LOGIN“MA?”
Pilit pinakalma ni Camilla ang sarili nang marinig ang maliit na tinig ng anak. Nilingon niya ito at nginitian. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Ngumiti nang kaunti si Kelly. “OK lang po, basta OK ka.” Humanga siya sa sariling kakayanan na pagmukhaing kalmado ang sarili sa kabila ng nag-aalimpuyo niyang kalooban. “Oo naman, OK ako, anak.” “Mama, nagalit yata sa akin si Papa.” Nangilid ang luha nito. “Ha?” pagmamaang-maangan niya. “Bakit naman siya magagalit sa iyo, e ang bait-bait mo.” Humikbi ito. “Kung hindi siya galit sa akin, bakit hindi niya tinupad ang sinabi niya na susunduin niya ako?” “Anak, busy lang si Papa mo.” At pinagtatakpan pa rin niya ang walanghiyang lalaki para lang hindi pasamain ang loob ng bata. Nagsunud-sunod ang paghinga ni Kelly hanggang sa napaubo ito nang walang tigil. Hiningal ito at kinabog-kabog ang dibdib. Lumukob ang kaba sa buong pagkatao ni Camilla. “Kelly? Kelly, anak, anong masakit? Hindi ka ba makahinga? Anak dadalahin kita sa ospital!” MATAPOS MAKABITAN ng oxygen si Kelly ay nakahinga naman ito nang maayos at sa kasalukuyan ay nakaupo sa wheelchair ang bata dahil mas komportable raw ito sa ganoong posisyon. Nasa labas sila ng silid at may nakaagapay lang na nurse na siyang nag-aasikaso ng oxygen. Naiinip daw kasi si Kelly sa loob dahil nagsasawa na sa itsura ng ospital. “Ma, uwi na po tayo,” ungot ni Kelly at gusto pang pagulungin palayo ang wheelchair. “Hindi muna pwede, anak,” tugon niya. “Inoobserbahan ka pa ng mga doktor. Doon na muna tayo sa kwarto, baka mamaya pwede nang tanggalin ang oxygen mo.” Pinasok na nila sa kwarto si Kelly. Saktong nasa loob na ang bata nang may marinig siyang pamilyar na tinig na nakapagpalingon sa kaniya. “Nurse, nariyan ba si—” natigilan si Philip nang hindi sinasadyang mapalingon din sa kaniya. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Camilla kay Philip at sa babaeng tila sawa kung makalingkis sa braso nito—si Shaira, sino pa ba? “Anong ginagawa mo rito?” maanghang na tanong ni Philip sa kaniya. “Sinundan mo talaga kami rito?” Mapakla siyang natawa bago lumapit sa mga ito. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Shaira. “Anong drama ninyong dalawa? Balita ko nawawala raw ang aso mo kaya hindi nasundo niyang asawa ko ang anak namin.” Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ng ibang tao na inuna ni Philip ang isang aso kaysa sarili nitong anak. “Camilla—” “Phil, hayaan mo na siya,” awat ni Shaira. “Nalulungkot lang siya kasi mas mahalaga kami ni Cloudy para sa iyo kaysa sa kanila ng anak niya.” Nagtagis ang mga bagang ni Camilla, inosente at mahinahon ang hagod ng mga salita ni Shaira ngunit napakatalim ng mga kahulugan. “Tara na, naninikip na ang dibdib ko.” Umubo pa ito. Ni hindi na siya tinapunan pa ng tingin ni Philip, sa halip ay bumaling na sa ibang direksiyon at