Share

CHAPTER 5

PAULYN'S POV

"Nay aalis na po ako," pasigaw na paalam n'ya sa ina.

"Sige anak, mag ingat ka," sagot ng nanay n'ya na nasa kusina.

"Opo nay! Salamat."

"Huwag mong kalimutan ang baon mo," anang ina n'ya.

"Nandito na po nay, salamat ulit!" sagot n'ya sabay kuha ng bag na nasa sofa at sinukbit sa kan'yang balikat.

"Baby Josh aalis na si mama Pau," paalam n'ya sa bata na nagbabasa ng libro sa isang sulok.

"Bye!Bye! Mama Pau, take care po," malambing na sabi nito sa kan'ya.

"Wala bang kiss si Mama Pau Josh?" lambing n'ya sa bata.

Mabilis naman itong tumayo at tumakbo sa kinaroroonan n'ya.

"Syempre meron," nakangising sabi nito sabay hatak sa kan'ya para magpantay ang mukha nila at humalik sa magkabilang pisngi n'ya.

"Ang sarap naman, kaya mahal na mahal kita eh," gigil na sabi n'ya dito sabay pisil sa pisngi ng napaka gwapong batang lalaki.

"Syempre naman po, masarap po talaga ako," hagikgik na sagot nito sa kan'ya na ikinatawa n'ya din.

"Ikaw Joshua kung ano-ano ang natutunan mo sa kapapanuod ng tv kasama ang lola mo," pabirong sikmat n'ya dito.

"Mama Pau late na po kayo," paalala nito sa kan'ya dahil alam nitong paparangalan n'ya na naman ito tungkol sa panunuod ng tv.

Kinuha n'ya naman ang bag at isinukbit na sa balikat.

"Oh s'ya aalis na ako ha," paalam n'ya dito.

"Sige po, ingat po kayo."

"Bibisita pala ang nanay mo mamaya Josh, nag text sa akin kagabi kaso tulog ka na," imporma n'ya sa anak.

Tumalon naman ito sa tuwa, halatang miss na miss na ang ina na nagtatrabaho at hindi nito nakakasama.

"Yeheeyy! Makikita ko na naman si nanay. Salamat mama Pau, " mabait na pasasalamat nito sa kan'ya.

Nginitian n'ya lang ito at lumabas na ng bahay.

"Naaawa din s'ya kay Josh, bata pa lang ito pero nararanasan nang mahiwalay sa ina dahil kailangan magtrabaho ng kaibigan n'yang si Rizalyn.

Mabuti na lang at nasa poder nila si Josh at hindi nila pinapabayaan kapag wala si Rizalyn.

"Nag aabang na s'ya ng jeep sa labasan ng kanilang bahay.

Araw-araw nagko commute s'ya papunta sa trabaho.

Sobrang pasasalamat n'ya na nakapasok s'ya bilang sekretarya ni Mr. Lewis, napakabait nitong boss sa kan'ya at sobrang laki magpasahod kung kaya pinag-iigihan n'ya ang kan'yang trabaho.

Malaking tulong sa kanila ang sinasahod n'ya mula dito lalo na sa mga gamot ng nanay n'ya.

Naalala n'ya pa dati kung gaano sila kahirap kahit na dalawa lang sila.

Kung saan-saan rumaraket ang ina para maitaguyod lang s'ya nito at mapatapos ng pag aaral.

Ngayong may katandaan na ito, ayaw n'ya nang gumagawa pa ito ng mga mabibigat na gawain.

At malaking tulong din na nasa kanila si Joshua dahil may mapaglibangan ang kan'yang ina at hindi maiisip na magtrabaho ng kung ano-ano.

Maya-maya lang may dumaan na jeep at huminto sa harapan n'ya, mabilis s'yang sumakay at nag abot ng bayad.

Naipit s'ya sa traffic dahil halos lahat ng mga tao ngayon at papasok sa trabaho ganon din ang mga estudyante na papasok sa eskwela.

Panay ang kuskos n'ya sa kan'yang mga palad dahil siguradong malilate na s'ya.

Ayaw pa naman n'ya na magkaroon ng bad record sa pinagtatrabahoan.

Hindi pa rin umuusad ang traffic kung kaya nagpasya na lang s'yang bumaba at takbuhin ang unahan, hindi naman masyadong malayo ang kumpanya na pinapasukan n'ya, mas malala kung hihintayin n'ya na umusad ang trapiko dahil sa nakikita n'yang sitwasyon ng daan baka aabutin pa s'ya ng dalawang oras dito.

