Share

KABANATA 4

Author: Doopey22
last update Last Updated: 2025-09-04 22:57:06

KABANATA 4

Biglang nanigas ang ekspresyon ni  Bella pagtingin sa pamilyar na sasakyan sa labas, nagsimulang mag-panic ang puso ng babae. 

Agad niya namang pinandilatan ng mata si Aimee, "Sinasadya mo ba 'to? Sinadya mo 'to diba?!” sigaw ni Bella kay Aimee.

"Ate, anong pinagsasabi mo? Halata naman na busy ako. Dahil naghahanda ako ng regalo para kay Demux sa taas, bakit mo ako sinisisi?" tila walang nagbago kay Aimee at mahinhin pa rin ito.

“Simula na ito ng pahapyaw na paniningil.” ani ni Aimee sa kanyang isip habang nakatingin ng inosente kay Bella.

Nakita naman agad ni Uncle Qion, ang lahat. Isa ito sa matagal ng kasambahay at kawaksi ng lumang bahay. Ang eksenang ng pagbibintang ni Bella kay Aimee ay nasaksihan ng lalaki.

Pagtingin sa hindi magandang tanawin ng villa, napangiwi lalaki at tumingin kay Bella. 

"Ms. Bella hiniling sa akin ng ng Madam na sabihin sa’yo na  dahil hindi ka mabuting magulang, ay dapat kang tuturuan muna niya ng leksyon."

Itinaas ni Bella ang kanyang mga labi , galit at hindi makapaniwala na nagsalita "Ano?"

 "Bilang parusa mo ayon kay madam, pumunta ka sa bakuranng bahay at lumuhod ng tatlong oras. ‘Yan ang kaparusahan mo alinsunod sa tradisyon ng pamilya.” tuloy-tuloy na sabi ng lalaki.

“Uncle Qion..." Tawag ni Aimee sa lalaki.

Magsi simulang magsalita pa sana si Aimee ngunit pinutol siya ni Uncle Qion na may kahulugan na tingin at magiliw na sinabi, "Ms. Aimee huwag ka ng magsabi ng anumang bagay upang magmakaawa para sa kasalanan ng iba. Nagtrabaho ka nang husto sa lamay at libing ni master Zane ilang araw na ang nakalipas. Tiyak na pagod na pagod ka pa. Kaya sana ingatan mo ang iyong sarili. Tapos na ang papel mo sa buhay nila. Dapat silang matuto kung paano at saan dapat lumugar.”  napatango naman agad si Aimee sa lalaki.

Hindi naman kasi ang pagtatanggol kay Bella ang pakay ni Aimee . Gusto lang kasi ni Aimee naitanong kung gumaling na ba ang matandang babae. Para makahanap niya na ito ano mang oras para ipaala na divorce na sila ni Demux.

Bagama't si Demux na ang namamahala sa Sacramento Group, ang lumang mansyon ay palaging may huling desisyon sa mga gawain ng pamilya Sacramento..

Napaka-lamig sa labas dahil sa ulan, pero sa isip ni Aimee tama lang iyon sa tulad ni Bella. Iyon ang nararapat sa kanya dahil sinira nito ang buhay nila.

Dahil sa kaganapan hindi napigilan ni Manang Tresing ang makaramdam na mapahiya, "Ma’am Aimee ano ang dapat nating gawin sa painting?"

"Huwag kang mag-alala Manang, may darating para ayusin at aalisin ito. Tapos ibabalik na lang kapag maayos na."

Simpleng sagot ni Aimee sa babae.

Siyempre, hindi sasabihin ni Aimee na kahit kanino na peke ang painting na nakasabit sa bahay.

Inilagay niya ang tunay na nakadisplay sa gallery ng isang kaibigan.

Buong buo ang painting.

Kung tutuusin, ang pinakamalaking hiling ng matanda bago siya mamatay ay ang kanyang mga ipininta ay makita ng mas maraming tao.

Sayang kung itago ito sa bahay.

"Masamang babae! Monster ka! I hate you."

Aakyat na sana si Aimee nang galit na sumigaw si Shiro: "Tinawagan ko na ang si Daddy Demux. Pagbalik niya, patay ka na!"

"Let's see Shiro, maghihintay ako sa Daddy Demux mo.." ani naman ni Aimee .

"Hihiwalayan ka na niya! Magiging slut ka na lang na walang gugusto sa hinaharap!" hiyaw pa ng bata.

Bata palang ito pero napakarami ng alam.

Tumawa naman bigla si Aimee, "Hindi ka niya pakikinggan." panunuksong saad ni Aimee.

