Share

CHAPTER 4 AT THE VILLA

Hindi maintindihan ni Aliyah ang nararamdaman habang binabagtas na nila ang daan papuntang Villa. Tiningnan niya ang pinsan na kampante lang itong nakaupo at relax na relax habang naglalaro ng games sa cellphone nito.

"Ma'am nandito na po tayo.” Sabi ng driver at hininto na ang sasakyan.

Subrang bilis ng kabog ng puso ni Aliyah at halos nanlalamig ang mga kamay niya. Parang gustong lumabas ang puso niya sa dibdib dahil sa subrang kaba.

Bago bumaba ng sasakyan, bumuntong hininga muna siya.

"Bakla, relax!" Asar ni Reem.

Inirapan niya lang ito saka bumaba na.

Nag-doorbell ang driver bago sila iniwan.

Bumukas naman agad ang pinto at iniluwa si Darlene na malaki ang pagkakangiti nito nang makita sila.

"My beautiful Ate's. C'mon! Feel at home!" Masiglang sabi nito sabay beso sa dalawa at yumakap pa ng mahigpit.

" Dalawa lang ba kayo ng kapatid mo dito?" Tanong ni Reem, habang iginagala ang paningin sa paligid.

"Opo Ate, pero baka bukas susunod dito ang bestfriend ni Kuya." Sagot nito at giniya na sila papasok sa loob.

Iginala ni Aliyah ang tingin sa paligid, nang tuluyan na silang makapasok.

"Wow!" Bulalas niya.

Bumungad sa kanilang paningin ang malawak na garden na may klase-klaseng bulaklak. Red roses, daisy, mansanilla at sunflower at iba't-ibang halaman na malalaki ang dahon. Hindi siya pamilyar sa mga halaman na ito pero subrang nakakaganda sa pakiramdam.

"Wow!!! Amazing Villa.” Hindi mapigilang compliment ni Reem. Habang nakatingin sa mga bulaklak na namumukadkad sa harapan niya.

"Ang ganda ng garden, Baby Darling! C'mon! Take a photo of me!" Excited na wika ni Reem at hinila si Darlene papunta sa mga bulaklak.

Naiwan si Aliyah na matamang nakatingin sa pinsan na parang bata. Napapangiti siya habang nakatingin sa dalawa na parang model at photographer na nagpo-photoshoot.

"Hi! Aliyah. How are you?" Boses na nanggaling sa likuran niya.

Nawala ang ngiti niya pagkarinig sa malamig na boses ni Reed. Hindi naman siya galit ngayon. Feeling niya nakakatakot lumingon. Ngunit nilingon pa din niya ito.

"H-Hello Reed! I'm good. Thank you,” . Nagkatitigan sila, napakagat labi siya dahil sa titig nito na animo pinag-aaralan ang bawat galaw niya.

"C'mon! Let's go to the pool side." Aya nito sa kanya at giniya siya nito paakyat sa hagdanan.

Nag-alangan naman siyang sumunod dahil bumalik sa ala-ala niya ang nangyari sa batuhan na muntikan pa niyang ikamatay.

Na-gets naman nito ang reaction niya kaya napatawa ito.

Kaya napataas ang kilay niya. For the first time tumawa ito at nakita niya ang mapuputi at pantay na mga ngipin.

Parang model ng toothpaste, bulong niya sa isip.

"Don't worry If you fall again. I'm here to catch you." Seryusong sabi nito habang nakatitig sa kanya.

Tumikhim siya dahil sa sinabi nito kaya nagpatiuna na siya sa pag-akyat, feeling niya pulang-pula na ang mukha niya dahil sa kilig. Napapangiti siya ng lihim. Sumunod naman ito sa kanya.

"Ang hilig mo talaga sa hagdanan, ano? Wait! Sayo ba ang resort?” Huminto siya at sinulyapan ito.

"Yes. Lahat ng nakikita nang mga mata mo ay akin!" Mayabang na sagot nito sabay kindat sa kanya.

"Ang hangin naman! Baka malipad ako huh!" Napa ismid siya saka nagpatuloy na sa pag-akyat.

"It's true! I own this Island." I love investing beaches!" Patuloy na pagyayabang nito.

Parehas pala kami mahilig sa beach!” Bulong niya sa isip.

Ilang baitang na lang ang aakyatin niya ng bigla siyang umangat sa ere. Napatili siya dahil nasa bisig na siya ng binata.

"Stop moving! Mahulog tayo sa baba!" Sabi nito at walang kahirap-hirap na naglakad paakyat.

Napahinto naman siya sa paggalaw. At tumingin sa baba. Nangilabot siya sa babagsakan nila kung sakali kaya hindi na lang siya pumalag at iniyakap na lang niya ang kamay sa leeg nito.

