Share

CHAPTER 3

Author: LOUISETTE
last update Huling Na-update: 2025-06-13 21:24:27

Nang mapansin ni Althea ang pagtitig ng mga kaibigan ni Hendrix sa bandang likuran niya ay lumingon na rin siya, at doon niya nakita na nakatayo pala si Hendrix sa likuran nya at hindi maipinta ang mukha nito.

'Ilang araw siyang hindi umuuwi, at nandito lang pala siya?' Iyon agad ang pumasok sa isipan ni Althea.

Ibinalik niya ang tingin sa mga kaibigan nito, huli na ng mapansin niya na kasama pala ng mga ito si Iris Mendoza. Nakaupo ito sa gitna nila, tumatawa, nakakrus ang mga binti, at nilalaro ang buhok niya na para bang siya ang may-ari ng buong lugar. Pero ngayon ay napalitan ng inis ang mga ngiti nito, na para bang sinira ng pagdating ni Althea ang mood niya.

Pero dahil sa tagpong ito ay naging malinaw ang lahat kay Althea. Madalas na isama ni Hendrix si Iris sa mga lakad nilang magbabarkada kaya hindi na bago para sa kanila ang prisensya nito, kaya nakakapagsalita sila ng ganoon kakomportable, at pati ang hamakin siya ay parang normal lang sa kanila. Baka nga nasa point na ang dalawa na malayang naglalampungan sa harapan mga ito.

Ilang saglit pang natahimik silang lahat bago isa isang nakapagsalita.

"Althea, nagbibiruan lang kami kanina. Wag mo sanang seryosohin yun."

"Tama, at wala talagang relasyon si Hendrix at Iris. Maniwala ka." May sumingit na isa.

"Althea wag kang magagalit ha." Pag-aalo ng mga ito sa kanya.

Gusto nalang tumawa ni Althea sa biglang pagbabago ng tono at pananalita ng mga ito.

"That's enough! Umuwi ka na." Hinawakan ni Hendrix ang kamay ni Althea at sinubukan itong hilahin para umalis na.

Pero hindi siya nagpatinag sa asawa niya. Hinarap niya si Hendrix at pagkatapos ay isinaboy ang lamang wine ng baso niya sa mukha nito.

Lalong natahimik ang buong paligid. Ang ilan sa kanila ay umiwas ng tingin at nagkunwaring may tinitingnan sa mga cellphones nila.

"Go on, hindi naman kita pipigilang makipaglaro sa bago mong laruan kung nagsawa ka na sa akin eh." Malambing at kalmadong saad ni Althea kay Hendrix.

Pagkatapos nun ay malakas niyang tinapik ang kamay ng asawa at nabitawan nito ang kamay niya.

Bumalik si Althea sa kabilang lounge para kunin ang pouch niya dahil uuwi na siya. Hindi niya alam na sumunod pala si Hendrix sa kanya at bigla nalang siyang binuhat nito at isinampa sa balikat niya, at kahit anong pagpupumiglas ang gawin niya ay ayaw siyang ibaba nito.

Pagkabukas ng elevator ay agad na pumasok si Hendrix, tuluyan ng nawalan ng pag-asa si Althea na ibababa pa siya nito kaya tinanggap nalang niya ang kahihiyan na may nakakita sa kanya na ginawang parang sako ng bigas.

Hindi agad napansin ni Althea na may ibang tao pala sa loob ng elevator. Nalaman lang niya ng makita ang pares ng itim na leather shoes, at pants. Nang palabas na sila ni Hendrix sa elevator ay hindi napigilan ni Althea na tumingala, at agad ay nagtama ang tingin nila ng isang lalaking may matalim at malamig na tingin . Sa hiya, kahit madilim naman dahil sa lightings ng club, ay napatakip nalang siya ng mukha at muling tumingin sa ibaba.

Pagkalabas nila sa club ay agad siyang dinala ni Hendrix sa sasakyan nito, at walang kaingat-ingat siyang inilapag sa back seat, pagkatapos ay sumakay rin ito sa loob.

Nakadama Althea ng matinding pagkahilo dahil sa pagbuhat sa kanya ng matagal ni Hendrix sa ganoong posisyon, nakainom pa siya, at walang kaingat-ingat man lang siyang ibinaba.

