Share

CHAPTER 6

Ilang araw ng busy si Zachary, narito s'ya ngayon sa Pilipinas para sa isang mission.

Kailangan nilang bantayan ang Vitorri heir dahil nanganganib ang buhay nito. Kasama na din sa binabantayan n'ya si Cheetah na may banta din ang buhay.

Naninibago s'ya sa paglabas na walang kahit na anong takip ang kan'yang mukha.

Ilang taon n'ya bang itinago ang sarili? Four years? Five years? Maraming taon s'yang namuhay sa kadiliman.

Matapos ang aksidente na nangyari sa matalik na kaibigan at malamang patay na ito, na inakala ng lahat na s'ya ang nasa loob ng sasakyan, dahil sa prosthetic mask na suot itinago n'ya na din ang sarili para sa paghihiganti.

Pinanindigan n'ya ang balita na patay na s'ya para madali sa kan'ya ang pagtugis sa mga taong sangkot sa pagkamatay ni Duncan.

Nagtagumpay naman s'yang singilin sila at ngayon isa na lang ang natira.

Pero hahayaan n'ya muna itong e enjoy ang buhay bago singilin at patayin.

Uunahin n'ya muna ang misyon at pagkatapos ng trabaho n'ya dito, sisingilin n'ya na ng buhay ang pinakahuling tao na sangkot sa pagkawala ng kan'yang bestfriend.

Pumunta muna s'ya sa Han Hospital, kailangan n'yang makapasok bilang part time doctor sa naturang hospital.

May gusto lang s'yang alamin...., ayon sa nakalap n'yang impormasyon sa Han Hospital huling dinala ang taong hinahanap n'ya.

Kailangan n'yang makita ang mga records nito para malaman n'ya kung totoo ang kan'yang hinala.

Kilala n'ya ang may-ari ng naturang hospital.

Hindi lang ito basta-basta'ng doctor lamang.

Membro ito ng isang gang na kinatatakotan ng lahat lalo na ang leader nilang si Westaria na isang bilyonaryo at kilala sa business world.

Alam n'yang malalaman ni Dr. Han na peke ang recommendation na dala n'ya. Pero gagawin n'ya ang lahat para lamang makapasok sa naturang hospital at makakuha ng impormasyon sa taong hinahanap.

Pagdating sa hospital nagtanong agad s'ya kung saan ang opisina nito.

Itinuro naman sa kan'ya ng receptionist.

Pinapasok s'ya ng secretary at doon na pinaghintay sa loob.

Wala daw ito ng ilang araw dahil may importanting inasikaso sa isang branch nito sa abroad.

Inilibot n'ya ang tingin sa buong opisina ng doctor.

Napaka organise na tao pala itong si Dr. Han.

Hindi halata na membro ng isang gang dahil napakasinop ng opisina nito at napakalinis.

Nagtagal pa s'ya ng halos kalahating oras bago ipinaalam ng secretarya nito na papunta na ang naturang doctor.

Sinilip n'ya muna ang sitwasyon ng mga binabantayan n'ya sa kan'yang cellphone.

He has an access sa lahat ng mga galaw ng mga ito at kahit pa hindi s'ya nakabuntot dito alam n'ya ang mga nangyayari, at may mga tao din s'yang pinapasunod para bantayan sila.

Everything seems normal at wala namang kahina-hinalang galaw sa paligid lalo na sa dalawang babae na responsibilidad n'ya ngayon.

Malaki ang pasasalamat n'ya na sa bahay ni Drake napunta si Cassandra. Iisang lugar lang sila ng Vitorri heir kung kaya madali para sa kan'ya ang pag monitor sa mga ito.

Parehong bihasa sa pakikipaglaban ang dalawa ngunit hindi nito alam pareho na nasa panganib ang mga buhay ng mga ito.

Pa sekreto itong pinabantayan ng mga ama nila sa Black Wagon.

