LOGINCallie's
"Hindi ko talaga pinagsisisihan."
Iyon ang una kong sinabi pagkababa ko ng jeep.
Nakakapit pa rin ako sa bag ko habang naglalakad papunta sa maliit naming apartment. Nakasimangot ako, pero sa totoo lang, mas nangingibabaw ang inis kaysa lungkot.
Sino ba naman ang hindi maiinis?
Imagine, nagtatrabaho ka nang maayos, tapos biglang may kliyenteng manyakis na akala mo nabili niya pati dignidad mo.
"'Miss, samahan mo naman ako mamaya. Double ang bayad.'"
Ginaya ko pa ang malanding boses ng lalaking halos sing-edad na ng tatay ko.
"Bwisit."
Huminto ako sa tapat ng gate.
Pagbukas ko pa lang ng p***o, sinalubong agad ako ng malakas na halakhak.
"HAHAHAHAHAHA!"
Napapikit ako.
"Calix..."
Nakahandusay sa sofa ang kambal kong kapatid. Hawak ang tiyan sa kakatawa habang nanonood ng CCTV clip na ipinadala ng dati kong katrabaho.
Sa screen...
Ako.
At ang eksenang...
Pak!
Hinampas ko ng stiletto heels ang ulo ng manyakis.
Isang beses.
Dalawang beses.
Tatlong beses.
"Tama na, ate! Baka mapatay mo!" sigaw ng guard sa video.
Pinatay ko ang TV.
"Ang saya mo?"
Mas lalo lang tumawa si Calix.
"Alam mo twin, ang astig mo talaga!"
Tinapon ko sa kanya ang throw pillow.
"Manahimik ka."
"Hindi ko kaya!"
Humalakhak ulit siya.
"Alam mo bang nagte-trending na sa office GC? Tinawag ka nilang 'Heel Woman.'"
Napangiwi ako.
"Nakakatawa?"
"Oo."
"Sesante na ako."
"Oo."
"Wala na akong trabaho."
"Oo."
"Wala na tayong pangbayad ng internet."
Biglang natigil ang tawa niya.
"...Sandali."
Tumayo siya.
"Wait lang."
Napatingin siya sa router.
Napatingin din ako.
Sabay kaming napabuntong-hininga.
"Teka... seryoso."
Umupo siya sa tabi ko.
"Anong nangyari talaga?"
Isinalaysay ko ang buong pangyayari.
Kung paano paulit-ulit akong nilapitan ng kliyente.
Kung paano niya sinubukang hawakan ang kamay ko.
Kung paano niya ibinulong ang kung anu-anong bastos na salita.
At kung paano...
Tinanggal ko ang heels ko.
At ipinukpok iyon sa ulo niya.
Tahimik na nakinig si Calix.
Pagkatapos ng ilang segundo...
"...Dasurv."
Napangiti ako.
"'Di ba?"
"Kung ako 'yon, hindi lang heels ang ipapalo ko."
"Ano?"
"Monoblock."
Napahalakhak ako.
Hayop.
"Pero seryoso," sabi niya habang inaabot ang isang baso ng tubig. "Okay ka lang?"
Tumango ako.
"Oo."
"Kahit nawalan ka ng trabaho?"
"Mas okay nang mawalan ng trabaho kaysa mawalan ng respeto sa sarili."
Tahimik siyang tumango.
"That's my sister."
Napahilig ako sa sofa.
Tahimik kaming dalawa.
Naririnig lang ang electric fan at mga batang naglalaro sa labas.
Pagkalipas ng ilang minuto, nagsalita ulit si Calix.
"So..."
"Hmm?"
"Mag-a-apply ka ulit?"
"Wala akong choice."
"Marami namang kumpanya."
"Oo."
"Pero sana..."
Tumingin siya sa akin.
"...huwag na sa kompanyang maraming manyakis."
Napairap ako.
"Ako rin ang may gusto noon."
Tumayo siya at pumasok sa kusina.
