Share

Chapter Four

A U T U M N - P O V

Damn him! Damn that nerd! Magmula kanina pang Math class, wala akong ibang ginawa kundi ang ilista lahat ng posibleng dahilan kung bakit siya nasa madilim na eskinita noong gabing iyon. Ika-pitong period na ngayon, pero kahit ilang oras na ang nasayang ko kakaisip, hindi ko pa rin makuha ang sagot. Top student siya ng high school na ito kaya bakit siya gagawa ng isang bagay na maaring maging dahilan ng pagkawala ng scholarship niya at pagkatanggal sa kanya?

Ang tanong na pinaka nakakapagpabagabag sa akin kahit pilit ko itong hindi iniisip ay, “kung bakit niya ako hinalikan?” My body shuddered as I remembered that kiss. It wasn’t a sloppy kiss at nagustuhan ko iyon. Kahit na medyo magaspang ang galaw ng kanyang mga labi sa akin, may something na sweet at tender sa halik na iyon.

Stop thinking about the kiss, Autumn! Hindi iyon importante!

Dapat ay sinampal ko siya nang halikan niya ako, pero imbes na iyon ang gawin ko ay in-enjoy ko pa ang halik niya at nagpatangay dito. Para akong tanga na hinayaan siyang hawakan ako. I groaned at the realization.

“Uy, Autumn, okay ka lang?” Lumapit at bumulong sa akin ang katabi kong si Mey. May English test kami ngayon na natapos ko lang sa loob ng sampung minuto. Ang natitirang oras ng exam ay ginugol ko kakaisip tungkol sa nerd na ‘yon.

"Yeah, okay lang ako. Wala lang ‘to." Tumango ako at nginitian siya.

Isang pamilyar na boses ang tumawag sa aming pansin. “Mr. Rodriguez, hindi ba dapat mag-isa nating ginagawa ang exam?” Hindi talaga siya matatawag na Ellie Bitch kung hindi niya kukunin ang bawat pagkakataon para asarin ako.

Gamit ang matamis na boses na halos magpasuka sa akin, binigyan niya ako ng puppy eyes at nag-pout. “So bakit mo po pinapayagan si Autumn at Mey na mag-exam na magkasama?”

Muntik ko nang ingudngod ang mukha niyang may makapal na makeup pero nagtaas ng kamay si Rosie—aka bitch number two—na laging kasama ni Ellie sa lahat ng kanyang kalse at sinabing, “nakita ko po silang nag-uusap, Mr. Rodriguez.” Typical sidekick.

Ellie flipped her hair and smiled. “Akala ko ba walang special treatment para sa kahit na sino dito sa Carlton?” "

Lumingon ako kay Joe na kita ang paghihirap sa mga mata. Alam naming pareho na hindi ako nandaya, pero dahil sa paglalagay sa kanya ni Ellie sa alanganin na posisyon, wala kaming magawa. Pumikit siyang saglit, at nang dumilat siya alam ko na agad na nakapagdesisyon na siya.

“Ms. Summers, Ms. Wang. Puntahan niyo ako mamaya para i-retake ang test na may mga bagong tanong. May oras pa kayo pagkatapos ng school para mag-prepare.” Pagkatapos, kinuha niya ang mga papel namin ni Mey. Tiningnan ko ang best friend ko na mukhang gusto nang umiyak. Like I’ve said, she was an innocent one. The sweetest soul I’ve ever met. Hindi siya sanay sa mga ganito bagay lalo na’t wala siyang kasalanan. It was the bitch’s fault.

Kinuha ko ang bag ko mula sa sahig at sinenyasan si Mey na sundan ako.

"Goodbye, cheater." Ellie gave me an innocent smile and waved her long-nailed hands.

Pumihit ako paharap sa kanya at ngumisi. “Alam mo, Ellie, sakit ang pagiging inggitera. Get well soon, bitch!”

"Ms. Summers, bawal magmura sa klase." Joe's tone warned me that he could not always let this kind of thing slide.