Nagkataon naman na may humintong motor sa likoran ng jeep pagkababa n'ya. Hindi na s'ya nag aksaya ng panahon, mabilis s'yang lumapit sa driver at sumampa sa likoran nito.

"Kuya magbabayad ako basta ihatid mo lang ako sa trabaho ngayon din," nagmamadaling utos n'ya sa driver.

Hindi n'ya makita ang mukha nito dahil sa helmet na suot.

"Kuya sige na po, late na talaga ako, ihatid mo lang ako doon babayaran kita, mas madali kasing sumuong sa traffic itong motor mo," pakiusap n'ya dito.

Nilingon naman s'ya nito saglit at senenyasang kumapit sa bewang ng lalaki.

Walang pag alinlangang yumapos s'ya sa bewang nito, at natigilan s'ya ng biglang kumabog ang kan'yang dibdib.

Nagbuga muna s'ya ng hangin at kinalma ang sarili at napapikit ng magsimula ng sumuong sa mga maliliit na space ang motor ng lalaki.

Ilang minuto lang ang itinagal nila sa kalsada at narating ang kumpanya kung saan s'ya nagtatrabaho.

"We're here!" baritonong boses ang pumukaw sa kan'ya.

Hanggang ngayon kasi nakayapos pa s'ya ng sobrang higpit sa bewang ng lalaki at nakapikit.

Bigla naman s'yang naalimpungatan ng marinig ang boses nito.

"Oh sorry, nandito na pala tayo," sagot n'ya at mabilis na bumaba.

Dinukot n'ya ang wallet para bayaran ang lalaki ngunit sa pagtingala n'ya dito biglang tumigil ang mundo n'ya ng masilayan ang hitsura ng lalaking naghatid sa kan'ya sa opisina.

Gwapo ang boss n'ya at sobrang lakas ng sex appeal pero itong nasa harapan n'ya ngayon nag uumapaw at sobra-sobra ata.

Brown ang kulay ng mga mata nito, matangos ang ilong, manipis at mapupulang mga labi, may kaunting balbas ito sa mukha na mas lalong nakadagdag sa kgwapohan ng lalaki.

"Miss? Hey! Are you ok?" narinig n'yang tawag ng lalaki sa kan'ya kasabay ng mahinag pagtapik nito sa kan'yang pisngi.

Naalimpungatan naman s'ya at bumalik sa huwisyo.

"Gosh nakakahiya ka Pauline," mahinang kastigo n'ya sa sarili. Nakita n'yang ngumiti sa kan'ya ang lalaki.

"Ang panty ko..., dyos ko!" bulong n'ya pero narinig yata ng lalaki dahil bigla na lamang ito bumunghalit ng tawa na ikinapula ng kan'yang buong mukha.

At para makaiwas sa kahihiyan, mabilis s'yang tumakbo palayo dito pero bago pa s'ya tumakbo wala sa sariling naibigay n'ya sa lalaki ang kan'yang wallet na kukuhanan n'ya sana ng pera para pambayad dito.

Deritso lang s'ya sa loob ng building, ni hindi n'ya nagawang batiin si Manong guard dahil sa pagmamadali.

Pulang-pula ang kan'yang mukha dahil sa pagkapahiya.

"Naku naman Paulyn bakit ka ba kasi tumunganga, gwapo din naman ang boss mo pero bakit hindi ganon ang naging reaksyon mo ng unang pagkikita mo sa kan'ya," mahinang kastigo n'ya sa sarili.

Hanggang ngayon ramdam n'ya pa rin ang malakas na kalabog ng kan'yang puso. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam s'ya ng ganito sa isang lalaki.

Napatulala pa s'ya habang na iimagine sa isip n'ya ang mukha ng estrangherong naghatid sa kan'ya sa opisina.

"Hoy!" malakas na sigaw ng kung sino sa kan'ya.

"Ay itlog mo orange!" gulantang na sambit n'ya.

Tumawa naman ng malakas ang taong nasa harapan n'ya na walang iba kundi ang baklang si Mauricio na kasamahan n'ya sa trabaho.

"Hoy gaga! Walang itlog na orange unless kung kukulayan mo," maarteng nakapilantik ang mga daliri nitong saway sa kan'ya.

"Bwesit ka kasi bakit ka ba nanggugulat na baklita ka?" sikmat n'ya dito.

"Ay shunga! Anong nanggugulat? Kanina pa ako kuda ng kuda dito pero hindi ko alam kung saan gumala ang espiritu mo," maarteng sikmat nito sa kan'ya.

"Kanina ka pa d'yan?" nag aalangang tanong n'ya.

Baka narinig nito ang pinagsasabi n'ya kanina.

