Share

Chapter 3

Author: Daylan
last update Last Updated: 2023-07-09 08:42:05

Aleya's Pov

Tamang-tama na katatapos ko pa lamang ayusin ang mga damit ko sa drawer nang kumatok sa pintuan ng silid ko si Carol; ang katulong na naghatid sa akin sa magiging kuwarto ko.

"Yes? Bakit, Carol?"

"Ipinapatawag po kayo ni Sir Enrique, Ma'am Aleya. Nasa swimming pool po siya at naliligo," agad nitong sagot sa akin.

"Okay. Saglit lang at lalabas na ako," nakangiting sagot ko naman sa kanya. "Siyanga pala, Carol. Huwag mo na akong tawaging ma'am dahil hindi naman ako isa sa mga amo mo. Katulad mo ay nagtatrabaho lang din ako sa bahay na ito at sinasahuran nila kaya pareho lamang tayo ng katayuan sa bahay na ito."

"Pero parang nakakailang kung tatawagin lamang kita sa pangalan mo. Hindi ka kasi mukhang bodyguard ni Sir Enrique. Mas mukha kang girlfriend niya kaysa sa bodyguard. Ano kaya kung akitin mo si Sir para maging girlfriend ka niya talaga. Tiyak na hindi na siya magiging playboy kapag ikaw ang naging girlfriend niya."

Napaubo ako ng mahina nang marinig ko ang sinabi ni Carol. Kahit na kailan ay hindi pumasok sa isip ko na maging isa sa mga babaeng humabol at naghahabol kay Enrique. Allergic ako sa mga lalaking katulad niya kaya hinding-hindi niya ako magiging girlfriend.

"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, Carol. Sige ka, kapag narinig ka ni Enrique ay tiyak na babalatan ka niya ng buhay. Alam mo naman na ayaw na ayaw niya sa akin," mabilis kong sagot pagkatapos ay agad kong isinara ang pintuan. Agad kong iwinaglit sa aking isipan ang tungkol sa sinabi ni Carol. Mabilis akong nagsuot ng tsinelas pambahay at pagkatapos ay walang pagmamadaling nagtungo ako sa swimming pool kung saan naliligo si Enrique na tanging swimming trunks lamang ang saplot sa katawan.

"Bakit ang tagal mo? Binabayaran ka ng daddy ko para bantayan ako at hindi ang loob ng kuwarto mo ang bantayan mo," agad na sita ni Enrique sa akin pagdating sa pool. Tumayo lamang ako isang metro ang layo mula sa gilid ng swimming pool dahil basa ang tiles at baka madulas ako lalo pa at tsinelas na goma ang suot kong sapin sa paa.

"Bakit? May assassin ba na nakapasok sa bahay ninyo at tinangka kang patayin?" nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. Sa dami ng guard sa bahay nila at sa higpit magbantay ng mga guard ay imposibleng may makapasok na killer sa loob ng bahay maliban na lamang kung ang killer ay isa sa mga guwardiya nila.

"Ang talas talaga ng dila mo, 'no?" naiiling na sabi niya sa akin.

"Ang toxic kasi ng mga salitang lumalabas sa bibig mo, eh," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya na hindi makatingin ng deretso sa mukha niya. Paano ba naman kasi ako makakatingin ng deretso sa kanya gayong nakalantad sa inosente kong mga mata ang malapad at mamasel niyang dibdib. Hindi na ako magtataka kung bakit mamasel ang kanyang katawan at nasa tamang proportion ang mga masel niya dahil sa tingin ko ay nagwo-workout siya. May mini gym kasi ang bahay nila at maaaring gamitin ko rin kapag gusto kong mag-workout.

Kahit naiinis ako sa kanya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na hangaan ang katawan niya. Isa siguro sa nagustuhan ng mga babaeng naghahabol dito ang katawan nito. Dahil aminin ko man o hindi ay talagang maganda ang katawan niya lalo pa at wala siyang suot na damit kaya kitang-kita ko ang ilang tinapay bumubukol sa kanyang tiyan. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lamang ako nakakita ng lalaking hubad sa aking harapan kaya naman naiilang akong makipag-usap sa kanya.

"Abot mo nga ang towel ko," utos niya sa akin. Walang reklamo na kinuha ko ang puting towel niya na nakasampay sa upuan at iniabot ko sa kanya. Umahon siya sa tubig at tila nang-aakit na nagpahid ito ng tuwalya sa mukha pababa sa hubad nitong katawan sa sensuwal na paraan. Mukhang nahalata yata nito ang pagkailang na nararamdaman ko kaya inaakit niya ako para mas lalo lamang akong mailang.

"Tapos ka na bang maligo? Kung tapos ka na ay papasok na ako sa kuwarto ko. Hindi ka naman siguro aalis ngayon, di ba?" nahiling ko na sana ay tapos na siyang maligo para makaalis na ako sa harapan niya. Nagiging makasalanan na kasi ang mga mata ko dahil hindi ko maiwasang tapunan ng tingin ang makinis at malapad niyang dibdib.

