LOGINNagising ako sa isang pakiramdam na sa pakiwari ko ay parang may mali.
Mainit.
Sobrang init.
Napakunot-noo ako habang nakapikit pa rin. Parang... wala akong marinig.
Walang ugong ng electric fan.
Walang ilaw na tumatagos sa ilalim ng p***o.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Madilim.
Halos wala akong makita.
Napalingon ako sa alarm clock na de-battery sa ibabaw ng maliit kong bedside table.
2:03 A.M.
Napaupo ako sa kama.
"Hala..."
Brownout.
Mabilis akong bumangon at halos matisod pa sa tsinelas.
"Calix."
Makas na kumabog ang puso sa loob ng dibdib ko
Bawal siyang mainitan.
Kapag sumobrang init ang panahon, mas madali siyang hingalin. Ilang beses na naming naranasan iyon noong bata pa kami. Kahit madaling-araw pa lang, ramdam na ramdam ko ang bigat ng hangin.
Binuksan ko agad ang p***o ng kwarto.
"Calix!"
Tahimik ang buong bahay.
Tanging mga kuliglig lang ang maririnig sa labas.
Mabilis akong nagtungo sa kabilang kwarto.
Hindi na ako kumatok.
Dere-diretso kong binuksan ang p***o.
"Calix!"
Nagulat ang kambal ko at halos mapatalon sa higaan.
"Ano ba, Callie!"
Nilapitan ko agad siya.
"Okay ka lang?"
Napakamot siya sa ulo habang inaantok pa.
"Bakit?"
"Walang kuryente."
"Siyempre... brownout."
"Mainit."
Tumango siya. "Oo nga."
Lumapit ako at hinawakan ang noo niya.
Hindi naman siya pinagpapawisan nang sobra.
Normal pa ang paghinga niya.
Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.
"Kinabahan ako."
Napangiti siya nang bahagya.
"Relax."
"Relax? Hindi ako mare-relax. Paano kung mamatay ka?"
"Ang babaeng OA, nagsimula na naman," nhatatawa niyang sambit
"Alam mo namang bawal kang naiinitan."
Tumango siya.
"Alam ko."
Lumabas ako ng kwarto niya at dumiretso sa sala.
Binuksan ko ang lahat ng bintana.
Pati ang likod ng bahay.
Kahit kaunting hangin lang.
Kahit konti lang ang pumasok.
Kumuha rin ako ng lumang pamaypay na gawa sa kawayan.
Pagbalik ko sa kwarto niya, iniabot ko iyon.
"O."
Napatawa siya.
"Seriously?"
"Oo."
"Ikaw?"
"Kukuha ako ng isa."
Napailing siya.
"Para kang nanay."
"Mas okay nang OA kaysa magsisi."
Hindi na siya sumagot.
Tahimik lang siyang nagsimulang magpaypay.
Samantalang ako ay umupo sa gilid ng kama niya.
Hindi na rin naman ako inaantok.
Nag-aalala pa rin ako.
Hindi talaga biro ang asthma.
Isang maling pagkakataon lang...
Isang matinding init...
Isang pagod...
Puwede na namang umatake.
Ayokong maranasan ulit ang nangyari sa dati niyang trabaho.
Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ko ang araw na halos hindi siya makahinga.
Ang tawag nila sa akin noon habang nasa kabilang department ako.
Nagkakagulo na pala sa production area.
Pagdating ko...
Nakaupo na siya sa sahig.
Namumutla.
Hingal na hingal.
Halos hindi makapagsalita.
Hindi ko makakalimutan ang itsura niya noon.
At lalong hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na wala akong magawa kundi umiyak habang hinihintay ang ambulansya.
Ilang linggo matapos ang insidenteng iyon...
Pinag-resign na siya.
Masakit.
Pero mas masakit kung ipipilit pa niya ang trabahong unti-unting sumisira sa kalusugan niya.
Kaya simula noon...
Ako na ang nangakong ako ang lalaban para sa aming dalawa.
