Share

CHAPTER 2

Author: MAYUMI
last update publish date: 2026-07-05 14:23:42

MAYUMI

Dinala nga ako ng mayabang na bilyonaryong ito sa administration office ng mall, at kasalukuyan akong nakaupo sa isang mamahaling leather sofa habang pinatatahan si Baste. Ang maliit na bata ay nakasiksik pa rin sa tabi ko, masayang kumakain ng strawberry ice cream na binili ng tatay niya para lang tumigil ito sa pag-iyak.

Sa tapat namin, nakatayo si Zandro habang may kausap sa telepono. Seryoso ang mukha niya at panay ang hilot sa kaniyang peluka—este, sa kaniyang noo na tila ba sumasakit na ang ulo sa mga nangyayari.

"Sige, Aling Nena. Magpadala ka na lang ng ibang aplikante bukas. Ayoko ng pabaya," malamig na utos ni Zandro sa kabilang linya bago ibaba ang phone.

Lumingon siya sa lalaking nakatayo sa gilid ng pinto—ang head ng security ng mall na may nakasulat na 'Guard Reyes' sa name tag nito. Lumapit si Guard Reyes kay Zandro na may hawak na tablet.

"Sir Zandro, nareview na po namin ang CCTV footage ng buong second floor," panimula ni Guard Reyes habang pinapakita ang screen kay Zandro. "Tama po si Miss Mayumi. Kitang-kita rito na bigla na lang tumakbo si Sir Sebastian palayo sa yaya niya nung lumingon ito para kumuha ng tissue. At diretso po talaga siyang pumasok sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Miss Ramos. Hindi po sila magkakilala."

Humarap sa akin si Zandro, walang emosyon ang mukha pero bakas ang bahagyang pagkapahiya sa kaniyang mga mata. Humakbang siya palapit sa amin at tumayo sa harap ko, nakapamulsa ang magkabilang kamay.

"I apologize, Miss Ramos. Masyado lang akong naging alerto dahil sa mga nakaraang nangyari sa pamilya ko. I shouldn't have accused you," pormal niyang pahiwatig.

Kahit papaano ay nabawasan ang inis ko. At least, marunong namang mag-sorry ang supladong 'to. "Salamat naman at naniwala ka na rin, Sir Zandro. Kasi kung hindi, baka na-demanda ko pa kayo ng defamation. Mahirap lang ako pero alam ko ang karapatan ko."

Biglang sumingit si Baste, may mantsa pa ng ice cream sa gilid ng labi. "Daddy, see? I told you, Mommy Mayumi is good! Bad Yaya Gina left me to talk to her boyfriend on the phone, that's why I ran away."

Naningkit ang mga mata ni Zandro sa narinig mula sa kaniyang anak. Kaya pala nagpalit-palit na ng yaya ang batang ito dahil sa kapabayaan ng mga kinukuha ng agency niya.

Eksakto namang bumukas ang pinto ng opisina at humahangos na pumasok ang isang lalaking naka-salamin at may hawak na makakapal na folder. Base sa suot nitong formal attire, mukha siyang personal assistant o secretary.

"Sir Zandro! Pasensya na po, nahuli ako. Sobrang traffic sa EDSA," hingal na hingal na sabi ng lalaki habang inaayos ang kaniyang salamin. "Heto na po ang listahan ng mga bagong nanny agencies na ni-recommend ni Ma'am Evelyn."

"Hindi ko na kailangan 'yan, Joel," putol ni Zandro sa kaniyang assistant.

Tumingin si Joel sa akin, pagkatapos ay kay Baste na nakakapit pa rin sa braso ko, at pabalik muli kay Zandro. Mukhang naguluhan ang assistant sa senaryong nadatnan niya. "Uh... Sir, sino po siya? Siya na ba ang bagong aplikante?"

"Hindi. She's a barista from the coffee shop downstairs," sagot ni Zandro habang nakatitig pa rin sa akin nang mataman.

