Share

CHAPTER 6

Author: Iris
last update Last Updated: 2025-09-12 05:17:11

NATIGILAN SI Camilla, bahagyang nangunot ang noo bago sumagot, “Anong sinasabi mo—”

“Oh, c'mon, Camilla!” mahina ngunit gigil na agap ni Philip. “Huwag ka nang magmaang-maangan, OK? Hindi ko alam kung anong trip mo at nasundan mo kami rito ni Shaira, pero kitang-kita ko na mag-isa ka lang kanina. Tapos ngayon biglang kasama mo na si Kelly? Nag-iisip ka bang tao ka?”

Bahagya siyang natawa. “Anong pinagsasasabi mo—”

“Dinala mo rito sa ospital si Kelly nang makita mo kami ni Shaira. Yun ang ginawa mo, tama? Please lang, don't even try pulling my leg. Alam na alam ko na ‘yang mga pakulo mo. Gusto mong makita ni Kelly na magkasama kami ni Shaira, para ano? Para ipamukha kay Shaira na may anak tayo? At para ipakita kay Kelly na ang tatay niya ay may girlfriend? Tama ako, di ba? Ha?” mahabang litanya nito habang nandidilat ang mga mata.

Tuluyan na ngang napatawa si Camilla, pero hindi siya humalakhak. Nakatakip ang isang kamay sa kaniyang bibig habang manghang nakatingin sa asawa, pagkatapos ay nagwika, “Alam mo, para sa isang lalaki, napakadaldal mo. Ni hindi ako nakaka-isang sentence, pero ikaw nakabuo ka na ng essay? Ang galing ng nabuo mong conclusion, ano? Writer ka na rin ba ngayon? Hanep sa storytelling, a—”

Hinablot nito ang isa niyang braso at inilapit ang mukha sa kaniya. “Dini-deny mo pa rin? Alam mo, mabuti sana kung hindi kita nakilala bilang isang tao na magaling magsinungaling. E, kaya nga nabuo ‘yang bata, e dahil sa magaling mong pagpaplano at pagsisinungaling hindi ba?”

Hinila niya ang sariling braso at nilapit din ang mukha rito kaya napaatras ito. “Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, Philip. Matagal ko nang nasabi na hindi ko sinasadya na mahiga sa parehong kama na tinutulugan mo. Hindi ako mababang uri ng babae gaya ng iniisip mo. Pero bilang sarado naman ‘yang utak mo, hindi ka naniniwala. Feel na feel mo na g!nahas4 kita na as if hindi ka nag-enjoy sa nangyari.”

“Camilla—”

“Gawin mo,” hamon niya. Nakataas na kasi ang isang kamay ni Philip at akmang sasampalin siya. Nginisihan niya ito nang mapagtanto ng lalaki na nasa lobby lamang sila ng ospital at napakaraming tao.

“Isang buwan na pagiging ama lang ni Kelly ang hinihingi ko mula sa iyo,” mayamaya ay wika niya. “Baka naman pupwedeng sa isang buwan na iyon ay panindigan mo ang bata? Kahit tuwing araw man lang, sa inyo na ni Shaira mo ang mga gabi. Napakahirap ba noon para sa iyo?”

UMALON ANG dibdib ni Philip sa labis na pagkayamot. Gusto niyang pagbuhatan ng mga kamay si Camilla ngunit hindi maaari. Nasa mataong lugar sila.

Nitong mga nagdaraang araw ay talagang sinasagad ng babae ang kaniyang pasensiya. Nakapagtataka na ang ugaling pinakikita nito. O baka naman ganoon na talaga ito ngunit nagtatago lamang sa kunwari ay pagiging masunurin dahil sa pagmamahal sa kaniya.

Kung anuman ang dahilan ay wala siyang pakialam. Hindi pa rin niya matantiya ang presensiya nito.

“Napakatuso mo talaga. Sinigurado mo talagang hindi ako makakawala sa mga kuko mo dahil sa batang ‘yan. Diyan sa batang hindi ko naman ginusto at nabuo lang dahil sa kakatihan mo!”

