Share

THE ASSASSIN'S REVENGE
THE ASSASSIN'S REVENGE
Author: Siobelicious

CHAPTER 1

"Hooohhhhhhhh! Goooo Ferrari, gooooo! Ilampaso mo yang mga kalaban mo.

Show them how badass you are dude!" malakas na sigaw ni Red habang patalon-talon pa sa isang upuan sa grand stand ng isang racing circuit sa Madrid Espanya, kung saan nakikipag karera ang kaibigan nilang si Zachary sa ginaganap na 117th Formula One Car Racing Champion.

Zachary Giorgio Ferrari is the most famous car racer in the world and it happens to be- one of their best buddy.

Magakasama sila sa University na pinapasukan at naging magkaibigan.

Lahat sila ay may dugong pinoy kung kaya nagkakasundo sila lalo na sa pagsasalita ng tagalog, kaya bilang suporta sa kaibigan heto sila ngayon..,

buong grupo ang nanuod ng laro ni Ferrari.

Puno ng mga tao ang grandstand ng racing circuit na pinag gaganapan ng naturang race at ang grupo nila ang pinaka maingay dahil ky Red na may bitbit pang mega phone at panay ang sigaw para e cheer ang kaibigan.

"Putang'ina pula ibaba mo nga yang mega phone na hawak mong gago ka, para kang nangangampanya sa pagka kapitan sa barangay." inis na sigaw ni Sebastian dito.

"Nakakahiya ang h*******k!" dagdag sikmat ni Ashton sa kaibigan.

"Mga gago kayo, wala kayong suporta para sa kaibigan natin. Magpakita man lang sana kayo kahit kaunti man lang," reklamo ni Red sa mga kaibigan.

"What do you think we are doing here Red? Hindi ba pag suporta ang tawag dito. I fly from Italy to Madrid para lang ky Ferrari," si Tobias sa kaibigan.

"I'm from Britain Red at mahal ang fuel ng eropalano ko," si Drake na kita ang inis sa mukha.

"Hoy! Toretto bilyonaryo kang gago ka pero kung makareklamo ka para kang namumulubing hayop ka," inis na sita ni Nicollai dito na kumakain ng kakanin na baon pa nito mula sa Pilipinas.

"Ano yang kinakain mo Evans?" tanong ni Ashton dito.

"Bakit manghingi ka?" si Nicollai sa kaibigan.

"Kung hindi ka pa naman patay gutom na halos yakapin mo na yang tupperware na may laman na pagkain eh di sana nakaisip ka man lang mag alok sa amin dito!" si Ashton sa kaibigan.

"Patikim Evans," si Red sabay hablot ng tupperware na may lamang suman at sapin-sapin.

"Putang'ina ka ibalik mo sa akin yan. Pinaluto ko pa yan kay Aling Empang para may mabaon ako papunta dito dahil sa gagong Harrison na yan na wala man lang pasabi na aalis bigla na lang bumulaga sa bahay namin at manghila ng taong natutulog," inis na reklamo ni Nicollai sa kanila.

"Tang'ina mo Cole! Kasalanan ko ba kung nag bar ka kagabi na alam mo naman na aalis tayo ng maaga," inis na sikmat ni Sebastian dito.

"Manahimik na nga kayo, nandito tayo para sumuporta ky Ferrari tapos mag aaway-away lang kayo dito? Magsiuwi na lang kaya kayo," inis na sikmat ni Pharaoh sa kanila na s'yang pinakatahimik sa lahat.

Nanahimik naman ang iba ngunit nabulabog naman ulit ng kunin ni Red ang megaphone at nagsimula na namang sumigaw.

"Nakakahiya talaga ang gagong ito, lipat nga tayo doon sa kabila, iyong malayo kay Pula," reklamo ni Spike at nauna nang tumayo at naglakad papunta sa kabilang side ng grandstand.

Gamit ang megaphone tinawag sila isa-isa ni Red na mas lalong ikinahiya nilang lahat.

"Banal saan ka pupunta? " malakas na sigaw nito sa megaphone na hawak.