"Kanina pa te! Ano ba kasi ang iniisip mo na parang singlalim ng butas ng puwet kong natusok kagabi."

"Eiwwww kadiri kang bakla ka..., lumayas ka nga!" pagtataboy n'ya dito.

"Gaga ka, ibigay mo muna sa akin ang mga napirmahan na'ng report para sa accounting.

Kaya ako nandito dahil d'yan pero mukha ka namang timang ngayon at hindi matinong kausap kaya ibigay mo na at lalayas na ako," maarteng reklamo nito.

Kinuha n'ya agad ang mga files na natapos nang mabasa at mapirmahan ng boss n'ya kahapon at inabot sa bakla.

Inirapan naman s'ya nito at mataray na tinaasan ng kilay.

"Maganda sana kung hindi lutang minsan," parinig ng baklang kaibigan sa kan'ya.

"Hoy! Mawra sumusobra ka na ha!" sikmat n'ya sa kaibigan.

"Hoy! Pauling ayusin mo yang pag balahura mo sa pangalan ko. It's Moira and not Mawra. Anong akala mo sa akin yong hilot sa divisoria na si Aling Mawra," inis na sikmat nito sa kan'ya.

Natawa naman s'ya sa reaction nito na mas lalo pang ikinainis ng kaibigan.

Inirapan muna s'ya nito ng bongga bago nagmamaktol na umalis at bumalik sa accounting department kung saan ito naka assign.

Sa lahat ng mga nagtatrabaho sa Lewis Construction tanging si Mauricio aka Moira lamang ang nakikipag kaibigan sa kan'ya.

Ilag s'ya sa mga kasamahan n'yang manghuhusga ng kapwa.

Palibhasa kasi ipinanganak na nakakaangat sa buhay kung kaya ganon na lang kung makamata sa ibang tao.

Bumalik na s'ya sa trabaho.

Ang dami n'yang tatapusin ngayon at ipasa sa boss n'ya.

Nagpa alam ito na hindi muna makakapasok dahil may importanti itong gagawin.

Ito ang nagugustohan n'yang ugali ng Sir Tobias n'ya, hindi ito ang tipo ng boss na walang pakialam sa kan'yang mga empleyado.

Palagi itong nagpapaalam kung hindi ito makakapasok o makaka attend ng mga meeting para hindi s'ya mangangapa kung saang lupalop ito hahanapin kapag may problema sa client nila.

Inabala n'ya na ang sarili sa pagta trabaho.

Mabuti na lang at nawala saglit sa isip n'ya ang mukha ng lalaking naghatid sa kan'ya kanina.

Tumigil lamang s'ya ng marinig ang alarm para ipahiwatig na lunch break na ng buong opisina.

May ganito sa kanilang kumpanya, sinadya itong ilagay para e remind ang mga empleyado na oras na ng tanghalian.

Marami kasi minsan ang nakakalimot nang kumain dahil totok na totok sa trabaho at isa na s'ya doon.

Niligpit n'ya na muna ang mesa at pinatay ang computer.

Dinampot n'ya ang bag at hinanap ang wallet para maglabas ng small bill na ihuhulog sa vending machine sa baba para sa drinks na bibilhin. Mas mura kasi sa vending machine kay'sa canteen mismo.

Kanina pa s'ya naghahalungkat pero hindi n'ya makita ang kan'yang wallet.

"Saan ko ba inilagay iyon?" mahinang tanong n'ya sa sarili.

"Are you looking for this?" isang baritonong boses ang pumukaw sa kan'ya.

Napatingala s'ya dito dahil sa pagkagulat at mas lalo pa s'yang nagulat ng makita kong sino ang nagsasalita sa harapan n'ya.

It was the same person na naghatid sa kan'ya kaninang umaga, at hawak-hawak nito ang kan'yang wallet.

"Ahmmm, bakit nasa sayo yan?" bobong tanong n'ya dito dahil naalala n'ya na bigla n'ya palang naibigay kanina sa lalaki dahil sa sobrang pagmamadali na iwasan ito.

Narinig n'yang mahina itong natawa.

"You gave it to me this morning," baliwalang sagot nito.

Nagpalinga-linga ito sa paligid na may humahangang tingin sa mga mata.

"Nice office," puri nito sabay lingon sa kan'ya.

"Ahmmm, pwede ba sa akin na ang wallet ko. Bababa na kasi ako for lunch "

"Oh! You need to pay me," walang gatol na sagot nito.

"Sige akin na at babayaran kita."

"No, I don't need a cash for payment."

"Then what?" medyo naiiritang tanong n'ya sa lalaki.

