Habang kausap ni Apollo ang isa sa mga naging kliyente ng company nila noon, ay unti-unting nakuha ang kaniyang atensyon ng isang nagpupulong na mga tao malapit sa pool area. Everyone seems interested kung ano man ang nangyayari. Nang balingan niya si Epifanio ay sinenyasan niya ito na para bang tinatanong niya ito kung anong nangyayari. At nagpatuloy pa rin siya sa pakikipag-usap. “Wala akong oras para patulan ang kabaliwan niyong dalawa.” kaagad na napalingon si Apollo sa pool area nang marinig niya ang boses ng asawa.Nakita ng kaniyang dalawang mga mata kung paano tapunan ng isang babae ang gown ni Melody. Napahawak siya nang mahigpit sa basong hawak niya. What the heck is happening?“Thatʼs Melvon and Tanny. Siya yung ex-boyfriend ni Melody, and I think right now ay gusto nilang pahiyain ito.” sambit ni Epifanio sa kaniyang gilid.Napatiim bagang siya. Anong karapatan ng mga ito na pahiyain ang asawa niya matapos nilang sirain ang buhay ni Melody noon? And that Melvon, hilastya p
Nang hawakan ni Apollo ang kaniyang beywang at iginaya siya nito palabas ng mansion ay hindi na siya nagdalawang isip pa na magpatianod. Habang lulan ng van ay hindi mapigilan ni Melody ang mapaluha. Tahimik siyang umiiyak habang nakatingin sa labas.Ilang taon na ang nakalipas. Asensado na rin naman na ang dalawabg kotrabida sa buhay niya, pero bakit gustong-gusto pa rin nila siyang ipinahiya sa maraming tao? Mabuti na lamang at naroon si Apollo at tinulungan siya.Napasulyap siya sa kaniyang katabi. Tahimik lamang ito habang nakatingin sa labas ng kabilang salamin sa van.“S—Salamat. . .” tanging sambit ni Melody nang makapasok sila sa loob ng bahay.Napailing si Apollo. “Ginawa ko ʼyon not for you. Para ʼyon sa sarili ko, para hindi ako mapahiya at masabihan ng walang kuwentang asawa.” malumanay ngunit bakas sa boses nito ang galit.Hindi naman maintindihan ni Melody kung anong dahilan. Ano ʼyon? Pakitang tao lang ba ang ipinakita nito kanina? Dapat pa ba siyang magulat?“Kung naga
“Thanks for the invitation, Mr. Luxerio!” nakangiting sambit ni Ellara. “Iʼve been wanting to go at the beach! Iʼm glad you ask me.” sabay haplos nito sa braso ni Apollo.“Wala ʼyon, at isa pa kaunti lang din naman kami.” tugon naman ni Apollo.Naniningkit naman ang mga mata ni Melody habang nakamasid sa dalawang nag-uusap mula sa malayo. Nagtataka siya kung bakit kasama ang babaeng ito. Ito ba ang sinasabi niyang bonding sa mga bata? Parang gusto na lamang niyang hindi sumama, ngunit hindi naman iyon maaari dahil kasama ang mga anak niya. Kung aatras naman siya, ay tiyak na malulungkot din ang mga ito.Kasalukuyan ng nakaayos ang kanilang gamit at nasa van na rin ang mga bata. Hindi pa sila nakakaalis dahil hinihintay nila ang pa-VIP na babae na ito, pati na ang sinasabi nitong kaibigan. Hindi naman makakasama si Yassh at Yvonne , dahil nasa Singapore ang mga ito kasama ni Matthew. May hindi siya nalalaman sa dalawang kaibigan niyang iyon. “Mukhang barbie nga ang mukha, pero parang h
Nakarating din kami sa wakas sa pagmamay-aring resort ni Apollo. Kaniya-kaniya na nagpunta kami sa front desk upang kunin ang susi ng magiging kuwarto namin. Gusto kong kasama ko ang mga anak ko.“I told you to save us room! What the hell? Ganito na ba ang mga staff sa resort ko ngayon? Eh, kung ganito kabulok ang naging sistema rito mas mabuti pang tanggalin ko na lang kayong lahat!”Sobrang lakas ng sigaw ni Apollo na siyang nakakuha sa atensyon namin at ng mga tao sa paligid. Bakas sa awra ni Apollo na galit ito. Habang nakayuko ang mga staff ng resort, panigurado ay dahil sa takot.“S—Sir, ang akala po namin ay—”“Huwag na kayong magdahilan pa! Simula bukas ayoko ng makikita pa ang mga pagmumukha niyo!” saka mabilis na lumayo si Apollo sa mga staff.Tinakpan ko na ang tenga ng mga bata dahil nag-umpisa na itong sumiksik sa akin dahil pati sila ay takot na rin sa inasta ni Apollo.“Iyan kasi, puro kayo kapalpakan. Mabuti na lang at nai-save niyo pa ang VIP room for me.” hirit pa ni
