
I hate you, Ezekiel!
“Whoa, la fille est si coquette; Je la déteste!” Gigil na wika ng isang babae na tumayo.
Napalingon si Samarra sa gilid niya.
Kita niya ang inis sa mukha ng babae dahil ang plano nitong salubungin si Ezekiel ay naudlot dahil sa babaing hitad. Tila katulad niya ay inis na inis din ito sa babaing panay ang dikit ng s**o kay Ezekiel.
Huminga nang malalim si Samarra at ipinikit nang mariin ang mata kapagkuwan ay pabagsak siyang naupo sa upuan. Isinandal niya ang likod sa backrest at kinuha niya ang towel para gawing pantakip sa mukha niya.
Today is the first time she has felt insecure and jealous of others. She was afraid of what might happen if Ezekiel was tempted.
Napanguso si Samarra at pumikit nang mariin habang pinapakalma ang sarili.
Come on, Samarra! Why are you so jealous and worried? You're marrying his youngest brother, not him! Galit na kastigo niya sa sarili.
Mabilis na napamulat ng mata si Samarra ng may humalik sa noo niya ang dalawang kamay niya ay agad niyang itinukod sa dibdib nito para magkaroon ng espasyo sa pagitan nila.
Nabungaran niya ang nangingiting mukha ni Ezekiel na tila masayang-masaya ito. Ang noo nito ay sadyang idikit sa noo niya na halos gahibla na lang ang pagitan ng mga bibig nila.
Oh, God! Impit na d***g niya.
Napalunok pa siya habang ang mata niya ay namimilog at hindi inaalis ang tingin sa lalaki.
“What are you thinking?” Masuyong hinaplos pa nito ang pisngi niya na ikinapigil ng pagsinghap niya.
“Thinking of what?” takang tanong niya na nagpangiti lang dito na tila may nakakatawa sa sinabi niya.
Ang mukha nito ay lumipat sa tainga niya at binigyan ng masuyong halik na nagpatindig ng balahibo niya. Animo’y may milyong-milyon na boltahe ang nanunulay sa katawan niya. Ang puso niya ay tumibok nang mabilis na tila may sinalihan na fun run racing.
"How do you feel about me talking to random girls? You caught my attention earlier, those jealous eyes. Your lips parted, and you murmured something... Did you curse me?"
Naniningkit ang mata ni Samarra sa inis at pagkapahiya dahil literal na alam pala nito na nakatingin siya kanina sa gawi nito.
Pero s’yempre hindi niya aaminin ‘yon!
"Of course not! I'm not cursing you!" mabilis niyang tanggi sa paratang nito.
Napangisi ito.
“You're undoubtedly jealous, huh!” Hayun na naman ang mapanuksong tingin ni Ezekiel sa kaniya na tila confident ito sa mga sinasabi.
"Oh, please...Kiel. Stop being so arrogant! Maybe I was staring at you there, but I don't care if you want to flirt with that girl. Or even if you dated her!"
Pilit niyang itinutulak ang dibdib nito para mapalayo niya ito sa kaniya. Pero hindi nagpatinag si Ezekiel sa tulak niya bagkus ay hinawakan pa nito nang mahigpit ang dalawa niyang kamay at ibinaba ‘yon sa magkabilang gilid niya.
Tumawa nang mahina si Ezekiel kapagkuwan ay pinakawalan na nito ang mga kamay niya. Ang dalawang kamay nito ay isinuksok sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon.
Umiling-iling pa ito ng ulo habang ang mga mata nito ay hindi inaalis sa kaniya.
“Miel…Miel,” nangingiting bigkas nito sa pangalan niya. “No matter what you do, you are gorgeous,” dagdag na wika pa nito habang ang mata nito ay amused na nakatingin sa kaniya. Ang isang kilay nito ay nakataas na nagpadepina sa guwapo nitong mukha.
I'm dead!
Napalunok si Samarra.
"You are the only one I have waited so long for, so don't be jealous of the other women I talk to. I was in love with you when you were nine years old."
Kinurap-kurap ni Samarra ang mga mata kapagkuwan ay pumikit nang mariin. Hindi siya sigurado kung nakaringgan lang ba niya si Ezekiel o ano?