naglakad palayo. HINDI NAMAN nagtagal at inalis na rin ang oxygen ni Kelly. Maaari na raw lumabas ang bata dahil stable na ang paghinga nito at masigla nang muli. “Anak, huwag mo na ulit tatakutin si Mama nang ganoon, ha?” malambing na wika ni Camilla sa anak habang magkahawak-kamay silang papalabas ng ospital. “Opo. Sorry, Mama—” “Hindi, anak. Hindi mo kailangang mag-sorry. Hindi naman galit si—” “Papa!” Pag-angat ng tingin ni Camilla ay nasa harapan na nila sina Philip at Shaira. Halos bumulusok ang kaniyang puso sa kaniyang sikmura pagkakita sa nalilitong anyo ng bata na nakatingala sa magkahawak na mga kamay ng pareha. “Papa... sino po ang kasama ninyo?” mahina at litong tanong ni Kelly. Hindi malaman ni Camilla kung hihintayin bang sumagot si Philip o siya na lang ang magpapaliwanag ng sitwasyon. Ngunit bago pa man siya makapasya ay lumapit na si Shaira sa bata. “Hi, love... I'm your Tita Shaira, kaibigan ako ng papa mo.” NAPATINGIN SI Philip sa maluha-luhang anyo ni Shaira nang magpakilala kay Kelly. Kitang-kita niya kung gaano maghirap ang kalooban ng babaeng mahal niya para lang paluguran ang mag-ina sa kanilang harapan. Tinapunan niya ng nagbabagang tingin si Camilla bago lumapit kay Kelly. “Ah, Kelly, Tita Shaira is not just any ordinary friend. Girlfriend ko siya,” walang gatol niyang sabi. Napasinghap ang bata pagkatapos ay lumingon sa ina nito na gulat na gulat ang anyo. Napangisi siya. ‘Akala mo ikaw lang ang marunong maglaro nang marumi?’ aniya sa isipan. ‘Dinala mo pa rito ang bata para pasakitan ang kalooban ni Shaira. Ubod ka talaga ng sama!’ “Ma...” nagtatanong ang mga mata ni Kelly nang bumaling sa ina. Nakangiting lumapit si Camilla at hinawakan ang kamay ng bata. “Anak, di ba matagal nang hindi nakatira sa bahay natin si Papa mo? Hiwalay na kasi kami. May Tita Shaira na siya na girlfriend pero hindi ibig sabihin noon na hindi mo na kami mga magulang. Papa mo pa rin siya at ako ang mama mo.” Ang inaasahan niya ay maghahabi ng kasinungalingan si Camilla upang pagtakpan ang kanilang sitwasyon, pero iba ang nangyari. Hayagan na nitong inamin sa bata na hiwalay na sila. Nakakapanibago ang tapang na pinakikita ni Camilla. Dati-rati ay sunud-sunuran lang ito sa kaniya dahil sa suko hanggang langit nitong pag-ibig sa kaniya. Pero ngayon ay nagagawa nang makipagsagutan sa kaniya, may lakas na rin nga ng loob na tawaging kabit si Shaira, samantalang noon ay ni hindi nito kayang pag-usapan ang babae dahil oras na magtaas siya ng boses ay titiklop na ito. ‘Anong katarantaduhan na naman ang niluluto mo, Camilla?’ “Sige na, anak. Batiin mo si Tita Shaira,” susog pa nito sa bata. Bakas sa mukha ni Shaira ang pagkalito ngunit nang lumapit dito si Kelly upang bumati ay malugod naman nitong tinanggap ang pakikipagkilala ng bata. Nag-angat ng tingin si Shaira sa kaniya pagkatapos ay lumipad ang tingin kay Camilla. “Halika muna, love. Mukhang may pag-uusapan sina Mama at Papa mo.” Hinawakan nito ang kamay ng bata at hinila na palayo. Naalarma si Camilla at akmang pipigilan ang mga ito ngunit nauna nang nagsalita si Philip. “Babe, diyan lang kayo sa may vending machine, huwag mong ilayo si Kelly.” Nag-thumbs up si Shaira at nilingon ang machine habang nagtuturo sa mga produktong naroon na tila tinatanong si Kelly kung ano ang gusto nito. Napangiti siya. Kung silang dalawa talaga ni Shaira ang naging mga magulang ng bata ay nakikita na niya kung gaano ito magiging mabuting ina. Kaya lang ay hayun at si Camilla ang ina ng bata. Binalingan niya ang babaeng nakamata kina Shaira at Kelly. “Ano na namang arte ito, Camilla?” Napalingon ito sa kaniya. “Bakit dinala mo rito si Kelly? Nakita mo lang kaming dalawa ni Shaira dito, dinala mo na rin ang bata. Ano bang gusto mong palabasin?”PAGKAKITA NI Davian kay Camilla ay otomatikong nagliwanag ang mukha ng lalaki. Nagpaalam ito sa mga kausap at patakbong lumapit sa kotse.“Hey!” anito. Ni hindi na nahintay na pagbuksan pa siya ng pinto ni Tucker at siya na mismo ang nagbukas ng pinto sa kaniyang side. Umusog na lang si Camilla para bigyan ng espasyo ang lalaki. “What are you doing here? Saan ka galing?”Nagkatinginan sila ni Tucker mula sa rearview mirror at nagngitian.“Ganito kasi...” At sinimulan na niya ang pagkukwento, sa haba ng salaysay niya ay nauwi sila sa opisina ni Davian dahil may kukunin daw ito. Hanggang doon ay tuloy-tuloy ang kwento niya na kung saan-saang panig na ng bangungot niyang relasyon kay Philip.“So, ano ang balak mo?” anito nang magsawa siya sa kara-rant.Nagkibit-balikat siya. “Ano pa? E di kunin ang nararapat sa amin ni Kelly. Maipagpagawa ko man lang ng mas maayos na musoleo ang anak ko.”Huminga nang malalim si Davian bago binuksan ang pinto na may kumakatok. Nanatiling nakatitig sa kaw
“KUNG INAAKALA MO na maisasalba mo pa ang kasal natin dahil sa pekeng papeles na iyan ay nagkakamali ka,” ani Philip kay Camilla. “At kung totoo man iyan—which I highly doubt—so what? Sa akala mo ay kaya mong patakbuhin ang kompanya on your own? Nagpapatawa ka talaga, baka akala mo ay hindi ko alam na saksakan ka ng b0b@!”Napangiti na lamang si Camilla. Talaga palang mas mababa pa sa putik ang tingin sa kaniya ni Philip. Ang akala siguro nito, porke't sa isang state university lamang siya nagtapos ng pagaaral at hindi sa isang kilalang pamantasan gaya ng St. Ithuriel University ay totoo na nga ang mga pinagsasasabi nito sa kaniya. Na siya ay b*b0.Hindi nito alam na sa kabila ng pagiging swimmer sa kanilang unibersidad ay nagawa niyang pagsabayin ang athletics at academics, nagtapos siya bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Bukod sa natamo niyang latin awards ay may mga karagdagan pa siyang parangal na natanggap kaugnay sa nasabing kurso.
