Share

CHAPTER 5

Author: LOUISETTE
last update Last Updated: 2025-06-13 23:22:57

Nadouble check siya ni Althea, kaya kahit na anong move ang gawin ni Iris ay wala na siyang kawala.

“N-Nauna akong makacheckmate sayo, kaya panalo pa rin ako!” Ayaw magpatalo ni Iris at ipinaglalaban pa din ang panalo daw niya kanina.

“Ang simple lang ng rules pero hindi mo pa maintindihan. Kaya hindi ka mananalo sa akin eh.” Sagot ni Althea rito.

Namula sa galit si Iris, at sigaw nang sigaw ng rematch. Pumayag naman si Althea dahil gusto niyang mapahiya ang mother-in-law niya sa inaasal ng pinapaburan nitong maging daughter-in-law.

Pangalawang laro. Pangatlo. Pang-apat… Minsan pinatatagal ni Althea ang laban para isipin ni Iris na may pag-asa siya tapos ay maguguho ang pangarap nitong manalo, minsan naman mabilis ang panalo na tila ba pinaglalaruan lang niya ang katapat.

“Tama na!” Itinulak ni Hendrix ang mga chess piece kaya nasira na ang laban. Ikalimang match na kasi ng dalawa at ni minsan ay hindi man lang pinagbigyan ni Althea na manalo si Iris. Agad namang umiyak sa dibdib niya ang talunang babae, akala mo ay pisikal na sinaktan ni Althea kung makaiyak ito kay Hendrix.

Pinakalma naman ni Hendrix ang babaeng nakayakap sa kanya, kaya naparolyo nalang ng mga mata si Althea.

“Chess lang ‘yan! Bakit ka ganyan ka-seryoso? Talagang ‘yan ang ugali ng galing sa mababang pinanggalingan—makitid ang isip, selosa, at laging palaaway?” Pinagsisigawan naman siya ni Mrs. Bonaventura.

Nasaktan ng sobra si Althea sa sinabi ng ina ni Hendrix, kaya naman agad siyang tumingin sa asawa niya, humihingi ng tulong na ipagtanggol siya nito. Pero wala. Wala itong ginawa at mas pinili pang patahanin ang babaeng parang tuko na nakakapit sa kanya.

Iyon na ang naging huling mitsa na mawala ang lahat ng natitirang nararamdaman niya para sa asawa. Ang dating malinaw nitong puwang sa puso niya ay lumabo, parang salaming nabasag at hindi na kailan man mabubuo. Hindi na niya makita ang lalaking minahal niya noon.

Sa inis ay ibinagsak niya nang walang ingat ang mga piyesa sa board at tumayo, pagkatapos ay umalis ng walang paalam.

Paglabas ni Althea ay agad siyang nakaramdam ng ginaw dahil mukhang nagbabadya ang masamang panahon, pero sa bandang palad niya ay may mainit siyang nararamdaman, nang tumingin siya kanyang kamay ay napansin niyang napabaon pala ang kanyang kuko sa palad sa sobrang inis kaya dumudugo ito.

“Althea!” Tinawag siya ni Hendrix, kahit papaano ay nakadama siya ng konting pag-asa nang sumunod sa kanya ang asawa niya.

Pero nang lalapit na sana si Hendrix ay mahigpit siyang niyakap ni Iris, humahagulgol at nagkukunwaring nanghihina hanggang sa nahimatay ito. Nagmamadaling binuhat at dinala ito ni Hendrix sa loob at tuluyan na siyang iniwan.

She left the mansion, at hindi pa man siya nakakalayo ay sunod-sunod ang pagtawag ni Hendrix sa kanya kaya agad niya itong binlock. Pagkatapos, nagpadala siya ng text sa kanyang biyenan.

“150 million.” Halos atakihin sa puso si Mrs. Bonaventura sa nabasa niya. Alam kasi niya kung ano ang ibig sabihin nito.

Habang nagmamaneho ay napansin niyang dumilim ng husto ang langit. Ilang saglit pa ay nagsimula na ngang bumuhos ang malakas na umulan, kasabay ng bawat patak ay hindi din mapigilan ni Althea ang paglipad ng isipan niya. Paulit ulit na pumasok sa isipan nya ang pang-iinsulto ng mother-in-law niya, at ang pagpili ni Hendrix kay Iris kaysa sa kanya. Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa mga luhang rumaragasa sa pisngi niya, hanggang isang nakakasilaw na liwanag ang nagpataranta kay Althea at nagpabalik sa kanya sa tamang pag-iisip. Isang kotse ang sumingit sa harapan niya at sa sobrang kaba ay agad siyang prumeno.