Ako ang maghahanapbuhay.
Ako ang kikita.
At gagawin ko ang lahat para hindi na siya mapagod nang ganoon ulit.
Napatingin ako sa madilim na kisame.
Naalala ko ang folder na nasa kwarto ko.
Montenegro Holdings.
Temporary secretary.
Tatlong buwan.
Siguro...
Hindi ko na talaga dapat palampasin ang oportunidad na iyon.
Hindi dahil gusto kong magtrabaho sa isang billionaire.
Kundi dahil may isang taong umaasa sa akin.
At hinding-hindi ko hahayaang mawalan kami ng pag-asa dahil lang nawalan ako ng trabaho.
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa sala.
"Ba't ang init pa rin..."
Binuksan ko ang bintana para sana kahit papaano ay pumasok ang hangin.
Pero imbes na hangin ang unang sumalubong sa akin...
Liwanag.
Napakunot-noo ako.
Napatingin ako sa kabilang bahay.
May ilaw.
Sa katapat naming bahay...
May ilaw din.
Pati sa bahay nina Aling Cora.
Nina Mang Bert.
Nina Ate Susan.
Lahat sila...
May kuryente.
Napakurap ako.
"...Ha?"
Mabilis akong lumabas sa maliit naming terrace.
Doon ko nakita si Mang Nanding na nakaupo sa tapat ng sari-sari store niya, umiinom ng kape habang sinasalansan ang mga gulay na paninda rin nila ng asawa niyang si Aling Cora
Nang makita niya ako, napangisi siya.
"Aba! Gising ka pala, Callie."
"Opo, Manong."
"Tinitingnan mo ba kung brownout?"
"Opo."
Bigla siyang natawa.
Iyong tawang alam mong may kasunod na hindi magandang balita.
"Hindi 'yan brown out, kita mo naman na ke liliwanag ng mga bahay namin, sa inyo lang ang natatangi"
"Ano pong ibig n'yong sabihin?"
Tumayo siya at itinuro ang poste sa harap ng inuupahan naming bahay.
"Mukhang pinutulan na kayo ng kuryente."
Parang may bumagsak na malamig na tubig sa ulo ko.
"...Pinutulan?"
Tumango siya. "Kaninang hapon pa may dumating na taga-electric cooperative."
Hindi ako agad nakapagsalita.
"Pero... sng sabi nila, ilang buwan na raw may hindi nababayaran." Napakurap ako. "Hindi puwede."
Nagkatinginan kami. "Hindi ba nagbabayad si Ate Gina?" tanong ko.
Napakamot si Mang Nanding sa ulo. Hindi ko alam ang buong kuwento. Pero narinig ko siyang nakikipagtalo kanina."
Si Gina.
Ang may-ari ng inuupahan naming bahay. Sa kanya kami buwan-buwang nagbabayad ng renta.
Kasama na roon ang bahagi namin sa kuryente at tubig.
Hindi ko maintindihan.
Regular naman kaming nagbabayad.
Kahit kapos, inuuna ko pa nga ang renta.
Hindi kami nalelate.
Hindi kami tumatakbo sa obligasyon.
Kaya bakit...
Bakit kami ang nawalan ng kuryente?
Napabuntong-hininga si Mang Nanding.
"Naku, hija. Mas mabuti sigurong kausapin mo na lang si Gina mamayang umaga."
Tumango ako, kahit magulo na ang isip ko.
"Salamat po, Manong."
"Basta mag-ingat kayo."
"Opo."
Pumasok akong muli sa loob ng bahay. Mas mabigat ang pakiramdam ko kaysa kanina.
Akala ko brownout lang.
Hindi pala.
Pinutulan na pala kami ng kuryente.
At ang mas nakakainis...
Hindi ko alam kung saan napunta ang perang buwan-buwan naming ibinabayad.
Maaga akong nagising kinabukasan.
Hindi dahil mahimbing ang tulog ko.
Kundi dahil sa init at sa sama ng loob.