"What do you think of my body, Aleya? Papasa na ba ang katawan ko sa panlasa mo? Bagay ba ako na maging modelo sa puso mo?" ngayon ay halatadong inaakit niya ako.

Lihim akong napangiti sa ginagawa niyang pang-aakit sa akin. Akala niya ay hindi ko nababasa na gusto niya akong akitin para kapag bumigay ako sa pang-aakit niya ay magkakaroon na siya ng pagkakataong paalisin ako sa trabaho. Kung gusto niyang makipaglaro sa akin ay sasakyan ko siya. Ngumiti ako ng matamis pagkatapos ay inagaw ko ang towel sa kanyang kamay at basta na lamang initsa sa isang tabi habang hindi ko ihinihiwalay ang aking paningin sa kanyang mga mata.

"Sa tingin ko ay bagay ang katawan mo..." sadya kong ibinitin ang aking sasabihin at pagkatapos ay pinaglandas ko ang aking dalawang palad mula sa kanyang leeg pababa sa kanyang tiyan. Kitang-kita ko ang malawak na pagkakangisi ni Enrique sa akin. Ngisi ng tagumpay. Iniisip niya marahil na nagtagumpay siyang maakit ako.

"Bagay saan, Aleya?" nang-aakit ang boses na tanong niya sa akin nang mabitin sa aking sasabihin.

"Ang katawan mo ay bagay sa tubig," pagkumpleto ko sa aking sinasabi sa kanya at pagkatapos ay nakangising tiningnan ko siya. Biglang naglaho ang ngiti niya sa mga labi nang ma-realized niya kung ano ang balak kong gawin ngunit huli na. Mabilis ko na siyang naitulak pabalik sa swimming pool. "Diyan sa tubig bagay ang katawan mo, Mr. Villareal. Bagay kang maging modelo ng shokoy," natatawang sabi ko sa kanya. Ipinagpag ko pa ang mga palad ko sa harapan niya para lalo lamang siyang mainis sa akin.

"Damn you, lady! May araw ka rin sa akin," galit na mura ni Enrique matapos makainom ng tubig mula sa swimming pool.

Tatawa-tawa namang naglakad ako palayo sa pool at pumasok sa loob ng bahay. Halos patakbong pumasok ako sa silid ko at ini-lock ang pintuan pagkatapos ay mabilis akong pumasok sa banyo at ibinabad ang aking mga palad sa tubig. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay naghilamos ng tubig sa mukha. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at bigla akong nakaramdam ng kakaibang init habang nakadikit ang aking mga palad sa hubad na dibdib ni Enrique kanina. Bahagya ring nanginginig ang aking mga kamay at laking pasasalamat ko na hindi iyon napansin kanina ng binata.

"Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit biglang uminit ang aking katawan at bahagya akong nanginig? Natakot ba ako kay Enrique kanina?" naguguluhan kong tanong sa aking sarili. Nadala ba ako sa pakikipaglaro ng apoy na inumpisahan niya? Ipinilig ko ang aking ulo na para bang kapag ginawa ko iyon ay mawawala ang anumang nararamdaman ko na hindi ko mapangalanan kung ano. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang aking sarili. Kapag makita ni Enrique ang hitsura ko ngayon ay tiyak na pagtatawanan niya ako. Iisipin niya na nagtagumpay siyang maakit ako. At iyon ang hinding-hindi ko mapapayagang mangyari. Hindi ako naakit sa kanya. Natural lamang siguro na ganito ang nararamdaman ko dahil lalaki siya. Tama. Ito ang paliwanag kung bakit ako nakaramdam ng ganito.

TAHIMIK lamang si Enrique sa kinauupuan nito sa loob ng kotse  habang papunta kami sa bar na itinuro niya sa akin. Hindi ko alam kung sumuko na siya agad sa pag-iisip kung paano niya ako mapapaalis bilang bodyguard niya pagkatapos ko siyang itulak sa swimming pool noong isang araw. Hindi naman niya kasi inabala. Hindi rin siya umalis kaya maghapon lamang kaming nasa bahay nila. Pero kanina ay sinabihan niya ako na aalis kami at magtutungo sa isang bar dahil birthday raw ng isa sa mga kaibigan niya at magsi-celebrate ito sa isang private room sa loob ng isang sikat na bar sa Maynila.

Ipinarada ko ang kotse ni Enrique sa tabi ng kalsada pagkatapos ay nagmamadali akong lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ko siya ng pintuan. Tumaas lamang ang kilay nito sa ginawa ko ngunit hindi naman nagkomento. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko at bilang bodyguard niya ay trabaho ko na ipagbukas siya ng pintuan sa tuwing papasok at lalabas siya ng sasakyan.