Makalipas ang ilang sandali, bumalik siyang may dalang isang folder.
"By the way. Iniwan ni Tita Alice."
Kinuha ko iyon.
Pagkabukas ko...
May logo ng isang malaking kumpanya.
Montenegro Holdings.
Kasama ang isang sticky note.
Callie, manganganak na ako next week. Temporary secretary ang kailangan ni Sir Lucien habang naka-maternity leave ako. Three months lang. Mataas ang sahod, mababait ang mga tao. Ikaw agad ang naisip ko. Tawagan mo ako kapag nabasa mo ito. — Love, Tita Alice.
Napabuntong-hininga ako.
"CEO?"
Tumango si Calix.
"Billionaire daw."
Napangiwi ako.
"Ayoko."
"Bakit?"
"Mayaman."
"So?"
"Automatic red flag."
Napailing siya.
"Ate, hindi lahat ng mayaman pare-pareho."
"At hindi rin lahat ng mayaman mabait."
"Hindi mo pa nga kilala."
"Tama."
Isinara ko ang folder.
"At wala akong balak."
"Alam mo, Calista—"
Kaagad na natigil sa pagsasalita si Calix, alam niyang ang ayoko sa lahat ay tinatawag ako sa buo kong pangalan. Inirapan ko na lang siya saka ako umakyat sa kwarto ko
Pagpasok ko sa kwarto, agad kong isinara ang p***o at ibinagsak ang bag sa ibabaw ng kama.
"Finally."
Hinubad ko ang blazer at isinampay iyon sa upuan. Sunod kong tinanggal ang puting blouse na gusot na sa maghapong stress, saka nagpalit ng isang maluwag na oversized shirt at cotton shorts.
Nagtali ako ng buhok sa mataas na ponytail bago humarap sa salamin.
Tinitigan ko ang repleksiyon ko.
"Congratulations, Astrid Calista Mercado."
Napabuntong-hininga ako.
"Officially unemployed ka na."
Napanguso ako habang pinipisil ang magkabilang pisngi.
"Pero at least..."
"...hindi ka nagpakaapi."
May kaunting pasa ang braso ko kung saan hinawakan ako ng bastos na kliyente kanina.
Napatingin ako roon.
Unti-unti akong napasimangot.
"Hmp."
"Maswerte siya... heels lang ang inabot niya."
May kumatok sa p***o.
"Tao po!" sigaw ni Calix.
"Bukas."
Pumasok siya habang may hawak na dalawang baso ng malamig na softdrinks.
"Inom."
Tinanggap ko iyon.
"Salamat."
Umupo siya sa swivel chair habang ako naman ay naupo sa gilid ng kama.
Tahimik kaming uminom.
Makalipas ang ilang segundo...
"Ate."
"Hmm?"
"Galit ka ba?"
Napaisip ako.
"Hindi."
"Nalulungkot?"
"Konti."
"Kinakabahan?"
Tumango ako.
"Siyempre, ang hirap kaya humanap ng trabaho ngayon." Napabuntong-hininga ako.
"Oo, baka matagalan. Llao na at hindi maganda ang naging record mo. Hindi ito ang unang beses na nambato o namalo ka ng heels."
Hindi ako sumagot.
Hindi dahil wala akong sasabihin.
Kundi dahil iyon din ang iniisip ko.
May mga bills.
May renta.
May internet.
May grocery.
Hindi puwedeng ilang buwan akong walang trabaho.
Biglang itinulak ni Calix ang folder papunta sa akin.
"O, tingnan mo ulit."
Napairap ako. "Sinabi ko nang ayoko."
"Basahin mo lang."
Napabuntong-hininga ako bago muling binuksan ang folder.
Executive Secretary.
Temporary Position.
Three Months.
Competitive Salary.
Accommodation during business trips.
Performance Bonus.
Napahinto ako sa huling bahagi.
"Grabe naman ang sweldo..."
Napasilip si Calix.
"Magkano?"