Biglang may bumangga sa likuran niya kaya paulit-ulit na tumama ang ulo niya sa manibela, at nang tumigil na ang komosyon ay wala siyang ibang makita kundi kulay pula. Kumuha si Althea ng tissue at pinunasan ang dugo sa kanyang mata dahil nahihirapan siyang makakita.

Habang abala siya sa paglinis ng sugat niya sa noo ay may kumatok sa bintana ng kotse niya kaya ibinaba niya ang salamin.

Sa labas ay may lalaking sa tingin niya ay nasa edad limangpu pataas, naka-salamin at may hawak na itim na payong ang tumambad sa kanya.

"Miss, pasensya na po. Hindi ko po sinasadya. Ako po ang nakabangga sa inyo, kami po ang may kasalanan. Pero nagmamadali po ang amo ko ngayon. Pwede po bang magpalitan na lang muna tayo ng contact info? Huwag po kayong mag-alala, sagot po namin ang gastos sa pagpapaayos ng damage sa kotse mo, at pati na din sa pagpapagamot sa hospital.” Offer nito sa kanya.

"Hintayin na lang po natin ang pulis.” Masama na talaga ang pakiramdam ni Althea. Sunod-sunod ang sama ng loob na natanggap niya mula sa asawa at ina nito, tapos ngayon naaksidente pa siya, and there's no one to help her but herself.

Nakipagtalo pa siya sa kausap dahil ipinipilit nito ang offer sa kanya kanina, pero nakipagmatigasan si Althea rito.

Bumaba siya kahit na nahihilo at pinuntahan ang likod ng kotse, nakasimangot habang kinukuhanan ng litrato ang damage sa sasakyan niya. Nayupi ang bumper ng kotse niya dahil sa nakabanggang Rolls-Royce. Tumawag kaagad siya ng pulis para magreport.

Nang makita ng matanda na seryoso siya, bumalik ito sa kotse nila.

“Sir, ayaw pumayag ng babae ng areglo. Gusto niya ng legal na proseso. Ano pong gagawin natin?” Tanong ni Arturo, ang driver ng sasakyang nakabangga sa sasakyan ni Althea.

Lalong lumakas ang ulan, at kahit paulit-ulit ang wiper sa paggalaw ay nababalot pa rin ng ulan ang windshield. Sa loob, nakaupo ang isang lalaki, nakasandig lang at nakatitig sa babae. Nakita niyang tumatawag na nga ito ng pulis, hawak ang duguang sentido, at basang basa na ng ulan.

“Sir?” Tanong ulit ng matanda.

Tumingin ang lalaki sa relo, malamig ang titig at halatang nagmamadali. “Parating na si Oscar. Mauuna na ako. Ikaw na bahala rito. Make sure that everything is settled at hindi magkakaproblema.” He instructed.

“Opo, sir.” Sagot ni Arturo.

Bumalik sa loob ng kotse si Althea para sumilong. Nang dumating ang mga pulis ay bahagya ng tumila ang ulan, kasabay ng pagdating ng mga ito ang isang kulay itim na Maybach na nakasunod sa police car.

Muling lumabas si Althea ng lumapit na ang pulis. Mula naman sa kabilang sasakyan ay lumabas muli ang matanda, at may kasama na itong isang matangkad at eleganteng lalaki, maputi at gwapo, iyon lang ay matalim ang mga mata nito. Mukhang napansin ng lalaki ang pagsuri ni Althea sa kanya kaya naman sinamaan siya nito ng tingin.

'Parang pamilyar siya, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.' Sa isip-isip lang ni Althea.

“Ibigay mo ‘to sa kanya.” Kalmadong inalis ng lalaki ang kanyang suit at iniabot sa matanda, tapos ay pumasok na ito sa loob ng Maybach nang hindi man lang lumingon ulit kay Althea.

“Miss, basa na po ang blouse niyo. Paki suot po muna ito.” Iniabot sa kanya ng matanda ang suit.

Napatingin si Althea sa sarili, dumidikit na pala ang puting blouse sa balat niya kaya kitang kita na ang panloob niyang suot.

