LOGINMates are said to be the ones that love, care, cherish and protect you . That once you meet them your souls instantly connect and you will want to do anything to protect them from any harm and keep them by your side forever.But that was not the case for Mahnoor, the moment she saw Badar all she felt was anger, betrayal and sadness.Her mate was not there to protect, care, cherish and love her but was out there to take over her pack.Her mate just like everyone else thought that she is too weak to be an Alpha and lead a packWill Mahnoor ever forgive Badar? Will Badar ever regret his decision?Read to find out
View More“Now, I pronounced you husband and wife. You may now kiss your groom, Julienne,” ani Atty, Salviejo habang malapad na nakangiti sa kaniya.
Napakabilis ng mga pangyayari. Noong isang linggo lang siya niyaya ni Brayden na magpakasal, at heto na sila. Mag-asawa na.
Alanganing gumanti ng ngiti sa tiyuhin ni Brayden si Julienne. Siya naman nga kasi ang nakatatayo sa kanilang dalawa ni Brayden dahil lumpo ang lalaki, kaya siya ang dapat na pumantay rito para maselyuhan nang tuluyan ang kasal nila.
Niyuko niya si Brayden. Mabilis lang na dumampi ang mga labi niya rito. Para nga lang iyong pinaraanan ng hangin.
“Congratulations!” masayang wika ng mga nakapaligid sa kanila.
Naroon ang asawa ni Attorney Ethan na si Mrs. Dayan Salviejo. Naroon din ang pinsan ni Brayden na si Elias na halatang nagulat pa nang malamang ikakasal ang lalaki sa araw na iyon. Wala ang kapatid ni Brayden dahil nasa Amerika ito. Ang mga pinsan nitong sina Dheyna, Rylan, at Khari ay naroon.
Ngunit, taliwas sa halos buong pamilya ni Brayden, ni isa sa kaniyang panig ay walang dumalo. Sino nga bang dadalo roon kung nagsinungaling naman ang mga ito? Isa pa, hindi naman niya ipinaalam sa mga ito ang nagaganap. Hindi rin naman na inobliga pa siya ni Brayden. Ni hindi nga nagtanong ang lalaki sa kaniya kung gusto niyang naroon din ang kaniyang pamilya. Siguro, iniiwasan lang nito na makarinig nang hindi kanais-nais na mga salita. Saka, malakas makiramdam si Brayden. Napansin siguro nitong ayaw rin niyang imbitahan ang pamilyang hindi naman siya itinuring na kadugo.
“Congratulations, hija! Welcome to the family!” magiliw na bati sa kaniya ng Lola Esmeralda ni Brayden bago siya niyakap nang mahigpit.
“S-salamat po,” kiming tugon niya.
Naninibago pa rin siya sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng pamilya ng lalaki. Gaya ni Brayden, hindi man lang nangimi ang mga ito na titigan siya nang walang balabal ang mukha. Ni walang nagtanong sa mga ito kung ano ang nangyari sa kaniya. Normal lang kung ituring siya ng mga ito. Para bang wala siyang nakatatakot na peklat sa mukha.
Siguro nga, hindi importante ang panlabas na anyo sa pamilya ng mga ito. Basta mabuting tao, bukas-palad kang tatanggapin ng mga ito.
“Don’t be shy, hija. I know my grandson would want you to feel at ease in front of us,” anang lola ni Brayden nang pakawalan siya nito.
“She’s right, my princess. Hindi ka na dapat nahihiya sa kanila dahil parte ka na ng pamilya namin,” malambing na singit ni Brayden sa kanila.
Napatitig siya rito. Iba ang dating sa kaniya ng itinawag nito. Para bang ipinahihiwatig niyon na siya lang ang mundo nito at wala ng iba. Na walang kahit na sinuman ang puwedeng makapanakit sa kaniya.
“You are gorgeous. Keep that in mind,” dugtong pa nito bago hinawakan ang kamay niya at kinintalan ang ibabaw niyon ng masuyong halik. Pagkatapos, pinisil-pisil nito iyon.
Nahihiyang bumaling siya sa kanilang mga bisita na pawang may ngiti sa mga labi. Kahit si Mrs. Fontanilla na ngayon ay byenan niya ay abot-tenga ang ngiti sa kanila.
“Ano pa’ng hinihintay natin? The table is waiting for us. Let’s celebrate this beautiful union of Bray and Julie,” anang lolo ni Brayden at nagpatiuna ng maglakad kasama ang asawa nito.