Matapos makapagbihis ng simpleng puting T-shirt, maong, at rubber shoes, agad akong nagtungo sa bahay ni Aling Gina.
Dalawang bahay lang ang pagitan namin.
Habang naglalakad, paulit-ulit kong iniisip ang buwan-buwan naming pagbabayad ng renta.
Kasama roon ang parte namin sa kuryente.
Hindi kami pumapalya.
Hindi kami nalelate.
Kaya wala siyang karapatang iputol ang kuryente namin nang hindi man lang kami sinasabihan.
Pagdating ko sa harap ng malaking bakal na gate, pinindot ko ang doorbell.
Ilang segundo lang...
Bumukas ang p***o ng bahay.
At lumabas ang anak niyang si Max.
Napapikit ako nang bahagya.
Siya na naman.
Max Villanueva.
Dalawampu't walong taong gulang.
Gwapo.
Matangkad.
Maputi.
Laging nakaayos ang buhok.
At ang pinakaayaw ko sa lahat...
Presko.
At certified babaero.
Halos kalahati ng barangay, niligawan na yata.
Ngumisi agad siya nang makita ako.
"Good morning, Callie."
Hindi ko man lang sinuklian ang ngiti niya.
"Good morning."
Lumapit siya sa gate at binuksan iyon.
"Aga mong dumalaw."
"Nandiyan ba si Aling Gina?"
"Nandiyan."
Pero hindi siya tumabi.
Nanatili siyang nakaharang sa daraanan.
Pinagkrus pa niya ang mga braso.
"May kailangan ka ba?"
Tumingin ako sa kanya.
"Oo."
"Sa mama ko?"
Tumango ako.
" E sa akin?"
"Importante 'to, nasaan ang mama mo?"
Hindi pa rin siya umalis sa harap ko.
Sa halip ay ngumiti pa lalo.
"Pwede namang sa akin mo sabihin."
Napairap ako.
"Max."
"Hmm?"
"Kung hindi ka gagalaw...ikaw ang susunod na hahampasin ko ng payong," pagbaban ktao kay Max saka ko inakma ang payong na hawak ko.
"Aray." Napahawak siya sa dibdib na kunwari'y nasaktan. "Kaya ka nasesesante e, ganya ka kabayolente. Ke babae mong tao"
"Nabalitaan mo na pala."
"Buong barangay yata."
"Good."
"At least alam mong hindi ako nagbibiro."
Napatawa siya. "I like your attitude."
"Good for you."
"Single ka pa rin ba?"
Napabuntong-hininga ako. "Wala kang pakielam!"
Napakamot siya sa batok. "Nagtatanong lang eh, sungit."
"Aam mo naman ang sagot, nagtatanong ka pa. Oo na, single na kung single. E ikaw ba? Tumino ka namn ba?"
"Oo naman," halatado ang pagiging defensive nya, lumabi pa siya at pagka ay umiwas ng tingin.
"E bakit kapag nakikita kita sa department store e iba-iba ang kasama mong babae sa araw-araw?"
"Friends."
"Twenty-seven friends? Ang friendly mo naman," sarkastikong wika ko.
"Networking."
Napailing ako. "Ang kapal talaga ng mukha mo."
Hindi siya iyong tipong napipikon.
Mas lalo pa yatang natutuwa kapag sinusungitan.
Tumabi rin sa wakas si Max habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Go ahead."
Pagkapasok ko sa bakuran, narinig ko pa siyang nagsalita sa likuran ko.
"Alam mo, Callie..."
Hindi ko na siya nilingon.
"...mas cute ka pala kapag galit."
Napangiwi ako. "Magtoothbrush ka muna Maximus, puro ka talaga kalokohan."
Naulanigan ko ang malakas niyang tawa habang dumidiretso ako sa pintuan ng bahay.
Isang katok pa lang...
May narinig na akong boses mula sa loob.
"Sino 'yan?"
"Si Callie po, Aling Gina."
Ilang sandali pa...
Bumukas ang p***o.
