Share

CHAPTER 4

Author: LOUISETTE
last update Last Updated: 2025-06-13 21:38:59

Dumating si Althea sa mansion ng mga Bonaventura bago mag-alas dose ng tanghali.

Halatang nagulat ang butler ng makita siya. Alam ng butler na may bisitang darating, pero hindi niya inaasahan na si Althea iyon. At sa kasalukuyan ay nasa sala naman si Hendrix kasama ang bunsong anak na babae ng pamilya Mendoza.

Bukod sa mga magulang ng dalawang pamilya, iilan lang sa mga staff gaya nina Ron at nang butler ang nakakaalam na kasal na pala sina Hendrix at Althea.

"Welcome back, ma'am Althea. Sumunod po kayo sa akin." Walang nagawa ang butler kundi sundin ang inutos sa kanya ng amo niyang babae kahit alam niyang magkakagulo kapag nagkita-kita sila sa loob.

Hindi pa man sila nakakarating sa sala ay naririnig na nila ang isang matinis at nagpapa-cute na boses.

“Panalo na naman ako! Hendrix, pinagbibigyan mo lang yata ako eh!”

Natigilan sa paglalakad si Althea sa narinig. Sandaling nag-blangko ang kanyang isipan—pero agad din naman siyang nahimasmasan.

Isang mapait na tawa ang lumabas sa kanyang bibig habang naglalakad sila papalapit sa kinaroroonan ng boses.

Nang makarating sila sa sala ay agad na napatingin si Hendrix sa mga bagong dating at laking gulat niya sa nakita.

“Bakit... nandito ka?” Halos hindi nito matapos ang tatlong salitang iyon.

“Inimbita ako ng nanay mo,” Sagot ni Althea ng malamig, may bahid ng panunuya sa tono nito. “Hindi ba dapat nasa Japan ka? Marunong ka na palang mag-teleport ngayon." Sarkastiko pa nitong dagdag.

Hendrix felt immense guilt, pero alam niyang wala siyang magagawa o masasabi para makabawi kay Althea sa pagsisinungaling niya.

Tumayo naman ang babaeng kasama ni Hendrix at lumapit sa kanya at inilahad ang kamay na tila isang hamon.

“Hi, I'm Iris.” Pagpapakilala nito sa kanya kahit na hindi na kailangan dahil kilala na niya ito, at nagkita na rin naman sila. Hindi ito pinansin ni Althea at trinato na parang hangin na hindi nakikita, kaya naman mababakas ang pagkainis ni Iris sa kanya. Pero walang pakialam si Althea kahit nakakabutas na ang mga tingin ng babae sa kanya.

Sakto namang dumating ang ina ni Hendrix na si Mirasol Bonaventura. She looked displeased to see her. Kita nito ang pagtingin ng ina ni Hendrix sa suot niya. Dahil galing siya sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin niya sa condo niya ay wala siyang makeup at simple lang ang suot, isang maluwag na puting kamiseta at maong. Nakatali lang ang kanyang mahabang buhok. Pero kahit ganoon, makinis pa rin ang kanyang kutis, mapungay ang mga mata, at mapula ang mga labi. Pagkatapos ay may ilang hibla ng buhok na nakalugay sa gilid ng mukha niya na nagbibigay ng inosenteng alindog sa kanya. Pero syempre hindi iyon sapat sa mother-in-law niya. She'll never be pleased with her kahit mag-ayos pa siya. At isa pa, ang alam ni Althea ay narito siya para ayusin ang kasunduan nilang dalawa, pero mukhang kasinungalingan lang iyon at may iba talagang binabalak ang ina ni Hendrix.

Pagkatapos siyang tingnan, at ni hindi man lang binati ay masiglang hinawakan ni Mrs. Mirasol Bonaventura ang kamay ni Iris.

“Are enjoying, hija? Ituring mo nang bahay mo ito.” Masayang sabi nito kay Iris. “Oh by the way, this is Manager Althea an employee from our company—may pag-uusapan lang kami.”

Alam ng butler na mag-aswa si Hendrix at Althea, kaya ang pagtawag sa kanya bilang empleyado ng kompanya ay naging malinaw na mensahe kay Althea na kahit kailan ay hindi siya itinuring na parte ng pamilya Bonaventura ng ina ni Hendrix.

Nakangisi at taas noong tiningnan ni Iris si Althea. “Ah, empleyado lang pala.” Kutya nito.

Hindi tumingin si Althea sa kanila, tanging kay kay Hendrix lang siya nakatitig. Sa mukha nito. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ng asawa niya.

Pero nanatiling malamig at walang imik si Hendrix. Ni hindi man lang siya ipinagtanggol, o nilinaw kung ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa.

“Mrs. Bonaventura,” Baling ni Althea sa kanyang biyenan, “Di ba may pag-uusapan pa po tayo?” Gusto na niyang makaalis sa lugar na to kaya naman siya na ang nagbukas sa kung ano ba talaga ang dahilan ng pagpunta niya rito.

“Sa ibang araw na lang,” Sagot ni Mrs. Bonaventura sa kanya. “At tutal nandito ka na rin lang, dito ka na mag-lunch.” Nakangising paanyaya nito.