Sa isip ni Aimee hindi siya magagawang kantiin ni Demux dahil malaki ang silbi niya sa love story nila ni Bella.

Sa sandaling hiwalayan kasi ni Aimee si Demux. Ang kanyang asawa at hipag ay masisira sa lahat. Lalabas ang iba’t ibang haka-haka na sisira sa imahe at reputayson ni Bella ayaw na ayaw namang mangyari ni Dwmux.

Hindi naman talaga papayag si Demux na mangyari ang ganong bagay sa babaeng mahal niya.

Mabilis na bumalik si Demux sa bahay.

Wala pang dalawampung minuto matapos lumuhod si Bella, nagpakita na agad ang lalaki.

Nakasuot siya ng itim na cashmere coat, na nagpa-mukha sa kanya na matangkad at balingkinitan, at ang kanyang aura ay naging mas kalmado at marangal.

Pagkababa nito sa sasakyan, halos tumakbo ito papunta kay Bella. Agad na niyakap niya sa kanyang mga bisig ang babae bago pumasok sa loob ng bahay.

Inalalayan nito papuntang sa sofa si Bella, nilagyan naman agad ni Demux ng gamot ang kanyang nakapirming pulang tuhod.  Hindi naman naitago ang sakit nararamdaman sa mga mata ni Bella, "Bakit,mo naman ginawa iyon?".

"Nagsalita na si Lola, anong magagawa ko? Batas ang matandang ‘yun!"

Dahan-dahang hinila ni Bella ang kanyang manggas, ang kanyang mga mata ay namumula, at ang kanyang boses ay nanginginig, "Demux, please lang hiwalayan mo na siya. Sobra na siya… Sobrang pagtitiis na ang ginagawa namin ni Shiro…"

Bahagyang kumunot ang noo ni Demux "Si Aimee ba ang tinutukoy mo?"

"Oo."

Kinagat ni Bella ang kanyang ibabang labi, "Alam mo ba kung bakit sinira ni Shiro ang posthumous na gawa ni lolo? Sinadya niya ito."

"Tama si Mama!"

Nag-pout si Shiro, tumutulo ang mga luha niya, "Daddy, sinadya na naman akong takutin ng monster na ‘yun ngayon. Sabi niya ang halimaw na kakain sa braso ko ay nagtatago sa painting na iyon, kaya ako..."

"Imposible."

Matapos itong itanggi ni Demux, buong pagmamahal na bumagsak ang kanyang malaking kamay sa kanyang ulo, "Shiro, mali ba ang narinig mo? Si Tita Aimee ang may may mabuting ugali sa pamilya namin. Sinabi niya kagabi na hindi na siya galit sa iyo at hindi ka na tatakutin muli. Kaya baka mali lang ang narinig mo." 

“Isa pa, ang matanda lalaki ay ang pinakamamahal ni Aimee noong nabubuhay pa siya. Hindi niya pag-lalaruan ang mga painting na likha ng matanda." mariing sabi ni Demux.

Hindi makapaniwala si Bella sa narinig kay Demux. "Sinasabi mo bang sinasadya namin siyang siraan ni Shiro sa'yo?"

"Demux!"

"Ang laki na ng pinagbago mo!"

Ang akusasyong ito ay nagdulot ng matinding galit kay Demux. "Bella,  hindi ako nagbago mula sa simula hanggang sa huli."

Tinitigan siya ni Bella. "How dare you say na wala kang kahit katiting na pagkahumaling o pagnanasa kay Aimee? Na kesyo ni minsan ay hindi mo siya nahawakan! Sinungaling ka!”

Nang marinig ang tanong na ito, hindi siya makaisip ng sagot.

Bahagyang nanigas ang likod ng lalaki, ang mahahabang pilik-mata ay nakalaylay. "Hindi ko siya ginalaw.”

- "Hindi ko siya gagalawin."

Habang si Aimee, isang kamay na naka-suporta sa kanyang ibabang likod, ang isa naman ay may hawak na kahon ng regalo, ay narinig ang mga salitang ito habang siya ay bumaba sa hagdanan. 

Hinawakan ni Aimee ang gilid ng kanyang mga labi bilang panunuya sa sarili at lumakad, "Demux, magkakaroon ng hapunan sa pamilya bukas ng gabi. Tinanong ako ni Lola kung makakapunta ka ba?"

Ang mga magulang ni Mrs. Gregorio at Aimee ay matandang magkakilala.

Matapos silang mamatay sa isang aksidente, si Aimee ay dinala sa pamilya Gregorio upang alagaan.

Sa mata ng mga taga-labas, kalahating miyembro ng pamilya ng Gregorio si Aimee.