"Gago ka nakakahiya ka," galit na sigaw ni Spike dito.

"Nasa Madrid tayo, walang may nakakilala sa atin dito," katwiran ni Red sa kanila.

"Gago hindi mo nakikita ang camera na yan? Naka live broadcast ka sa buong mundo Red, nakikita ng mga magulang mo ang kahihiyang ginagawa mo dito," si Sebastian sa kaibigan.

Akala nila mahihiya ito at titigil na sa kakasigaw gamit ang megaphone pero ang hindi nila inaasahan ay ang sunod na ginawa ng kaibigan.

Humarap ito mismo sa camera na nag iikot sa buong area para sa live broadcast at parang newscaster na nag babalita sa television.

"Magandang araw sa buong mundo, nandito po tayo ngayon sa nagaganap na 117th Formula One Car Racing Champion na ginaganap dito sa Madrid Espanya. Lahat kaming magkakaibigan ay nandito para suportahan ang aming matalik na kaibigan na Car Racing World Grand Champion Zachary Giorgio Ferrari," mahabang pahayag nito sa harapan ng camera.

Halos lumubog naman sa kahihiyan ang mga kaibigan dahil sa ginawa ni Red.

"Hello my beautiful mummy who is watching right now from the Philippines, nakikita mo ba ang gwapong anak mo dito? Sana hindi mo ako ma sinturon mamaya na tumakas ako para makapunta dito sa Madrid. Si Spike talaga ang nagdala sa akin dito mum, chopper n'ya ang ginamit namin so...- s'ya ang may kasalanan kong bakit nandito ngayon ang gwapong anak n'yo," dagdag na sabi pa nito na ikinalaglag ng mga panga ng kan'yang mga kaibigan.

"What the fvck!" inis na sabi ni Spike.

"Gago talaga itong si Pula nanlalaglag ng kaibigan sa television pa mismo. Ang sarap barilin ng hayop," si Ashton na namumula ang mukha dahil sa kahihiyan.

Maya-maya pa nakita nila ang grupo ng mga babae na lumapit ky Red.

"Hola Guapo," narinig nilang bati ng mga babae ky Red.

"Oh yes! yes! I am gwapo!" mayabang na sabi nito sa mga babae. Umikot naman ang mga mata ng mga kaibigan sa narinig.

"Ang hangin!" si Sebastian.

"Huwag mong isabay yan sa pag uwi mo mamaya Banal, baka bumulosok ang chopper mo dahil sa kahanginan ng gagong iyan," sabi ni Howald ky Spike.

"Iiwan ko talaga yan dito," sagot naman ni Spike.

"Estas libre esta noche?" narinig nilang tanong ng isang babae ky Red.

Natigilan naman ito at tumingin sa kanila dahil hindi nito naintindihan ang tanong ng babae.

"Sebastian Espanyol ano ang ibig sabihin ng sabi n'ya?' pa sigaw na tanong nito ky Sebastian.

Sebastian is a half Spanish and half Latin/Filipino,... his mom has the Filipino blood kung kaya naging Pilipino na din ang ugali nito.

"Sabi n'ya mayabang ka daw!" sagot ni Sevy dito.

"Ay gago pala ang mga ito. Hoy kayo, hindi ako mayabang ok? Gwapo ako, gwapo," sabi nito sa mga babae sabay turo sa sarili at mayabang na sinabi na gwapo dw s'ya.

Nagkatawanan naman ang mga babae sa inakto ng hayop nilang kaibigan.

"Malala na talaga itong si Red," reklamo ni Drake.

"Sinabi mo pa, hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan natin iyan!" segunda naman ni Howald.

"Kasi gwapo s'ya," sabat naman ni Nicollai na hanggang ngayon kumakain pa rin ng suman na baon.

"Hoy Evans hindi pa ubos yang baon mo? Kanina ka pa kumakain d'yan," sikmat ni Ashton dito.

"Limang tupperware ang baon ko," balewalang sagot ni Nicollai sa kanila.