At bumungad sa akin ang may-ari ng inuupahan naming bahay.
Ngunit sa ekspresyon pa lang ng mukha niya... mukhang alam na niya kung bakit ako naroon.
Hindi pa man ako nakakabati nang maayos, nagsalita na agad si Aling Gina.
Nakasimangot siya.
Nakatupi ang dalawang braso sa dibdib.
Halatang hindi maganda ang gising.
"O?"
"Ano'ng kailangan mo?"
Magalang pa rin akong tumango.
"Good morning po, Aling Gina."
"Walang good sa morning ko."
Diretso ang tingin niya sa akin.
"Sabihin mo na ang pakay mo."
Huminga ako nang malalim.
"Nalaman ko pong naputulan kami ng kuryente kagabi."
"E ano ngayon?"
Natigilan ako.
"Kaya po ako nandito para sana magtanong."
"Regular naman po kaming nagbabayad ng renta, pati po ng parte namin sa kuryente."
"Bakit po kami naputulan?"
Humalukipkip siya.
"Kasi pinutulan."
Napakurap ako.
"Iyon nga po ang itinatanong ko."
"Kung bakit."
"May atraso ba kami?"
"May kulang ba kaming bayad?"
Napairap siya.
"Napakarami mong tanong."
"Karapatan ko naman pong malaman."
"Tsk."
Napailing siya.
"Akala mo kung sino ka."
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.
Hindi ako pumatol.
Hindi rin ako nagtaas ng boses.
Alam kong wala akong mapapala kung pareho kaming magagalit.
"Aling Gina..."
"Pwede po bang malaman kung saan napunta ang ibinabayad naming kuryente?"
Biglang nag-iba ang ekspresyon niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ibig sabihin..."
"Binabayaran naman po namin buwan-buwan."
"Bakit sinasabing ilang buwan nang hindi nababayaran ang metro?"
Nanlaki ang mata niya.
"Pinagbibintangan mo ba akong magnanakaw?"
"Hindi ko po sinabi iyon."
"Pero ganoon ang ibig mong palabasin!"
"Tinanong ko lang po."
"Tanong?"
Bahagya siyang lumapit.
"Ang kapal naman ng mukha mo."
"Nangungupahan ka lang dito."
"Huwag kang umasta na parang ikaw ang may-ari."
Napakuyom ako ng kamao.
Pinipigilan ko ang sarili ko.
Kalma.
Kalma lang.
"Aling Gina."
"Ang gusto ko lang po ay malinawan."
"At gusto ko ring malaman kung kailan maibabalik ang kuryente."
"May kapatid po akong may asthma."
"Kailangan po niya ng electric fan lalo na ngayong napakainit."
Napailing siya.
"Problema n'yo na 'yon."
Parang may kumurot sa dibdib ko.
"...Po?"
"Hindi ko responsibilidad ang kapatid mo."
"Kung may sakit pala siya, dapat bumili kayo ng sariling bahay."
Tahimik.
Sobrang tahimik.
Ramdam kong unti-unting umiinit ang ulo ko.
Pero hindi ko pa rin siya sinagot.
Ayokong mawalan ulit ng kontrol.
Isang trabaho na nga ang nawala sa akin.
Ayoko nang dagdagan pa.
Sa gilid ng mata ko, napansin kong palabas na rin ng bahay si Max.
Mukhang narinig na niya ang lahat ng usapan namin.
"Mama..."
Mahina niyang tawag.
"Lubayan mo nga ako." Saka siya muling humarap sa akin.
"At isa pa, kung hindi n'yo kayang magbayad..Lumayas na lang kayo."
Natigilan ako.
"Pero nagbabayad po kami."
"Eh di umalis kayo! Tutal, wala ka na namang trabaho."
Nanlaki ang mga mata ko.
Paano niya nalaman?
Napangisi siya.
"Akala mo hindi ko alam? Buong barangay pinag-uusapan ka. Yung babaeng nanampal—"
"Hindi po ako nanampal."
