Share

CHAPTER 4

Everyone is busy studying the blueprint of the racing circuit na gaganapan ng race.

Seryoso si supremo sa iniutos nito sa kanila at ngayon lahat sila nakatutok sa pag aaral sa gagawin na pagpapabagsak sa sindikatong mission nila.

Maliban na lamang ky Duncan na hindi sumama at masama pa rin ang loob dahil sa pagtanggap n'ya sa naturang mission.

Hindi n'ya maintindihan ang kaibigan kung bakit ganon na lang ang pagtutol at reaction nito ng malaman na s'ya ang sasabak sa naturang race.

"Medyo risky ang naturang track, marami silang nilagay na mga trap na hindi mapapansin ng mga drivers," si Orion na s'ya ngayon ang nasa harap ng computer para masuri ang kabuoan ng racing circuit na pagdadaosan ng naturang karera.

"Masahol talaga ang ugali ng tao kapag pera na ang pinag uusapan," sabat ni Phoenix.

"And guess what? According sa information na nakalap ko isang babae ang bigboss ng naturang sindikato," sabat ni Flamingo sa usapan.

"Babae? Wow! That tough? Kaya n'yang e handle ang ganito kalaking sindikato? Impressive huh!" si Phoenix.

"Yup a woman in her forties. A cunning and ruthless one, she fears nothing and no one dares to go against her rules or else mamatay agad." si Flamingo.

"Then s'ya ang uunahin nating patayin para wala ng gagawa ng ganitong mga bagay." sabat ni Phoenix.

"How sure na wala nang gagawa? She has a lot of people na interesado sa negosyo n'ya, wala lang may naglakas ng loob na kalabanin s'ya," sabat ni Orion sa usapan ng dalawang babae.

"Kung sabagay," nangalumbabang sagot ni Flami.

"As long as there's a money involve, hindi mawawala ang mga ganid, sakim at gahaman," reklamo ni Phoenix.

"By the way Panther, bakit ayaw ni Coddy na sumama sa atin?" maya-maya tanong ni Flami sa kan'ya.

"I have no idea, until now hindi n'ya pa rin ako kinakausap," sagot n'ya dito.

"Ohhh? For real? Ano kaya ang problema ng pangit na iyon." tanong ni Flamingo.

"Mukhang may alam s'ya sa mangyayari kaya pinipigilan n'ya si Panther na pumasok sa karera," sabat ni Phoenix.

"I think of that also, kita naman sa reaction n'ya ng sabihin ni supremo na si Panther ang makipag karera," sabat ni Orion sa usapan.

"Kilala ba natin talaga si Coddy?" mahinang tanong ni Phoenix sa kanila.

" Hayaan na natin s'ya, let's prove to him na lang na walang mangyayari ky Zach para mapanatag na ang loob n'ya," suhestyon ni Flami na sinang-ayonan naman ng lahat.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kan'ya ang inasta ng kaibigan.

"Teka nasaan pala si Claws? Akala ko ba s'ya ang pinaka importanting tao sa misyong ito," reklamo ni Flamingo sa kanila.

"Baka nagsarili, este may sariling mundo pala," pagbibiro ni Phoenix.

"Hoy Nex alam mo na ang magsarili? Ay iba lumelevel up ka na Nex, hindi ka na virgin no?" tanong ni Flami nito na ikinaubo nilang dalawa ni Orion.

"Gaga ka talaga! Napaka balahura ng bunganga mo Flamingo!" inis na sikmat ni Phoenix dito. Tumawa lamang ito sa reaction ng kaibigan.

"Sorry I'm late!" maya-maya narinig nilang sabi ni Chetaah na kapapasok lang.

"Hindi lang naman ikaw ang late. Si Claws wala pa din naman," ingos ni Flami.

"By the way bakit Claws?" naguguluhang tanong ni Chetaah.

"Aba malay ko, baka peborit n'ya ang sipit ng alimango," kibit-balikat na sagot ni Flami.

"Baka nga! Hay mamaya maghiganti ang pobreng alimango sa kan'ya at kakagatin ang itlog n'ya dahil sa pag gamit n'ya sa sipit nito," wala sa sariling dagdag pa ni Flami. Nagkatawanan naman si Chetaah at Phoenix sa sinabi ni Flami.

"Let's get back to work!" anunsyo ni Orion sa lahat.

Nagsipulasan naman sila at nagsimula nang magtrabaho.

Matapos ang mahabang pag aaral sa naturang plano nag decide na silang umuwi para magpahinga.

Kan'ya-kan'ya na sila labas,pumasok na s'ya sa kotse at hinanap ang cellphone.

Dinayal n'ya ang number ni Duncan ngunit hindi nito sinasagot. Napabuntong hininga na lamang s'ya at hinayaan na lang muna ito.

Kakausapin n'ya na lang ang kaibigan kapag natapos na ang misyon nila.

Nag drive na s'ya pauwi sa kan'yang condo para makapag pahinga.

Nang makauwi nagluto muna s'ya ng pagkain bago naligo.