Natulala si Melody at hindi makapagsalita habang nakatitig sa galit na mga mata ni Apollo. Of course, anak ni Apollo ang mga anak niya dahil sa pesteng kasal nila, pero iyon lang ʼyon! But it seems like. . . there something she didnʼt know. “A—Anong ibig mong sabihin?” tanong niya pa rin na tanging silang dalawa na lamang ang nagkakaintindihan.“I— I mean it! Anak ko sila simula nang ikasal tayo. So, what really happened? Bakit siya nawawala?”“Itʼs because of you!” sabay sunod-sunod niyang hampas sa díbdib ni Apollo. “Dahil sa ʼyo kaya nagkagulo ang buhay namin ng mga anak ko!”“Stop! Are you insane?!” pinipigilan ni Apollo ang bawat hampas ni Melody hanggang sa mahawakan nito ang mga kamay niya. “Hindi makakatulong itong ganitong ginagawa mo. Lalo mong pinapagulo ang sitwasyon! Before your emotions can you go back to your senses? We need to find Lexus!”Parang natauhan siya sa sinabing iyon ni Apollo. Tama siya, mas kailangan na mahanap muna ang anak nila. Unti-unti siyang humiwala
“M—Matulog ka na, talagang lasing ka na.” pilit na nilalabanan ni Apollo ang init na nararamdaman.“Hin— Hindi pa ako lashing! Ano ka ba naman? Parang iyon lang ay malalashing ʼagad ako? Psh! Mahinang nilalang!” tugon ni Melody na para bang nababaliw na dahil natatawa itong mag-isa.Wala ng ibang paraan pang naisip si Apollo kung ʼdi ang buhatin si Melody patungo sa kama. Nagpupumiglas pa ito noong una ngunit hindi na rin nakapalag pa nang marahan niya ito mailapag sa higaan.“Hindi pa ako matutulog!” protesta ni Melody kaya naman pinitik ni Apollo ang noo nito. “Ouch! Ang sakit!” reklamo pa nito habang nakapikit at nakakunot ang noo.“Matulog ka na, masyado ka ng maraming nainom. And please, ano mang oras ay para bang hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Have mercy on me, Wife, dahil ayokong manamantala ng isang lasing.” saka bumuntong hininga si Apollo.Hindi naman na nagsalita pa si Melody kaya naman mas natitigan pa ni Apollo ang mukha ng kaniyang asawa. Nakakunot pa rin ang n
Nang bumaba si Melody ay mayroon nang nakahandang pagkain at naroon na rin sa lamesa ang kambal niyang anak. Nang tingnan niya si Apollo ay simple lamang itong nakangiti sa dalawang matanda habang may pinag-uusapan. Naniningkit ang mga mata niya dahil pakiramdam niya ay siya ang ikinikuwento nito.Bigla ay naalala niya ang mga nangyari simula pa kagabi. She canʼt help but to hate herself because of what happened. Hindi man lang niya kasi pinigilan ang pag-inom kagabi! But at least nothing happened, like kainan or gapangan.“Oh, nariyan ka na pala, Melody. Halika na rito sa lamesa nang makapag-almusal na tayo.” sambit ni Lola Florita.Kahit na matatanda na ang mga ito ay malalakas pa rin ang mga katawan nila. Gaya ng kasabihan, ang mga matatanda sa probinsya ay gaya ng isang kalabaw, na kahit ano pang tanda nito ay patuloy pa rin na nagtatrabaho. Naglakad na siya patungo sa lamesa at kitang-kita niya kung paano siya tingnan ni Apollo.Hinalikan niya ang dalawang anak niya, at pinipilit
Nakatulala lamang si Melody habang nasa gilid niya si Shane at Wincy. Kasalukuyan sila ngayon nasa bahay nila Lola Florita at nakaupo sa sofa. Dito sila nagtungo nang makaalis si Apollo sa resort. Atlas is the one who take over at the resort. Wala pala ito nang mangyari ang lahat kanina.Nanginginig ang mga kamay niya habang nagbabadya ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya sinasadya ang nangyari. Hindi niya ginustong mapahamak si Ellara. Ang gusto niya lang ay mapigilan niya ang pananakit nito sa kaniyang kaibigan. Hindi niya kayang tumunganga na labasta after Shane called her.Kasalukuyan siyang katatapos lang maligo sa shower room noong tumawag si Shane sa kaniya at sinabi na kailangan nila ng tulong. Kaagad niyang tinawag si Apollo noʼn upang ihatid siya at naabutan niyang sinasaktan ni Ellara si Wincy. Hindi siya makapapayag na basta na lamang nitong saktan ang kaibigan niya!Pero ang mas masakit ay ang bakas na pag-aalala sa mukha ni Apollo. Na para bang nasasaktan ito, natata