HILLARY'S POV
Pinaglalaruan ko ang basong hawak habang nakikinig sa sinasabi ng na sa kabilang linya.
"Okay Ms. Hillary...tatawagan ko na lang po ang management ng sponsore company," magalang na wika ng personal assistant ko.
Kasalukuyan rin itong na sa bakasiyon dahil na rin binigyan ko ito ng permiso. Matagal-tagal na rin kasi itong hindi nakakadalaw sa probinsya nila.
“Thank you, Ali. Enjoy your vacation...”
Nilapag ko ang bitbit na baso sa lababo at tinignan ang ginagawa ni Manang Ising na ngayon ay nagsusulat.
“Kayo rin po, Ms. Hillary. Salamat ho.” Ali said before I ended the call.
Nag file ako ng dalawang linggong leave form noong nakaraang araw pa. Gusto ko muna mag focus sa kung anong pinagkakaabalahan ko ngayon.
It's been one week na rin noong sabay kaming kumain ni Juanito at nagpaalam na hindi uuwi. Totoo nga sinabi nito dahil isang linggo na rin itong wala.
"Manang, wala pa rin po ba si Uan?"
Binalingan ako ng matandang katulong at malungkot na umiling. Kasalukuyan itong naglilista ng mga e go-grocery dahil ubos na ang stocks sa ref.
Araw-araw ba naman akong nagluluto ng kung anu-ano eh. Nag-aaral kasi akong magluto kaya ganito.
"Nako, wala pa po siya sentorita. Baka busy lang po..."
Tumango lang ako at pumunta sa pool area. Nakaharap ang mukha ko sa mainit na sinag ng araw habang nakapikit ang mga mata.
God knows how I missed him.
Pagluluto ang inatupag ko simula noon. At proud akong sabihin na kahit paano ay masarap na raw akong magluto sabi ni Manang.
Kaya hindi ako makapaghintay na ipatikim kay Juanito ang pinagmamalaki kong sinigang.
Nagpalipas ako ng ilang minuto sa ilalim ng sinag ng araw dahil hindi naman ito mas'yadong masakit sa balat lalo na at kakalabas pa lang ng araw.
Napag desisyonan kong bamalik sa sala at hinanap si Ate Jelay.
"Ate Jelay... dadalawin ko po sina Mommy ngayon. Mukhang hindi na naman ulit uuwi si Uan kaya okay lang naman po siguro 'yon, hindi ba?"
At saka siya na nga mismo ang nagsabi na walang pakialamanan. Siguro naman kahit saan ako magpunta, ayos lang sa kaniya.
Wala naman siyang pake, hindi ba?
"Ho? Sige ho..." wala sa sarili nitong sabi.
Mas'yado itong busy sa hawak na selpon na parang may ka text kaya napa iling-iling na lang ako.
Agad akong umakyat sa kwarto at mabilis na nag-ayos ng sarili.
I wore a simple backless velvet top and a denim shorts. Hinayaan kong umalon ang mahaba kong buhok at nag spray ng strawberry perfume. May cash naman ako at cards kaya ayos lang kung mag co-commute lang ako.
Hindi ko na kasi naisip na dalhin ang sasakyan ko. Plano ko na lang talagang hiramin ang sasakyan ni Juanito pero baka magalit ito kaya huwag na.
Hindi na ako nakapag paalam ulit sa mga katulong dahil hindi ko na mahagilap ang mga ito nang makalabas ako ng kwarto.
Lumabas ako ng subdivision at sakto namang may dumaan na taxi. I told him the address tyaka nito pinaharurot ang sasakyan.
-
"Oh my ghad, Rafael!”
Bumungad ang malakas at matinis na boses ni Mommy nang makapasok ako sa mansion. Agad naman akong pinapasok ng katulong kanina sa gate kaya mabilis akong pumihit papasok.
“Oh my princess... hindi ka man lang nagsabing dadalaw ka." Masuyo itong lumapit bago ako niyakap ng mahigpit.
I smiled as I hugged her back.
"You didn't tell me! Hindi tuloy ako nakapaghanda," mahinhin nitong sabi nang pakawalan ako mula sa pagkakayakap.
“You look the same my gorgeous, Hillary! Kumain ka na ba?" Hindi pa ako nakakasagot sa mga tanong nito nang makarinig nang mahinang tawa.