Hindi ko napigilang putulin siya.
"Nanghahampas po ako. ... ng heels."
Tahimik na napatingin sa akin si Max.
Maging si Aling Gina ay natigilan ng isang segundo.
Pagkatapos...
Mas lalo siyang napikon.
"Aba't sumasagot ka pa!"
"Totoo naman po. Hindi ako nanampal. Mas masakit po ang heels."
Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Max.
Napailing siya habang pilit na pinipigilan ang sariling matawa.
Samantalang si Aling Gina...
Halos mamula na sa galit ang mukha.
At pakiramdam ko...
Mas lalo pang gugulo ang umagang ito.
Wala na.
Mukhang wala na talaga akong mapapala rito. Huminga ako nang malalim saka marahan akong tumalikod. Hindi na ako nagsayang ng oras na makipagtalo pa kay Aling Gina. Sa estado ng ugali niya ngayon, kahit anong paliwanag ko ay hindi rin siya makikinig.
Mas lalo lang kaming mag-aaway.
Mas lalong walang mangyayari.
Paglabas ko ng gate, dire-diretso akong naglakad pauwi.
"Callie!"
Narinig ko ang pagtawag ni Max.
Hindi ko pinansin.
"Callie!"
Mas lumakas ang boses niya.
Patuloy lang akong naglakad.
"Astrid!"
Napabuntong-hininga ako. Wengya, first name basis na naman.
Apat na beses na yata niya akong tinatawag.
Makalipas ang ilang segundo, narinig ko ang mabilis na yabag sa likuran ko.
"Callie, sandali!"
Huminto ako.
Dahan-dahan akong lumingon.
Halos hingal na hingal siyang tumigil sa harapan ko.
"Grabe..." Napatawa pa siya habang hinihingal. "...ang bilis mong maglakad."
Pinagkrus ko ang mga braso ko.
"Bakit?"
Umayos siya ng tayo.
"Sorry."
Napakunot-noo ako.
"Ha?"
"Para kay Mama."
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.
"Pasensya na sa mga sinabi niya."
"Wala kang dapat ihingi ng tawad."
"Nanay mo siya."
"Oo, pero mali siya."
Napailing ako.
"Hindi mo kailangang pumagitna."
"Actually..." Napakamot siya sa batok. "...kailangan."
Mariin ko siyang tinitigan, anong sinasabi ng kupal na 'to?
"Teka." May inilabas siyang sobre mula sa bulsa ng shorts niya.Iniabot niya iyon sa akin. Napatingin ako rito.
"Ano 'to?"
"Buksan mo."
Hindi ko agad tinanggap.
"Max. Hindi ako tumatanggap ng pera."
"Hindi naman 'yan pera. Tingnan mo muna."
Dahan-dahan kong kinuha ang sobre. Pagkabukas ko...
Nakita ko ang mga resibo.
Mga resibo ng bayad sa kuryente.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Anong..."
Tahimik siyang tumango.
"Binabayaran n'yo. Every month."
Napatingin ako sa kanya.
"Alam mo?"
"Oo."
"Paano?"
"Ako ang madalas tumatanggap ng bayad n'yo kapag wala si Mama. Si Calix ang nagchachat sa akin, maalas ako rin ang inaabutan ni Calix kapag umaalis si Mama at Kuya."
Parang may bumara sa lalamunan ko.
"Kung gano'n....bakit kami naputulan?"
Napabuntong-hininga siya. "Hindi ko dapat sabihin sa'yo pero nakakakonsesnya."
"Tumigil ka na kung ayaw mo."
Umiling siya. "Hindi., Callie, Deserve mong malaman."
Ibinulsa niya ang dalawang kamay niya bago seryosong tumingin sa akin.
"May utang si Mama, hindi lang sa electric cooperative. kundi pati sa lending, sa bangko, sa mga amiga at kakilala niya."
Tahimik akong nakinig.
