Share

CHAPTER 5

ANNABELLE’S POV

Kinabukasan nang magising ako ay mas lalong kita ang pasa ko lalo pa at maputi ako. I tried my best to hide my bruises with the use of right amount of concealer. Nang masiguro na hindi na mababakas ang pananakit ng asawa ko ay saka lang ako tumayo. Maglalakad na sana ako palayo nang makita ko ang kabuuan ko sa salamin. 

Napakurap ako. 

Nasaan na ang batang Annabelle noon? Bakit hindi ko na siya makita sa sarili ko ngayon?

Bumuntonghininga ako at iwinaksi at kakatwang pakiramdam na lumukob sa dibdib ko. Kasalanan ko ito, aminado naman ako sa pagiging martir ko kaya bakit ako magrereklamo?

Puso ang pinapairal ko. At kapag puso ang kalaban, paano mo pa mapipigilan?

Paglabas ko ng kwarto ko ay sumalubong sa akin ang nakabibinging katahimikan na kahit araw-araw ko nang nabubungaran ay hindi pa rin ako nasanay. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Cedric. Pagpasok ko ay nakita ko ang bakanteng kwarto niya. Lumapit ako sa unan na ginamit niya at kinuha iyon. 

Umupo ako sa gilid ng kama at niyakap ang unan ni Cedric. Naiwan ang amoy ng asawa ko sa unan kaya dinala ko iyon sa dibdib ko at niyakap. 

“I am missing you, Rik. Kahit nasa malapit ka, bakit hindi pa rin kita kayang abutin?” I said in despair. Kung makikita lang siguro ang puso ko, makikita ng tao kung gaano na kadurog ito. 

Nanatili pa akong nakaupo sa kama ng asawa ko ng ilang minuto bago ako tumayo at inayos ang mga nakakalat niyang ginamit sa pagtulog. 

Matapos masiguro na madadatnan na ni Rik na maayos ang kwarto niya ay saka ako lumabas ng kaniyang kwarto. I always have this heavy heart every time I left this house. Pero kahit ganoon, kampante pa rin ako dahil araw-araw na umuuwi si Rik sa bahay na ito. 

Naglakad ako papunta sa kotse ko. Tatlong taon na ang kotseng ito dahil regalo pa sa akin ito ni Stefano. I don’t have the heart to junk this car. 

Tumingin muna ako sa wristwatch ko bago ako nagmaneho papunta sa pinakamalaking hospital dito sa bansa. I’m a nurse there. Sa mga pasyente ko ibinubuhos ang pagmamahal ko na hindi ko kayang ipakita sa asawa ko. 

Nang makarating ako sa hospital ay dumiretso ako sa Nurse station. Naroon na si Trinity, ang best friend ko. 30 years old na si Trinity pero hindi naging hadlang iyon sa pagiging magkaibigan namin. She has a happy family. May dalawa siyang anak sa Irishman niyang asawa na nasa medical field rin na katulad niya. 

Agad kong tiningnan ang chart kung sino ang mga pasyente ko ngayon bago. Halos patapos na ako sa ginagawa ko nang magsalita si Trinity. 

“Besh, may punchline ako sa iyo.”

Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. “Ano na naman iyon—”

“Punching bag ka ba?” agad niyang putol sa sasabihin ko. I know what she’s trying to say kaya napaupo ako. 

“Klaro ba?”

“Hindi. Pero dahil sa kapal ng concealer diyan sa mukha mo, dinaig mo pa ang payaso. Change career na ba this?” she asked in a slang way. 

Umiling ako, pagkakatapos at napangiti nang mapait. “Ang tanga ko na ba?”

“Hindi mo ba nahahalata sa sarili mo? Belle, look...” Bumuntonghininga ito na para bang bubuwelo sa sasabihin nito sa kaniya. “Hindi sa pinapanguhan kita, ha? Ang akin lang, bilang nakakatanda sa iyo, at dahil concern ako sa situation mo, bakit hindi ka na lang umalis sa sitwasyon mo ngayon?”

“Mahal ko ang asawa ko.”

She laughed sarcastically. Halata sa mukha niya na gusto niya na akong samapalin dahil katangahan ko. 

“Ang tanong, mahal ka ba niya?”

“Hindi. But I know, that time will come.”

“Time will come? Paano kung mamatay ka na lang sa pananakit niya, pero hindi pa rin dumating ang panahon na sinasabi mo? Matalino ka, Belle, eh, alam ko. But why are you doing this to yourself?”

“Because I always wanted to have a family that I can call my own. I always wanted to have a child.”

Sandali kong nakita ang paglambot ng mukha niya. Pero dahil hindi pa naman oras ng trabaho namin ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. 

“Naroon na tayo, Belle. Paano kung magkaanak kayong dalawa, tapos ganito pa rin ang trato ni Mr. Arkanghel sa iyo? Maaatim mo bang makita niya na ang ina niya ay isang masokista dahil pinili mong masaktan dahil mahal mo ang ama niyang sadista.”

Hinawakan niya ako sa balikat. “What you want is a home, iyon ang nakikita ko sa iyo. And a house without a love, is not what you called a home. At ang bahay na walang pagmamahal ay kailan man ay hindi mo matatawag na tahanan. Alam mo kung ano ang dapat mong gawin ngayon?”