Nang mabasa niya ang nakasulat, nanlaki rin ang mata niya.
"Callie... Isang buwan pa lang niyan, bayad na lahat ng utang natin."
Tahimik akong nakatingin sa papel. Hindi ko gusto ang ideya ng pagtatrabaho sa isang billionaire.
Pero...
Hindi rin puwedeng pairalin ko ang pride.
Hindi kami mayaman.
Hindi ako mayaman.
Kailangan kong magtrabaho.
Kailangan kong kumita.
Napabuntong-hininga ako.
"Tatawagan ko si Tita bukas."
Ngumiti si Calix na parang nanalo sa lotto.
"I knew it."
"Huwag kang masyadong masaya."
"Bakit?"
"It doesn't mean tatanggapin ko agad."
Tumayo siya at tinapik ang balikat ko.
"Basta... malakas ang kutob ko Cal."
"Ano?"
"Magiging interesting ang susunod mong boss."
Napatawa ako.
"Oo."
"Kahit sino pa 'yan basta hindi sya manyakis, magiging goods kami."
"Sure 'yan dahil kung mangyayaring manyakis yon ulit baka sa presinto na kita kuhanin."
Pareho kaming natawa.
Tahimik na ulit ang kwarto matapos lumabas si Calix Naupo ako sa gilid ng kama habang nakatitig sa kisame. Ang folder ni Tita Alice ay nasa tabi ko pa rin, ngunit hindi ko pa iyon muling binubuksan.
Minsan talaga, ang buhay, parang may sariling trip.
Noong isang oras lang, may trabaho pa ako.
Ngayon?
Sesante.
Napabuntong-hininga ako.
Dalawa na lang kaming magkambal ang magkasama sa buhay.
Matagal nang wala sina Mama at Papa. Simula nang mawala sila, kami na lang ang naging sandalan ng isa't isa. Wala kaming ibang maaasahan kundi ang sarili namin.
At si Calix...
Hindi ko siya pwedeng asahan sa lahat ng pagkakataon.
Hindi dahil tamad siya.
Hindi dahil wala siyang pangarap.
Kundi dahil sa sakit niyang matagal na naming kinakalaban.
Asthma.
Noong una, kaya pa niyang magtrabaho. Magaling pa nga siya noon. Supervisor pa siya sa isang kilalang kumpanya. Proud na proud ako sa kanya noon. Kahit kambal kami at mas matanda siya sa akin, pakiramdam ko mas responsable pa siya kaysa sa akin.
Pero isang araw...
Inatake siya habang nasa trabaho.
Hindi simpleng hingal.
Hindi simpleng ubo.
Halos mawalan siya ng malay.
Mula noon, pinayuhan na siyang mag-resign. Hindi na raw ligtas para sa kanya ang stress at overtime.
Masakit para sa kanya.
Mas masakit para sa akin.
Kasi alam kong gustong-gusto niyang magtrabaho.
Gusto niyang tumulong.
Pero hindi lahat ng gusto natin, kaya ng katawan natin.
Kaya ako na lang.
Ako ang kailangang maging matatag.
Ako ang kailangang kumayod.
Hindi pwedeng pareho kaming walang trabaho.
Hindi pwedeng pareho kaming maging pabigat sa isa't isa.
Kung tutuusin, hindi naman maluho si Calix. Halos ako pa nga ang pinapagalitan kapag bumibili ako ng milk tea o bagong sapatos. Lagi niyang sinasabing ipunin ko na lang daw ang pera.
Nakakainis.
Pero tama naman siya.
Napatingin ako sa mga sapatos na nakahilera sa ibaba ng cabinet.
Isa sa mga iyon ang naging dahilan kung bakit nawalan ako ng trabaho ngayon.
Napangiti ako nang bahagya.
Kung babalikan ko ang nangyari...
Uulitin ko pa rin.
Mas gugustuhin kong mawalan ng trabaho kaysa hayaang bastusin ako.
Walang sahod ang kayang tumbasan ang respeto sa sarili.