"Margarite, paupuin mo muna kaya 'yang anak mo?" ani nito at lumapit.
Natawa ako at niyakap din si Daddy. Ghad, how I wish na sana nandito rin si Juanito at mayakap ko rin siya ng ganito ka higpit.
Which is very impossible though. Hindi niya nga ako magawang tignan sa mata.
"Naisipan ko lang po na dalawin kayo." I politely said bago kami sabay na nagtungo sa dining area.
It's still breakfast hour and my stomach is starving.
Madami rin akong nakain dahil na miss ko ang luto ni Yaya. Madami rin kaming napag-usapan nila Daddy pero as much as I can ay hindi ko pina-abot ang mga tanong nila tungkol sa amin ni Juanito at tungkol sa pagkakaroon ng apo.
Ghad hindi nga kami magkasundo at wala rin ni anino ng lalaking 'yon sa loob ng isang linggo!
"Ija..."
Nag-angat ako ng tingin kay Daddy nang nagsalita ito. Kasalukuyan pa kaming kumakain kaya uminom na lang muna ako ng tubig.
“Po?”
“Juanito. Is he hurting you? Tell us the truth, Hillary Biatrice,” seryosong tanong nito.
Timikhim naman si Mommy at mataman din akong tinitigan habang hinihintay ang sagot.
Ito ang kinatatakutan ko. Kung gaano mo iniiwasan ang isang bagay, pipilitin pa rin talaga ng tadhana.
“Hillary...”
“No, Dad.” Yumuko at nagpatuloy ako sa pagsubo ng kinakain.
I let him hurts me, so he's innocent.
“Hill—" Hindi pa nito natatapos ang susunod na sasabihin nang tumunog ang telepono sa bandang gilid lang ng dining table.
Agad itong sinagot ng isang katulong bago tumingin sa gawi ko.
“Ma'am Hillary, tawag po para sa inyo.”
Ghad, thank you Lord.
Agad naman akong tumayo at nginitian ang mga magulang to insure them that I'm okay.
Mabilis akong nagtungo sa telepono at handa na sanang agawin ito sa kamay ng katulong nang ngumiti lang ito.
“Joke lang ho Ma'am. Alam kong ginigisa ka ng tanong doon kaya palusot ko lang hehe...”
Tinitigan ko siya ng matagal sabay na natawa ng mahina.
Sa tingin ko'y madadagdagan ang paborito kong katulong.
-
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang mukha ni Yaya Thesa habang ginigising ako. Nakatulog pala ako dito sa dati kong kwarto sa bahay namin. Ang dami kasi naming ginawa ni Mommy includes planting and cooking kaya dahil sa pagod ay nakatulog na ako.
"Anong oras na po, Ya?"
I asked her nang mapansing madilim na sa labas ng bintana. Gabi na pala.
Shit.
"Alas dyes na ng gabi, ija. Pasensya na't ginising pa kita. Nasa baba kasi 'yong gwapo mong asawa, kanina pa 'yon eh..."
Agad naman akong napatayo. Asawa? Si Juanito??
"Po!?"
"Asawa mo kako..."
Daig ko pa si the Flash nang makalabas ako ng kwarto.
Bumaba ako ng hagdan and saw how Uan smiles while talking to my father. Nagtatawanan din ito na inimoy nakakawili ang pinag-uusapan.
Kailan ko kaya makikita ang ganyang ngiti niya kapag ako ang kasama? Para naman kasing palagi itong galit sa mundo kung ako ang kaharap.
"Oh nandiyan na pala siya eh..."
Dad announced kaya na punta sa akin ang atensyon ng lahat. Our eyes met and I coudn't stop myself from looking away from his gaze.
Hindi ko kinakaya ang mga titig nito na parang binabasa pati ang kaluluwa ng pagkatao ko.
Juanito walks towards my direction and encircled his arm all over my waist. Kung hindi ko lang alam na hindi na ako nito mahal baka iisipin kong totoo ang pinapakita nito sa harapan ng mga magulang.
"Oh? Pwede naman kayong matulog na lang muna rito. Gabi na oh..." Mom suggested habang bitbit sa kabilang kamay ang isang basong tubig.
"Hindi na po, Ma... We need to go home."
I was amazed the way he calls my mother 'Mama'.