Isang agent ng Black Wagon din si Cheetah ngunit naka suspended ito ng ilang taon dahil sa nangyari sa kanilang nanay-nanayan na si Black Sparrow o ang ina ng kaibigan'g si Tobias.

Nasa ganon s'yang pag iisip ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang gwapong lalaki na walang iba kundi ang may- ari ng naturang hospital na kinaroroonan n'ya.

"Dr. Zachary Giorgio Ferrari, my secretary said that you came here because of a recommendation as a part time doctor in my hospital?" seryosong tanong nito kan'ya.

Lihim s'yang napangiti dahil kahit na presensya ng isang doctor ang gamit nito, nararamdaman n'ya pa rin ang kakaibang awra ng lalaki.

Or let's say isang mapanganib na presensya na kung isang normal lang na tao, matatakot ka kapag ito ang kaharap mo.

But not him, he is an assassin. Normal na sa kan'ya ang mga ganitong mapanganib na presensya ng isang tao.

"Correct, you have a nice hospital. At hindi ko rin inaasahan na kasing edad ko lang pala ang director ng Han International Hospital. Nice to meet you, Director Tadeus Han, right?" pagkumpirma n'ya sa lalaking kaharap.

"Honestly wala akong natanggap na recommendation letter tungkol sayo, may I know kung sino ang nag recommend sayo na dito sa HH mag part time? deretsong tanong nito sa kan'ya.

Napangisi naman s'ya at dinukot ang isang papel sa bulsa ng jacket na suot at inilapag sa mesa sa harapan ni Tad. Agad naman nitong kinuha at binasa ang naturang papel.

Lihim s'yang napangiti dahil sa ekspresyon ng mukha nito alam n'yang nakuha agad nito na peke ang recommendation letter na dala n'ya.

"I just want to be a part time doctor here, mukha kasing maganda magtrabaho dito," ani n'ya na bahagya namang ikinangisi ni Tad.

"If you want to work in my hospital, then show me a valid recommendation letter. You can't fool me by that , fake letters of yours, " pahayag ng doctor sa kan'ya na nginisihan n'ya lamang.

"Not bad! Akala ko hindi mo mapapansin na peke ang papel na yan. You have a good eyes Dr. Han, so tinatanggap mo na ba akong part time doctor mo dito?" tanong n'ya sa lalaking kausap.

Napabuga naman ito ng hangin at napakamot sa kilay.

"Don't worry peke man ang recommendation letter ko na dala, totoo at lesensyadong doctor naman ako," pangungumbinsi n'ya pa sa kausap.

"Hindi ka basta- basta nagpupunta sa kung saan-saang hospital ng walang recommendation at naisipan mo lang na mag part time. My hospital is not a playground for you to play with Dr. Ferrari," sermon nito sa kan'ya.

"Wala naman akong sinabi na maglalaro ako sa hospital mo, malinaw ang sinabi ko na mag part time doctor ako dito," pangangatwiran n'ya sa lalaking doctor.

"Hmmmmm!" tanging sagot lamang nito sa kan'ya.

"And besides hindi ko kailangan ang recommendation letter, I have skills and talents in saving lifes kaya wala kang masasabi sa akin," dagdag na pahayag n'ya dito.

For how long?" seryosong tanong nito sa kan'ya.

"Ha?" wala sa sariling sagot n'ya dito.

"Hanggang kailan ka magiging part time doctor ng hospital ko?" striktong tanong nito.

"Let see, maybe as long that I'm enjoying working here I guess." sagot n'ya dito na ikinailing lamang ni Tad.

"A man with a severe wound ,he had laceration for having a deep cut that can affect his nerves, blood vessels , or bone. Puncture wound can be easily infected so you better get your ass off in my chair, and start working," sikmat nito sa kan'ya na mabilis n'yang ikinatayo at nginisihan ang lalaki.