Hindi n'ya alam kung paano ito nakaakyat sa taas.

"Have lunch with me, " maikling sagot nito. Nagulat man pero hindi s'ya nagpapahalata.

Masyadong malakas ang tambol ng kan'yang dibdib dahil sa lalaking nasa harapan n'ya.

"May baon po ako Mr.-----," hindi n'ya na natuloy ang sasabihin dahil pinutol s'ya nito at ipinakilala ang sarili.

"It's Zachary Giorgio Ferrari. Call me either my first name or second name I don't mind, just don't call me Mr. dahil naaalibadbaran ako," mahabang litantya nito.

"Ahmmm, may baon po ako Mr. I mean Zach pala."

"It's ok, pwede naman nating kainin yan sa baba. I'm not bringing you somewhere far dahil alam kong may trabaho ka pa. Let's just settle in the canteen downstairs for now," pahayag nito.

Wala na s'yang nagawa dahil mukhang desidido talaga itong makikain sa kan'ya.

Sabay silang bumaba sa canteen ng kumpanya.

Lahat ng mga tingin nakatutok sa kanila este sa kasama n'ya pala.

Sino ba naman kasi ang hindi matutulala sa kagwapohan ng kasama n'ya.

Naghanap s'ya ng mesa na nasa dulo at wala masyadong tao.

Nakikita n'yang nakataas ang mga kilay ng ibang mga empleyadong babae sa kan'ya.

"May gusto ka bang orderin? Ako na ang oorder para sa atin," tanong ni Zach sa kan'ya. Tipid naman s'yang ngumiti dito at umiling.

"Ok na ako, may pinabaon na sa akin si nanay. Ikaw na lang ang umorder ng para sa sarili mo," magalang na sagot n'ya dito.

Tipid naman itong ngumiti sa kan'ya bago tumayo at nagpunta sa cashier para mag order ng pagkain.

Inilabas n'ya na ang baong dala. Tinapa na boneless bangus at ginisang monggo ang binalot ng nanay n'ya para sa kan'ya.

May maliliit na taba ng baboy na sahog ang monggo at mayroon ding chicharon bulaklak na kasama na nasa separate na box at ilalagay lamang n'ya kapag kakain na s'ya.

May apat na hiwa din ng hinog na mangga na kasama sa isa pang box.

Napangiti s'ya dahil sa mga pagkaing ibinalot ng kan'yang ina.

Alam nitong paborito n'ya ang mga ito, kaya sa araw-araw na pabaon nito, lahat ng pinapadala sa kan'ya ay ang mga paborito n'ya para daw masigurong mauubos n'ya lahat.

Bumalik na si Zachary sa kanilang mesa dala ang mga pagkaing inorder nito.

"I bought a dessert for you, mamaya na nila e serve after ng lunch natin.

And this ice lemon tea is for you," sabi nito sabay abot sa kan'ya ng isang basong inumin.

"Thank you!" tipid na pasasalamat n'ya.

Tumayo muna ito at naghugas ng kamay sa hugasan sa gilid, at kumuha ng dalawang ekstrang plato.

Ibinigay nito sa kan'ya ang isa at ang isa naman ay para sa lalaki.

Iniusog nito ang mga pagkaing inorder sa gitna na ipinagtataka n'ya. Nahulaan naman agad nito ang tanong sa isip n'ya.

"Let's share our food," simpleng pahayag nito sa kan'ya. Bigla na namang kumabog ng bongga ang kan'yang puso sa sinabi nito.

Nilagyan pa s'ya nito ng pagkain sa plato na ikinapula ng kan'yang buong mukha.

"A-k-o na!" agaw n'ya dito.

Hinayaan naman s'ya ng binata at nagpatuloy ito sa pagsandok sa sariling plato.

Nakita n'yang hinati nito ang tinapa na bangus at inilagay sa kan'yang plato ang kalahati at sa lalaki ang kalahati.

Sumandok din ito ng monggo at maganang kumain gamit ang mga kamay nito na humihimay sa tinapang bangus.

She was amazed with how the man in front of her eating using his bare hands with no hesitation.

Kung ibabasi sa hitsura nito, masasabing galing ito sa napakayaman na pamilya, kaya hindi n'ya inaasahan na makikita n'ya itong maganang kumakain ng tinapang bangus at ginisang monggo ng nanay n'ya gamit ang mga kamay.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow nagkatagpo na sina ni Zach at Pau sila ba ang itinadhana
goodnovel comment avatar
Narissa Malaluan
tinamaan agad si zach.....
goodnovel comment avatar
Queen Akina
ayieee lumalab life ni Zach huh.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status