PAULYN...Naging masaya ang kanilang honeymoon sa Maldives. Wala na s'yang mahihiling pa, ang lalaking ibinigay sa kan'ya ay sobra-sobra na.Napaka-maalaga ni Zachary na halos subuan na s'ya nito, paliguan at bibihisan. In short her husband showered her with so much love.Panghuling araw na nila ngayon sa Maldives. Bukas na sila uuwi ng Manila at balik-trabaho na din silang dalawa ng asawa. Nasabi na ni Zachary sa kan'ya na— magiging busy ito pagbalik nila sa Manila, dahil sa sunod-sunod na misyon na ibinigay dito ng tinatawag nilang supremo na naging ninong nila sa kasal."Anong iniisip ng maganda kong asawa?" narinig n'yang tanong ni Zachary. Nakahiga s'ya sa lounge chair sa balcony ng kanilang villa at nakaharap sa kulay asul na dagat.Pinabangon s'ya ng asawa at pumwesto ito sa kan'yang likuran at pinasandig s'ya sa matitipunong dibdib nito.Wala itong damit pang itaas at tanging short na pang swimming lamang ang suot ng lalaki.S'ya naman ay nakasuot lamang ng mustard yell
PAULYN....Mabilis na lumipas ang mga araw, isang taon na pala silang kasal ng asawa. Parang kailan lang nagkakahiyaan pa silang dalawa pero ngayon pareho na silang mga walanghiya at kung ano-anong kalokohan ang naiisip palagi at sabay din na tatawa.Naging masaya, tahimik at marangya ang buhay n'ya bilang asawa ni Zachary. Hindi lamang s'ya pinuno ng asawa ng pagmamahal at pag-aalaga, pinuno din nito ang bulsa n'ya ng pera.Binigyan s'ya ni Zachary ng isang black card para sa mga gastusin nila sa araw-araw. At minsan naisip n'ya pa kung mauubos kaya nila ang laman ng black card? Eh halos araw-araw may mga gastusin sila pero malaki pa rin ang laman nito.May separate account din s'ya para sa kan'yang sarili, na ayon sa galante n'yang asawa maliit lang naman daw ang laman, ngunit ng e check n'ya ang atm at passbook nito, halos himatayin s'ya ng makita kung ilang zero's ang naroon.Isang mahabang diskusyon pa ang nangyari sa kanilang dalawq ni Zachary, bago s'ya napapayag nito na tang
PAULYN...Isinaksak n'ya sa laptop ang isa pang flash drive at katulad ng naunang usb isang file lang din ang laman nito.Dahan-dahan n'yang binuksan at bumungad sa kan'ya ang puting dingding. Naghintay pa s'ya ng ilang saglit bago may narinig na mga yabag papalapit siguro sa laptop— kung saan nag-rerecord ng video ang naturang tao.Nanginginig ang mga kamay na nakaabang lang s'ya at hindi naman nagtagal may umupo na isang lalaki sa harapan ng computer at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata n'ya ng makilala ito."Zachary man, siguro kapag napanuod mo ang videong ito, malamang wala na ako. But don't be sad at magalit sa ginawa ko. Dude, nagpapasalamat ako na nakilala kita at naging kaibigan. Salamat dahil pinagkatiwalaan mo ako at inaruga. Itinuring na parang isang tunay na kapatid at pati na ang mga magulang mo, na itinuring ako na parang isang tunay na anak. Malaki ang utang na loob ko sayo Zach at sa pamilya mo. Man, I know magagalit ka sa akin sa gagawin ko, pero hindi ko haha
ZACHARY...Malakas na putukan ang maririnig sa buong lugar. Kasama n'ya ang mga kaibigan para bantayan si Cassandra. Inambush ito habang sakay ng taxi pauwi ng bahay."Panther anong sitwasyon d'yan?" narinig n'yang tanong ni Phoenix."Marami pa ring kalaban," sagot n'ya rito habang nakikipagpalitan ng putok sa mga kalalakihan."Shit! Kailangan na nating ubusin ang mga ito, I need to be home tonight. Anniversary namin ni Paulyn," ngitngit na sabi n'ya habang walang habas na pinagbabaril ang mga kalaban."Relax man! Makakauwi ka mamaya," anang Orion sa kan'ya.Nag focused s'ya sa trabaho, iniisip n'ya na lang ang magandang mukha ni Paulyn. He's excited to go home, to celebrate their first anniversary.Parang kailan lang isang taon na pala silang kasal ng asawa. He still feel the butterflies in his stomach kapag naiisip ang asawa.Who would have thought na mahuhulog s'ya ng ganito kalala kay Paulyn. But he didn't regret anything, mahal na mahal n'ya ang asawa at wala s'yang pinagsisihan
