Share

Chapter 03

Auteur: SKYGOODNOVEL
last update Dernière mise à jour: 2025-02-07 07:27:10

Chapter 03

"Tama yang disisyon mo, before that. Kailangan tayo makaganti bago mawala ang bisa ng kasal ninyo," ngiti nito na parang may magandang ideyang pumasok sa isipan. "Anong ibig mong sabihin?" tugon ko naguguluhan. "Bumili ka ng lupa mo, ang pangalan mo ang gagamitin pero pera ng walang hiya mong asawa," ngiting sabi nito.

Napakurap ako, hindi makapaniwala sa sinabi ni Lara. “Ha? Paano ko gagawin ‘yun?” tanong ko, nanlaki ang mga mata.

Nakangising sumandal si Lara sa sofa, halatang tuwang-tuwa sa naisip niyang plano. “Misha, asawa ka pa rin niya. Ibig sabihin, may access ka pa rin sa pera niya. At kung talagang gusto mong lumayo nang hindi ka nangangapa sa kawalan, kailangan mong siguruhing may sarili kang matatayuan ng bagong buhay—at gagamitin natin ang pera ng lalaking walang kwenta para doon.”

Napaisip ako. Tama siya.

“Pero… hindi ba ilegal ‘to?” tanong ko, nag-aalangan.

Umiling si Lara. “Hindi, dahil may karapatan ka sa pera niya bilang asawa. Lalo pa’t may anak kayo, kahit hindi niya alam. Hindi ito pagnanakaw, Misha. Ito lang ang paraan para makuha mo ang nararapat sa’yo.”

Napalunok ako. Alam kong tama si Lara. Ilang taon ko nang tiniis ang pang-aalipusta ng asawa ko. Ilang beses ko nang ipinikit ang mata ko sa mga kasalanan niya, habang ako, walang ibang ginawa kundi mahalin siya nang buo. Pero ngayon, hindi na ako ang dating Misha.

Huminga ako nang malalim at tumango. “Sige. Gawin natin ‘to.”

Isang matamis ngunit mapangahas na ngiti ang gumuhit sa labi ni Lara. “Good. Simulan na natin bago pa niya mahalata.”

Agad dinukot ni Lara kinuha ng kaibigan ko ang kanyang phone, saka amu tinawagan ito sa kabilang linya.

Kampante ako dahil isang mahusay na abogado ito ilang sandali ay napangiti itong ibinaba ang phone.

"Tapos na ang unang hakbang natin. Ang bumili ng lupa," sabi nito. "Ngayon ay aalis tayo, pupunta tayo sa mall at bibili ng mga bago mong damit!" dagdag nitong sabi.

"Pero, may damit pa ako naiwan sa mansion, Lara!" angal kong sabi.

"Ano ka ba, kailangan ang lahat ay palitan, ang luma ay kailangan palitan. Tulad sa ginawa ng h*******k mong asawa," madiin nitong sabi.

Wala akong magawa kundi sumang-ayon. "Good, tayo na. Sandali may kukunin lang ako," wika nito saka may hinalungkat sa kanyanh bag. " Hito, permahan mo na, ang divorce paper para mabatid natin sa mansyon ng ex-husband mo," dagdag nitong sabi.

Tinitigan ko ang papel na iniaabot ni Lara. Divorce papers. Isang pirasong dokumento na magwawakas sa lahat ng pinagsamahan namin ng lalaking minsan kong minahal. Minsan kong ipinaglaban. Minsan kong inakala na magiging panghabambuhay.

Napabuntong-hininga ako. Ang bigat ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan ang mga linya ng nakasulat dito. Para bang sa bawat letra, bumabalik sa akin ang masasaya at masakit na alaala namin.

Ngunit ngayong hawak ko na ang dokumentong ito, alam kong ito na ang huling beses na iiyak ako para sa kanya.

Kinuha ko ang ballpen mula kay Lara, huminga nang malalim, at nilagdaan ang papel. “Tapos na,” mahina kong sabi.

Isang mapanuksong ngiti ang lumitaw sa labi ni Lara. “Good. Ibig sabihin, wala nang atrasan ‘to, Misha. Bukas, ihahatid na natin ‘to sa mansion ng hayop mong asawa. At gusto kong makita mo kung paano siya mababaliw sa galit.”

Hindi ko maiwasang mapangiti, pero kasabay nito ang pait na nararamdaman ko sa dibdib. Ito na ang umpisa ng isang bagong kabanata sa buhay ko—at sisiguraduhin kong hindi na ako kailanman magpapakatanga ulit.

Tumayo si Lara at hinawakan ako sa kamay. “Ngayon, mag-shopping na tayo! Misha, simula ngayon, hindi na ikaw ang kawawang asawa. Ikaw na ang babaeng hindi nila kayang tapakan.”

Tumango ako. Tama siya. Ngayon, hindi na ako ang Misha na tahimik na lumuluha sa isang sulok. Ako na ang Misha na ipaglalaban ang sarili—at ang anak ko.

"Tama ka, Lara, mula ngayon ako na si Misha El Salvador. Hindi na akong dating, Misha na martir!" seryoso kong sabi na may ngiting nakapaskil sa aking labi.