"So, I guess that's accepting me as your part time doctor. Pero kakatanggap mo pa lang sa akin pinagtatraba-----" hindi n'ya na natapos ang sasabihin dahil iwinasiwas na nito ang mga kamay sa ere tanda ng pagpapalayas sa kan'ya.

Matapos ang pag uusap nila ni Dr. Han, lumabas na s'ya sa opisina nito para tingnan ang sinasabi nitong pasyente.

Napangisi s'ya dahil sa pag aakala n'ya mahihirapan pa s'ya sa may-ari na mapapayag ito na magtatrabaho s'ya sa pagmamay-ari nitong hospital.

Ginawa n'ya na ang responsibilidad n'ya bilang doctor.

Nanghingi na lang muna s'ya sa nurse station ng gloves and mask, pati na rin ng doctors gown.

Mabuti na lang at galante ang Han hospital at halos lahat provided para sa mga empleyado.

Dumeritso na s'ya sa emergency kung nasaan ang pasyente na tinutukoy ni Dr. Han.

Nakita n'yang warak ang t'yan ng lalaki at halos lumabas na ang mga lamang loob nito.

Mabilis n'yang inasikaso at ginamot ang pasyente.

Hindi naman nagtagal at natapos n'ya din pati ang pag suture dito.

Matapos maiayos ang lahat lumabas na s'ya ng emergency.

Mga nurses na bahala sa pasyente,

tapos na ang trabaho n'ya bilang doctor nito.

Hindi magtatagal mahahanap n'ya din ang nag iisang kapatid.

Simula ng mamatay si Duncan naging malungkotin na ang kan'yang ina. Masyado itong apektado sa pagkawala ng kaibigan na itinuring nang parang tunay na anak ng kan'yang mga magulang.

Kaya ipinangako n'ya sa sarili na hahanapin n'ya si Zion Georgina, ang nag iisang kapatid na babae na nawalay sa kanila noong nagbabakasyon sila sa Pilipinas.

Hindi s'ya naniniwala na patay na ito. Nararamdaman n'yang buhay ang prinsesa nila kung kaya ginawa n'ya ang lahat para mag imbestiga at makakalap ng impormasyon tungkol sa kapatid.

Ilang taon ang ginugol n'ya para hanapin ito.

Pinagsabay n'ya ang paniningil sa mga taong sangkot sa pagkamatay ni Duncan at ang paghahanap sa kapatid.

At hindi naman s'ya nabigo, lately napatunayan n'yang buhay ang nag iisang kapatid at may sakit ito.

At ang huling lugar na pinuntahan nito para magpagamot ay ang mismong Han International Hospital kung saan s'ya pumasok bilang part time doctor.

Hindi para magtrabaho kundi para kumalap ng mga impormasyon tungkol sa kapatid.

Lumabas na s'ya ng hospital at pinuntahan ang kan'yang ducati na nakaparada sa parking lot sa harapan ng hospital.

He prefer to ride in a motorbike than a car dahil mas madali itong sumuong sa traffic sa daan.

At hindi nga s'ya nagkakamali dahil kahit saang kalsada sobrang traffic ang nakaabang.

Umuwi na muna s'ya sa kan'yang condo para makapag pahinga.

Too much stress for today, kailangan n'ya munang mag release ng mga stress n'ya sa katawan.

Pagdating n'ya sa kan'yang unit mabilis s'yang nagbihis at pumunta sa isang kwarto kung nasaan ang kan'yang sariling gym.

Kinaumagahan maaga s'yang nagising dahil plano n'yang magsimula nang mag duty sa Han Hospital.

Motor ulit ang ginamit n'ya dahil mas mabilis s'yang mkarating sa pupuntahan kapag ito ang dala n'ya.

Maaga pa ngunit nagsisiksikan na ang mga sasakyan sa kalsada.

Huminto s'ya sa likoran ng isang jeep para sana maghanap ng pwedeng daanan na kakasya ang kan'yang motor.

Nakita n'yang may babae na bumaba sa jeep at natigilan s'ya ng masilayan ang magandang mukha nito.