Dati kasi Ma'am tyaka naging Tita ang tawag nito kay Mommy. Boto ang mga magulang ko kay Juanito simula pa noon, alam nila kung gaano ko kamahal ang lalaking ito kahit na ano pa man ang estado ng buhay niya dati. Noong naghiwalay kami ni Juanito anim na taon na ang nakakaraan, alam ng pamilya ko kung gaano ako nasaktan kahit na ako naman ang nagkipaghiwalay.
Ako ang tanga. Pero ako ang nagsisi.
I did that to protect everyone.
"Sige, mag-ingat kayo."
Sabay kaming naglakad palabas ng bahay at sinalubong ako ng malamig na ihip ng hangin.
"You may now remove your hand, Juanito. Wala na naman sila Dad." I said nang mapansing hindi pa rin nito binibitawan ang baywang ko.
I know it's part of his acts. Nag papanggap lang siyang sweet kasi ayaw niyang masira ang plano niyang pahirapan ako. I know that.
"Get in. Malamig na." Hindi nito pinansin ang sinabi ko at patuloy akong hinawakan hanggang sa kotse. He reached the car's door at sumakay. Wala na rin akong nasabi pa at sumampa na sa passenger's seat. Mabilis ang galaw niya bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Hindi pa ako nakaka pwesto ng maayos nang bigla akong nanigas sa unuupuan.
Hinarap niya ako at agad na hinawakan ang magkabilang pisnge. Sabay ng paghila niya ang paglapat ng malamig nitong labi sa akin.
He just kissed me for freaking sake!
Hindi pa ako nakakapag react nang muli siyang nagsalita.
"I thought, I lost you again.”
“Anong sabi mo?!” I shouted after I punched the guy infront of me. Naghiyawan naman ang mga estudyanteng nakatingin sa amin dito sa soccer field ng school but I don't freaking give a fvck. “Don't you dare play with my sister again, River. Kung ayaw mong sumabog 'yang puwet mong pagmumukha," nang gigigil kong banta sa kaniya. Kasalukuyan itong nakaupo sa damuhan habang pinapahiran ang dugo sa gilid ng labi dahil sa pagsuntok ko sa kaniya. Serves him right. “Kuya tama na please...” My sister stopped me from punching the guy again. Staring at her eyes melt my anger. “Mabel go to the car, now.” I commanded. Tumango ito at binalingan ang lalaking sinapak ko. She turns back at us and enters the car. “Ford, I don't have any plan to hurt your sister. I won't do that, I swear.” River has a bad boy image in the campus. He is also my friend that's why I know all of his tactics and shits. Kaya huwag niya lang talagang pagtripannang kapatid ko dahil walang kaibi-kaibigan kung kapatid ko an
JUANITO'S POV"Bwesit ka Fernandez—ahhhh""I'm so sorry love, I'm sorry..."Mahigpit kong hinahawakan ang kamay ng asawa habang kasalukuyan itong nag l-labor sa loob ng emergency room. Nas a tabi niya lang ako habang patuloy ito sa pag-ere at wala ring katapusang sorry ang sinasabi ko rito.Parang ramdam ko rin ang sakit na nararanasan ng asawa."Push more, I can see her head now..." The doctor said in a calm voice."Aahhhhh ang sakit. Bwesit kang uggoy ka!"Nanginginig ako sa sobrang kabang nararamdaman at samahan pa ng excitement at pag-aalala."Love malapit na....""Ahhhh"“Push...”Kasabay nang pagbalot sa buong delivery room ang maliit ng boses na iyak ng bata ay ang pagdilim ng buo kong paningin.-HILLARY'S POV"Mommy is here..."Naiiyak ako nang ipinatong ng nurse ang sanggol sa aking dibdib. Nagpasalamat lang ako sa kaniya pagkatapos at pinagmasdan ang magandang pagmumukha ng anak."She is so beautiful, my princess..." My mom complimented as she took a look to the baby.It's