Katatapos n'ya lang maligo ng tumunog ang kan'yang cellphone. Nakita n'ya ang pangalan ni Drake sa caller ID.

"Bro?" bungad n'ya dito.

"Where are you?" tanong ng kaibigan.

"Italy!" sagot n'ya.

"Good! Nasa Italy din ako ngayon, nandito din si Tobias, let's meet," yaya ni Drake sa kan'ya.

"Is that important?" tanong n'ya sa kaibigan.

"Yeah!" maikling sagot nito sabay patay ng tawag.

Napailing na lamang s'ya dahil may ugali din itong si Drake, mabuti na lang naintindihan nilang lahat ang ugaling meron ito.

Gumayak na s'ya para makipagkita sa mga kaibigan.

Alam n'ya na kung saan sila magkikita. Mayroon silang bar na tinatambayan dito kapag nandito sila.

Suot ang simpleng itim na v-neck t-shirt at khaki na pantalon, lumabas na s'ya ng condo at bumaba sa parking lot kung nasaan ang kan'yang sasakyan.

Mabilis s'yang pumasok at mabilis din na nag drive papuntang bar.

Nang makarating doon naabutan n'ya si Drake, Tobias, Sebastian at Howald na nag iinuman na.

"Yoohhhh!" bati n'ya sa mga ito. Nakipag fist pump sa kan'ya ang mga kaibigan at binato s'ya ni Sevy ng isang lata ng beer na mabilis n'ya namang sinalo.

"What's up Drake?" baling n'ya sa kaibigan.

" I heared you're going to join the race?" seryosong tanong nito sa kan'ya. Nagulat pa s'ya sa tanong nito.

"How did you know?" gulat na tanong n'ya.

"I have an eye everywhere Ferrari," malamig na sagot nito sa kan'ya.

"Are you spying on me Lord Drake?" pagbibiro n'ya dito. Sinapak naman s'ya ni Tobias.

"Hindi lang naman ikaw ang pinababantayan n'yan eh, lahat naman tayo."

"So kailangan mo talaga manapak para sabihin sa akin yan?" sikmat n'ya sa kaibigan.

Natawa naman ito sa sinabi n'ya at tinapik s'ya sa balikat.

"Bakit kayong apat lang? Nasaan ang iba?" tanong n'ya sa mga ito.

"Huwag mo nang hanapin, pinagapos yon ni Drake para hindi makasama," natatawang sagot ni Sebastian sa kan'ya.

"And Morgan?" tanong n'ya ulit.

"He left for US this morning, may practice ang doctor natin," sagot ni Howald na tinanguan n'ya lamang.

"Can you abort the mission Ferrari?" seryosong tanong ni Drake sa kan'ya. Naguguluhan s'yang lumingon dito.

"Why? Pareho kayo ni Duncan ng sinasabi. Bakit n'yo ba pinipigilan ang misyon kong ito?" naguguluhan n'yang tanong.

"Do you know who are the people behind this race?" si Tobias sa kan'ya.

Ang alam ng mga kaibigan isa lang s'yang membro ng security agency na tumutulong sa gobyerno na masugpo ang mga masasama.

Ang hindi alam ng mga ito ay isa s'yang assassin ng isang nakakatakot na ahensya sa buong mundo.

"We are investigating!" maikling sagot n'ya.

"Better be. Alam mo ba kung gaano ka delikado ang pinasok mo? At tama si Duncan, you shouldn't accept the job," sermon ni Drake sa kan'ya.

"May alam ba kayo?" manghang tanong n'ya sa mga ito.

"Wala kami sa sinasabi mong ahensya pero alam ko ang maduduming kalakaran sa mundo Ferrari. Kaya habang may oras ka pa, abort that mission immediately!" matigas na sabi ng kaibigan sa kan'ya.

"Too late, we already plan everything and I already registered my name as one of the racers sa nasabing laro," sagot n'ya sa mga ito.

"You're so stubborn Ferrari!" naiiling na komento ni Howald.

"And so are you guys?" buska n'ya sa mga ito at nginisihan pa ang mga ito.

"Kung hindi ka na talaga mapipigilan, I will send someone to guard you inside," malamig na sabi ni Drake.

"Toretto you dont need to do that! Kaya ko ang sarili ko. Wala ba kayong tiwala sa akin?" naiiling na tanning n'ya sa mga ito.

"Sayo mayroon , pero sa mga taong iyon wala!" panabay na sagot ng mga kaibigan.

Tinungga n'ya na lamang ang natirang beer at nagpasya nang umuwi.

Tatlong araw matapos ang pagkikita nila ng mga kaibigan idinaos ang naturang laro. Naka ready na lahat ng team n'ya para sa kani-kanilang responsibilidad.

Nagpadala si Drake ng mga tao para magbantay sa kan'ya sa loob ng race. Hindi n'ya na lamang ito kinontra at hinayaan na lang sa gusto nito.

Inayos n'ya na ang mga gagamitin para sa race.

Nilagay n'ya sa kama ang mga uniform at racing gear na gagamitin.

Sinipat n'ya din ang lahat ng mga gadgets na ikakabit n'ya bukas sa katawan n'ya, para may connection sa kan'ya ang mga kasama.