Yung titig niya, parang may kung anong kalkulasyon na nagaganap sa utak niya na hindi ko nagugustuhan. Kinabahan tuloy ako bigla. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip ng bilyonaryong ito? Baka naman mag-isip na naman siya ng bagong ibibintang sa akin?

Mabilis kong kinuha ang bag ko at tumayo, dahilan para mapabitaw si Baste. "O paano ba 'yan, Sir Zandro? Linis na ang pangalan ko, tapos na ang usapan. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko bago pa ako tuluyang masante ng manager kong si Mang Isko. Sayang din ang kikitain ko ngayong araw."

"Daddy, don't let Mommy go!" muling pagmamakaawa ni Baste, na handa na namang mag-iiyak anumang oras.

"Wait, Miss Ramos," tawag ni Zandro habang humaharang sa daanan ko. Tumingin muna siya kay Joel. "Joel, bayaran mo ang manager ng coffee shop para sa buong araw na sweldo ni Miss Ramos. At kausapin mo si Mang Isko na huwag siyang tatanggalin sa trabaho."

"Copy, Sir," mabilis na sagot ni Joel bago lumabas ng silid para asikasuhin ang utos ng kaniyang boss.

Napaawang ang labi ko sa narinig. Ang daling sabihin para sa kaniya na bayaran ang kung ano-ano na parang barya-barya lang ang pera. Ganito ba talaga kapag bilyonaryo? Lahat pwedeng madaan sa pera?

"Ano ba talagang kailangan mo sa akin, Sir Zandro? Nagpapasalamat ako sa pag-clear ng pangalan ko pero hindi ko na gusto ang ginagawa mo," diretsahan kong tanong sa kaniya habang nakataas ang magkabilang kamay.

Huminga nang malalim si Zandro at inayos ang kaniyang mamahaling suit jacket bago ako hinarap nang mas seryoso.

"I have a business proposal for you, Miss Ramos. base sa nakikita ko, ikaw lang ang bukod-tanging taong nagustuhan ng anak ko sa loob ng limang minuto. Kahit ang sarili niyang lola, hindi siya magawang pasunurin nang ganyan," seryoso niyang paliwanag habang nakatingin kay Baste na ngayon ay tumango-tango pa bilang pagsang-ayon sa tatay niya. "Gusto kong maging personal nanny ka ng anak ko. Pangalanan mo ang presyo mo, triplehin ko ang kinikita mo sa coffee shop na 'yan."

Natigilan ako sa alok niya. Triple ng sweldo ko? Malaking tulong 'yon para sa pamilya ko sa probinsya, lalo na para sa mga gamot ni Nanay Rosa. Pero ang maging yaya ng anak ng isang suplado at mapanghusgang bilyonaryo? Parang papasukin ko ang impyerno nang kusa.

Bago pa ako makasagot, lumapit si Baste at hinawakan ang kamay ko, sabay tingala sa akin gamit ang pinaka-cute niyang ngiti. "Please, Mommy Mayumi? Be my nanny. I promise I will be a good boy."

Tumingin ako kay Zandro na naghihintay ng desisyon ko, habang si Guard Reyes naman sa gilid ay napapangiti na lang sa eksenang nasasaksihan niya.

Dahan-dahan kong ibinaba ang bag ko sa mesa, tiningnan si Baste, at hinarap ang seryosong mukha ni Zandro.

"Sige, tatanggapin ko ang alok mo, Sir Zandro. Pero sa isang kondisyon," matapang kong saad habang nakatitig nang diretso sa kaniyang mga brown na mata.

Itinaas ni Zandro ang isang kilay niya, hinahamon ako. "At ano naman ang kondisyon na 'yan, Miss Ramos?"

"Gagawin ko ang trabaho ko bilang yaya ni Baste, pero hinding-hindi mo ako pwedeng tratuhin na parang pagmamay-ari mo lang dahil lang sa binabayaran mo ako. At higit sa lahat, walang utusan at walang sisigaw sa akin kapag bad trip ka sa negosyo mo," seryoso kong sagot na nagpatahimik sa buong silid.

