Share

Chapter 04

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-02-07 10:19:22

Chapter 04

"So, ano pa ang hinihintay natin?" sabay tayo ni Lara. "Puntahan na natin ang asawa mo, kailangan andoon ako para may audience," sabay tawa.

Napatawa na din ako, dahil sa wakas ay pamamagitan ng paglustay sa pera ni Greg ay nakaganti ako sa kanyang pag-alipusta niya sa aming pagsasama bilang asawa.

Tumayo na rin ako at kinuha ang paper bag na may laman ng bagong damit na binili ko. "Tama ka, Lara. Hindi na natin kailangang maghintay pa. Mas maganda kung ihahatid ko mismo ang regalo ko para sa kanya."

Isang malisyosong ngiti ang lumitaw sa labi ng kaibigan ko. "Oh, I love this energy! Tara na!"

Lumabas kami ng café at agad na sumakay sa kotse. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa mansion, hindi ko maiwasang makaramdam ng halo-halong emosyon. May kaunting kaba, may pangamba, pero higit sa lahat, may matinding kasiyahan at kagalakan sa dibdib ko.

Ito na ang araw na hindi ko na siya papayagang kontrolin ako.

Pagdating namin sa tapat ng gate, huminga ako nang malalim. Nakaabang ang mga guwardiya, pero nang makita nila ako, agad akong pinapasok. Kahit paano, alam kong may respeto pa rin sila sa akin bilang asawa ni Greg.

"Ready?" bulong ni Lara, ang excitement sa mukha niya hindi maitago.

Tumingala ako sa malaking mansyon na minsan kong tinawag na tahanan. "Hinding-hindi na ako babalik dito."

At sa sandaling iyon, itinapak ko ang isang paa papasok—hindi bilang isang asawang nagmamakaawa, kundi bilang isang babaeng may balak iparamdam sa lalaking minsan niyang minahal kung paano ang mawalan.

Nang tuluyan akong nakapasok ay agad nakita ko si Greg hawak ang isang tipikal ng alak. Habang galit ang kanyang mukha. Pero hindi na ako dating Misha na kayang saktan. At andito ang kaibigan ko na si Lara, bilang isang abogado ko.

Napangiti ako nang makita ang itsura ni Greg—magulo ang buhok, nakabukas ang ilang butones ng kanyang polo, at may hawak na baso ng alak. Ang dating laging kontrolado at maangas na si Greg, ngayon ay mukhang isang lalaking nawalan ng lahat.

"Misha," madiin niyang sabi, puno ng inis at galit ang boses niya. "Ano ‘tong kalokohang ginawa mo? Nasaan ang dalawang bilyon ko?"

Tumikhim si Lara at sumandal sa gilid ng sofa na parang nanonood lang ng isang palabas. "Ah, so ‘yan agad ang unang concern mo? Hindi ang asawa mong hiniwalayan ka na?" aniya, may pang-uuyam sa boses.

Pinanood ko si Greg habang pinipigil ang gigil niya. Alam kong hindi siya sanay na hindi sinusunod, lalo na ng isang tulad ko—ang babaeng dati niyang minamaliit.

"Narito ako hindi para makipagtalo, Greg," malamig kong sabi habang inilabas ang envelope at inilapag iyon sa coffee table sa harapan niya. "Narito ang divorce papers mo. Permahan mo na para matapos na tayo."

Napatayo siya bigla at sinipa ang lamesa, dahilan para matapon ang alak mula sa baso niya. "Sa tingin mo basta mo lang akong matatakasan, Misha? Sa tingin mo, papayag akong basta na lang mawala ka?"

Ngumiti ako, ngunit wala na ang dati kong takot sa kanya. "Bakit, Greg? Dahil lang sa perang nawala? O dahil narealize mong hindi mo ako kayang palitan ng kahit ilang kabit?"

Nanginginig ang kamao niya sa galit, ngunit bago pa siya makalapit sa akin, tumayo si Lara at humarang. "Hoy, Greg, maniwala ka sa akin, isang maling galaw mo lang, makukulong ka. Kaya kung ako sa’yo, magdesisyon ka nang maayos," aniya habang kumpyansang nakangiti.

Natahimik si Greg, halatang pinipigil ang sarili. Alam niyang hindi niya kami kayang talunin ngayon.

Napangiti ako at hinila ang bag ko sa balikat. "Paalam, Greg. Simula ngayon, hindi mo na ako alipin. Ako si Misha El Salvador—at hindi mo na ako kayang kontrolin."

At sa huling pagkakataon, tinalikuran ko siya—hindi bilang isang talunan, kundi bilang isang babaeng nagwagi.

Habang lumalayo ako, rinig ko ang boses ni Greg—galit, desperado, halos pasigaw na tinatawag ang pangalan ko. Pero ni isang beses, hindi ko siya nilingon.