Unti-unti kong inabot ang folder ni Tita Alice.
Hinaplos ko ang logo ng Montenegro Holdings sa harapan nito.
Temporary lang naman.
Tatlong buwan.
Tatlong buwan para makabangon ulit.
Tatlong buwan para makapag-ipon.
Tatlong buwan para makahanap ng mas permanenteng trabaho.
Iyon lang ang dapat kong isipin.
Trabaho lang.
Walang emosyon.
Walang personalan.
At lalong walang dahilan para makisama nang higit sa kinakailangan.
Dahil kung may isang bagay na natutunan ko sa mundo...
Hindi lahat ng taong mukhang mabait ay totoong mabait.
At mas lalong hindi lahat ng mayaman ay mapagkakatiwalaan.
Callie's POV "Holy..." Napahinto ako. Muntik ko pang malaglag ang kutsarang hawak ko. Muli kong kinurap ang mga mata ko bago ibinalik ang tingin sa kontratang nakalatag sa ibabaw ng mesa. Hindi ako nagkakamali. Nakasulat talaga. Monthly Salary: ₱55,000.00 "..." "..." Napakurap ulit ako. Limampu't limang libo. Hindi fifteen. Hindi twenty-five. Hindi thirty-five. Fifty-five thousand pesos. Napalunok ako. "Ate, okay ka lang?" Napatingin ako sa tindera ng maliit na karinderyang kinakainan ko. Napangiti ako nang pilit. "Opo." "Parang nakakita ka ng multo." "Hindi po." "Mas nakakatakot." "Ano?" "Sweldo." Napatawa ang ale. "Tumaas ba?" "Medyo." Hindi ko na idinagdag kung gaano kataas. Baka pati siya ay mapa-upo sa gulat. Muli kong ibinaba ang tingin sa kontrata. Executive Secretary. Temporary Employment. Three Months. Monthly Salary... ₱55,000.00 May transportation allowance pa. Meal allowance. Health benefits. Performance bonus. Napahawak ako sa noo
Lucien'sThe door closed softly behind her.Click.Tahimik na ulit ang buong opisina.Nakatitig lang ako sa pintong ilang segundo pa lang ang nakalipas ay dinaanan ni Callie.Hindi ko maintindihan.Bakit parang...Biglang naging napakatahimik.Napabuntong-hininga ako at umupo muli sa swivel chair.I reached for the fountain pen on my desk.Then I put it down again.Hindi ako makapag-focus.I glanced at the stack of documents waiting for my signature.Quarterly reports.Investment proposals.Board resolutions.Normally, matatapos ko ang mga ito nang hindi inaabot ng isang oras.Pero ngayon...Nakatitig lang ako sa unang pahina.Without reading a single word.What's wrong with me?Napasandal ako sa upuan.Hindi naman ito ang unang beses na nag-interview ako ng aplikante.I've interviewed hundreds...Maybe thousands.May mga mas matalino.Mas maraming experience.Mas magaganda ang credentials.So why...Why am I thinking about her?Is it because of her honesty?Or because she wasn't tryi
Callie's Huminga ako nang malalim bago bumaba ng jeep. Nasa harapan ko na ang matayog na gusali ng Montenegro Holdings.Glass.Steel.Napakalinis.Napaka-elegante.At mukhang napakamahal.Napatingala ako."Three months lang." Paulit-ulit kong sambit sa sarili ko. "Trabaho lang. Walang personalan. Walang away, Callie. Bawal ka makipag-away. Nakasalalay sa'yo ang image ni Tita Alice Huwag kang sasagot. Huwag kang magsusungit. Higit sa lahat...huwag kang manghahampas ng heels."Napailing ako."Ano ba 'yan, Callie."Mahigpit kong hinawakan ang folder na dala ko bago tuluyang pumasok sa lobby.Malamig ang air-conditioning.Mabango ang paligid.Halos lahat ng empleyado ay naka-corporate attire.May ilan pang napatingin sa akin.Hindi ko alam kung bakit.Siguro dahil blonde ang buhok ko.O baka dahil halatang kinakabahan ako.Lumapit ako sa reception."Good morning."Ngumiti ang receptionist."Good morning, Ma'am. How may I help you?""I'm Astrid Calista Mercado. I have an interview schedu