Tiningnan ko siya at nagkibit balikat. "Sorry, Mr. Rodriguez, see you later."

“Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Mey sa akin pagkalabas naming. Mayroon pa kaming fifteen minutes bago ang sunod na klase kaya pumunta na muna kami sa lockers naming. “Parang wala ka sa sarili.”

Inakbayan ko siya at yinakap. “May cramps lang ako.” Tiningnan ko siya. “Sorry ha, nadamay pa kita.”

"Nah," Mey shook her head, smiling, "Ellie's a bitch."

Lumaki ang mga mata ko at bigla akong tumawa. “Wow!” Namula si Mey. “Nagmura si Mey Wang, everyone!” Tumawa kami pareho.

Nasa locker na kami ni Mey, tatlong locker lang mula sa akin, nang may mapansin akong gumalaw. Napalingon ako at doon ko Nakita ‘yong nerd na naglalakad papunta sa amin. Sa likod ng kanyang makapal na salamin, nakatitig siya sa akin na para bang predator na binabantayan ang kanyang prey sa National Geographic. He looked like his normal, boring self with a buttoned-up shirt topped up with sweater and brown pants.

When he passed us, binigyan niya ako ng makahulugang tingin, and there was something in his eyes that sent shivers through my body.

Napalunok ako nagpasalamat na masyadong abala si Mey sa pagku-kuwento tungkol sa sunod na Chemistry test para makita kung paanong hindi ako nakagalaw at tila na-estatwa sa gitna ng hallway.

* * *

THERE IS NO SUCH THING AS A PERFECT BOYFRIEND, at hindi ka rin puwedeng maghangad na maging perpekto ang isang tao kung ikaw mismo ay hindi.

Iyon ang napagtanto ko habang naghihintay kay Ashton na sunduin ako sa loob ng isa’t kalahating oras.

Umilaw ang cellphone ko. Tiningnan ko ang screen pero message lang iyon mula sa group chat namin nina Jess, Mey, at Norma.

Matagal na naming ginawa ang group chat na ‘to at ilang beses na ring pinalitan ang pangalan. Higit isang dosenang beses na rin yata. Mula sa Chamber of Secrets, The Game of Phones, ngayon ay A Gaggle of Giggles naman ang pangalan nito, courtesy of Norma,

Kahit naman popular kami, we are still girls and human beings kaya lahat kami ay bahagi pa rin ng kahit isang fandom. Looking back at our usernames, siguro ay mahuhulaan agad kung anong mga fandom iyon.

Speaking of Norma, she was the one texting just now.

CupBTargaryen (Norma): Andiyan na ba siya?

17yearsOfSummers (me): Nope ğŸ˜•

1DNarry4ever (Jess): Babatukan ko siya at ilululob ang ulo niya sa inodoro ğŸ˜¡

AsianPotterhead (Mey): E tinawagan mon a ba siya?

17yearsOfSummers: I did 10 mins ago. Sabi niya on the way na siya. Don't worry, baes ğŸ˜š

1DNarry4ever: He better be ğŸ˜’

CupBTargaryen: Ditch him! Sumama ka na lang sa amin! Bumili ka ng tickets!

17yearsOfSummers: Tempting ğŸ¤”

Panunuorin nila ang latest Kingsman movie, at sa totoo lang, gusto ko nang umalis dito at ipagpalit si Ashton kay Taron Egerton, pero nangako ako sa kanya na dito na lang ako. Nag-text siya sa akin ten minutes ago at sinabing, “malapit na ako diyan.”

CupBTargaryen: Then get your pretty ass here, girl! ğŸ˜‚

17yearsOfSummers: Naw, bae. Ok lang. Enjoy kayo XO ğŸ˜˜

1DNARRY4EVER: Sabi mo yan ha. Just holler if u change ur mind n I'll be there asap ğŸ˜‰

Tiningnan ko ang orasan sa screen ko bago ito ibinulsa ulit.