Umiling ako pero nanatili pa rin akong nakayuko. Bawat sinasabi niya sa akin ay tagos sa puso ko. She has a point. 

“Respetuhin mo ang sarili mo, paunti-unti hanggang sa matutunan mo nang mahalin ang sarili mo. Ibinuhos mo kasi ang lahat kay Cedric kaya sa tingin ko ay wala ka nang natirang pagmamahal para sa sarili mo. Your selfless love is selfish.

“Hindi mo kasi alam ang sitwasyon ko, eh.” Out of the blue au naisagot ko iyon. Of course, alam ko sa sarili ko na walang kwenta ang sinabi ko. 

“Of course, hindi ko alam. You wanna know why? Because I chose the person that will love for the rest of my life. Hindi siya pumapayag na mas lamang ang pagmamahal ko sa kaniya dahil ang gusto niya, mas mahal niya ako parati. You can still find a man that will stay with you, love you, and treasure you for the rest of your life.”

“Kung kaya ko lang gawin na kalimutan siya, Trinity, ginawa ko na. But the fact is I can’t remember not loving him. I breath, I live, I continue my life because of Cedric. Hindi ko yata kayang mabuhay kapag wala siya. Siya na lang ang mayroon ako.”

“Masakit iyong sinabi mo, ha? Ibig sabihin pala ay hindi ako isa sa mga rason kaya ka nahubuhay?”

“It’s n-not what I m-mean.” Ngumiti siya sa akin na parati niyang ginagawa kapag pinapaalalahan niya ako. Tumayo siya at kinuha ang gamit niya. Ako rin ay ganoon din ang ginawa. 

Trinity is the Head Nurse. Ngayon ay papunta kami sa isang VIP patient na kapapasok lang noong isang araw. Unti-unti ay inaasikaso niya na ang mga trabaho na nasa kaniya, lalo pa at dalawang buwan na lang ang pananatili niya sa hospital na ito. 

Her family is migrating to London. Maiiwan na naman akong mag-isa with those judgemental eyes. Ang karamihan kasi talaga ay alam ang nakaraan ko. 

“Umuwi ba si Cedric kagabi?” tanong niya mayamaya. 

“Hmm.”

“Mabuti naman at nakauwi pa siya?”

Nilingon ko siya dahil sa sinabi nita. May laman kasi ang salitang binitawan niya. 

“What do you mean?”

“Nasa Manila Golf Club kami ng asawa ko kagabi. I saw someone. I thought my eyes were playing tricks on me, but I was wrong.”

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. May naglalaro na tao sa utak ko, but I can’t assume that it was her. 

“I saw Angelica.”

Gusto kong takpan ang tainga ko para hindi marinig na tama nga ang hinala ko pero huli na ang lahat. Nasabi niya na ang pangalan na hindi ko gustong marinig. 

For 3 years, ginawa ko ang lahat upang huwag magkaroon ng balita sa kapatid ko. Sa tatlong taon na iyon ay naging anino ako ni Ate Angelica. Kapag nababanggit ang pangalan ni Ate Angelica, pihadong isusunod ang pangalan ko. 

The substitute bride.

The bride who stole a bride’s wedding. 

Ilan lang iyan sa mga bansag sa akin ng kahit na sino na may alam sa naging nakaraan ko. 

“You want me to continue, Belle?

Nang tumingin ako sa kaniya, hindi ko man gustuhin ay napatango ako. 

“I saw your husband there, too. Lasing na lasing. He was begging like a mad man to your sister. Well, I can’t blame him. Your sister was such a goddess last night. Well, I hate to admit it, but she was strikingly beautiful with that signature dress.”

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya. Tumingin siya sa akin habang nakataas ang isang kilay. Pero kahit ganoon ang hitsura niya, nababasa ko sa mga mata niya ang awa para sa akin. 

“Huwag na huwag kang umiyak sa harapan ko, Belle. Ayokong makita na mas may ihihina ka pa pala. I want you to stand straight and face what’s coming to your way—bravely.” Hinawakan niya ang kamay. She formed my palm into fist. “Lumaban ka kung ayaw mong mawala sa iyo ang pinaghirapan mo.” Itinuro niya ang dibdib ko. “Lakasan mo ito. Tatagan mo. Ayokong makita ka na para bang pader na gawa sa putik na madaling matangay ng agos.”

Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa pagbalong ng luha sa mga mata ko. Ang sakit at ang bigat ng nararamdaman ko. 

Gusto kong lumaban, pero paano?

Ano ang laban ko kay Ate Angelica na isang sikat na modelo sa buong mundo? Ako? Ano ba ako? Isang hamak na nurse lang at hindi pa sigurado ang tatahakin kong landan?

Ano ang laban ko sa taong nakaukit na sa puso ng asawa ko? 

Hindi pa nga nagsisimula ulit ang laban, talo na ako. 

Mahal niya iyon, eh. 

Eh, ako? Ano ba ako sa buhay ng asawa ko? 

Isang pagkakamali. Isang bangungot na kahit kailan ay hindi puwedeng maging magandang panaginip. 

Paano na ako ngayong nandito na ang multong kinakatakutan ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status