Pagkatapos niyang ikasal sa pamilya Alcasi, ang mga negosyo sa pagitan ng pamilya Gregorio at Alcasi ay hindi tumigil.

Nang marinig ni Demux ang tinig ni Aimee ay kinabahan ito, marahil dahil kakasabi lang niya ng isang bagay na makasalanan kaya agad na sumang-ayon, 

"Sige, babalik ako para sunduin ka bukas ng gabi at sabay tayong pupunta."

"Sige!"

Ibinaba ni Aimee ang kanyang mga mata upang tingnan ang kahon ng regalo, pagkatapos ay tumingin sa mag-ina na nakaupo sa tabi niya, at hindi na nagsalita pa.

Tumalikod na siya at lalabas na sana. Nang maalala ang naging pag-uusap muli nila ni Mr. Garcia.

*********

"Aimee."

Tinawag siya ni Demux sa hindi malamang dahilan, "Ano ba yang hawak mo?"

Tumalikod si Aimee at pinagpag ang kahon sa kanyang kamay, "Isang regalo."

"Regalo? May birthday ba ang kaibigan mo ngayon?" 

“Regalo ito sa ikatlong anibersaryo ng kasal natin, ibibigay ko ito sa iyo."

"Aimee, pasensya na..."

"Ayos lang, busy ka sa trabaho, normal lang na nakakalimutan mo."

 "Anyway, kalahating buwan na lang at kaarawan mo na, kaya ituring mo na lang din itong regalo sa kaarawan mo."

"Demux, advance happy birthday. Sanay lagi kang maging masaya!” bati ni Aimee.

“At hilingin ko rin sa akin ang isang maligayang diborsyo.” hiyaw naman sa isip ng babae.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABANATA 174

    KABANATA 174 Pinigilan ni lola Beatriz ang kanyang pagdududa at dumiretso sa itaas ng opisina ni Aimee, Kumatok siya sa kalahating bukas na pinto at magiliw na sinabi, "Aimee, tapos ka na ba sa trabaho?"  Kakapalit lang ni Aimee ng kanyang puting coat at papaalis na sana sa trabaho. Ngumiti siya at sinabing, "Opo, kakatapos ko lang sa trabaho, lalo napariti po kayo? Diba kapupunta ko lang dito para kumuha ng gamot two days ago?"  Pagkatapos uminom ng dalawang dosis ng gamot, bumuti ang kalusugan ni Lola Beatriz, at Pagkatapos uminom ng gamot na inireseta para sa kanya dalawang araw na ang nakakaraan, hindi na siya irereseta ni Aimee.  Ang pag-inom ng labis na gamot ay hindi naman isang magandang bagay.  "Danalhan kita ng pagkain." Turan ni Lola Beatriz.  Isinara ni Lola Beatriz ang pinto, naglakad papunta sa desk, at binuksan ang thermos at simabi, "Akala ko palagi kang kumakain ng tanghalian pagkatapos ng bawat konsultasyon, kaya espesyal akong nilaga ng sopas at gumawa ng da

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABANATA 173

    KABANATA 173 Sinulyapan siya ni Lola Beatriz at sinabi, "May girlfriend ka na, bakit mo ito pinapahalagahan?"  At saka, kahit anong tukso niya, hindi niya ito sasabihin sa kanya.  Ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis ay ang pinaka-hindi matatag. Kung may nangyaring mali, hindi isisilang ang sanggol, ngunit malalaman ng lahat ang tungkol sa pagbubuntis.  Bagama't bukas ang isipan ni Lola Beatriz, medyo konserbatibo pa rin siya sa bagay na ito, pakiramdam na ito ay isang bagay ng reputasyon.  Hindi mapigilan ni Eleazer ang mapangiti sa kanyang kaseryosohan at sinabi, "Is it a big deal? Is it worth hide it?"  "It's not a big deal. Wag mo na lang isipin." Turan ni Lola Beatriz.  Humikab si Lola Beatriz at muling sinabi, "Okay, inaantok na ako. Kung gusto mong umupo saglit, maupo ka mag-isa. Kung hindi, umalis ka na."  Walang bahid ng pagmamahal sa pagitan ng mga lolo't lola at mga apo.  Tungkol naman sa relasyon nila ni Aimee, talagang naramdaman ng matandang babae na ito ay