Sobrang liliit ng mga ito na para hindi mahalata ng mga organiser sa naturang race. Nakalagay sa contract na pinirmahan nila na bawal ang anumang gadgets, o bagay na makapagbibigay ng balita sa labas.

Illegal ang naturang race at ayaw ng mga namamahala rito na may mag leak na news sa labas ng racing circuit.

Naligo muna s'ya bago nagpasyang magbihis. May apat na oras pa s'ya bago magsimula ang race. Paglabas n'ya ng banyo narinig n'yang tumunog ang kan'yang cellphone.

"Orion?" bungad n'ya sa kaibigan.

"All set and ready! Ikaw na lang ang kulang at hinihintay namin dito," pagbibigay alam nito.

"Ok! Im coming.., after an hour bro." sagot n'ya rito.

"Sige hintayin ka na lang namin dito. Don't forget to wear the gadgets na kakailanganin mo mamaya para sa communication natin," paalala nito sa kan'ya.

"Sure bud! I will! Thank you," pasasalamat n'ya sa kaibigan.

Orion is one of his closest friend and comrade as well sa ahensya. Maliban kay Duncan, ito lang din ang tanging takbuhan n'ya kapag kailangan n'ya ng tulong.

Magbibihis na sana s'ya nang bumukas ang pinto ng kan'yang kwarto at nakita si Duncan na matamang nakatingin sa kan'ya.

"If you came here just to stop me, then I tell you.., too bad it's too late already. Naka ready na kaming lahat para sa gagawing operasyon," malamig na sabi n'ya dito.

Humakbang ito papasok at nakipaptitigan sa kan'ya.

"I just want to say thank you for everything bro. Habang buhay ako hindi ko makakalimutan ang mga kabutihan na ginawa ng pamilya mo sa akin, at habang buhay kong tatanawing utang na loob ang lahat ng iyon," seryosong sabi nito. Napakunot-noo pa s'yang lumingon dito.

"Anong drama yan Duncan?" sikmat n'ya sa kaibigan.

"Nothing! I just want to say thank you and apologise for my behavior this past few days."

"Its nothing bud! Alam mo naman na hindi ko kayang magalit sayo over small things. Naintindihan kita at alam kong ayaw mo lang akong mapahamak , kaya sinisigurado ko sayo ngayon na walang mangyayaring masama sa akin, ok? Ipanatag mo ang loob mo," alo n'ya sa kaibigan.

Lumapit naman ito sa kan'ya at tinapik s'ya sa balikat.

Napangisi naman s'ya dahil alam n'ya namang hindi s'ya nito kayang tiisin.

"Are we good now?" tanong n'ya dito.Tumango naman ito at tipid na ngumiti sa kan'ya.

"Just be safe Zachary, and get back unscratched," paalala nito sa kan'ya. Natawa s'ya sa ka seryosohan nito.

"Hey chill! Masyado kang seryoso," buska n'ya dito.

Lumapit ito sa kan'ya at nag man hug na ginantihan n'ya naman, ngunit naramdaman n'ya ang pagturok ng isang matulis na bagay sa kan'yang batok.

"D-u-n-c-a-n! " nauutal na tawag n'ya dito dahil nararamdaman n'ya agad ang pagkawala ng kan'yang lakas.

"I'm sorry Zach, but I won't allow them to kill you! Don't get mad at me, ginagawa ko lamang ito bilang pagtanaw ng utang na loob na pinakita mo sa akin. Ayos lang na ako ang mawala, huwag ka lang."

"B-ak-it mo g-i-na-gaw-a to?" nakuha n'ya pang tanungin ng kaibigan bago s'ya nabuwal sa sahig at nawalan ng malay.

"Bakit? Dahil mahalaga ang buhay mo kaysa akin, dahil mas mabuti kang tao kaysa akin, dahil marami ka pang matutulongan kaysa akin, at dahil sa isang malaking utang na loob na tinatanaw ko sa pamilya mo at sayo," malungkot na sabi ni Duncan bago binuhat ang kaibigan at ideneposito sa kama at kinumotan.

Kinuha n'ya ang gear at mga uniform ni Zachary at nagbihis.

Kinuha n'ya din ang prosthetic mask na mukha ni Zachary at isinuot sa mukha. No one will recognise him na hindi s'ya si Zach.

Matapos makapag bihis at maayos ang lahat, he took Zach car key at lumabas na ng condo ng kaibigan, ngunit bago pa s'ya lubusang lumabas nilingon n'ya muna ito at malungkot na tiningnan.

"I'm sorry kaibigan! Sana mapatawad mo ako pagdating ng araw," mahinang sabi n'ya sabay patong ng isang usb sa mesa na niready n'ya na para iwan ky Zach.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hala baka mapahamak ka Duncan sana suot mo yong sinasabi ng grupo na small camera
goodnovel comment avatar
Narissa Malaluan
connected to sa story ni geo at maybelle....naiyak ako kay duncan....
goodnovel comment avatar
Switspy
oh...si dunca ba ito sa kwento nila geo lee
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status