Lucien"Blonde?"Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko.Napatingin ako kay Carmina, ang HR Manager ng Montenegro Holdings, habang hawak ko ang tablet at inuusisa ang email na kakapadala lang ni Alice.Nandoon ang profile ng magiging temporary executive secretary ko.Sa gitna ng screen ay ang isang 2x2 picture.Blonde ang buhok.Maputi.Matangos ang ilong.Matalim ang mga mata.At mukhang......masungit."Bakit siya blonde?" tanong ko ulit.Napatingin si Carmina sa litrato."Tingin ko po, sir, kulay lang ng buhok.""I know.""But...""...why blonde?"Napangiti siya."Sir.""Hmm?""Pwede naman pong magpakulay ng buhok ang tao."Tumango ako."That's true."Tahimik akong nakatingin sa litrato.Name: Astrid Calista MercadoNickname: CallieAge: 25Position Applied: Temporary Executive SecretaryNasa ibaba naman ang recommendation.Recommended by: Alice MercadoAutomatic na pumasa sa initial screening.Hindi dahil kamag-anak siya ni Alice.Kundi dahil walong taon nang nagtatrabaho si
Hindi ako agad nakapagsalita.Pakiramdam ko, isang timba ng malamig na tubig ang biglang ibinuhos sa akin."Ib... ibebenta?"Mahinang tumango si Max."Hindi pa final Pero iyon ang plano ni Mama. Kapag may bumili....aalisin na lahat ng umuupa."Napabuntong-hininga ako.Parang gusto ko na lang tumawa.Kahapon...Nawalan ako ng trabaho.Kagabi...Naputulan kami ng kuryente.Ngayon...Mawawalan pa kami ng bahay.Sunod-sunod.Parang galit na galit sa akin ang universe."Pasensya ka na."Napatingin ako kay Max."Wala ka namang kasalanan.""Alam ko pero nakakahiya pa rin."Tumango lang ako."Sige.Salamat sa pagsasabi.""Callie.""Hmm?""Kung may kailangan kayo—"Hindi ko na siya pinatapos."Salamat pero kaya namin."Ngumiti siya nang mapait."Iyon ang inaasahan kong isasagot mo."Bahagya akong ngumiti."See you around."Tumalikod na ako.Hindi na niya ako pinigilan.Habang naglalakad pauwi, pakiramdam ko ay mas mabigat ang bawat hakbang ko.Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Calix ang
Nagising ako sa isang pakiramdam na sa pakiwari ko ay parang may mali.Mainit.Sobrang init.Napakunot-noo ako habang nakapikit pa rin. Parang... wala akong marinig.Walang ugong ng electric fan.Walang ilaw na tumatagos sa ilalim ng pinto.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Madilim.Halos wala akong makita.Napalingon ako sa alarm clock na de-battery sa ibabaw ng maliit kong bedside table.2:03 A.M.Napaupo ako sa kama."Hala..."Brownout.Mabilis akong bumangon at halos matisod pa sa tsinelas."Calix."Makas na kumabog ang puso sa loob ng dibdib koBawal siyang mainitan.Kapag sumobrang init ang panahon, mas madali siyang hingalin. Ilang beses na naming naranasan iyon noong bata pa kami. Kahit madaling-araw pa lang, ramdam na ramdam ko ang bigat ng hangin.Binuksan ko agad ang pinto ng kwarto."Calix!"Tahimik ang buong bahay.Tanging mga kuliglig lang ang maririnig sa labas.Mabilis akong nagtungo sa kabilang kwarto.Hindi na ako kumatok.Dere-diretso kong binuksan ang pi