“Maraming salamat nalang po, pero may kailangan pa po kasi akong gawin. Mauna na po ako." Paalam ni Althea rito at tumalikod na.

“Ganyan ka ba makipag-usap sa nakatatanda?” Singhal ng ina ni Hendrix. “Walang modo!"

Huminto si Althea at muling humarap sa biyanan niya, pigil na pigil siyang sagutin ito sa harap harapang pamamahiya. “Alright.” Walang gana niyang sagot.

Umupo siya sa isa sa mga bakanteng upuan. Si Iris naman ay agad umupo sa tabi ni Hendrix at kumapit sa braso nito na parang tuko. "Hendrix, maglaro ulit tayo." Pagyaya nito.

Maingat na binawi ni Hendrix ang braso niya, at ang mga mata’y nakatingin lang kay Althea.

“Marunong ka bang maglaro ng chess, Manager Althea?” Sa kanya nalang binaling ni Iris ang atensyon dahil hindi siya pinansin ni Hendrix.

Tiningnan ni Althea ang mamahaling glass chess set sa mesa.

Hindi naman sa hindi na siya marunong, pero ayaw niyang makipaglaro rito. Pero dahil naiinis siya sa hindi pagtatanggol sa kanya ni Hendrix kanina ay tinanggap niya ang paghamon nito. “Hindi ako ganun kagaling, pero kung gusto mo akong kalabanin ay pagbibigyan kita."

Agad na kumunot ang noo ni Hendrix at may babalang sinamaan ng tingin si Althea.

Inayos naman na ni Iris ang chess board. “White o green?” Tanong nito.

"Green." Sagot ni Althea at inayos na ang sa kanya.

Nakangisi habang nanonood si Mrs. Bonaventura, nakita kasi niya kanina kung gaano kahusay maglaro si Iris kaya sigurado siyang matatalo agad nito si Althea.

Kompyansa rin si Iris na mananalo siya, kaya bawat tira niya ay ngumingisi siya para ma-intimidate si Althea sa galing niya. Sunod-sunod ang agresibo niyang atake. Hindi itinatago ng ina ni Hendrix na pinapaburan at pinupuri ang bawat tira ni Iris, habang minamaliit naman nito ang tila walang direksyong galaw ni Althea.

Pero habang tumatagal ang laro ay hindi na mapakali si Iris. Lahat kasi ng galaw niya ay naboblock ni Althea at nakakain ang mga nilalatag niya. Paubos na din ng pawns niya. Sa tuwing malapit na siyang manalo ay maboblock nanaman ni Althea ang winning moves niya. Nauubusan na siya ng mga galaw dahil sa limitadong chess piece na natira sa kanya.

Maya maya pa ay nakakita siya ng pag-asa para manalo. Mabilis niyang itinira ang huli niyang baraha. “Check mate!” Nagtatatalon na sa tuwa si Iris.

Pagkatapos ay nakakainsultong ngisi naman ang ipinukol ni Mrs. Bonaventura kay Althea.

Pero bago pa man tuluyang makapagcelebrate ang mga ito ay muling tumira si Althea. Naglagay siya ng harang sa tapat ng King, hindi napansin ni Iris ang chess piece na iyon ni Althea kaya tuloy pa din ang laban. Walang nagawa si Iris kundi tumira ulit, pero hindi pa din ito nauubusan ng kompyansa.

"Checkmate! I won!" Masayang deklara ni Althea at natigilan si Iris sa pagpapacute niya kay Hendrix.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vilma Bautista
nakakasakit nman nang loob pag ganyan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 161

    "How was your first day, Althea?" Tanong ni Arturo nang makasakay na sila sa loob ng sasakyan."It was great." Masayang sagot ni Althea. Sa kabuoan ay naging okay naman ang lahat. She was able to meet the chairman, and ced her first meeting. Kung may hindi man umayon, it's probably the coffee incident kung saan nagalit si Ivy sa kanya. Hindi din alam ni Althea kung alam na ba ni Arturo ang tungkol sa pagdating ni Ivy, so she didn't mention it lalo pa at nariyan si Giovanni."Mabuti naman kung ganun. Nagluto ako ng marami, kaya sa penthouse ka na kumain. Let's celebrate your 1st day at work." Kaswal lang na pagyaya ni Arturo sa kanya, habang yung may-ari ng penthouse ay tahimik lang sa tabi ni Althea."Naku—""Okay lang naman di ba, sir? Mas masaya kumain kapag may kasabay ka." Tatanggi pa sana si Althea, kaso inunahan naman siya ni Arturo.Sa isip ni Althea ay wala na siyang rason para makikain pa sa bahay ni Giovanni. That only happened because she was injured at dahil sa biglang pag