"Yan ang gusto kong marinig!" masayang sagot ni Lara habang pumapalakpak pa. "Simula ngayon, wala nang luha para sa lalaking hindi ka pinahalagahan. Ikaw na ang magdidikta ng buhay mo, hindi sila!"

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Para bang sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon, pakiramdam ko ay may kontrol na ulit ako sa buhay ko.

Pagkatapos naming mamili ng bagong damit, sapatos, at mga accessories, tumuloy kami sa isang café para magpahinga saglit.

"Alam mo, Lara, hindi ko akalaing darating ang araw na kaya ko nang sabihin ‘to," sabi ko habang hinahalo ang kape ko. "Pero tama ka. Hindi ko na kailangang magmakaawa para sa pagmamahal ng isang taong hindi ako kayang ipaglaban."

Ngumiti si Lara, pero may lungkot sa kanyang mga mata. "Misha, hindi mo kasalanan na minahal mo siya. Pero kasalanan niyang sinayang ka."

Tama siya.

Hindi ko kasalanang ibinigay ko ang buong puso ko sa maling tao. Pero kasalanan niya na binale-wala niya ito.

Ngayon, oras na para bumangon ako. Hindi para sa kanya, kundi para sa sarili ko—at sa anak kong nasa sinapupunan ko.

Hanggang tumunog ang ang phone, kaya agad ko itong kinuha saka tinignan kung sino ang tumawag.

"Speaking of Devil," pang-uuyam kong sabi. Si Greg kasi ang nasa linya.

"Siguro akong galit na yan, dahil 2 billions ang na nailabas nating pera," ngiting sabi ni Lara.

Napangiti ako dahil man lang dito ay nakaganti ako.

"Hayaan mo siyang mabaliw kakahanap kung saan napunta ang pera niya," sagot ko, hindi naitago ang mapait na kasiyahan sa tinamong ganti.

Nagpatuloy sa pag-ring ang phone ko, ngunit hindi ko ito sinagot. Sa halip, sinadya kong patagalin bago tuluyang i-reject ang tawag niya.

"Anong plano mo?" tanong ni Lara, nakangiti habang hinihigop ang kape niya.

"Simple lang," sagot ko. "Ipapadala ko sa kanya ang divorce papers bukas. Gusto kong makita kung paano siya mababaliw hindi lang sa perang nawala, kundi sa pagkawala ko rin."

Tumawa si Lara. "Misha, I love this version of you! Ngayon, sino na nga ulit ang kawawa?"

Ngumiti ako, puno ng determinasyon. "Si Greg. At sigurado akong hindi niya ito kakayanin."

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 31

    Chapter 31Hindi ko akalaing hanggang ngayon, gano’n pa rin si Geg—mapanlinlang, mapagkunwari, at walang puso. Pero ngayong ako na ang nakatayo sa sarili kong paa, hindi ko na hahayaang ulitin niya ang ginawa niyang panlilinlang.Para sa anak ko.Para sa sarili kong dignidad.At para sa babaeng matagal niyang minamaliit.“Hindi na ako ‘yung Misha na inaapak-apakan, niloko, at pinagmukhang tanga,” mariin kong bulong habang nakatingin sa salamin ng opisina.“Lalabanan kita, Mr. Geg Montero.”Napakapit ako sa gilid ng mesa, pinipigilan ang panginginig ng kamay.Ang galit, pinipigil ko. Ang sakit, tinatago ko.Pero ang apoy sa dibdib ko—iyon ang magpapatuloy sa laban.Napangiti ako, mapait.Ang alaala ng nakaraan ay bumalik sa akin na parang matalim na patalim na bumabaon sa sugat na hindi pa rin tuluyang naghihilom.Flashback.Bitbit ko noon ang isang maliit na paper bag na may laman na baby booties.Excited ako.Nanginginig ang kamay ko sa kaba at tuwa.Plano kong sorpresahin siya—si Ge

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 30

    Chapter 30 Maya-maya, pumasok si Michael, head ng production. “Ma’am, may problema po sa supplier ng satin fabric. Biglang nagtaas ng presyo at may delay sa delivery. Kung hindi natin maayos, maaantala ang launching.” Napahinga ako nang malalim. Unang araw pa lang, may sabotahe na. “Call them,” utos ko. “At sabihin mong kung hindi nila kaya ang terms, marami pa akong supplier na mas propesyonal.” Nagkatinginan ang staff. Hindi sila sanay sa ganitong klaseng boss—kalma pero matalim. Pag-alis ni Michael, lumingon ako sa bintana. Sa labas, tanaw ko ang billboard ng dating kumpanyang kinasangkutan ni Geg—ang Montero Designs. Kakatapos lang nilang maglabas ng bagong ad campaign. At kung pagbabasehan ang tema… halos kopyang-kopya ng konsepto ng ELSA Collection—mula sa kulay, sa linya, hanggang sa emosyon ng larawan. Parang ninakaw pati kaluluwa ng ideya ko. Napakuyom ako ng kamao. “Ganyan pala ang gusto mong laro, Geg?” mahina kong sambit. “Fine. Pero sa laro mong ‘yan