JUANITO'S POVSinara ko na nang tuluyan ang pinto sa kwarto ng anak. Nakita ko na kasi ang hinahanap nitong damit kaya naman binilinan ko na lang siyang maligo at kumain na pagkatapos since me and his mother will going to go to the clinic for follow up check-up.Bumaba ako sa sala para sana makaalis na kami ng asawa para magpa check-up nang mapansing wala na ito sa sala."Manang? Nakita niyo po ba si Hillary?" I ask their mansion's maid pero umiling lang ito at kunot-noo na nilibot anh tingin sa buong paligid ng sala.I just thanked her and tried to find my wife in the kitchen but I saw nothing. Lumabas ako ng bahay at nagbabakasakaling nandoon siya pero wala rin. Tumalikod na agad ako at naghanap pa sa ibang bahagi ng bahay maging sa pool area ngunit wala ni ano mang baks ng asawa ko kaya nagumpisa na akong kabahan nang biglang sumlpot si manang sa harapa ko at may inabot sa akin cellphone only to realize that it is my phone which is currently ringing as someone is calling“Naiwan n
HILLARY'S POV"Hillary...""Hmm?"Binalingan ko siya habang nakatingin lang ito sa maaliwalas na sinag ng buwan. "Totoo ba 'yung sinabi mo dati na nagsisisi ka na minahal mo ako?" He asked while still staring at the sky.Nakaupo kami sa harap ng sasakyan niya at kasalukuyang nag sta-star gazing sa gilid ng kalsada.Matapos kasi nang pag-uusap namin sa hospital, Gab and the two of us went to the park while Dave went home para maka family bonding daw kami. May lakad din talaga ang baklang iyon ngayong araw at dapat na ihahatid niya lang sana ako sa company pero nag-iba nga ang ihip ng hangin at sa hospital ako dinala ng loko.Parang tanga nga yung bakla na iyon, sana magkatuluyan sila ni Doc. I will be so much happier if that happens since matagal na ring walang kinakasama ang kaibigang iyon.Actually nga kapag kasama ko si Dave, naaalala ko ang mga dating kaibigan na sina Necca, Megan, Maxine, Tine and Russell. Alam na kaya ng mga 'yon na nandito na ako sa Pilipinas? Kasi kung hindi
HILLARY'S POV"Dave, where are we going?"Tanong ko nang mapansing hindi naman ito ang daanan papunta sa company building na pinagta-trabahuan ko.Kanina pa kami umalis ng bahay pagkatapos kung mag-ayos at nagpaalam sa anak. Hindi ko naman pinansin ang tatay niya kahit na alam kong sa akin lang siya nakatitig simula nang makababa ako ng hagdan.Si Gab lang naman ang pinunta niya noh so why bother."Sa hospital tayo. May kilala akong OB na para sa 'yo kaya chill ka lang riyan,""You said what?”Hindi ako pinansin ng bakla at patuloy lang sa pagmamaneho. Sabi ko na nga ba at hindi magandang ideya na pumayag akong sa iisang sasakyan lang kami sasakay."Shut up Alejandrona. Paano kung buntis ka nga tapos-""I'm not.""Sige nga tell me. Wala bang nangyari sa inyong dalawa ha? According to my connections in Zambales, may nagkalat na picture ninyo ni fafa Juanito na naghahalikan sa isang beach. Pasalamat ka, ginawan ko ng paraan para mabura iyon at hindi kumalat dahil kung hindi baka pinagpi
HILLARY'S POV"Are you cold?""Nilalamig ka ba?"Palipat-lipat ang tingin namin ng anak sa dalawang lalaking sabay na nagsalita. Napatampal na lang ako nh noo bago umiling-iling na lang ako kaagad at pinagtuunan ng pansin ang anak. Sabi na nga bang hindi magandang ideya na magkasama itong dalawa eh lalo na at sabog rin mang-asar itong baklang kaibigan.“What snack do you want to eat inside while watching the movie, baby?” I asked my son.Isa-isa nitong tinignan ang mga paninda sa counter hanggang sa tumigil ang mga mata sa popcorn na niluluto ng isang babae. Iyon da ang gusto nitong kainin pati na rin isang orange juice na tinuro-turo nito.“Here you go...” “Thank you, Mom.”I just smile and roam my eyes in the area. Tahimik naman na nagsibili ang dalawang unggoy at kaniya-kaniyang bitbit pagkatapos. "Let's go?" Paanyaya ko na lang sa kanilang tatlo at hinawakan ang anak sa kamay at sabay na pumasok sa cinema 3. Hawak ko ang ticket naming apat at agad iyong binigay sa nakabantay