Sumunod sa mga ito ang lahat ng naroon. Sinadya o hindi, pareho silang naiwan doon ni Brayden.
“I know you’re nervous, but don’t be. My family is what you see right now. They won’t judge you unless you did horrible things,” basag ni Brayden sa katahimikan ng paligid.
Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi. “H-hindi lang siguro ako sanay sa ganito. Hindi rin ako sanay na parang balewala lang sa mga kaharap ko ang—”
“Peklat mo?” putol nito sabay iling. “They don’t care, not unless you do. Hindi sila ganoong uri ng tao.”
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya rito dahil hindi pa rin niya mapaniwalaang nangyayari ang lahat ng iyon.
Ngumiti ito. “Have I told you that you’re very beautiful on your dress?” tanong nito.
Napatingin siya sa sarili. Nakasuot siya ng puting bestida na lagpas tuhod niya ang haba. Simple lang iyon pero sleeveless at V-neck ang colar kaya medyo ilang din siyang kumilos. Ang mommy nito ang pumili niyon. Ayaw nga sana niyang lumabas pero mapilit ang ginang. At hindi lang ang damit na iyon ang binili nito para sa kaniya. Halos binili yata nitong lahat ang laman ng boutique na pinuntahan nila. Iyon daw ang utos ng lalaki sa ina. Isa pa, isa na raw siyang Fontanilla kaya nararapat lang daw iyon sa kaniya.
Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok. Hindi sana niya gustong maglagay ng makeup dahil hindi naman siya sanay, pero mapilit pa rin ang ina ni Brayden. Kaya wala siyang nagawa kun’di ang sumunod na lang sa mga nais nito.
“You’re not just beautiful, you’re lovely, Julienne. Kaya huwag kang mahiyang makiharap sa kanila. Naiintindihan mo ba ako?”
Alanganing tumango siya.
Ano pa nga ba’ng magagawa niya? Asawa na niya ang lalaki at madalas na niyang makahaharap ang pamilya nito, kaya wala na siyang iba pang pagpipilian.
“Shall we go? Baka mainip sila sa paghihintay sa atin,” untag sa kaniya ni Brayden.
Tumango siya at pumwesto sa likuran ng wheelchair nito.
“No. I can manage that. Just stay by my side while holding my hand,” pigil nito nang akmang itutulak na niya iyon.
Huminga siya nang malalim at sinunod ito. Pagdating nila sa dining room ay nagkakasiyahan na ang lahat. Pinupuno ng malalakas na tawanan ang buong paligid na ni minsan ay hindi niya nasaksihan sa kanila.
Pumwesto si Brayden sa tabi ng ina nito na sadyang may bakanteng espasyo at siya naman ay sa tabi nito. At sa halip na siya ang mag-asikaso rito, ito pa ang gumawa niyon para sa kaniya.
Bigla ay parang nag-iba ang ihip ng hangin. Siya na ngayon ang pinagsisilbihan ng lalaki, kaya kahit sinabi nitong huwag siyang mahiya, hindi pa rin niya iyon mapigilan.
Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng buong pamilya— nagmamasid sa bawat kilos ng mga ito. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa kaniyang dibdib sa tuwing siya ang tatanungin ng mga ito. Pakiramdam niya, naglalakad siya sa napakahaba at matinik na daan na isang pagkakamali lamang ay maaari siyang masaktan.
“Relax, Julienne. . .” bulong ni Brayden sa kaniya.
Nilingon niya ito. Nararamdaman pala nito ang tensyon niya. Hindi niya alam na ganoon ka-attentive ang lalaki sa kaniya.
“Hindi sila nangangain ng tao, okay?”
Tumango siya at pilit na ngumiti.
May magagawa pa ba siya? Naroon na siya at wala ng atrasan pa iyon. Ang tanging konswelo niya na lang ay mabait naman nga ang pamilya nito. Bukod doon, noon niya lang napansin na sadyang maalaga si Brayden. Hindi lang naman siya ang pinagsisilbihan nito. Maging sa ina ay ganoon din ito at malambing.
Palihim siyang napabuntonghininga.
Siguro nga, hindi naman siya nagkamali na pinakasalan niya ang lalaki. Siguro nga, tama lang ang naging desisyon niyang sang-ayunan ang lahat ng nangyayari. Dahil sa mga oras na iyon, prinsesa kung ituring siya ni Brayden.