Habang si Hendrix naman ay kumuha ng wet tissue at pinunasan ang mukha niyang naglalagkit sa wine.

Kumunot ang noo ni Althea nang may mapansing maliliit na kahon sa likod ng tissue box. It looks like a box of condoms.

"Anong ginagawa mo dito ha? Sinusundan mo ba ako? Ano to catch me in the act?" Galit na galit na tanong ni Hendrix.

Hindi siya sumagot at sa halip ay lumabas siya ng kotse nito. Nandidiri siyang isipin na may ginagawa silang kababalaghan ng babae nito sa loob ng kotse.

"Althea!" Galit na sigaw ni Hendrix at sumunod sa kanya. "Saan ka pupunta ha? Pwede bang itigil mo na tong kahibangan mo?" Sermon nito sa kanya habang hinihila siya pabalik sa loob ng sasakyan.

Ayaw man niya ay walang magawa si Althea kundi ang tahimik na sumama dahil sa lakas nito ay wala siyang panama kung mag-tag of war sila sa daan. Hindi agad napansin si Althea na nasa kotse din pala si Ron, at ito ang magdadrive sa kanila pauwi.

Pareho silang tahimik ni Hendrix buong byahe pauwi, pero nang makarating sila ng mansion ay agad na pinaupo siya ni Hendrix sa may sala.

"Sinabi ko na sayo na may project kaming pinag-uusapan di ba? Bakit kailangan mong gumawa ng eksena sa club kanina at ipahiya ako? Hindi mo ba nakita how ugly and ridiculous you looked?" Bulyaw nito, ang kaninang pagtitimpi niya ay sumabog na.

"Fine." Walang emosyong sagot ni Althea rito.

"Kung gusto mong magtagal ang pagsasama natin, itigil mo yang kapraningan mo. Wala akong panahon para bigyang pansin yang mga pagdududa mo, Althea!" Ito ang unang beses na pinagbantaan ni Hendrix ang pagsasama nila.

"Alright." Ganun pa din ang ekspresyon sa mukha niya. Blanko. Malamig.

Nagsalubong ang kilay ni Hendrix dahil para siyang nakikipag-usap sa isang robot. "Huwag mong sasagarin ang pasensya ko, Althea! Tinitiis ko lang ang ugali mong yan." Muling banta nito.

"Huwag kang mag-alala. Hindi mo na kailangang magtiis pa dahil malapit ka nang maging malayang gawin ang gusto mo." Nakangiting bulong niya at tumayo na, leaving Hendrix confused kung bakit siya nakangiti.

Sumunod din naman ito agad sa kanya, pumasok si Hendrix sa banyo at nagshower, samantalang si Althea naman ay sumampa na sa kama. Nang matapos maligo ni Hendrix ay sumampa na rin ito sa kama at tumabi sa kanya, sinubukan siyang yakapin ni Hendrix, pero umuurong siya palayo rito na para bang allergic siya sa katabi.

Mas lalong nakadama ng inis si Hendrix kaya naman marahas niyang hinila ang asawa at ikinulong ito sa bisig niya. Walang nagawa si Althea dahil sa lakas at laki ni Hendrix ay imposibleng makawala siya rito. Lalo pa’t sa higpit ng yakap niya ay mukhang wala itong balak na pakawalan siya.

Kinaumagahan para makaganti dito ay hindi niya ito ipinagluto. Naiinis man ay hindi na nagsalita pa si Hendrix, pero para mapawi ang galit sa kanya ni Althea ay malambing itong nangako na magdidinner date sila sa weekend. Ibinida pa nito ang isang bagong bukas na restaurant na siguradong magugustuhan daw niya.

Pumayag naman si Althea kahit wala siya sa mood, she just want him to leave her alone. Pero tulad nga ng inaasahan niya ay nagcancel si Hendrix last minute dahil sa isang biglaang importanteng business trip sa Japan.

Siguro kaya masyadong mataas ang kompyansa ni Hendrix na gawin ito sa kanya at hindi sila maghihiwalay ay dahil hindi pa nito narerealize kung kailan sila huling kumain ng sabay, o kung kailan sila huling nagkaroon ng quality time. Iniisip nitong kahit ganito na kalamig ang pagsasama nila ay mananatili siya para tiisin ang lahat.