"Misha! Bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos!"

Pero para sa akin, tapos na ang lahat.

"Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon, Greg," sagot ni Lara habang patuloy kaming naglalakad palabas ng mansion. "Minsan mong sinayang si Misha. Wala ka nang pagkakataong bumawi."

Ngumiti ako sa sarili ko. Totoo iyon. Ang babaeng minsang nagmakaawa para sa pagmamahal niya ay wala na.

Paglabas namin sa gate, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Pakiramdam ko, sa unang pagkakataon, malaya na ako.

"Congrats, Misha," ani Lara habang tinatapik ang balikat ko. "Sa wakas, nakalaya ka na sa impyerno."

Ngumiti ako, ramdam ang bagong simula sa bawat hakbang ko. "Oo, Lara. Ngayon, oras na para buuin ang bagong buhay ko. Isang buhay na malayo kay Greg—at malapit sa kaligayahan ko."

"So, tuloy na ang plano mong mangibang-bansa?" sabi niya habang papasok kami sa kotse.

Tumango ako habang isinusuot ang seatbelt. "Oo, Lara. Kailangan kong umalis, hindi lang para makaiwas kay Greg, kundi para magsimula ulit—para sa sarili ko at sa anak ko."

Tahimik siyang tumango, pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Alam kong ito ang tamang desisyon para sa'yo, pero mamimiss kita, Misha."

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Mamimiss din kita, Lara. Pero hindi naman ito paalam. Magkikita pa rin tayo. At saka, hindi ako papayag na hindi mo makita ang inaanak mo sa oras na ipanganak siya."

Napangiti siya sa sinabi ko. "Aba, syempre! Ako pa? Ako na ang magiging tita-lawyer ng inaanak ko!"

Natawa ako. Sa kabila ng sakit at lahat ng pinagdaanan ko, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng gaan sa puso ko. Sa wakas, wala na akong hinahabol, wala na akong iniiyakan.

Habang pinaandar ko ang sasakyan, isang bagay lang ang sigurado ako—ito ang simula ng bagong kabanata ng buhay ko. At sa pagkakataong ito, ako na ang may kotrol sa aking buhay.

Agad kong kinuha ang aking phone upang magpa-book ng flight para sa Germany kung saan ako nararapat. "Misha, pwede ba na bukas ka na lang aalis. Para naman ma sulit ko ang araw na ito bago mo ako iiwan" napangit ako sa kanyang sinabi, sa Toto lang tnging si Lara lang ang may-alam kung ano ang tunay kong pagkatao -ako si Misha El Salvador Mushafia isang half-pinay half-germa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 26

    Chapter 26Geg POVHindi ako makapaniwalang makikita ko ulit si Misha.Hindi ito tulad ng dati—hindi siya ‘yung babaeng umaasa, hindi siya ‘yung Misha na kilala ko noon. Ngayon, habang nakatitig ako sa kanya mula sa kabilang dulo ng reception area, parang may ibang babae akong kaharap—matapang, matuwid ang tindig, at walang bakas ng kahapon sa kanyang mga mata.Pero kilala ko pa rin siya.At sa likod ng mapanatag niyang ngiti, ramdam kong may bagyong paparating."Siya ba 'yun?" tanong ng babaeng nasa tabi ko—si Alaine. Siya ang babaeng kasama ko noon sa opisina, ang dahilan kung bakit sinira ko ang lahat kay Misha. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko kayang banggitin ang pangalan ni Misha sa harap ng babaeng naging dahilan ng pagkawasak ng lahat.Ang totoo… hindi ko inakala na babalik pa siya. Hindi ko rin inasahan na makita ko siya sa ganitong ayos—mas maganda, mas matatag, at may bitbit na batang babae. Bata na kamukha ko.Napakuyom ang kamao ko.Hindi niya alam na araw-araw kong inalal

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 25

    Chapter 25 Napatingin ako sa kanya, nagtama ang mga mata namin sa salamin. Alam kong may punto siya, pero may mga bagay akong hindi pa kayang bitiwan. Binasag ni Lily ang katahimikan. "Mommy, will Tita Lia’s wedding be like the princess weddings in fairy tales?" Napangiti ako sa tanong niya. "Maybe, sweetheart. But remember, real love stories are even better than fairy tales." Sumagot si Troy na may bahagyang biro. "Totoo 'yan, Lily. Kasi sa totoong buhay, may drama, may sakripisyo, at may matitinding plot twist." Tumawa si Lily. "Like Mommy’s story?" Nanahimik si Troy at tumingin ulit sa akin sa salamin. Alam kong pareho naming iniisip ang nakaraan—ang mga taon na lumipas, ang mga desisyong ginawa ko, at ang mga taong naiwan ko. Napabuntong-hininga ako. "Something like that," sagot ko, pilit ang ngiti. Sa sandaling iyon, narealize kong hindi lang ako basta umuwi para sa kasal. Bumalik ako sa isang buhay na matagal ko nang iniwasan. At sa bawat tanong na iniiwasan ko, unti-unt