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 160

    Nang may natira sa lunch break nila Althea ay tinuruan pa siya ni Oscar ng mga dapat niyang gawin. It wasn't complicated stuff, just the basics, and mostly paghahati nila ng trabaho ni Oscar.During the 2:30 PM meeting, hinayaan siya ni Oscar na gawin ang majority ng mga preparations as her first real task. Althea sends the notice to the departments na kasama sa meeting, and prepared the materials for the executives. She even made them coffees at hinandle din niya ang slides na ipepresent ng magrereport. She was able to familiarize herself sa magiging flow ng meeting even on a short notice. Everything went smoothly, and the chairman and CEO was so satisfied with the presentation dahil walang may nagkamali. "Good job!" Pabulong na sabi sa kanya ni Oscar.Pabalik na sila ngayon sa 12th floor from the conference room. Pumasok na si Althea sa opisina niya, at si Oscar naman pinatawag ni Giovanni sa opisina nito.She immediately checked her schedule at wala na siyang gagawin.Naiclear na

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 159

    "Alright. I understand. Basta yung promise mo!" Paalala naman ni Iris sa kuya niya. "Mas okay na makita ako ni Hendrix in an unstable state para maawa siya sa akin." Ngumiti nalang si Joseph sa dinugtong na iyon ng kapatid niya para matapos na ang pag-uusap nila. After Joseph's visit ay sa kwarto na niya siya nagpahatid. At nang iwan na nga siya ng nursing assistant sa kwarto niya ay agad na nilabas ni Iris ang maliit na bote na naglalaman ng gamot at ininom ang laman niyon. In just a few minutes, the hallucinogen is already taking effect. Pero habang hindi pa ito tuluyang umeepekto ang gamot at may natitira pa siyang kontrol sa katinuan niya ay umarte siyang tumatawa at sunod ay nagwawala para mas kapanipaniwala kapag narinig siya ng isa sa mga batantay, at isipin nitong inaatake siya. Lingid sa kaalaman niya ay kanina pa nakasunod sa kanya si Dr. Lopez. At ang nursing assistant na naghatid kay Iris ay nasuhulan na nito na huwag ilock ang pinto ng kwarto ni Iris. Maya-maya pa

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 158

    Nakatanaw si Dr. Serano mula sa glass wall ng recreational room at nakatingin sa isang pasyente na dinala dito noong nakaraang araw lang."Ginawa nyo ba ang sinabi ko?" Tanong ni Dr. Serano sa head psychiatrist ng Hope Psychiatric Care Center, isang private psychiatric ward kung saan dinala si Iris Mendoza."Yes, Dr. Serano. At tama po kayo. Chineck nga namin ang kwarto niya at may nakita kaming bote ng hallucinogens. Nagbabaliw-baliwan nga lang talaga ang Iris Mendoza na yan para takasan ang mga kasalanan niya." Sagot ni Dr. Lopez. "Pero tulad po sa inutos ninyo, pinalitan namin ng mas mataas na uri ng hallucinogens ang nakatago sa kwarto niya." Dagdag na bulong nito."Good. I know I can always count on you, Dr. Lopez." Dating estudyante ni Dr. Serano ang kausap kaya hindi na siya nahirapan pang maghanap ng mauutusan ng tawagan siya ng abogado ni Giovanni noong nakaraang araw."Wala po yun, alam nyo namang kayo ang paborito kong professor. At isa pa, nakakainis na ginagawa tayong la

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 157

    "I-I'm sorry!" Agad niyang sabi ng maabutan niya si Giovanni at Ivy na magkayakap. "Stop." Pagpigil sa kanya ng boss niya dahil lalabas na sana ulit siya. "Don't you know how to knock!" Agad namang bulyaw ni Ivy kay Althea. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadyang maistorbo ang—" Hindi alam ni Althea ang idudugtong niya. Hindi naman kasi niya alam na maghaharutan ang dalawa sa loob ng CEO office. At dahil nga nagmamadali siya, she forgot to knock. Sa isip din niya ay baka nasa office pa ng chairman si Giovanni at umalis naman na si Ivy. "Is there something you need?" Tanong sa kanya ni Giovanni. "I'm just here to deliver your coffee, sir." Sagot ni Althea at hindi makatingin ng diretso rito. "Then bring it here." Utos ni Giovanni. Agad namang sinamaan ni Ivy ng tingin si Giovanni. She already made him coffee, kaya bakit niya ito inuutusang dalhan siya ng kape? "But I already made you some." Hindi napigilan ni Ivy na magreklamo. "Get this and get out of my office." Itinulak ni

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 156

    NANG HILAHIN siya ni Oscar palabas ng opisina ni Giovanni ay agad siya nitong inorient. Oscar helped her with the onboarding paperwork, gave her the access card she needed, and walked her through the company, introducing the different departments and the executive floors since she would inevitably have to deal with them in the future. Agad na kumalat ang balita ng pagdating ni Althea. People already heard about what happened in the London branch, pero hindi kompleto ang detalye ng chismis na nakalap nila. Pero alam na alam nila ang tungkol sa detalye ng pagkakakilanlan ni Althea rito sa Pilipinas because rumors had spread before that the CEO had finally recruited a secretary he was very satisfied with, at dahil curious sila sa kung sino ang napili ng napakastrikto nilang boss ay agad silang nag-imbestiga at nalaman nila na ito ay walang iba kundi ang dating project manager ng Buenaventura group of companies. Alam din ng mga ito na girlfriend siya ng CEO ng Buenaventura group. After

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status