“A, OK.” SIMPLENG tugon ni Camilla nang matanggap ang tawag ni Rica. Gusto siyang papuntahin ni Philip sa ospital kung saan sinugod si Shaira, inatake raw ng anxiety ang babae nang dahil sa kaniya.Natawa na lamang siya. Talagang nakapag-drive pa nga ang babaeng ’yon hanggang Manila bago inatake ng kung anumang karamdaman nito. Ang galing naman. At siya raw ang may kasalanan.‘Mema,’ aniya sa isip bago muling nagsalita sa cellphone, “Since, ’yang amo mo ang may kailangan sa akin. I demand na sunduin ako rito ng company car o ng chopper. Malayu-layong biyahe rin ang Laguna to Manila, baka mamatay na lang si Shaira ay wala pa ako riyan,” sarkastikong wika niya.Hindi kaagad nakasagot si Rica, pero mayamaya ay... “Y-yes, Ma'am. I'll arrange the chopper ride for you. Makikipag-coordinate na rin po ako sa malapit na building sa inyo para sa landing pad.”“Good. Ipasundo mo na lang ako rito sa bahay.” In-end call na niya kahit hindi pa nakasasagot si Rica. Hindi naman sa pagiging bastos, ka
HINILA NI CAMILLA nang malakas ang buhok ni Shaira pagkatapos ay sinipa ito sa alak-alakan hanggang sa ito ay mapaluhod. Gamit ang kabilang kamay, tinulak niya ang batok ni Shaira pababa at pinisil iyon nang mariin. Halos humalik ito sa lupa.“Bitiwan mo ako! Baliw ka na! Sira-ulong taong-bundok!” sigaw pa rin nito habang pilit na kumakawala. “God! I don't know what Don Fausto saw unto you! Hindi ka deserving sa lahat ng kabutihan niya!” Halos mapaiyak na ito pero talakera pa rin.Dinukdok niya sa lupa ang ulo nito pero nang banggitin nito ang pangalan ni Don Fausto ay tila may kung anong kumalabit sa kaniyang alaala. Nawalan ng lakas ang mga braso niyang nagpapaluhod kay Shaira kaya ito nakawala. Itinaas nito ang kamay para gumanti, pero nasunggaban agad niya ang mga braso nito.“Akala mo ba, kapag nawala ako, magiging mayamang-mayamang Mrs. Limjoco ka?” mariin niyang wika matapos luminaw sa kaniyang alaala ang pamana ni Don Fausto. “Alam mo ba kung paano inayos ni Lolo ang mana nami
MATAPOS MARINIG ang mga kwento ni Philip ukol kay Camilla ay biglang tinubuan ng lakas ng loob si Shaira na komprontahin ang babae. Talagang nag-drive siyang mag-isa patungo ng Laguna para lang makita ito at lait-laitin.“Akala siguro niya, mas better na siya sa akin dahil lang dala niya ang apelyido ni Philip. Nakakatawang babae. Pinulot saglit sa putikan para lang ibalik at lalong maputikan.”Tawa siya nang tawa. Pakiramdam niya ay nakaganti na siya kay Camilla matapos nitong sirain ang ilusyon niya na maikakasal sila ni Philip. Limang taon din nilang tinago ni Philip ang kanilang relasyon para lang hindi masira ang imahe ng lalaki sa madla at sa lolo nito. Napabuga ng hangin si Shaira nang maalala si Don Fausto Limjoco—ang lolo ni Philip. Ito kasi ang promotor ng pagpapakasal ni Philip kay Camilla. Dapat daw ay panindigan ng apo nito ang batang dinadala ni Camilla upang hindi maging kahiya-hiya ang babaeng iyon. Kapag daw hindi pumayag si Philip ay tatanggalin nito sa last will an
ISANG MALUTONG na sampal ang pinadapo ni Camilla sa pisngi ni Philip. Sa labis na pagkabigla ng lalaki ay hindi ito nakapagsalita at hindi naibaling ang mukha pabalik sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata nito habang dahan-dahang humaharap muli, pati ang kamay nitong ipangsasapo sa nasaktang pisngi ay nanginginig.“Y-you... Y-ou j-just slap—”“The fvck, I did,” gigil niyang agap. “At hindi lang ‘yan ang matatanggap mo oras na bastusin mo pa kaming muli ng anak ko.” Nanginginig na rin ang buong katawan niya at pakiramdam niya ay nag-iinit ang kaniyang anit. Isang hindi magandang salita pa ni Philip ay baka hindi na niya ito matantiya. Pero sa pagkabigla niya ay tumawa ito nang mahina.“Palaban ka na talaga ngayon, I like it.” Dinilaan pa nito ang mga labi habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. “Ano? Gusto mo bang gumawa muli ng—what the fvck?! Jesus! Ibaba mo ‘yan, Camilla!”Siya naman ang natawa nang halos magkandarapa sa pag-atras si Philip habang nakataas ang mga kamay. Tinutvka