"Patay gutom ang pota," gigil na sabi ni Ashton sa kaibigan.

"Inggit ka lang dahil wala kang baon," sagot naman ni Nicollai dito at bumilat pa ky Ashton.

"Isa pa itong isip bata na ito eh," naiiling na komento ni Tobias.

"Kaya close sila ni Red pareho kasi silang may mga saltik," si Howald.

"Hey! El Frio sumusobra ka na ha!" angal ni Nicollai sa kaibigan na pinakitaan lang nito ng gitnang daliri.

Natigil lamang sila ng magsimula na ang karera. Lahat naka focus sa laro, marami ang kalahok na mga kilalang racer din sa buong mundo.

"Hoooohhhhhhhh! Go Ferrari, putang'ina apelyedo mo pa lang pangkarera na dude!" sigaw ni Red gamit ang megaphone na hawak.

"Pwede ba Red ibaba mo yan!" inis na sigaw ni Tobias dito. They are a college students at sa iisang university sila sa America nag aaral at magkaklase silang lahat.

"Ayoko nga! Huwag kang inggitero Lewis," sagot ni Red dito.

Napailing na lang ang magakakaibigan dahil ayaw talaga paawat ng loko-loko nilang kaibigan.

Mas lalong umingay ang paligid ng apat na sasakyan na lamang ang natira sa race track at kabilang na doon ang kanilang kaibigan.

"Just like that fafa Zach, let them suck you, este suck the dust pala," malakas na sigaw ni Nicollai na ngayon nakipag agawan na ng megaphone ky Red at pabaklang nagsalita. Kumikembot pa ang puwetan nito.

Tatayo pa sana si Spike pero malakas itong hinatak pabalik ni Sebastian sa upuan.

"Huwag ka ng sumali na p*****a ka! Isa ka pa eh!" sita ni Sevy dito. Napakamot naman ito sa ulo at nag puppy eyes pa ky Sevy.

"Bakit sila pwede magsigaw gamit ang megaphone, bakit ako hindi?" parang batang pagmamaktol ni Spike.

"Manahimik ka banal kung ayaw mong mauna ky San Pedro!" banta ni Drake dito.

"Ano naman gagawin ko ky San Pedro Toretto?" naguguluhang tanong nito.

"Magpalista ka kung may bakante pa sa sementeryo," malaming na tugon ni Drake. Bigla naman itong nahintakutan at napakapit bigla sa braso ni Sebastian.

"Putang'ina lumayo ka nga banal!" inis na taboy ni Sevy dito.

"Kanina na aalis ako pinipigilan mo, ngayon pinapalayas mo ako . D'yan ka na nga!" busangot ang mukhang sagot nito sabay tayo.

"Subukan mong ihakbang yang paa mo banal, babarilin ko yang mga tuhod mo para hindi ka na makalakad pa," malamig na banta ni Drake dito.

Pabagsak naman itong naupo pabalik sa upuan at nakabusangot na nakatingin sa dalawang kaibigan na salitan sa pagsigaw gamit ang megaphone.

Dalawang sasakyan na lang ang natira na nakikipag karera da race track.

Mas lalong gumulo ang buong race circuit dahil sa ingay ng mga nanunuod.

Naiwan ang kaibigan nila at si Maximo Argos isang Russian car racer champion sa Russia at kilala sa pinakamaduming maglaro pagdating sa racing.

Naging intense ang labanan ng magsimula nang gumamit ng maduduming tactics si Maximo laban ky Zachary.

Ngunit alam nilang hindi papayag ang kaibigan na maisahan s'ya ng kalaban.

Binabangga nito ang sasakyan ni Zach na s'yang ikinahiyaw ng mga taong nanunuod.

"Fvck! That man is an asshole!" gigil na sabi ni Drake.

"Sinabi mo pa, kita sa mga laro n'ya," segunda naman ni Tobias na katabi ni Drake.

"Toretto may sniper ka ba dito? Ipatira mo na ang gagong iyan bago n'ya pa maunahan si Zach," solsol ni Nicollai dito.