"Yung perang ibinabayad ng ilang tenants kabilang kayo, nila Aing Maring, ni Beki, nila Marino... hindi na napupunta sa bills. Kundi sa pambayad ng mga utang."
Pakiramdam ko ay unti-unting nanigas ang katawan ko.
Kaya pala.
Kaya pala kahit hindi kami pumapalya sa pagbabayad...
Kami pa rin ang naputulan.
"Nalaman ko lang kagabi. Nag-away kami, galit na galit rin si Kuya Harold. Gusto kong ngang bayaran ang kuryente n'yo dahil hindi nyo namn deserve ang ginawa ng mama ko pero ayaw niya."
Napapikit ako sandali.
Hindi ko alam kung ano ang mas matimbang.
Ang galit.
O ang awa.
Dahil kung totoo ang sinasabi ni Max...
Mukhang hindi lang pala kami ang may problema.
"Callie."
Napamulat ako.
"Hindi ko hinihinging paniwalaan mo ako pero Cal, baka mas maigi na maghanap na kayo ng malilipatan."
Napakunot-noo ako.
"Bakit?"
Dumaan ang ilang segundo bago siya sumagot.
Mahina ang boses niya.
"Dahil gusto nang ibenta ni Mama ang apartment."
At sa unang pagkakataon simula nang makilala ko si Max...
Wala na ang pilyo niyang ngiti.
Puro pag-aalala na lang ang nakikita ko sa mukha niya.
Lucien's POV I had expected her to be late. Not because Alice recommended someone unreliable, but because first days were usually chaotic. People got lost, missed elevators, forgot documents, or simply froze under pressure. It happened more often than most would admit. So when I glanced at the time on my wristwatch and realized it was still twenty minutes before eight, I continued signing the contract in front of me without giving it another thought. Three acquisitions, Two board meetings, One conference call with Singapore. That was today's schedule. My pen moved across the paper while Khairro stood a few feet away, reading my itinerary from his tablet. "You have the shareholders' briefing at nine, sir." "I know." "The legal department wants your signature before lunch." "Leave it on my desk." "And the construction division—" Three firm knocks interrupted him. Khairro stopped talking. "So she's here," he muttered with a grin I didn't miss. I looked up from the document.
CallieHindi ko alam kung ilang beses akong nagpalit ng damit bago tuluyang makuntento sa suot ko. First day ko ngayon bilang secretary ni Sir Lucien Montenegro, at kahit paulit-ulit kong sinasabing trabaho lang ito, hindi ko pa rin mapigilang kabahan. Nakaharap ako ngayon sa salamin habang pinapantay ang laylayan ng light pink blouse na pinili kong isuot. Hindi ito sobrang sosyal, hindi rin sobrang simple. Tamang-tama lang. Ipinartner ko iyon sa puting slacks at nude heels na binili ni Miley noong isinama niya ako sa shopping. Napangiti ako nang bahagya habang inaayos ang blonde kong buhok sa likod ng tenga. Ewan ko ba, pero parang gusto kong magmukhang presentable ngayon. Hindi para magpaganda. Hindi para magpapansin. Kundi dahil gusto kong maging maayos sa unang araw ko sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Ayokong mapahiya si Sir Lucien sa pagpili niya sa akin. Temporary employee lang ako, tatlong buwan lang ang kontrata ko, pero gusto kong patuna