'Ang sabi niya ay hinding hindi mangyayari ang annulment, pero ang totoo ay tinatrato na niya akong parang hangin. Siguro nga kung nawawala ako bukas ay hindi niya mapapansin. Halos hindi na nga siya umuuwi.'

Dahil hindi nga matutuloy ang pinangako nitong dinner date ay nagpasya si Althea na ayusin ang mga gamit niya, unti-unti na niyang inililipat ang mga ito sa condo na lilipatan nya.

Habang nagliligpit ay nagulat nalang siya ng makitang tumatawag ang mother-in-law niya, isang bagay na bihirang mangyari.

"Yes, Mrs. Buenaventura." Pormal niyang sagot rito dahil kapag tinawag niya itong mama ay pagagalitan lang siya nito. She's already tired at ayaw niyang dagdagan pa nito ang stress niya.

"Pumunta ka rito, ngayon na. Gusto kong gawin nating pormal ang kasunduan natin. Para matiyak kong hindi ka na babalik pa sa buhay ng anak ko pagkatapos ng annulment." Sagot nito.

"Opo. Pupunta po ako diyan ngayon na." Sa pagbuntong hininga nalang idinaan ni Althea ang inis niya.

"Bilisan mo." Sagot ng kabilang linya bago siya binabaan ng telepono.

SAMANTALA sa mansion ng mga Buenaventura ay nakatanaw sa balkonahe ang ina ni Hendrix. Nakangiti ito habang masayang pinagmamasdan ang anak niya habang naglalakad sa garden kasama ang anak na babae ng mga Mendoza at magkahawak kamay.

Gusto niyang ipakita at patunayan kay Althea na hindi siya ang karapatdapat sa anak niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sungit❤️Mo
Ay naku althia ang dami mo magagawa..ginawa mo naman tanga ang mga readers eh
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 171

    Muling hinawakan ni Giovanni ang kamay ni Althea. Napapatulala pa din kasi ito at mukhang hindi pa din makapaniwala sa mga sinabi niya.Althea's eyes landed on his hand holding hers, pagkatapos muli niyang tiningnan si Giovanni."Pero bakit ngayon mo nga lang sinasabi lahat ng to?" Muling ulit ni Althea sa tanong na hindi sinagot ni Giovanni."Because you're finally free." Sagot ni Giovanni."Free? Oh, so dahil convenient na sayo that I'm annulled? Ganun?" Hindi maintindihan ni Althea ang nararamdaman niya, pero disappointed siya sa sagot na iyon ni Giovanni, kaya binawi niya ang kamay niyang hawak ng binata.But Giovanni didn't let her pull away. "I didn't confess because I don't want the Mendoza and Buenaventura to have something to throw against you. If I had confessed back then, baka tawagin ka din nilang cheater, at sa takbo ng utak ng mga taong yun, babaliktarin nila ang mga bagay bagay to turn things against you. I don't want them to have that upper hand. Ayokong dumagdag sa ma

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 170

    There was a long silence. Althea heard him clearly, pero parang nag-syntax error ang utak niya at hindi iyon maproseso."S-Sir, if that was a joke, now is the cue para sabihin mong 'joke lang'." The seriousness in Giovanni's face didn't falter, kaya naman siya na ang bumasag ng katahimikan.But instead of answering her, hinawakan ni Giovanni ang kamay niya and placed her palm in his chest. Despite his calm appearance, napakabilis ng tibok ng puso ni Giovanni. "I'm in love with you." Muli nitong ulit."Sandali! Sandali!" Binawi niya ang kamay niya. Napahawak si Althea sa noo nya, at ang kabilang kamay ay nakapamewang. She's trying to process the situation, pero kahit anong gawin niya ay hindi siya makapaniwala sa sinabi sa kanya ni Giovanni. "S-Sa akin?" Iyon lang ang tanging nasabi niya. "Yes." Short, but a certain answer."Sir, masama ba ang pakiramdam mo? Hindi kaya nagkainfection ang sugat mo at umakyat ang bacteria sa utak mo kaya kung ano ano ang mga sinasabi mo ngayon?" Tanong