Bahagyang sumilay ang isang tipid at misteryosong ngiti sa mga labi ni Zandro bago niya inabot ang kaniyang kamay sa akin para sa isang handshake.

"Deal. Welcome to the family, Miss Ramos."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S INSTANT MOMMY   CHAPTER 17

    MAYUMIDinalhan kami ni Lita ng almusal sa kwarto ni Baste—mga pancake, prutas, at mainit na tsokolate. Dito muna kami kumain para hindi na bumaba pa at makasalubong sina Ma'am Evelyn at Katrina. Masayang-masaya naman si Baste dahil para raw kaming nagpi-picnic sa ibabaw ng maliit niyang mesa sa play area."Mommy Mayumi, do we have to stay here all day?" tanong sa akin ni Baste habang ipinapakain sa kaniyang teddy bear ang maliit na piraso ng pancake."Hindi naman, baby. Kahi-check natin mamaya kapag umalis na ang lola mo," nakangiti kong sagot habang ipinagpapahid ko siya ng tissue sa labi. "Saka lalaro tayo sa garden 'di ba? Magda-drawing tayo."Pagkatapos naming kumain, naglaro muna kami ng malalaking puzzle sa sahig. Makalipas ang halos dalawang oras, narinig ko mula sa pasilyo ang tunog ng mga yabag at ang boses ni Ma'am Evelyn na nagpapaalam na bago umalis. Sumilip ako nang bahagya sa pinto at nakitang paalis na nga ang matanda, pero si Katrina ay pumasok na sa guest room sa tap

  • THE BILLIONAIRE'S INSTANT MOMMY   CHAPTER 16

    MAYUMINalaglag ang panga ko sa narinig ko kay Aling Ising. Maleta? Anong ibig sabihin noon, lilipat ba sila rito sa mansyon? Parang biglang bumagsak ang lahat ng dugo ko sa talampakan. Kakarating pa lang ng umaga, balakid na agad ang bubungad sa amin."Aling Ising, sigurado po ba kayo?" tanong ko habang hawak-hawak pa ang baso na lalagyan ko sana ng kape ni Zandro. "Bakit daw po may kasamang maleta? Magsusulat ba sila ng panibagong patakaran dito?""Hindi ko rin alam, neng, pero mabilis silang pumasok sa gate ngayon," sagot ni Aling Ising habang inaayos ang kaniyang apron. "Mabuti pa, iakyat mo na 'yang kape ni Sir Zandro bago pa sila magkasalubong sa ibaba. Alam mo namang mainit pa ang ulo niyon mula kagabi."Naglakad ako paitaas bitbit ang tasa ng mainit na kape. Sa bawat hakbang ko sa hagdan, parang may tumatambol sa dibdib ko. Hindi pa nga lumilipas ang bawat salitang binitawan ni Zandro kagabi sa sala, heto na naman kami, panibagong gulo na naman ang nakaabang.Kumatok ako sa pi

  • THE BILLIONAIRE'S INSTANT MOMMY   CHAPTER 15

    MAYUMIAlas-dose na ng gabi pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko habang nakahiga sa kama. Paikot-ikot ako, yakap ang unan, pero walang epekto. Pinakikinggan ko ang bawat tunog ng sasakyan na dumadaan sa labas, nag-aabang kung iyon na ba ang SUV ni Zandro.Ano ba 'tong ginagawa ko sa sarili ko? Bakit ako naghihintay sa kaniya na parang asawang hindi mapakali? Yaya lang ako, Mayumi. Umayos ka nga. Baka mamaya, nagpapakasaya pa 'yon doon sa BGC kasama si Katrina habang ikaw rito, halos magka-eyebags na sa pag-iisip.Dahil hindi talaga ako dalawin ng antok, bumangon na lang ako. Nagsuot ako ng cardigan sa ibabaw ng maluwag kong pantulog at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Balak ko sanang sumilip sa kwarto ni Baste para siguraduhing hindi siya nagtanggal ng kumot.Pagkababa ko sa pasilyo, napansin kong bukas ang ilaw sa may sala sa ibaba. May narinig din akong mahinang kaluskos at yabag ng sapatos. Kinabahan ako nang bahagya. May magnanakaw