Malikot ang aking mga mata at alerto ang aking pakiramdam dahil baka nasa paligid lamang ang mga taong nagtatangka sa buhay nito. Nakahinga ako ng maayos nang makapasok kami sa isang private room na walang nangyayaring aberya.

Limang babae at tatlong lalaki ang naabutan naming nag-iinuman sa loob ng private room na pinasukan namin.

"Dude, mabuti at nakarating ka," nakangiting bati kay Enrique ng isang kaibigan nitong lalaki sabay pingki sa kanilang mga kamao. Ganoon din ang ginawa nito sa dalawa pang kaibigang lalaki samantalang halik sa pisngi naman ang iginawad nito sa apat na babaeng naroon maliban sa isang babae na sa mismong mga labi ni Enrique humalik. Tumaas ang kilay ko at bahagyang napailing. Isa na naman siguro ito sa hindi mabilang na mga babae ng aking alaga.

"Siyempre, darating ako. Ikaw pa," nakangiting wika ni Enrique sa kaibigan nito matapos nitong maupo sa tabi ng babaeng humalik sa mga labi nito.

Hindi ako ipinakilala ni Enrique sa mga kaibigan nito ngunit wala akong pakialam. Hindi ko gusto ang mga hilatsa ng pagmumukha nila kahit na mga disente naman silang tingnan. Minabuti kong tumayo na lamang sa tabi ng pintuan habang nakatalikod sa kanila.

"Enrique, hindi mo man lang ba ipapakilala sa amin ang magandang dalagang kasama mo? At bakit hindi mo man lang siyang niyayang maupo katabi natin at uminom?" nakangiting tanong ng kaibigan ni Enrique na maangas ang dating.

"I'm his bodyguard. At hindi ako umiinom," seryoso ang mukha na sabi ko sa lalaking nagsalita.

"Bodyguard?" nakaismid na tanong ng babaeng nakipag-lips to lips kay Enrique. Mukhang hindi nito gusto na babae ang bodyguard ng binata. "Baka naman kaya ka nag-apply na maging bodyguard ni Enrique ay para magawa mo siyang akitin?"

"Hindi ako nag-apply bilang bodyguard niya kundi napilitan lamang akong tanggapin ang trabahong ito. And for your information, hindi lahat ng babae ay katulad mo, Miss," mariing sagot ko sa kanya.

"Ano ang ibig mong sabihin? Na nakikipagkaibigan lamang ako kay Enrique para magawa ko siyang akitin?" nanlalaki ang butas ng ilong na tanong niya sa akin. Talagang hindi niya trip ang mukha ko. Tila mainit kasi ang dugo niya sa akin. Well, the feeling is mutual. I also don't like her.

"Hindi ako nagsabi niyan kundi ikaw."

"Aba't—"

"C'mon, Trish. Huwag mong sirain ang gabi ni Dave. Birthday pa naman niya," saway ng isa pang kaibigang lalaki ni Enrique sa babaeng Trish pala ang pangalan nang akmang magsasalita pa ito. Samantalang nakatingin lamang si Enrique sa akin habang nakikipagpalitan ako ng salita sa babaeng katabi nito. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil bangko iyon.

"Hmp!" nakairap na sagot ni Trish pagkatapos ay hinarap si Enrique at tila ito naglalambing  na pusang sige ang kiskis ng braso nito sa braso ni Enrique. Muli lamang akong tumalikod at hindi na lamang sila pinansin.

"Uminom ka naman kahit isang tagay lang, Babe," kausap sa akin ni Dave na mukhang tinamaan na ng alak na nainom. May dala itong isang baso ng alak at pilit na ipinapainom sa akin.

"Nasa trabaho ako kaya hindi ako puwedeng uminom," maikli kong sagot sa kanya.

"Ako ang bahala kay Enrique. Hindi siya magagalit kahit na uminom ka pa ng alak. At kapag inalis ko niya sa trabaho ay ako ang kukuha sa serbisyo."

Nakaramdam ako ng pagkairita sa pamimilit niya sa akin. At nang hindi na ako makatiis sa pamimilit niya ay hinawakan ko ang kamay niyang may hawak na isang baso ng alak at biglang binaliti ang braso niya.

"Sinabi ko ng hindi ako iinom dahil nas trabaho ako kaya bakit ba ang kulit mo?" nauubusan na ng pasensiya na sabi ko kay Dave na kandangiwi sa sakit. "Bamalik ka na lamang sa upuan mo at— shit"  Napamura ako nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan at nang tumingin ako kay Enrique ay wala na ito sa dating kinauupuan. Damn! Hindi mo ako matatakasan ngayong gabi, Enrique!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lonima Ebojo Dandan
maganda ang kwento kaso wlaakong pera
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 97

    Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 96

    Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 95

    Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 94

    Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 93

    Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 92

    Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status