ZACHARY...Nakaupo s'ya sa counter ng isang bar. Kanina pa s'ya rito at ang dami na ng kan'yang nainom.Gusto n'yang maglasing ngayon. Gusto n'yang kalimutan ang sakit na dulot ng pag-iwan sa kan'ya ng asawa.Ang akala n'ya kaya s'ya nitong intindihin sa lahat ng bagay, but he was wrong. Madali s'ya nitong hinusgahan at ang masama pa, iniwan na lang s'ya nito na walang pasabi.How can he live now? Paulyn is his life. Sa maikling panahon na pagsasama nila, minahal n'ya ng lubos ang babae.Wala pang ibang babae ang nakakapagpatibok ng puso n'ya, na katulad sa nararamdaman n'ya kay Paulyn. Sounds corny but that is the truth.He was hurt, devastated and mad. Bakit ang dali lang para sa babae ang iwan s'ya na hindi man lang pinakinggan ang kan'yang paliwanag.Pagkauwi n'ya kanina sa condo nila mula sa bahay ng ina ni Paulyn, pinanuod n'ya ang video na nasa usb na iniwan ni Duncan.At tama ang ina nito, inihabilin ni Duncan sa kan'ya ang kan'ya pamilya, which is Paulyn, Duncan's little sist
ZACHARY...Nagsimula na ang karera, halos lahat ng lumahok ay ayaw paawat at pahuhuli. Ang iba ay nag-gigitgitan na sa gitna ng race track. Masyadong magulo ang naging laban dahil talamak ang mga dirty tricks ng bawat racer.At hinahayaan lamang ito ng management ng naturang bar. Ang motto ng mga tao rito ay — matira ang matibay. Kapag weak ka, mamamatay ka!He was eyeing for Flamingo na s'yang matinik sa lahat ng mga kalaban n'ya. He knows it, Flami might be mysterious to everyone, but he knows everything about this deadliest assassin friend of him.Hindi lamang ito isang assassin ngunit isa ring doctor at isang bilyonaryong negosyante na nagmamay-ari ng ilang malalaking kompanya kasama na ang MAG Car Company.Nakita n'yang pinagitnaan ito ng dalawang sasakyan at sinasadyang gipitin at idiin sa gitna.But Flami is Flami, she's not a losser and no one can bully her. Kaya hindi na s'ya nagulat pa, nang sumemplang ang isang sasakyan sa gilid matapos ang ginawa nitong pagbangga ng liku
ZACHARY....Nagka aberya s'ya sa daan kung kaya nakarating s'ya ng late sa restaurant na pagkikitaan nila ni Kenzo.Restaurant ito na pag-aari ng asawa ni Tiger Geller na si Gelay.Pagpasok n'ya namataan n'ya agad ang mag pinsan. Nakita naman s'ya ni Kenzo kung kaya tinawag s'ya nito."Bro, over here!" tawag ng kaibigan sa kan'ya. Inihanda n'ya ang isang matamis na ngiti sa mga labi at naglakad palapit sa dalawa."I'm sorry bro, nagkaaberya lang sa daan," hingi n'ya ng paumanhin dito. Nakamata lamang si Maybelle sa kan'ya at hindi n'ya pa ito tinapunan ng tingin.Nagkunwari s'yang hindi ito nakikita at tanging kay Kenzo lamang ang atensyon."It's ok bro, maliit na bagay. Anyway meet my cousin Maybelle Alcantara-Lee. Princess meet my friend Dr. Zachary Ferrari," pagpapakilala ni Kenzo sa kanilang dalawa ni Belle. Doon n'ya pa nilingon ang dalaga na matamang nakatingin sa kan'ya. Lumaki ito na sobrang ganda. Parang anghel ang mukha ni Belle. Idagdag mo pa ang kutis nito na sobrang ki
ZACHARY...Naging busy s'ya sa pagmamanman at pagsunod-sunod sa mga galaw ni Geo Lee at ng asawa nito na si Maybelle.Para na s'yang stalker sa kakasunod sa mga ito. Marami-rami na rin ang impormasyon na nakalap n'ya, lalo na sa pambabae ni Lee.Umigting ang kan'yang mga panga ng makita itong may inalalayan na babae papasok sa isang clinic. At mas lalo pang sumiklab ang kan'yang galit ng mapagtantong isang OB-GYNE Clinic ang pinasukan ng mga ito.Hindi n'ya makita ang mukha ng babae dahil nakasuot ito ng mask at naka sombrero. Halatang may pinagtataguan itong mga tao, at takot siguro na makilala at makita, na kasama nito ang anak ng presidente na isang kasado na."People nowadays! Tsk! tsk!" lihim na sabi n'ya.Nag stay pa s'ya ng ilang minuto sa labas ng clinic bago nagpasyang umalis na muna.Pupuntahan n'ya si Belle ngayon, since wala ang asawa nito. Pagkakataon n'ya nang makalapit sa dalaga.Mabilis ang kan'yang pagmamaneho patungo sa bahay ng mga ito. Nasa kan'ya pa rin ang ce