Lucien Hindi ko maipaliwanag kung bakit napakagaan ng pakiramdam ko habang pauwi ako. Tahimik lang ang biyahe, nakatutok ang mga mata ko sa kalsada, ngunit ang isip ko ay paulit-ulit na bumabalik sa tanghalian namin ni Callie.It had been... fun.I smiled to myself.That was unusual.Napailing ako habang marahang tinatapik ng mga daliri ko ang manibela. Kailan pa ba ako huling nagsabing fun ang isang lunch meeting? Kadalasan, puro investors ang kaharap ko. CEOs. Lawyers. Politicians. Financial advisers. Palaging may numbers, contracts, negotiations, at pressure. Kahit ang mga business lunch, nauuwi lang sa usapang trabaho.Pero ngayong araw...Hindi ko halos napag-usapan ang negosyo.At sa unang pagkakataon sa loob ng napakahabang panahon...Hindi ko hinanap iyon.Instead, I found myself listening to her stories.Simple lang.Walang halong pagpapanggap.Walang agenda.Hindi niya sinubukang purihin ako dahil ako ang CEO. Hindi rin niya sinubukang magpasikat para mapansin ko. She was s
Halos apatnapung minuto kaming bumiyahe bago tuluyang bumagal ang sasakyan. Napatigil ako sa pagtingin sa labas nang huminto kami sa harap ng isang gusaling halos puro salamin ang harapan. Hindi man kalakihan, kitang-kita naman ang elegante nitong disenyo. May mga nakapaso na olive trees sa magkabilang gilid ng entrance, habang ang gintong pangalan ng restaurant ay nakaukit sa itim na marmol sa itaas ng pintuan.Napalunok ako.Hindi ko pa man nababasa ang menu, pakiramdam ko umiiyak na ang wallet ko.Huminto ang sasakyan sa harap ng valet. Agad na lumapit ang isang lalaking naka-puting long sleeves, itim na vest, at puting gloves."Good afternoon, Mr. Montenegro," magalang nitong bati habang bahagyang yumuyuko."Good afternoon," kalmado niyang tugon bago iniabot ang susi ng sasakyan.Pagkababa ko, halos automatic na napatingala ako sa restaurant. Sa labas pa lang, ramdam mo nang hindi ito iyong lugar na basta-basta lang pinapasukan. Sa loob ng floor-to-ceiling windows, tanaw ko ang mg
Callie'sHindi ko alam kung ilang beses akong humarap sa salamin simula nang maligo ako. Kanina ko pa inaayos ang buhok ko, pinapalitan ang lipstick, at paulit-ulit na tinitingnan ang mga damit na nakasabit sa walk-in closet. Nakakatawa lang isipin na dalawang linggo na ang nakalipas, ang problema ko lang ay kung alin sa tatlong blouse ko ang hindi pa gusot. Ngayon, halos hindi ko na alam kung ano ang pipiliin dahil halos pare-pareho silang mukhang mamahalin.Napabuntong-hininga ako habang isa-isang hinihimas ang mga hanger."Hindi ka naman pupunta sa fashion show, Callie," bulong ko sa sarili ko. "Lunch lang 'yan."Lunch.Kasama ang boss ko.CEO.Ang lalaking halos hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon.Masyado siyang mabait para sa isang taong kagaya niya.Masyado siyang kalmado.At higit sa lahat...Masyado siyang mapagbigay.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano ko babayaran ang lahat ng ginawa niya para sa amin ni Calix. Hindi ko nga alam kung magkano ang nagast
Callie Napabalikwas ako nang maramdaman ko ang malakas na pagbavibrate ng cellphone ko. Pupungas-pungas na dahan-dahan kong inabot iyon mula sa bedside table. Halos nakapikit pa ang isang mata ko habang ina-unlock ang screen. Face recognition pa more. Ipaalala ninyo sa akin na magpapalit na ako ng password sa susunod. Sinipat ko ang oras bago ko pinindot ang message notification. 7:03 A.M. Sinong gago ang magmemessage sa akin ng ganto kaaga? E wala nmn akong boyfriend, si Calix mangangatok pag gutom— e nagtatampo so magkukusa. Si Thea naman, nasan na nga ba si Thea? Ilang araw nang walang paramdam ang babae na 'yon, buhay pa kaya siya? Feeling ko ay kay Thea ang message, mukhang nakaramdam na siya. Nang pindotin ko ang message icon ay hindi BESTY THEA ang nakalagay sa sender. Ang text message ay... Mula kay... Sir Lucien. Agad akong napatuwid ng upo, parang biglang nawala ang antok ko. Binuksan ko agad ang mensahe. Good morning, Miss Mercado. I hope you







