AKALA PA naman niya ay seryosong nagpapakaama na si Philip. Bigla ay naawa siyang muli kay Kelly. Ang natatanggap ni Kelly mula sa ama nito ay ang tinatawag na bare minimum ngunit maligayang-maligaya na roon ang kaniyang anak.
‘Wala, e... Mas matimbang sa kaniya si Shaira kaysa sa sarili niyang dugo at laman...’ Nahinto lamang siya sa pagdaramdam nang tumunog ang alert tone ng kaniyang cellphone. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pamilyar na pangalan sa kaniyang inbox na kaytagal na niyang hindi nakikita. Nag-send lamang ito ng larawan ng isang plane ticket. Ang schedule ng flight ay sampung araw mula noon at ang destinasyon ay sa Pilipinas. Napalunok siya... GAYA NG INAASAHAN ni Philip ay nakawala nga siya sa meeting bago mag-alas diyes ng umaga. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang pulong na iyon, kumbaga sinisiguro lamang niyang nasa kaniya pa rin ang loyalty ng shareholders ng kumpanya. At matapos ang ilang bolahan at palaparan ng papel ay hayun siya at susunduin na ang kaniyang anak. Ang anak na sana ay sa kanilang dalawa na lamang ni Shaira. Nang maalala ang babae ay nag-text siya rito at sinabing dadaanan muna niya si Kelly sa kindergarten, pagkatapos ay pupuntahan na niya ito. Nag-reply naman ang babae ng “OK!” na may kasama pang smiley at thumbs up emoji. Napangiti siya, napakamaunawain talaga ni Shaira at napakamapagbigay, napakalayo sa tuso at makasariling si Camilla. “Sir, malapit na po tayo,” anang driver na nagpaangat ng kaniyang tingin. Natatanawan na niya ang kindergarten ni Kelly nang tumunog ang kaniyang cellphone. Si Shaira. “Babe, narito na ako sa—” “Babe, tulungan mo ‘ko!” ang umiiyak nitong bungad. Naalerto agad siya at napatuwid ng upo. “Bakit? Anong nangyayari? Nasaan ka?” sunud-sunod niyang tanong. “Si Cloudy, nawawala! Natatakot ako, baka nakalabas siya kanina nang i-deliver yung parcel ng maid!” hysterical nitong saad. Pati tuloy siya ay nataranta na. Si Cloudy ang pomeranian dog na binili niya para kay Shaira noon at ang turing nila ay parang anak. Nang magpakasal siya kay Camilla ay si Cloudy ang kapiling ni Shaira sa tuwing ito ay inaatake ng grabeng kalungkutan na nauwi sa depression at anxiety. Nauunawaan niya ang pagkataranta nito. “Sige, susunduin ko lang si Kel—” “Babe, nakalabas nga raw si Cloudy! Oh my God. Baka masagasaan siya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko!” Humagulhol na nga ito. “I need to find him kahit ako lang mag-isa. Kailangan ako ni Cloudy, hindi niya ako iniwan noong down na down ako.” Napatingin siya sa driver na nakatingin din sa kaniya mula sa rearview mirror, noon ay nasa tapat na sila ng eskwelahan. Sinenyasan niya itong dumiretso na papunta sa bahay nina Shaira at tumalima naman ito. “Don't worry, papunta na ako...” aniya bago tinapos ang tawag. Muli siyang nagpipindot sa cellphone upang magpadala ng mensahe sa kaniyang sekretarya. Ito na lamang ang inatasan niyang sumundo sa bata. Mas kailangan siya ni Shaira nang mga sandaling iyon. SAMANTALA, SA school nina Kelly... Isa-isa na ngang nagsisiuwian ang mga kaklase niya dahil sinusundo na ng kani-kanilang mga magulang o yaya. “Ui, Kelly, nasaan yung tatay mo?” tanong ng kaklase niyang numero unong bully. “Bakit hindi ka pa sinusundo, ha?” “Oo nga, Kelly,” singit pa ng isa. “Sabi mo kanina may maganda siyang car, nasaan na?” Tumawa ang bully at nilapit pa ang mukha nito sa kaniya. “Wala kang Papa! Wala rin kayong magandang car!” “Jared! Stop teasing your classmate!” saway ni Teacher Joan sa bully. Napilitang ngumiti si Kelly. “Kelly, si Papa mo ba talaga ang susundo sa iyo ngayon?” tanong sa kaniya ni Teacher Joan. Hindi kaagad nakatugon si Kelly. Naalala niya ang usapan nila ng ama. Nagalit ba ito sa kaniya? Nakaabala ba siya? Mukhang ganoon na nga. Busy sa trabaho ang papa niya tapos hayun siya at sumisingit pa sa oras