Naniningkit at patalim nang patalim ang tingin ni Samarra kay Zachary. Nakapaling ang ulo ng asawa sa may gawing bintana na hindi niya alam kung nagagandahan ba talaga ito sa mga tanawin na nakikita o sadyang iniiwasan lang nito na mapatingin sa kaniya.Kasalukuyan na nilang binabaybay ang mahabang daan sa villa escaler patungo sa Phase V ang Mistletoe Village. Exclusive lang iyon sa mga kaibigan ng anak ng may-ari ng Villa Escaler katulad ni Zachary.Tumikhim siya nang may lakasan, pero parang walang naririnig ang asawa niya. Nanggigigil na umisod siya palapit sa asawa, pero tila sinasadya nitong hindi siya pansinin.Tumingin muna siya sa driver na nagkataon na tumingin din ito sa rear-view mirror.Ngumiti siya at pilit na pinapakalma ang sarili.Gustong-gusto na niyang kastiguhin ang asawa dahil sa mga pinagsasabi nito sa magulang nito tungkol sa hindi "nila." Take note, "nila.” Talagang dinamay pa siya nito sa kalokohan na pinagsasabi nito! Hindi nila kailangan ng kasambahay sa mag
Kanina pa pinagmamasdan ni Samarra ang asawa na nasa tabi niya, pero tila nililipad ng hangin ang isip nito kung saan. Tahimik na tahimik lang ito at parang hindi mapakali dahil mayamaya ang pagtipa nito sa cellphone. Hindi niya tiyak kung sino ang kausap nito sa cellphone dahil parang binigyan lang ata ng problema ang asawa niya.Nang makarating sila sa Buenavista Resort, nakatanggap ito ng tawag. Nagpaalam pa ito sa kaniya na sasagutin ang tawag, kaya hinayaan lang din naman niya dahil baka nga important iyon. Ang buong akala niya ay sa tabi niya sasagutin ang tawag nito, pero laking gulat niya na lumayo pa ito sa kaniya.Napakunot-noo si Samarra habang nakatingin kay Zachary na naglalakad palayo sa kaniya.Ganoon ba iyon ka-importante at ka-private para hindi niya marinig?Gusto man pagdudahan ni Samarra ang ginawa ng asawa ay hinayaan na lang niya.“Let’s go, love,” kaagad na wika ni Zachary ng bumalik ito matapos ang ilang minuto na pakikipag-usap sa cellphone kung sino man i
Ang isang linggo na bakasyon na plano nila sa Isla ay tinapos din kaagad ni Zachary. Ayaw nitong mag-take ng risk kung sakali man na umulan ulit mamaya katulad kahapon. Katwiran nito, hindi nila pareho kabisado ang Isla at kahit na maganda ang panahon ngayon ay wala rin kasiguraduhan na hindi uulan. Ayaw pa man umuwi ni Samarra ay wala na rin siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa desisyon ni Zachary. Pakiramdam niya, mas parang nagka-trauma pa ata si Zachary kaysa sa kaniya. Hinayaan na lang niya ito na magligpit ng kanilang gamit at magligpit ng mga kalat habang siya ay nasa balkonahe para pagsawain ang mga mata sa mala-crystal beach ng Isla.Maganda ang sikat ng araw at maaliwalas. Maganda kung itinuloy nila ni Zachary ang unang plano nila na mag-island hopping at doon na rin sa yacht magpalipas ng gabi. Kung sakaling matuloy iyon, siya na ata ang pinakamasayang babae. Naranasan naman niya ang mag-island hopping sa Hawaii at maglibot sa dagat gamit ang malaking yate na pagmama
Pareho pa nilang habol ang kanilang paghinga matapos ang mapugtong halik na binigay ni Zachary sa kaniya. Itinukod niya kaagad ang dalawang kamay sa malapad na dibdib nito para magkaroon nang kaunting espasyo sa pagitan nilang dalawa.Si Zachary na yakap-yakap pa rin siya at mas lalo siyang hinapit. Naramdaman niya ang masuyong paghalik nito sa ulo niya kahit na marahas pa rin ang paghinga nito. Nang umangat ang kamay nito mula sa baywang niya pataas. Kaagad niyang pinigil ito ang mga kamay nito.“M-masakit pa ang katawan ko,” naaalarma na wika niya. Yumuko siya kaya ang labi ng asawa na sasalubong sa labi niya ay sa ilong niya tumama.Lumayo ito nang kaunti kaya napaangat ang tingin niya. Naniningkit ang mga mata nito na para bang hindi nito na-gets ang sinabi niya."Pardon?""Sabi ko, masakit ang buong katawan ko dahil sa ginawa mo kagabi," halos pabulong na lang niya ang huling salita. Nakakahiya man sabihin iyon pero kailangan. Kung hindi baka malumpo na siya ng asawa. Nanghihina
NAGISING si Samarra sa masarap at mabango na aroma ng kape na nanunuot sa ilong niya. Wala na siyang katabi at mataas na rin ang sikat ng araw nang matanaw niya sa labas ng bintana. Tila nagdahilan lang ang langit kahapon dahil kung kahapon ay halos walang tigil ang pag-ulan. Ngayon naman ay sobrang tirik ang araw. Tila bang hindi umulan kahapon kasi kay ganda talaga ng panahon ngayon. Nakasuot na rin siya nang maayos na damit at boxer short ni Zachary kaya marahil hindi niya ramdam ang lamig sa buong kwarto. Hindi niya alam kung anong oras siya iniahon ni Zachary sa bathtub kagabi. Marahil sa sobrang pagod at antok na nararamdaman niya kaya hindi na niya namalayan ang lahat. Tumagilid siya ng higa at doon niya nakita sa ibabaw ng nightstand ang isang tasa na umuusok pa. Kaagad na kumalam ang sikmura niya. "Good morning, my gorgeous and lovely wifey." Nakatapis lang ng twalya si Zachary nang magsalita mula sa likuran niya. Kalalabas lang nito ng banyo at may hawak pa ng isang malii
Hindi maipaliwanag ni Zachary ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Para siyang nakalutang sa cloud nine habang yakap-yakap niya ang hubad na katawan ni Samarra.Mahimbing ito na natutulog sa dibdib niya habang siya naman ay hindi dalawin ng antok.Halos dalawang oras na ata siyang nakatitig sa magandang mukha ng asawa habang nakatakip sa hubad nilang katawan ang kumot na puti kung saan may tuyong marka ng pagkabirhen nito.Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyari ang lahat ng iyon sa kanila. Binigay ng asawa niya ang isang regalo na kailan man walang makakatumbas na kahit sino. Hindi niya alam kung bakit parang napakaemosyonal niya habang pinagmamasdan ang asawa.Buong buhay niya mula sa magulang hanggang sa dating nobya niyang si Claudel. Palagi siyang nakakaramdam ng kakulangan. Para siyang bata na naghahanap ng palagi ng kalinga.Tanging kay Samarra lang niya naramdaman ang kapanatagan. Kahit simpleng hawak lang nito sa mga kamay niya. Alam niya ito 'yong babae na hindi