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABANATA 172

    KABANATA 172 Muling naranasan ni Aimee kung ano ang ibig sabihin ng maging isang kapitalista. Tatlong bilyon, at animnapung milyon bawat buwan na interes. Hulugan? Hulugan? Kalokohan! Natatakot siyang habambuhay na lang siyang magbabayad ng interes.   Tumango si Eleazer nang walang bahid ng pagkakasala at seryosong sinabi, "This isn't even usury. It's legally permitted."  -Ipinaliwanag pa nito sa kanya.  Natigilan si Aimee at sinabi, "Kailan magsisimula ang pag-iipon ng interes?"  Paminsan-minsan ay hinihimas ng palad ng lalaki ang malambot na laman ng kanyang baywang, at kaswal nitong ibinalik ang tanong sa kanya, "Kung kailan mo balak labagin ang kontrata?"  "..."  -Nahulog siya sa mga bitag ni Eleazer.  Huminga ng malalim si Aimee at walang pakialam sa kahit ano pa man, "Well, kung gayon, maghintay tayo."  Hindi bababa sa, kailangan niyang maghintay hanggang ang gamot ay nasa merkado at mayroon siyang malaking halaga ng pera sa kanyang mga kamay upang masimulan

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABANATA 171

    KABANATA 171 Sumimangot si Eleazer habang nakikinig at sinabi, "Hayaan mo siya, hindi ko siya mapipigilang mahulog doon." Kung hindi siya nahulog doon, hindi sana siya nalinlang ni Demux noong mga nakaraang taon. Lalong naiins si Eleazer habang iniisip ito. Hindi na hinintay na magsalita pa si Patrick, tumayo siya na may malamig na ekspresyon na mukha at sinabing, "Magmaneho ka papuntang Camellia Road"*******  Nang lumabas si Aimee mula sa pamilyang Lorenzo, inalok siya ng matanda na sumakay ngunit tumanggi siya nang walang pagdadalawang-isip.  Nang umuwi siyang mag-isa, nakatayo na si Demux sa labas ng kanyang pinto na may dalang insulated lunch box at sinabi ,"Narinig ni Manang Tresing na nakatira ako malapit sayo, kaya espesyal na ginawa niya ang ilan sa iyong mga paboritong ulam at ipinadala ang mga ito sa iyo." Sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama, si Manang Tresing lang ang tao sa pamilya Alcasi na nag-aalaga sa kanya sa kanyang pang-araw-araw na buhay.  Si

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABAANTA 170

    KABANATA 170 Bago niya matapos ang kanyang pangungusap, lumabas ang data.  Pagkatapos nilang basahin ito ni Xian nakita nilang dalawa ang kaginhawahan at pananabik sa mga mata ng isa't isa. Ang gamot ay karaniwang nasa merkado.  May pagmamalaki na ngumiti si Xian at sinabi,"Kapag ang proyektong ito ay nasa merkado, ang iyong net worth ay makakahabol kay Mr.Eleazer."  "..."  Tumawa si Aimee at sinabi, "Hindi naman."  Ang net worth ni Eleazer ay hindi isang bagay na maaari niyang abutin sa pamamagitan ng pagbuo ng isang gamot.  Gayunpaman, siya ay lubos na nasisiyahan na matupad ang kanyang pangarap.  Walang sabi-sabi, biglang tumunog ang telepono ni Xian, Pumunta ito sa bintana para sagutin ito.  Maya-maya, bumalik siya at medyo nahihiyang sinabi kay Aimee: "May gagawin ako sa bahay, baka kailanganin ko ang tulong mo."  Hindi na nagdalawang isip si Aimee na tumugon, "Anong tulong,Xian napakalaki ng naitulong mo sa akin kaya matutulungan kita,saka kahit di mo hilingin tutulu

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABANATA 169

    KABANATA 169 Nagtagpo sila ng libu-libong beses, at naghintay siya ng maraming araw sa kanilang silid-tulugan.  Binigo rin niya siya ng maraming beses, natupad ang hiling niya, pero dinurog niya ito sa kanyang sariling mga kamay.  Walang sinisisi si Demux, kahit si Bella, ang sinisisi lang niya ang sarili niya.  Bakit hindi niya agad naramdaman na ang personalidad ni Bella ay hindi tugma sa maliit na batang babae sa kanyang memorya, ngunit naniwala pa rin siya dahil sa isang jade pendant.  Nakahanap din siya ng maraming dahilan para kay Bella at pinalayaw siya nang walang limitasyon.  Nang maalala ni Demux ang nangyari nung gabi malasing siya at magising katabi si Bella na walang kahit na anong saplot ay labis niyang pinagsisihan ito na halos mabaliw na siya kahit pa hindi niya maalala kung may nagyari nga sa kanila.  Bahagyang ibinaba ni Aimee ang kanyang mga mata, tinitingnan ang maayos na bote ng salamin sa kanyang kamay, at nagambala saglit.  Naalala niya ito,naalala niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status