  • THE BILLIONAIRE'S INSTANT MOMMY   CHAPTER 14

    MAYUMIMabilis na lumipas ang maghapon matapos ang hindi magandang engkwentro namin ni Katrina sa sala. Kinagabihan, hindi ko masyadong nakasama si Zandro dahil hatinggabi na siya nakauwi galing sa mga huling paghahanda para sa charity gala sa BGC. Kahit gustong-gusto kong itanong sa kaniya kung totoo ba ang mga binitawang salita ni Katrina, pinili ko na lang manahimik. Sino nga ba naman ako para mag-demand ng paliwanag?Kinabukasan, araw na ng event. Ramdam ang tensyon at abala sa buong mansyon. Si Aling Ising ay walang tigil sa pag-aasikaso ng mga dadalhing gamit ni Zandro, habang si Lita at Marites naman ay abala sa pagpaplantsa ng mamahaling navy blue suit na isusuot ng bilyonaryo."Mayumi, neng, halika nga muna rito sa kusina," tawag sa akin ni Chef Cardo habang nag-aayos ng mga baon na pagkain sa counter."Bakit po, Chef Cardo?" tanong ko sabay lapit, karga-karga si Baste na kasalukuyang nginangatngat ang dulo ng kaniyang laruang dinosaur."H

  • THE BILLIONAIRE'S INSTANT MOMMY   CHAPTER 13

    MAYUMINaiwan akong nakatulala sa bench habang pinapanood ang anino ni Zandro na pumasok sa sliding door ng mansyon. Ramdam ko pa rin ang init ng palad niya sa likod ng kamay ko. Grabe, literal na huminto ang mundo ko kanina habang nagsasalita siya. Hindi ko alam kung panaginip ba 'to o ano, pero ang isang Zandro De Vega—ang bilyonaryong kinatatakutan ng mga empleyado niya—ay nagsabi sa akin na nahihirapan siyang pigilan ang sarili niya na ilapit ako sa kaniya?Paano ko pa itatago ang katotohanan sa sarili ko? Nahuhulog na nga ako sa kaniya. Pero sa bawat hakbang ko pasulong, may takot sa puso ko na nagpapaalala kung saan ako lulugar. Yaya lang ako rito. Kapag natapos ang kontrata ko, babalik ako sa dati kong buhay. Ayokong umasa sa mga salitang binitawan niya sa ilalim ng liwanag ng buwan na baka bukas paggising niya ay malimutan niya rin.Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang nagwawalang puso ko bago tumayo at pumasok na rin sa loob ng bahay

  • THE BILLIONAIRE'S INSTANT MOMMY   CHAPTER 12

    MAYUMI"Masarap?" medyo kabadong tanong ko habang pinapanood si Zandro na ngumunguya ng cookie.Galing kasi sa POV niya ang mga huling nangyari, at hindi ko mapigilang isipin kung ano ba talaga ang tumatakbo sa utak ng bilyonaryong ito habang nakatitig sa amin ni Baste mula sa pinto. Kanina, nung biglang pumasok ang nanay niyang si Ma'am Evelyn sa study room, pakiramdam ko talaga ay nahuli kaming may ginagawang masama. Ang lapit-lapit ng mukha niya, halos maamoy ko na ang hininga niya, at yung boses niyang baritono na bumubulong... jusko, feeling ko literal na natunaw ang utak ko nung mga sandaling 'yon."Perfect. Lasang tsokolate talaga," sagot ni Zandro, sabay abot ng tissue para punasan ang dulo ng ilong ko.Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ang kaniyang malalaking daliri ay dahan-dahang dinala ang tissue sa mukha ko, sapat para maramdaman ko ang init ng kaniyang balat. Sobrang banayad ng pagkakahawak niya na tila ba natatakot siyang masaktan ako. Napalu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status