Tinitigan n'ya lang ito habang bumababa ngunit ang hindi n'ya inaasahan ay ang pglapit nito sa kan'ya at mabilis na sumampa sa kan'yang likuran.

"Kuya magbabayad ako basta ihatid mo lang ako sa trabaho ngayon din," pakiusap nito sa kan'ya.

Nahipnotismo s'ya sa ganda ng mukha nito at napatulala.

Mabuti na lang at naka helmet s'ya kung kaya hindi kita ang kan'yang mukha.

"Fvck!" mahinang mura n'ya dahil first time n'yang nakaramdam ng ganito.

"Kuya sige na po, late na talaga ako, ihatid mo lang ako doon babayaran kita, mas madali kasing sumuong sa traffic itong motor mo," pakiusap nito ulit sa kan'ya.

Nataohan naman s'ya at biglang naalala ang pinakiusap nito.

Senenyasan n'ya itong kumapit sa kan'ya at sinunod naman ng dalaga.

Yumapos ito sa kan'yang bewang na biglang ikinabog ng kan'yang dibdib.

"Damn it!" mura n'ya sa sarili at mabilis na minaniobra ang motor at sinuong ang traffic na hanggang ngayon hindi pa rin umuusad.

Hindi naman nagtagal at narating nila ang pinagtatrabahuan nito. Tiningala n'ya ang building at napangisi.

It was Lewis company, and this woman hugging him from behind is working with his friend's company.

"Not bad!" mahinang bulong n'ya. Nilingon n'ya ang babae at nakakapit pa rin ito sa kan'ya habang nakapikit.

"We're here," pukaw n'ya dito. Ayaw n'ya man itong paalisin pero baka ma late na ito at mapagalitan pa sa trabaho.

"Oh sorry, nandito na pala tayo," sambit nito.

Tinanguan n'ya naman ito at hinubad ang helmet na suot habang may kinakalikot ito sa kan'yang bag.

Nang tumingala ito sa kan'ya kita sa mukha nito ang pagkagulat at pagkatulala.

Nakaawang pa ang mga labi nito at nabitin sa ere ang dapat sanang sasabihin nito sa kan'ya.

"Miss? Hey! Are you ok?" marahang tanong n'ya sa dalaga.

"Dyos ko ang panty ko!" mahinang bulong nito ngunit narinig n'ya naman. Bigla s'yang natawa dahil sa sinabi ng babae.

Namula naman agad ang pisngi ng dalaga tanda ng pagkapahiya.

Mabilis itong tumalikod sa kan'ya pero bago pa makatakbo iniabot nito sa kan'ya ang wallet na bitbit.

Tatawagin n'ya pa sana ito ngunit mabilis itong tumakbo papasok sa naturang gusali.

Napailing na lamang s'ya habang pinagmamasdan ang likod ng babae.

Binuklat n'ya ang wallet nito para tingnan kung may identity card ito na pwedeng mapagkilanlan sa babae.

At hindi nga s'ya nagkamali, may mga id's ito sa loob ng wallet.

Kinuha n'ya ang isang id nito at tiningnan.

"Jessica Pauline Marie Romano? Hmmmmm, ang haba naman ng pangalan mo baby," nakangiting sambit n'ya sa pangalan ng dalaga.

Isinilid n'ya ang wallet nito sa bulsa ng kan'yang jacket at pinaharurot na ang kan'yang motor patungo sa Han Hospital.

Mamaya n'ya na lang balikan ang dalaga para isauli ang wallet nito.

Pangiti-ngiti pa s'ya habang iniisip ang gagawin mamaya.

He doesn't know what is happening to him pero ngayon pa lang nakaramdam na s'ya ng excitement sa naiisip na magkikita sila ulit mamaya.

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Assej Nabinagnap
oh my ... nainlababu si fafa zach
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang gandakaabang abang
goodnovel comment avatar
yours4ever
nalove at first sight si zachy ahahhaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status