nito. Napahikbi ang bata ngunit agad na nagpigil ng iyak, sa halip ay sumagot sa guro. “Si Mama po talaga ang susundo sa akin.” “Sige, ako na ang tatawag kay Mommy mo, ha.” “Thank you, Teacher...” Pigil niya ang pag-iyak dahil alam niyang makasasama sa kaniya ang pagiging malungkot. Ngunit hindi niya mapigilan ang kirot na nadarama sa kanilang dibdib. Akala pa naman niya ay hindi na siya mabu-bully... NANG MATANGGAP ni Camilla ang tawag ni Teacher Joan ay nagmadali siyang masundo ang anak. Ang sabi ng guro ay umiiyak na si Kelly kaya hindi na siya nito nagawang tawagan. Kaya pala naman 10:40 na ay wala pa ang mga ito, ang akala pa naman niya ay ipinapasyal lamang ni Philip ang bata dahil kaarawan nito. Paglabas pa niya ay bumubuhos na pala ang malakas na ulan. “Diyos ko, Philip... Gaano ba katindi ang galit mo sa akin at dinadamay mo pati ang bata?” Maging siya ay mangiyak-ngiyak na nang makita sa labas ng classroom si Kelly. Kasama naman nito si Teacher Joan pero mukha pa ring basang sisiw ang anak niya dahil nag-iisang bata na lamang ito roon. “Anak,” aniya sabay yakap dito. Ang tahimik na si Kelly ay biglang bumunghalit ng iyak nang sumubsob sa kaniyang balikat. Pakiramdam noon ni Camilla ay pinagpira-piraso ang kaniyang puso. Hindi dapat nararanasan ng kaniyang anak ang ganoong kabiguan. Simpleng pagsundo lamang naman mula sa eskwelahan, bakit hindi pa nagawa ni Philip? Hindi naman aabutin ng isang oras ang gawaing iyon. “Anak, tahan na... nandito na ako, uuwi na tayo.” Pigil niya ang luha dahil ayaw niyang lalong malungkot ang bata ngunit talagang awang-awa siya rito lalo pa nga at makasasama rito ang labis na emosyon. “Huwag ka nang umiyak, baka magkasakit ka pa... Narito naman si Mama...” Pagdating sa bahay ay tiningnan ni Camilla ang temperatura ng bata dahil sa pakiramdam niya ay mainit ito. At hindi nga siya nagkamali. Nilalagnat na nga si Kelly bunsod marahil ng angge ng ulan. Napailing na lamang siya at nakwestiyon ang sarili kung tama bang ipilit pa niyang magkalapit ang mag-ama. Imbes na kumakain sila ni Kelly sa mamahaling restaurant para sa kaarawan nito ay hayun siya at pinupunasan ito ng malamig na tubig upang mapababa ang lagnat. Biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Ang sekretarya ni Philip na si Rica ang tumatawag. Sinagot niya iyon. “Ma'am, naku Ma'am, pasensiya na po. Ako po dapat ang susundo kay Kelly, kaso hindi ko agad nabasa ang text ni Sir—” “Nasaan ba siya? Bakit hindi siya ang sumundo sa bata?” malamig niyang tanong. “May emergency po kasi—” “Anong emergency iyan? Naghintay sa wala ang anak ko dahil sa emergency na iyan?” “N-nawawala po kasi ang aso ni Ma'am Shaira kaya—” Hindi na niya tinapos ang tawag. Umaalon sa galit ang kaniyang dibdib. Aso... Mas may halaga ang aso kaysa kaniyang anak. Tila bulkan na sumabog ang mas matinding galit sa kaniyang dibdib.“MA?” Pilit pinakalma ni Camilla ang sarili nang marinig ang maliit na tinig ng anak. Nilingon niya ito at nginitian. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Ngumiti nang kaunti si Kelly. “OK lang po, basta OK ka.” Humanga siya sa sariling kakayanan na pagmukhaing kalmado ang sarili sa kabila ng nag-aalimpuyo niyang kalooban. “Oo naman, OK ako, anak.” “Mama, nagalit yata sa akin si Papa.” Nangilid ang luha nito. “Ha?” pagmamaang-maangan niya. “Bakit naman siya magagalit sa iyo, e ang bait-bait mo.” Humikbi ito. “Kung hindi siya galit sa akin, bakit hindi niya tinupad ang sinabi niya na susunduin niya ako?” “Anak, busy lang si Papa mo.” At pinagtatakpan pa rin niya ang walanghiyang lalaki para lang hindi pasamain ang loob ng bata. Nagsunud-sunod ang paghinga ni Kelly hanggang sa napaubo ito nang walang tigil. Hiningal ito at kinabog-kabog ang dibdib. Lumukob ang kaba sa buong pagkatao ni Camilla. “Kelly? Kelly, anak, anong masakit? Hindi ka ba makahinga? Anak dadalahin kita sa ospital!”