"Salamat po.” Nahihiya niyang kinuha ang suit at agad isinuot.

Habang nag-uusap ang matanda at ang mga pulis, umalis naman na ang Maybach. Sa huling sandali, nasilayan pa ni Althea ang matalim at perpektong gilid ng mukha ng lalaking nagpahiram sa kanya ng coat.

She could still feel the warmth of the person wearing the suit earlier, pati na din ang banayad na amoy ng perfume nito. For some reason, it gave her comfort.

Natapos na ang police report at nagkasundo sila na babayaran nalang ang damage ng sasakyan niya. Nakipagpalitan din siya ng contact info sa matanda. Inalok pa siya nito na sasamahan sa ospital para ipasuri ang ulo niya, pero tumanggi na si Althea. Kumalma na ang loob niya, at nang isipin niya ang inasal nya kanina ay nahihiya siya sa matandang kausap ngayon na sobrang naging mabait at maunawain sa kanya.

“Pasensya na po kanina, masama lang talaga ang pakiramdam ko. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari, pero nasungitan ko po kayo." Nagiguilting saad ni Althea sa matanda. "Ipapalinis ko nalang po itong suit at ibabalik kapag nagkita ulit tayo.” Dagdag na pangako pa niya.

Hindi na tumutol pa ang matanda. Kilala niya ang kanyang amo—malamang wala na itong balak kunin pang muli ang suit niya, pero tumango siya ng magalang sa sinabi ni Althea.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay mag-isang pumunta si Althea sa ospital.

SAMANTALA, hindi pa rin makontak ni Hendrix si Althea. Patuloy pa rin ang buhos ng ulan, at napupuno ng masasamang kutob ang utak niya.

Hanggang sa nakatanggap siya ng isang tawag na naaksidente si Althea. Dahil siya ang emergency contact ng asawa at kailangan sa police report at maging sa hospital ay tinawagan siya ng mga ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vilma Bautista
sana makakabawi din sya Jan sa hilaw niyanh byanan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 161

    "How was your first day, Althea?" Tanong ni Arturo nang makasakay na sila sa loob ng sasakyan."It was great." Masayang sagot ni Althea. Sa kabuoan ay naging okay naman ang lahat. She was able to meet the chairman, and ced her first meeting. Kung may hindi man umayon, it's probably the coffee incident kung saan nagalit si Ivy sa kanya. Hindi din alam ni Althea kung alam na ba ni Arturo ang tungkol sa pagdating ni Ivy, so she didn't mention it lalo pa at nariyan si Giovanni."Mabuti naman kung ganun. Nagluto ako ng marami, kaya sa penthouse ka na kumain. Let's celebrate your 1st day at work." Kaswal lang na pagyaya ni Arturo sa kanya, habang yung may-ari ng penthouse ay tahimik lang sa tabi ni Althea."Naku—""Okay lang naman di ba, sir? Mas masaya kumain kapag may kasabay ka." Tatanggi pa sana si Althea, kaso inunahan naman siya ni Arturo.Sa isip ni Althea ay wala na siyang rason para makikain pa sa bahay ni Giovanni. That only happened because she was injured at dahil sa biglang pag

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 160

    Nang may natira sa lunch break nila Althea ay tinuruan pa siya ni Oscar ng mga dapat niyang gawin. It wasn't complicated stuff, just the basics, and mostly paghahati nila ng trabaho ni Oscar.During the 2:30 PM meeting, hinayaan siya ni Oscar na gawin ang majority ng mga preparations as her first real task. Althea sends the notice to the departments na kasama sa meeting, and prepared the materials for the executives. She even made them coffees at hinandle din niya ang slides na ipepresent ng magrereport. She was able to familiarize herself sa magiging flow ng meeting even on a short notice. Everything went smoothly, and the chairman and CEO was so satisfied with the presentation dahil walang may nagkamali. "Good job!" Pabulong na sabi sa kanya ni Oscar.Pabalik na sila ngayon sa 12th floor from the conference room. Pumasok na si Althea sa opisina niya, at si Oscar naman pinatawag ni Giovanni sa opisina nito.She immediately checked her schedule at wala na siyang gagawin.Naiclear na