Sampung minuto na ang nakalipas pero wala pa ring Ashton. Totally annoyed, bumalik ako sa loob ng school at naglakad sa hallway. Para pakalmahin ang sarili, inilabas ko ang aking earphones at nag-play ng paborito kong song sa ngayon: Strip that Down by Liam Payne. Hindi ako Directioner, si Jess iyon, pero stuck na ang kantang ito sa utak ko.

Nadaanan ko ang ilang bakanteng mga classroom at nang dumating ang chorus, hindi ko napigilan ang sumayaw. I was totally zoned out until a voice disrupted my inner peace. “Enjoying yourself, huh?” Hindi ako iyong tipong mabilis maapektuhan ng isang bagay o tao. Pero ang paraan ng kanyang pagtatanong ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa dibdib ko, and a shiver from the top of my head to the tip of my toes.

Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Hindi dahil “kilala ko siyang buong buhay ko” tulad sa mga cliché na mga pelikula, pero dahil ang boses na iyon ay pagmamay-ari ng isang tao na pinagmukha akong tanga ilang araw na ang nakalilipas sa likod ng isang club.

Paglingon ko, nakatingin siya sa akin gamit ang mga matang puno ng intesidad at pagka-aliw. Pakiramdam ko, nahuli akong gumagawa ng masama kahit na inosente naman ako. Well, hindi naman ako ganoon ka-inosente; I think that fact is well established. Pero sa pagkakataon na ‘to, inosente ako.

“Bakit? Gusto mo ba ang nakikita mo?” Alam ko na kadalasan, binabanggit ang linyang ito ng mga tao nang may kasamang mapang-akit na ngiti o habang nakataas ang kilay. Not in this case. Gumulong ang mga salita sa dila ko at sinundan ng pag-irap ng aking mga mata. Unlike those other occasions, hindi siya kasama sa mga taong gusto kong ma-impress.

If anything, I was not only vexed about the stolen kiss; I was fuming.

"What if I say I do?" He licked his lower lip and the sight of his tongue reminded me of that damn kiss again.

Nang hindi ako nakasagot, mahina siyang tumawa at ngumiti. “Huwag kang mag-alala, hindi kita type.”

Deserve niya ang isa pang irap. “Praise the Lord, hindi niya raw ako type sabi ng nerd! Finally, hindi magiging isang bullshit na teenage drama movie ang buhay ko.” Tumalikod ako sa kanya at isinuot ulit ang earphones. He made me miss Liam’s amazingly sexy voice. Geez.

Kumanan ako ako at pumasok sa isang bakanteng classroom. Pumunta ako sa pinakalikod at hinila ang isang upuan. Pagkaupo, pinatong ko ang legs ko sa lamesa at sumandal. Finally, puwede ko nang i-enjoy ang katahimikan.

Nagpa-relax sa akin ang magandang boses ni Shawn Mendes. Pumikit ako at hinayaan ang sarili na tangayin ng mga salitang kinakanta niya, begging for mercy. Kung mayroon lang lalaking ganoon. Maski si Ashton ay hindi ganoon ka-romantic. Dalawang taon na kaming mag-on, pero ang pinaka-romantic na bagay na nagawa niya lang para sa akin ay isang bucket ng roses noong anniversary namin.

What did I expect? Perfect boyfriends only existed in Nicholas Sparks' books and Titanic.

Shame because I have a romantic soul.

Natapos na ang kanta at napalitan ng isa tungkol sa pagtrato nang maayos sa isang babae kasi deserve niya ang isang gentleman. Ngumiti ako at hiniling na sana hindi nakatira si Shawn sa Canada. Maliit lang ang pagkakataon pero nakatutuwa siguro kung nakatira kami sa iisang lugar.

Kung hindi lang kasi ako sobrang engrossed kakaisip kung gaano ka-perfect na boyfriend siguro si Shawn Mendes, mapapansin ko na hindi na lang ako mag-isa sa classroom. May nakatayo sa gilid ko, at nang mapansin ko ito ay biglang may nagtakip sa bibig ko.

"Ssshh. Magiging okay ang lahat, sweetheart." Iyon ang huling bagay kong narinig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status