"Yeah they are everywhere, kaya manahimik ka d'yan kung ayaw mong ikaw ang maunang matira ng mga snipers ko," banta ni Drake dito.

Nanahimik naman ito bigla sa kinauupoan na ikinatawa ni Tobias at Howald.

Nagulat sila ng biglang nagliyab ang sasakyan ni Zach.

"Oh shit!" sabay-sabay na mura ng magkakaibigan ng makita ang apoy sa sasakyan ni Zachary.

Pero imbes na tumigil si Zach dahil sa apoy mas lalo pa nitong binilisan ang pagmamaneho dahil last lap na lang pala at matatapos na ang race.

Hinabol naman ito ni Argos at pilit na binabangga ngunit mas maliksi ang kanilang kaibigan sa pagkabig ng manibela para hindi maabot ng sasakyan ni Argos hanggang sa naabot nito ang finish line at s'yang tinaguriang champion ulit sa nasabing karera.

"Maging alisto kayo. Barilin n'yo agad kapag may nakita kayong kahina-hinala sa paligid ni Ferrari," utos ni Drake sa mga taohan na nasa paligid lamang ng buong race circuit.

He is expecting this. He knows Argos very well, dahil minsan nang nakasagupa ng pamilya nila ang pamilya nito.

They are rude and ruthless at mga mayayabang.

Kaya inaya n'ya ang lahat ng kaibigan na pumunta dito nang malaman n'yang isa si Argos sa makakalaban ni Zachary.

"Hoooohhhhh! Panalo na naman tayo!" masayang sigaw ni Red at Nicollai.

"Gago ako lang ang panalo, asan ang bayad mo sa pustahan natin?" si Nicollai ky Red.

"Gago to ky Zachary ako pumusta," si Red.

"Anong ky Ferrari? Sabi mo sa last na makalaban ni Ferrari ka pupusta. Akin na ang bente mo Pula," sikmat ni Nicollai dito.

"Gago budol ka talaga Evans, oh kinse lang, binili ko ng ice candy sa tindahan ni Aling Empang kanina ang limang peso ko," sagot nman ni Red.

"Tang'ina pag bukas ka magbayad sampong peso na sisingilin ko sayo."

"Ay gago mas malala ka pa sa bombay na gago ka!" inis na sikmat ni Red ky Nicollai.

Nasa upuan lamang si Drake, Tobias at Howald. Ang tanging nakakaalam ng mahimong mangyari sa larong ito ni Zachary.

They already prepared their men, nasa paligid lang ang mga taohan nila at masusing nagbabantay.

Hindi sila pupunta dito na walang bala, alam nila ganon din ang kalaban ni Zach.

"Baba na tayo, salubongin natin ang champion nating kaibigan," excited na aya sa kanila ni Red.

Tumayo na sila at sinundan ito pababa.

"Dude Congratulations!" masayang bati ng mga ito ky Zachary at nakipag fist pump pa sa kaibigan.

"Nandito kayong lahat?" manghang tanong nito.

"Aba malamang dahil mga kaibigan mo kami," si Spike dito. Mahina naman itong sinuntok ni Zach sa balikat.

"Thanks mga dude!" masayang pasasalamat nito sa kanila. Magbardagolan pa sana sila ng marinig nila ang malakas na tawag ng emcee sa pangalan ni Zachary.

"Lets congratulate our ultimate champion for five consecutive years in car racing,... Ultimate Champion Zachary Giorgio Ferrari from team Mazda England," malakas na sigaw sa microphone ng emcee.

Umalingangaw ang hiyawan sa buong grandstand kasama na ang kan'yang mga kaibigan.

"Felicidades y suerte con tu juego!" nakangiting bati ng mga taong nakapalibot sa kanilang kaibigan.

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow grabe ang magkakaibigan todo support,kaabang abang ang story na to
goodnovel comment avatar
Siobelicious
thank you po ...️...️
goodnovel comment avatar
yours4ever
first time ko mag asa Ng MGA novel mo Ms a.. nakakatuwa..ahahha.. may subaybayan na Naman Ako dito..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status