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 24

    Chapter 24Fast for years 6 years later. Andito ako ngayon kasama ng aking nag-iisang anak na babae, Lily- 5 years old. Nakasabay ng airplane pabalik sa pinas. Kasal kasi ni Lia at Troy dahilan upang kailangan naming umuwi. "Mom, can I visit to tita Lia?" Napangiti ako habang hinahaplos ang buhok ni Lily. "Of course, sweetheart. Matagal ka nang hinihintay ni Tita Lia. Excited siya na makita ka ulit."Mabilis siyang tumango, bakas sa kanyang mga mata ang saya. "Yay! I miss Tita Lia so much! And Tito Troy too!"Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko inasahan na magtatapos sina Lia at Troy sa isa't isa, pero alam kong masaya ang kaibigan ko.Napatingin ako sa labas ng eroplano. Anim na taon na pala ang lumipas mula nang huli akong nasa Pilipinas. Maraming nagbago—lalo na ako."Wala na tayong atrasan, Lily. This time, we're here to stay."Habang papalapit ang eroplano sa lupa, ramdam ko ang unti-unting pagbabalik ng mga alaala—mga taong iniwan ko, mga laban na pinagdaanan ko, at mga

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 23

    Chapter 23 Napansin kong bahagyang tumango ang mga kasama ko. Alam kong interesado sila, pero gusto ko pang palalimin ang impact ng proposal ko. "This project will not only bring El Salvador Enterprises back to the top but will also establish our dominance in the industry. With our connections, investments, and the latest AI-driven infrastructure, we will set a new global standard." Sumandal si Troy sa upuan, nakataas ang kilay. "Ambisyoso. Pero paano mo sisiguraduhin na hindi ito babanggain ng mga kumpetisyong gustong pabagsakin ka?" Napangiti ako. "Troy, let them try. Hindi na ako ang dating Misha na basta-basta nalulugi sa laban." Nagkatinginan kami ni Lander bago siya nagpatuloy sa detalye ng project. Alam kong may mga pagsubok pang darating, pero sigurado akong hindi ako nag-iisa sa laban na ito.Nagpalit ng slide si Lander sa presentation, ipinapakita ang projected financial gains at risk assessment. "With our strategic partnerships and advanced security measures, we can mi

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 22

    Chapter 22"Sandali, bakit ba lago na lang sabihin kay Lander na " Man" ? Babaeng tao yan 'eh," wika ko dito.Natawa nang bahagya si Troy at bahagyang umiling. "Relax, Misha. It’s just a habit. Besides, Lander carries herself like a true warrior—gender doesn’t matter."Napataas ang kilay ko at tumingin kay Lander, na mukhang walang pakialam sa pinag-uusapan namin. "Ikaw, wala ka bang reklamo?" tanong ko rito.Bahagya siyang ngumiti bago sumagot. "I don’t mind. Sanay na akong tawagin ng 'man' or 'dude' kahit babae ako. What matters is my skills, not my gender."Napailing ako. "Still, it feels weird. Para tuloy kayong mga macho group na nag-uusap."Troy tumawa. "Alright, alright. From now on, I’ll call her… Miss Lander? O baka naman 'boss' na rin, kasi parang ikaw na talaga ang may hawak ng lahat?" biro niya.Lander smirked. "I’ll take 'boss' if it means I get a raise."Napangisi ako. "Dream on."Nagtawanan kami, pero kahit may bahagyang biruan, alam kong hindi pa tapos ang araw na ito.

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 21

    Chapter 21"With the right investors and our strategic approach, we can complete this project within three years," dagdag ni Lander. "Projected revenue? Billions.""This is ambitious," sabi ni Madam Varga habang pinag-aaralan ang proposal. "But also risky.""Business is always risky," sagot ko agad. "Pero kung gusto nating bumalik sa tuktok, hindi tayo pwedeng maglaro ng ligtas. This is the future of El Salvador Companies. And I intend to make sure we own that future."Muling nagkaroon ng katahimikan.Hanggang sa unti-unting tumango si Mr. Calloway. "I must admit, this is impressive. But do you already have investors in mind?"Ngumiti ako. "I do. In fact, I already have one confirmed investor."Nagulat ang lahat."Who?" tanong ni Madam Varga.Lumingon ako sa pinto. "You may come in now."Bumukas ang pinto, at isang matikas at makapangyarihang lalaki ang pumasok. Isang taong hindi nila inasahang magiging kakampi ko.Ang pinsan ko. Ang pamangkin ng aking Ina si Troy Sebastian isang buss

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status