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 159

    "Alright. I understand. Basta yung promise mo!" Paalala naman ni Iris sa kuya niya. "Mas okay na makita ako ni Hendrix in an unstable state para maawa siya sa akin." Ngumiti nalang si Joseph sa dinugtong na iyon ng kapatid niya para matapos na ang pag-uusap nila. After Joseph's visit ay sa kwarto na niya siya nagpahatid. At nang iwan na nga siya ng nursing assistant sa kwarto niya ay agad na nilabas ni Iris ang maliit na bote na naglalaman ng gamot at ininom ang laman niyon. In just a few minutes, the hallucinogen is already taking effect. Pero habang hindi pa ito tuluyang umeepekto ang gamot at may natitira pa siyang kontrol sa katinuan niya ay umarte siyang tumatawa at sunod ay nagwawala para mas kapanipaniwala kapag narinig siya ng isa sa mga batantay, at isipin nitong inaatake siya. Lingid sa kaalaman niya ay kanina pa nakasunod sa kanya si Dr. Lopez. At ang nursing assistant na naghatid kay Iris ay nasuhulan na nito na huwag ilock ang pinto ng kwarto ni Iris. Maya-maya pa

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 158

    Nakatanaw si Dr. Serano mula sa glass wall ng recreational room at nakatingin sa isang pasyente na dinala dito noong nakaraang araw lang."Ginawa nyo ba ang sinabi ko?" Tanong ni Dr. Serano sa head psychiatrist ng Hope Psychiatric Care Center, isang private psychiatric ward kung saan dinala si Iris Mendoza."Yes, Dr. Serano. At tama po kayo. Chineck nga namin ang kwarto niya at may nakita kaming bote ng hallucinogens. Nagbabaliw-baliwan nga lang talaga ang Iris Mendoza na yan para takasan ang mga kasalanan niya." Sagot ni Dr. Lopez. "Pero tulad po sa inutos ninyo, pinalitan namin ng mas mataas na uri ng hallucinogens ang nakatago sa kwarto niya." Dagdag na bulong nito."Good. I know I can always count on you, Dr. Lopez." Dating estudyante ni Dr. Serano ang kausap kaya hindi na siya nahirapan pang maghanap ng mauutusan ng tawagan siya ng abogado ni Giovanni noong nakaraang araw."Wala po yun, alam nyo namang kayo ang paborito kong professor. At isa pa, nakakainis na ginagawa tayong la

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 157

    "I-I'm sorry!" Agad niyang sabi ng maabutan niya si Giovanni at Ivy na magkayakap. "Stop." Pagpigil sa kanya ng boss niya dahil lalabas na sana ulit siya. "Don't you know how to knock!" Agad namang bulyaw ni Ivy kay Althea. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadyang maistorbo ang—" Hindi alam ni Althea ang idudugtong niya. Hindi naman kasi niya alam na maghaharutan ang dalawa sa loob ng CEO office. At dahil nga nagmamadali siya, she forgot to knock. Sa isip din niya ay baka nasa office pa ng chairman si Giovanni at umalis naman na si Ivy. "Is there something you need?" Tanong sa kanya ni Giovanni. "I'm just here to deliver your coffee, sir." Sagot ni Althea at hindi makatingin ng diretso rito. "Then bring it here." Utos ni Giovanni. Agad namang sinamaan ni Ivy ng tingin si Giovanni. She already made him coffee, kaya bakit niya ito inuutusang dalhan siya ng kape? "But I already made you some." Hindi napigilan ni Ivy na magreklamo. "Get this and get out of my office." Itinulak ni

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 156

    NANG HILAHIN siya ni Oscar palabas ng opisina ni Giovanni ay agad siya nitong inorient. Oscar helped her with the onboarding paperwork, gave her the access card she needed, and walked her through the company, introducing the different departments and the executive floors since she would inevitably have to deal with them in the future. Agad na kumalat ang balita ng pagdating ni Althea. People already heard about what happened in the London branch, pero hindi kompleto ang detalye ng chismis na nakalap nila. Pero alam na alam nila ang tungkol sa detalye ng pagkakakilanlan ni Althea rito sa Pilipinas because rumors had spread before that the CEO had finally recruited a secretary he was very satisfied with, at dahil curious sila sa kung sino ang napili ng napakastrikto nilang boss ay agad silang nag-imbestiga at nalaman nila na ito ay walang iba kundi ang dating project manager ng Buenaventura group of companies. Alam din ng mga ito na girlfriend siya ng CEO ng Buenaventura group. After

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status