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 169

    Pero bago pa man muling makareact si Althea sa sinabi ni Giovanni ay hinubad ng binata ang suot na coat and wrapped it around her para hindi siya lamigin.Pagkatapos ay sinundan ng tingin ni Althea ang kamay ng boss niya nang may kinuha ito sa passenger seat sa likuran. Nagulat nalang siya ng bigla siyang suotan nito ng neck pillow, at muli nanamang may kunuha sa likod. This time it's a paper bag full of take outs ng silipin niya ang laman."Eat, then rest afterwards. Mahaba haba ang magiging byahe natin." Saad nito sa kanya and then started driving.Nagtataka si Althea kung saan kinuha ng boss niya ang neck pillow at takeout, eh wala naman iyon sa likod kanina. "Teka!" She shook her head. Hindi kung saan galing ang mga ito ang problema. "What do you mean itatanan? Sino? Ako?" Sunod-sunod na tanong ni Althea."It's not good to talk while driving. I have to focus on the road." Sagot nito sa kanya."Pero paano ako? Paano ako makakapagfocus when you just said something like that?" Confu

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 168

    "You don't know Althea, grandma. So don't talk about her like that." Sagot ni Giovanni. "Kung ipipilit nyo pa din ang gusto ninyo, then hindi tayo matatapos sa pag-uusap na to. My answer stays the same. Aalis ako for a business trip for five days. Kapag hindi nyo pa din natanggap ang desisyon ko, then do what you want. Strip me off my position." He added calmly.Napasapo nalang ng noo si Nelson sa sinabi ng anak."Do you think with your current properties ay magagawa mong humiwalay sa pamilya? Do you think hindi namin malalaman na kinausap mo ang abogado mo para ayusin ang mga properties mo?" Muling bulyaw ng lola ni Giovanni. "Have you really lost your mind over that woman?" She added.Sa halip na makipagtalo pa sa lola niya, Giovanni bowed his head at tumalikod na para lumabas ng study."This brat!" Muling ibinagsak ng matanda ang kamay niya sa lamesa. "If you leave this room, don't even think na may babalikan ka pa!" Banta ni Rufina sa apo, hoping he'll come back, pero nagpatuloy

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 167

    Sa sulok ng pasilyo ay may isang maliit na aparato. Ang totoo ay kanina pa napansin ni Althea nang nasa hall sila ni Giovanni na maraming cctv camera sa paligid, kaya nang sirain ni Ivy ang suot niya ay agad na nagpalinga-linga si Althea to check if may cctv camera din sa bandang ito ng mansion, at hindi naman siya nabigo.Nang makita ni Ivy ang cctv camera, her face turned pale."Oh, bakit parang hindi ka ata makapagsalita? You were so loud earlier. What was that again? I was a jealous bitch, that's why I attacked you and ruined your dress?" Ulit ni Althea sa sinabi ni Ivy sa mga taong tumulong sa kanya na tumayo kanina.Nang marinig ng mga tao ang sinabi ni Althea ay mabilis na nahati ang opinyon ng mga ito. Kanina lang ay kampi ang lahat kay Ivy, pero ngayon ay marami ang mga boses na naririnig niya na mas maganda ngang makita ang footage ng cctv camera para magkaalaman kung sino ba ang nagsasabi ng totoo."I will go and ask the security team for the footage." Sagot ni Arturo."A-A

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 166

    Pilit na inaabot ni Ivy ang balikat ni Althea para hablutin ang strap ng gown nito. Hindi lang nito gustong hubarin ang suot niya, but Ivy wanted to destroy it too. Sa inis ni Althea ay itinulak niya si Ivy palayo sa kanya, at ibinalik rito ang sampal na ibinigay sa kanya nito. "How dare you!" Napahawak si Ivy sa pisngi niya. The slap stings na naluha ang mata niya sa sakit. "That's my line! Who do you think you are to slap me?" Sagot ni Althea rito. "So, tumatapang ka na? Why? Because Gio's backing you up?" Singhal sa kanya ni Ivy. "Nakakapraning talaga kapag walang label no?" Pabalik na singhal ni Althea kay Ivy na mas lalong nagpainis dito. "Ms Ivy ayoko ng gulo, kaya pwede ba hayaan mo nalang ako." Althea tried to walk past her para pumunta na kanila Oscar, but Ivy grabbed her arm again. "I'm not done with you yet! I told you to take this off! You have no right to wear this!" Sigaw nito at muli nanamang binalingan ni Ivy ang suot ni Althea. Hindi alam ni Althea kung bak

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status