Nakita niya ang pagdaan ng kirot sa mga mata nito. Mabuti naman. Napangisi siya. Alam na niya kung paano sasaktan si Camilla. Hindi naman tunay ma mabigat ang dugo niya kay Kelly, anak pa rin niya ang bata. Ngunit sa tuwing nakikita kasi niya ito ay si Camilla ang nakikita niya, kung bakit kasi kamukhang-kamukha nito ang ina...

“Ganiyan ba talaga kalaki ang galit mo sa akin?” maluha-luhang tanong ng babae. “Philip, anak mo pa rin si Kelly. Sinasabi mo bang kahit kailan ay hindi mo siya minahal?”

Hindi nga ba? Hindi nga ba niya minahal si Kelly? Hindi siya sigurado. Pero kung ikasasakit ng kalooban ni Camilla ang pagtatatwa niya sa bata ay gagawin niya.

“Bakit ko mamahalin ‘yan? Ikaw nga ay hindi ko kayang mahalin. Paano pa yung nagmula sa iyo?” maanghang niyang tugon. “Anak lang namin ni Shaira ang kaya kong mahalin, Camilla. Itatak mo ‘yan sa kukote mo.”

“Pa...”

Nanlamig ang buong katawan niya nang marinig ang maliit na tinig na iyon. Nang lumingon siya sa kaniyang kaliwa ay nakita niya si Kelly na namumula na ang paligid ng mga mata habang nakahikbi.

TULUYANG NABASAG ang tapang ni Camilla nang makita ang maluha-luhang anyo ng anak. Narinig ni Kelly ang lahat. Ang mga salita ng isang ama na hindi dapat marinig kailanman ng isang anak, lalo't higit isang bata na kasing-edad ni Kelly.

Sinugod niya ng yakap ang bata. “Anak, gusto mo na bang umuwi?”

Ngunit umentra si Shaira, hinawakan nito sa balikat si Kelly at pilit na pinabibitiw sa kaniya.

“Love, halika na muna, nag-uusap pa yata sina Mama at—”

Biglang hinawakan ni Kelly ang kamay ni Shaira at kinagat nang mariin. Napatili ang babae, agad namang inawat ni Camilla ang anak at inilayo.

“Shai!” dali-daling nilapitan ni Philip ang babae at inalo-alo. “Nasaktan ka ba?”

Humikbi si Shaira na akala mo nama'y tuta, habang haplos ang kamay na namumula at may bakat ng maliliit na ngipin. Nang makita ni Philip ang kamay ng babae ay marahas nitong nilingon ang mag-ina.

“Kelly, mag-sorry ka kay Tita Shaira. Mag-sorry ka!”

Humikbi si Kelly at sa paputol-putol na pananalita ay sinabing, “Ayoko! Siya yung masamang tita! Hinila niya ako palapit sa inyo ni Mama para marinig ko raw ang sinasabi mo, Papa!”

Napasinghap si Shaira. “Oh my God... Kelly, love, walang ganoong nangyari... Camilla, bakit tinuturuan mong magsinungaling ang bata?”

Nagpanting ang mga tainga niya, pero bago pa man siya makasagot ay umarangkada nang muli ang bibig ni Philip. “Manang-mana ka sa nanay mo, sinungaling! Pwe! Magsama kayo!”

At inakay na palayo ni Philip si Shaira na iika-ika pa, para namang sa paa ito kinagat ni Kelly. Niyakap namang muli ni Camilla ang lumuluhang anak.

“Ma, ayaw ba talaga sa akin ni Papa?”

Mariin siyang napapikit, hindi niya alam ang isasagot dahil narinig at nakita naman ng bata kung paano sila itrato ni Philip.

“Sinungaling yung Tita Shaira. Mama, paano ka na kapag hindi ako gumaling? Ang bad pareho nina Papa at Tita Shaira. Kawawa ka naman...” patuloy nito sa pagitan ng mga hikbi.