Sana lang ganoon ito palagi.
**
“A-anong sinabi mo?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sa lalaki
Pagkatapos ng selebrasyon ay pumasok na sila ni Brayden sa silid nito. Halos madaling araw na rin iyon natapos dahil wala namang pasok bukas at lahat naman ng bisita nila ay doon din sa mansyon matutulog.
“You will be sleeping beside me. Mali ba ako ng sinabi?” anito at balewalang tinungo ang closet nito. Hinayaan nitong bukas iyon habang kumukuha ang lalaki ng pamalit na damit. Paglabas nito ay sa banyo naman ito nagtungo.
“Aren’t you gonna help me?” Tumigil ito sa bungad ng pintuan ng banyo saka siya nilingon.
Madali namang kumilos ang mga paa niya. Lumapit siya rito at magkasunod silang pumasok sa banyo. Walang imik na kinuha niya ang toothbrush nito at nilagyan iyon ng toothpaste bago iniabot sa lalaki. Pagkatapos, ang face towel naman ang kinuha niya at binasa iyon habang nag-t-toothbrush ang lalaki.
Nang makapagmumog ito ay iniabot niya ang binasang towel at iyon ang ipinunas ng lalaki sa mukha nito. Nasa malalim pa rin siyang pag-iisip kaya hindi niya namalayang pinagmamasdan na siya nito.
“What’s bothering you?” tanong nito.
“H-ha?” Napatingin siya rito. Eksakto namang nagtama ang mga mata nila.
“It’s normal to a married couple to share a bed together, Julienne. At kung tungkol sa mangyayari sa atin, nasa sa iyo na iyon. I won’t oblige you dahil alam mo namang may kapansanan ako,” wika nito.
Napabuntonghininga siya. “H-hindi lang siguro ako sanay.”
Tumango ito. “Alam ko. Pero masasanay ka rin kalaunan, lalo na kung tayo na lang dalawa sa iisang bahay.”
Napakunot ang noo niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Bakit ba bigla na naman siyang kinabahan? Kapag kasi ang lalaki ang nagsasalita, lagi na lang may dalang sorpresa. Ni hindi man lang nito inaalam kung handa ba siya.
“I have my own house, Julienne. Ngayong asawa na kita, natural lang na doon kita itira. Magsasama na lang tayo ng isang katulong para hindi ka mahirapan,” sagot nito.
“S-saan ang sinasabi mo?”
“In Manila.”
“P-pero—”
“Julienne, we have to. I have to be near in the hospital for my therapy. Ang hirap naman kung magpapabalik-balik tayo rito at sa Maynila para lang sa treatment ko. Mas mainam na doon na tayo sa bahay natin tumira. Less hassle.”
Pagkasabi niyon ay naghubad na ito ng damit. Madali naman niyang iniabot sa lalaki ang towel para makapagpunas itong muli. Pagkatapos, nagbihis na ito.
Alam na niya ang susunod nitong gagawin kaya inalalayan niya ito na maupo sa toilet bowl. Nang makaihi ito ay saka niya pinalitan ng pajama ang suot nitong slacks kanina.
Habang palabas sila ng banyo ay tumatakbo pa rin sa isipan niya ang mga sinabi nito. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na lalabas siya sa kinalakhang bayan. Iyon din ang kauna-unahang pagkakataon na mararating niya ang Maynila at doon titira.
Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya roon— sa magiging takbo ng pagsasama nila ni Brayden. Pero sa kaloob-looban niya ay nakadama siya ng excitement. Hindi niya alam kung bakit, pero ang marinig ang sinabi ng lalaki kanina na bahay natin ay hindi na mawala sa isip niya.
Totoo nga, may asawa na siya.
Totoo rin na prinsipe ito. Dahil dadalhin na siya nito sa magiging kaharian nila.