"Ibaba mo kasi ako! Bakit mo ba ako binuhat?" Paangil na sabi niya dito. Naka-short pa naman siya at kita nito ang makinis na long legs niya.

Napasinghap siya. Hindi lang pala nakikita ,nahawakan pa. Nakaramdam siya ng init mula sa katawan nito.

Bakit ang init ni Reed?

" Ang bagal mo kasing umakyat. Gutom na ako!” Sagot nito habang nakatingin sa kanya. Ang lapit ng mukha nila at halos naaamoy niya ang hininga nito.

“Ang bango! Masarap kaya humalik ang lalaking ito?” Tanong niya sa sarili.

Teka! Bakit kinakausap ko na ang sarili ko?

Eyy! Landi mo Aliyah! Bulong ng utak niya.

Napapikit siya at winawaglit ang kabaliwan sa isipan. Hindi niya namamalayan na nakatitig na pala siya sa binata.

"Reed, baka pagod ka na. Ibaba mo na ako. Total malapit naman na...." Hindi na niya natapos ang sasabihin ng maramdaman ang paglapat ng labi nito sa labi niya.

Napaawang ang labi niya sa gulat kaya malayang naipasok nito ang dila sa bibig niya.

Dahil sa mainit at banayad na halik nito, hindi niya namamalayan tumutugon na pala siya dito. At hindi na niya namalayang nasa taas na pala sila.

"Halik lang pala ang magpapatigil sa kadaldalan mo." Wika nito nang bitawan nito ang labi niya habang nakangisi.

Napahiya siya sa sarili kaya sa inis ay kinurot niya ito sa tagiliran.

"Shame! Baka isipin nito na easy to get ako!" Tili niya sa isip.

"Put me down!" Naggalit-galitan siya para matabunan ang pagkapahiya.

Binaba naman siya nito, inayos niya ang sarili saka ginala ang paligid.

Napanganga siya sa ganda at lawak ng pool. My mga bed day pa na nakahelira sa tabi ng pool. Ang dim light na ilaw ay nakadagdag ng romantic ambiance. At open space pa. Makikita ang mga bituin sa langit na kumikinang.

"Wow! Love it!" Compliment niya habang namamangha sa nakikita sa paligid.

"C'mon, let's eat first.” Aya nito saka siya hinawakan sa baywang at giniya sa malaking table na puno ng mga pagkain.

"Baklah! Saan ka ba galing? Bakit hindi ka sumunod sa amin ni Darlene?" Bungad agad ng pinsan niya nang makita silang paparating.

Bumaba ang tingin nina Reem at Darlene sa baywang niya na hawak ni Reed.

"Paano kayo naka- akyat dito? Nauna kaming umakyat sa inyo ah!" Litong tanong niya.

Ngunit walang sumagot sa dalawa dahil nakatingin lang ang mga ito sa kamay ni Reed na nakahawak sa baywang niya.

Nang ma-realize niya ang reaction ng mga ito ay na palayo siya kay Reed.

"C’mon, let’s eat! I'm hungry." Aya ni Reed na parang wala lang sa kanya ang reaction ng mga ito.

Namumula naman sa hiya si Aliyah. Dahil ang tingin nina Reem at Darlene sa kanya ay may panunukso at kilig.

Ipinaghila siya ni Reed ng upuan at magkatabi silang na upo.

"Let's eat!" Aya ni Reed at

nilagyan na nito ng pagkain ang plato niya. Nagkatinginan naman sina Darlene at Reem at nagsisikuhan na sa kilig.

"Eat more! Ang gaan mo." Sabi nito at nagsimula ng lagyan din ng pagkain ang plato niya, "Tama na ang kilig! Kumain muna kayo!"

"Ayeehh... Kuya, ang sweet mo!" Tukso ni Darlene sa kapatid.

Hindi naman ito pinansin ng kuya nito.

Nag-uumapaw naman sa kilig ang puso ni Aliyah dahil sa pag-aasikaso ng binata sa kanya.

Hindi siya makatingin sa dalawang nasa harapan niya. Nakayuko lang siya at nagsimula ng kumain.

Ilang saglit pa, naramdaman na lang niya ang pagsipa sa kanya ni Reem sa ilalim ng mesa kaya napa-angat siya ng tingin at napatingin rito. Nanunuksong tingin at kilig ang nabasa niya sa expression ng mukha nito. Kaya inirapan niya lang ito at nagsubo ng fries.

"Kuya, sa hagdan ba kayo dumaan ni Ate Aliyah?" Tanong ni Darlene at naglagay na nang pagkain sa plato nito.