AKALA PA naman niya ay seryosong nagpapakaama na si Philip. Bigla ay naawa siyang muli kay Kelly. Ang natatanggap ni Kelly mula sa ama nito ay ang tinatawag na bare minimum ngunit maligayang-maligaya na roon ang kaniyang anak. ‘Wala, e... Mas matimbang sa kaniya si Shaira kaysa sa sarili niyang dugo at laman...’ Nahinto lamang siya sa pagdaramdam nang tumunog ang alert tone ng kaniyang cellphone. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pamilyar na pangalan sa kaniyang inbox na kaytagal na niyang hindi nakikita. Nag-send lamang ito ng larawan ng isang plane ticket. Ang schedule ng flight ay sampung araw mula noon at ang destinasyon ay sa Pilipinas. Napalunok siya... GAYA NG INAASAHAN ni Philip ay nakawala nga siya sa meeting bago mag-alas diyes ng umaga. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang pulong na iyon, kumbaga sinisiguro lamang niyang nasa kaniya pa rin ang loyalty ng shareholders ng kumpanya. At matapos ang ilang bolahan at palaparan ng papel ay hayun siya at susunduin na ang
HINDI NAPIGILAN ni Philip ang mapangiti. “Of course, narito ako. Kanina pa nga.” Nilaro ni Kelly ang mga daliri nito. “Hindi lang po kasi ako makapaniwala...” “Bakit naman?” “Kasi po alam ko naman na ayaw mo sa amin ni Mama. Kaya ka nga po hindi umuuwi, e.” Natigilan si Philip. Hindi naman niya intensiyon na sadyang balewalain ang bata, ngunit hindi niya pansin na kahit pala sa murang edad nito ay nahahalata na nito ang mga ganoong bagay, o baka naman... “Papa, sana po maging OK na kayo ni Mama. Mabait siyang mama. Sana po umuwi ka na po palagi para may kasama siya—” “‘Yan ba ang turo niya sa ‘yo?” Hindi siya makapaniwala kung gaano kasahol si Camilla. Talagang bini-brainwash na nito ang bata at tinuturuang maging kasingtuso nito. At talagang may script pa, ha. ‘What a rotten liar...’ “Hindi po...” Bumangon ito at kinuha mula sa bureau ang isang maliit at pink na notebook. Binigay nito iyon sa kaniya. “Nariyan po ang daily thoughts ko, basahin mo po para makita mo kung gaano
“CAMILLA...” GIGIL na wika ni Philip. Hindi niya pinansin ang nagbabaga nitong mga mata. “Gusto kong magmula bukas—birthday ni Kelly—ay samahan mo siya parati at iparamdam sa kaniya na isa kang ulirang ama. Gawin mo lang iyan sa loob ng isang buwan at pagkatapos ay wala na tayong pakialaman. Pipirmahan ko nang matiwasay ang annulment papers natin kahit wala kang ibigay na kahit na ano sa akin. Yun lang ang kondisyon ko.” Nagsalubong ang mga kilay ni Philip at akmang sasagot ngunit pumitada na naman ang kapatid ni Shaira. “Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo! Gagamitin mo pa talaga ang bastarda ninyo—” “Tumahimik ka!” bigla niyang sigaw. Hiindi niya ito papansinin kung hindi lang sa bansag nito kay Kelly. “Wala kang kinalaman sa usapan namin kaya huwag kang makisali!” “Ikaw itong basta na pumasok dito habang nag-uusap kami tapos—” “Dennis, tama na. Ako na ang bahala rito,” saway ni Philip bago siya muling hinarap. “Ano na naman bang pakana ito, Camilla? Bakit pati si Kelly ay
HALOS MADULAS sa pagtakbo si Camilla, hindi siya nakapagsuot ng matinong sapatos o tsinelas man lang dahil sa natanggap na tawag mula sa teacher ni Kelly. Nagtutumining sa kaniyang mga tainga ang mga salitang binitiwan ni Teacher Joan nang tawagan siya nito. ‘Mommy, sinugod namin si Kelly sa ospital. Nahihirapan kasi siyang huminga at nagkukulay blue na ang mga labi...’ Alam niyang mabilis mapagod si Kelly, pero ano iyong nagkukulay blue raw ang mga labi nito? “Doc!” sigaw niya sa doktor na nakitang lumabas sa emergency room kung saan daw naroon si Kelly. “Doc, ako si Mrs. Limjoco. Mommy ni Kelly. K-kumusta siya?” Pinakatitigan siya ng doktor bago ito huminga nang malalim at inimbitahan siyang maupo muna. Hindi niya gusto ang kaseryosuhan nito na tila ba may napakabigat na balita itong ihahatid sa kaniya. Pumalo sa kaba ang kaniyang puso. “Mrs. Limjoco... hindi ko alam kung bakit hindi ninyo kaagad napansin ang signs pero… si Kelly ay may severe congenital heart disease. Late