Doon na napaluha nang tuluyan si Camilla. Paano na nga siya kapag nawala ang tanging tao na nakakakita ng kaniyang halaga?

Walang anu-ano ay naghabol ng hininga si Kelly. Hingal na hingal ito at nang tingnan niya ang anak ay nagkukulay itim na ang mga labi nito. Nilukob siya ng kabang walang papangalawa...

“Doc! Nurse! Tulong! Tulungan ninyo ang anak ko!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 31 - THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE

    PAGKAKITA NI Davian kay Camilla ay otomatikong nagliwanag ang mukha ng lalaki. Nagpaalam ito sa mga kausap at patakbong lumapit sa kotse.“Hey!” anito. Ni hindi na nahintay na pagbuksan pa siya ng pinto ni Tucker at siya na mismo ang nagbukas ng pinto sa kaniyang side. Umusog na lang si Camilla para bigyan ng espasyo ang lalaki. “What are you doing here? Saan ka galing?”Nagkatinginan sila ni Tucker mula sa rearview mirror at nagngitian.“Ganito kasi...” At sinimulan na niya ang pagkukwento, sa haba ng salaysay niya ay nauwi sila sa opisina ni Davian dahil may kukunin daw ito. Hanggang doon ay tuloy-tuloy ang kwento niya na kung saan-saang panig na ng bangungot niyang relasyon kay Philip.“So, ano ang balak mo?” anito nang magsawa siya sa kara-rant.Nagkibit-balikat siya. “Ano pa? E di kunin ang nararapat sa amin ni Kelly. Maipagpagawa ko man lang ng mas maayos na musoleo ang anak ko.”Huminga nang malalim si Davian bago binuksan ang pinto na may kumakatok. Nanatiling nakatitig sa kaw

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 30 - STAY-AT-HOME MOM

    “KUNG INAAKALA MO na maisasalba mo pa ang kasal natin dahil sa pekeng papeles na iyan ay nagkakamali ka,” ani Philip kay Camilla. “At kung totoo man iyan—which I highly doubt—so what? Sa akala mo ay kaya mong patakbuhin ang kompanya on your own? Nagpapatawa ka talaga, baka akala mo ay hindi ko alam na saksakan ka ng b0b@!”Napangiti na lamang si Camilla. Talaga palang mas mababa pa sa putik ang tingin sa kaniya ni Philip. Ang akala siguro nito, porke't sa isang state university lamang siya nagtapos ng pagaaral at hindi sa isang kilalang pamantasan gaya ng St. Ithuriel University ay totoo na nga ang mga pinagsasasabi nito sa kaniya. Na siya ay b*b0.Hindi nito alam na sa kabila ng pagiging swimmer sa kanilang unibersidad ay nagawa niyang pagsabayin ang athletics at academics, nagtapos siya bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Bukod sa natamo niyang latin awards ay may mga karagdagan pa siyang parangal na natanggap kaugnay sa nasabing kurso.

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 29 - MY SHARE

    “A, OK.” SIMPLENG tugon ni Camilla nang matanggap ang tawag ni Rica. Gusto siyang papuntahin ni Philip sa ospital kung saan sinugod si Shaira, inatake raw ng anxiety ang babae nang dahil sa kaniya.Natawa na lamang siya. Talagang nakapag-drive pa nga ang babaeng ’yon hanggang Manila bago inatake ng kung anumang karamdaman nito. Ang galing naman. At siya raw ang may kasalanan.‘Mema,’ aniya sa isip bago muling nagsalita sa cellphone, “Since, ’yang amo mo ang may kailangan sa akin. I demand na sunduin ako rito ng company car o ng chopper. Malayu-layong biyahe rin ang Laguna to Manila, baka mamatay na lang si Shaira ay wala pa ako riyan,” sarkastikong wika niya.Hindi kaagad nakasagot si Rica, pero mayamaya ay... “Y-yes, Ma'am. I'll arrange the chopper ride for you. Makikipag-coordinate na rin po ako sa malapit na building sa inyo para sa landing pad.”“Good. Ipasundo mo na lang ako rito sa bahay.” In-end call na niya kahit hindi pa nakasasagot si Rica. Hindi naman sa pagiging bastos, ka