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 29

    Chapter 29KinabukasanMaaga pa lang, gising na ako. Ngayon ang araw na matagal kong hinintay—ang unang araw ng operasyon ng M COMPANY.Habang nakaharap ako sa salamin, pinagmamasdan ko ang repleksyon ng babaeng ilang taon ding tinakbuhan ang sarili, ngunit ngayo’y nakatayo nang matatag. Wala na ang dating Misha na kinakain ng takot at luha. Ang nakikita ko ngayon ay isang ina, isang babae, at isang pinunong handang lumaban.Suot ko ang itim na blazer na sinadyang ipaayos ni Khanna para sa akin. “Power color,” sabi niya. “Para maramdaman nilang hindi ka basta-basta.”Tama siya. Hindi na ako basta-basta.Paglabas ko ng bahay, sinalubong ako ng malamig na hangin ng umaga. Sa bawat hakbang papunta sa kotse, ramdam ko ang tibok ng puso ko—hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa pananabik.“Mommy!” sigaw ni Lily mula sa pintuan. Nakasalampak pa siya sa pajama, hawak ang maliit niyang bag ng crayons.Lumapit ako, yumuko, at hinalikan siya sa noo. “Be good kay Tita Khanna, ha? I’ll be back befor

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 28

    Chapter 28 Madaling araw na nang magising ako. Tahimik ang paligid, tanging mahinang hilik ni Lily ang musika sa loob ng aming tahanan. Tumingin ako sa kanya—mahimbing pa rin siyang natutulog, mahigpit na yakap ang paborito niyang stuffed toy. Pinilit kong bumangon kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. Diretso ako sa balcony, dala ang isang baso ng tubig. Doon, muling bumalik sa isip ko ang mga mata ni Geg kanina. Hindi ko iyon matanggal—ang paraan ng pagkakatitig niya, puno ng paghahangad, parang gusto niyang bawiin lahat ng pagkukulang. Pero huli na. “Hindi na ako babalik sa dati,” mahinang bulong ko habang nakatingin sa mga ilaw ng lungsod. Alam kong hindi siya titigil. Nakita ko sa anyo niya ang determinasyon. At iyon ang kinatatakot ko—hindi ko kayang hayaang guluhin niya ang mundong binuo ko para kay Lily. Pagbalik ko sa loob, napansin kong gumalaw si Lily sa sofa. Dumilat siya ng bahagya at napabulong ng, “Mommy…” Agad akong lumapit at hinaplos ang pisngi niya. “Shh, go ba

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 27

    Chapter 27 Misha POV Hindi ko akalaing haharapin ko ulit ang multo ng nakaraan ko. Si Geg. Sa unang tingin pa lang, bumalik lahat. Ang gabi ng pagtataksil. Ang sakit ng pagkawala. Ang katahimikan na pilit kong niyakap para lang makalayo sa kanya. Pero ngayong nasa harap ko siya, hindi na ako ang dating Misha na marupok, na umaasa, na naniniwala sa mga salitang walang laman. Ako na ngayon ang ina. At ang responsibilidad ko, hindi lang ang puso ko—kundi ang batang hawak ko. Kaya nang marinig kong tinawag niya akong “Misha, can I talk to you?”… Napakabigat. Para bang hinihila ako ng isang bahagi ng sarili kong matagal ko nang iniwan. Pero pinili kong ngumiti ng malamig. Pinili kong tawagin siyang Mr. Montero. Estranghero. Dahil iyon naman talaga siya. Nanginginig ang loob ko pero hindi ko pinakita. Hindi niya kailangang makita kung gaano ako nadudurog sa bawat tingin niya kay Lily. Oo, Lily—ang anak ko. Ang anak naming dalawa. Pero kailanman, hindi niya ako piniling manatili nan

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 26

    Chapter 26Geg POVHindi ako makapaniwalang makikita ko ulit si Misha.Hindi ito tulad ng dati—hindi siya ‘yung babaeng umaasa, hindi siya ‘yung Misha na kilala ko noon. Ngayon, habang nakatitig ako sa kanya mula sa kabilang dulo ng reception area, parang may ibang babae akong kaharap—matapang, matuwid ang tindig, at walang bakas ng kahapon sa kanyang mga mata.Pero kilala ko pa rin siya.At sa likod ng mapanatag niyang ngiti, ramdam kong may bagyong paparating."Siya ba 'yun?" tanong ng babaeng nasa tabi ko—si Alaine. Siya ang babaeng kasama ko noon sa opisina, ang dahilan kung bakit sinira ko ang lahat kay Misha. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko kayang banggitin ang pangalan ni Misha sa harap ng babaeng naging dahilan ng pagkawasak ng lahat.Ang totoo… hindi ko inakala na babalik pa siya. Hindi ko rin inasahan na makita ko siya sa ganitong ayos—mas maganda, mas matatag, at may bitbit na batang babae. Bata na kamukha ko.Napakuyom ang kamao ko.Hindi niya alam na araw-araw kong inalal

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status