“Secure boarders, call the Alphas, escort anyone who is not fighting to the safe room and prepare for war” Badar said, John nodded and left the office. Mahnoor was right behind him when Badar stopped him.“Where do you think you are going?”“To prepare for the war”“No you are not. You are going to the safe room with others. I will not risk your life while you are pregnant”“Badar, that man kidnapped and tortured me, Maria and our moms. I will not stay here and have you fight alone. Moon goddess gave us a gift to help us in war, and I plan to use those gifts to win this war” Mahnoor said as she was determined to fight beside Badar.“Fine, you can help with your powers but from afar. I will not have you near any physical violence which could harm you or our baby” to which Mahnoor wanted to protest “I’m serious Mahnoor, I do not want you near battle field. If not for my peace of mind and sanity then please for the sake of our baby” Seeing the worry and venerability in Badar’s eye Mahnoo
As they finished breakfast, Badar asked some of his pack members to escort Aliya and Sara back to the guest room to rest and prepare two rooms for them in the pack houseOver the course of next few weeks Mahnoor and Badar trained every day to perfect their powers. They found out that Mahnoor has the power to bend wind and fire while Badar could bend earth and water. They could also move or levitate objects, read mind of people and their strength and power had also increased twice that it was before.Being in each other’s company for training and preparing for the war had also strengthened their relationship, they had mated and marked each other.“So far all the Alphas have agreed to help us in the war against Ryan. Mom, Maria, Luna Sara and your testimony has helped a lot to give evidence against him. You being The Alpha’s Alpha has also helped a lot” Badar said as he and Mahnoor were walking back to their room after night run.“I agree, the response from the Alphas is far better than
One of Badar’s pack member brought us the book that the scholars had found on the knight wolves. And as they had been told before, the knight wolves had been granted with super abilities that no other wolf could possess. Each of the two wolves was granted with power to control two elements, they had also been given the ability to control other physical objects. They did not have ability to control any living organisms however big or small they may be. To help the knight wolves the moon goddess had also made the powers come naturally to them, so that they would not have to use up a lot of time to master their powers.“Badar, this will make things so much easier for us”“Yah, I was worried that we would not have enough time to learn our powers before the war”As they were discussing on how to approach other packs for their help Badar and Mahnoor heard rustling of bed sheets, they turned around and saw that both Sara and Aliya were gaining conscious.“Careful mom, doctor said you are sti
Badar and Mahnoor kept looking at the two prisoners in amazement and disbelief.“Mom!!!” they both said at the same timeThe two women in the prison looked pale from not being exposed to sunlight for so many years, their clothes were ragged and thou there was so physical sign of torture but they looked weak.The two women narrowed down their eyes in attempt to recognize who these two new people were and then their eyes widened in recognition.“Badar!!!!”“Mahnoor!!!!”They both said at the same time.“Martha open these locks up immediately” Badar said angrily as he couldn’t believe that his dad had not only captured Mahnoor’s mom but his own mate as well. Why would he do this?”“I am sorry Alpha but I can’t, only Alpha Ryan had the keys to these cells and he has also put a spell in here so that no prisoner or any other person who comes here can break it using their werewolf strength”“Go bring John, Olivia, Maria and London. And tell John to bring something to open this lock up with”
Mahnoor woke up from a light hand rub on her checks, she slowly opened her eyes and found Badar looking at her.“Good morning, how are you feeling? Did you sleep well? Was the bed comfortable?” Badar asked her in his raspy morning voice.“Morning, I’m feeling much better and after sleeping on concrete for more than a week I slept like a baby on this one. Although it seems like you didn’t” She said as she lightly touched the dark circles under Badar’s eyes. The dark circles brought out silver color of this eyes, the blazing silver she fell in love with.“Yah! I didn’t sleep well. Whenever I would close my eyes I got nightmares that you were taken away from me again and being tortured in front of me and I was not able to do anything. The same dream would play each time I closed my eyes, with different type of torture each time. Badar said while his eyes were on the cut on Mahnoor’s arm which was slowly healing.Mahnoor held Badar’s face in both her hands so that he could face her. As hi
“Badar can I please see Dr. Miller, I have something that I want to talk to him about” Mahnoor said to Badar after they all had calmed down from their emotional rollercoaster.“Why? Are you alright?” Badar asked panicking.“Badar, I am alright. I just want to ask him something. It’s just that Snow and i feel so powerful and I feel this weird energy inside me. I want to know if it has something to do with the kidnapping or the drug that they gave me there, so that I can be sure that I have nothing to worry about” “Weird, I have been feeling the same way for past few day. Although I was supposed to grow weak because of mate lose but I was still feeling strong like I was always, and after you returned it grew stronger” Badar said“Yah, I noticed it too. Remember the rogue attack before you were kidnapped, I told you that your fighting was more powerful that before” London said“I don’t think that you remember but Mahnoor a gust of wind came from your hands as you raised your hands to pr






Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.
Comments