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 28 - HALF THE COMPANY

    HINILA NI CAMILLA nang malakas ang buhok ni Shaira pagkatapos ay sinipa ito sa alak-alakan hanggang sa ito ay mapaluhod. Gamit ang kabilang kamay, tinulak niya ang batok ni Shaira pababa at pinisil iyon nang mariin. Halos humalik ito sa lupa.“Bitiwan mo ako! Baliw ka na! Sira-ulong taong-bundok!” sigaw pa rin nito habang pilit na kumakawala. “God! I don't know what Don Fausto saw unto you! Hindi ka deserving sa lahat ng kabutihan niya!” Halos mapaiyak na ito pero talakera pa rin.Dinukdok niya sa lupa ang ulo nito pero nang banggitin nito ang pangalan ni Don Fausto ay tila may kung anong kumalabit sa kaniyang alaala. Nawalan ng lakas ang mga braso niyang nagpapaluhod kay Shaira kaya ito nakawala. Itinaas nito ang kamay para gumanti, pero nasunggaban agad niya ang mga braso nito.“Akala mo ba, kapag nawala ako, magiging mayamang-mayamang Mrs. Limjoco ka?” mariin niyang wika matapos luminaw sa kaniyang alaala ang pamana ni Don Fausto. “Alam mo ba kung paano inayos ni Lolo ang mana nami

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 27 - F.A.F.O

    MATAPOS MARINIG ang mga kwento ni Philip ukol kay Camilla ay biglang tinubuan ng lakas ng loob si Shaira na komprontahin ang babae. Talagang nag-drive siyang mag-isa patungo ng Laguna para lang makita ito at lait-laitin.“Akala siguro niya, mas better na siya sa akin dahil lang dala niya ang apelyido ni Philip. Nakakatawang babae. Pinulot saglit sa putikan para lang ibalik at lalong maputikan.”Tawa siya nang tawa. Pakiramdam niya ay nakaganti na siya kay Camilla matapos nitong sirain ang ilusyon niya na maikakasal sila ni Philip. Limang taon din nilang tinago ni Philip ang kanilang relasyon para lang hindi masira ang imahe ng lalaki sa madla at sa lolo nito. Napabuga ng hangin si Shaira nang maalala si Don Fausto Limjoco—ang lolo ni Philip. Ito kasi ang promotor ng pagpapakasal ni Philip kay Camilla. Dapat daw ay panindigan ng apo nito ang batang dinadala ni Camilla upang hindi maging kahiya-hiya ang babaeng iyon. Kapag daw hindi pumayag si Philip ay tatanggalin nito sa last will an

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 26 - OBLIVION

    ISANG MALUTONG na sampal ang pinadapo ni Camilla sa pisngi ni Philip. Sa labis na pagkabigla ng lalaki ay hindi ito nakapagsalita at hindi naibaling ang mukha pabalik sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata nito habang dahan-dahang humaharap muli, pati ang kamay nitong ipangsasapo sa nasaktang pisngi ay nanginginig.“Y-you... Y-ou j-just slap—”“The fvck, I did,” gigil niyang agap. “At hindi lang ‘yan ang matatanggap mo oras na bastusin mo pa kaming muli ng anak ko.” Nanginginig na rin ang buong katawan niya at pakiramdam niya ay nag-iinit ang kaniyang anit. Isang hindi magandang salita pa ni Philip ay baka hindi na niya ito matantiya. Pero sa pagkabigla niya ay tumawa ito nang mahina.“Palaban ka na talaga ngayon, I like it.” Dinilaan pa nito ang mga labi habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. “Ano? Gusto mo bang gumawa muli ng—what the fvck?! Jesus! Ibaba mo ‘yan, Camilla!”Siya naman ang natawa nang halos magkandarapa sa pag-atras si Philip habang nakataas ang mga kamay. Tinutvka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status