Hindi naman ito sinagot ng Kuya niya, kaya binalingan niya si Aliyah.

" Oo, Darlene. Sa hagdanan! Ang taas ng inakyat namin. Bakit may ibang daanan ba?” Tanong niya.

"Opo Ate. May elevator kaya sa harapan ng Villa, papunta dito. Sa likod kasi kayo, dumaan." Sagot ni Darlene at nagsimula nang sumubo ng letson kawali.

Napatingin siya kay Reed na kampanteng kumakain.

"Para-paraan talaga ang mokong na'to!" Sa isip niya habang napapailing.

Infairness din kumain nito. Napalunok siya sa appetite nito. Parang sarap na sarap sa kinakain. Well, masarap naman talaga ang panga ng isda na kinakain nito. Habang siya ay parang may bara sa lalamunan dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.

Nakaramdam ulit siya ng sipa sa ilalim ng mesa. Kaya napaigtad siya saka matalim na tinitigan ang pinsan.

Ang tingin ni Reem sa kanya ay nagsasabing,

"Ang laway mo, trapuhan mo!"

Kaya inirapan niya lang ito saka sumubo na din ng pagkain.

" Reed, your place is really beautiful and amazing. Superb! Maraming salamat huh! Buti madaldal itong kapatid mo at nakilala namin, kung hindi, naku! Hindi kami makakaapak sa mala- paraiso na Villa mo." Basag sa katahimikan ni Reem.

"Nevermind. Anytime, pwede kayong bumalik dito kapag gusto n'yo." Sagot ni Reed, sabay punas sa labi nito ng tissue at sinulyapan si Aliyah na tahimik na kumakain sa tabi.

" Well, babalik talaga ako dito. Dahil hindi ako magsasawa sa view dito sa taas. At gusto kong ma-experience na maligo sa pool," excited na sagot ni Reem.

Ang pool ay pa-circle ang design. Sa gitna ay may malaking fountain at may mga bed day na nakahelira para kapag mapagod ang sino man na mag-swimming ay makapagpahinga ito ng mabuti. May mga mesa din na gawa sa molave at may iba't-ibang hugis. May heart, diamond and shell shape.

"Ate, maligo tayo. Promise, magugustuhan mo ang view sa baba kapag dumungaw ka."

Na excite naman si Reem, "Bakit ano ba ang nasa ibaba?”

"Basta Ate, tingnan mo na lang!" Sagot ni Darlene na binitin pa talaga si Reem.

Napasimangot naman ito.

"Wala akong dalang panligo!” Nanghihinayang na wika ni Reem.

"Don't worry! Marami akong collection na pampaligo dito na nakatabi." Sagot ni Darlene na uminom na din ng tubig.

Samantala si Reed at Aliyah ay nagpapakiramdaman lang sa isa’t-isa. Patapos na sana siya nang lagyan na naman ni Reed ng salad ang plato niya.

"Reed, I'm full." Reklamo niya.

" Eat more. You look thin." Walang pakialam na sagot nito.

"Excuse me. Hindi kaya! Sisirain mo ba ang figure ko?” Pasuplada niyang sabi, ngunit kinain na din ang nilagay nito.

"That's my girl!” Sabi pa ni Reed na nakangiti habang nakatingin sa kanya.

Aliyah rolled her eyes and eat silently.

------❤️-----

Maganda ang panahon, maraming bituin sa langit at nakakadagdag ng romantic ambiance ng gabi.

" Ate, bukas na lang kayo bumalik sa resort. Dito na kayo matulog. Mag-over night tayo ngayon dito sa pool." Kapag kuwa'y sabi Darlene na nagpalipat-lipat ng tingin kina Aliyah at Reem.

"Naku! Darling, nakakahiya naman. Maybe next time." Sagot agad ni Aliyah.

"Bakla, bukas na tayo umuwi. Gusto kong e-enjoy ang place. Hindi pa ako tapos sa photoshoot namin ni Darlene. Gagawin ko siyang model ngayong gabi.” Kontra ni Reem sa kanya.

Inirapan niya si Reem pero binaliwala lang siya nito.

"Yehey! Thank you Ate Reem. Ate Aliyah, payag ka na din. Samahan n’yo muna ako dito while I'm here. Nakakabagot kasi si Kuya kasama." Dugtong pa ni Darlene habang malaki ang pagkakangiti nito.

Walang nagawa si Aliyah kundi pumayag na lang. Sinulyapan niya si Reed na tahimik lang ngunit matamang nakatingin pala sa kanya.

Bigla siyang na conscious sa sarili dahil sa pagkakatitig nito sa kanya.

"Ba't ba ang hilig nitong tumitig!"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
may elevator pala ikaw talaga Reed para-paraan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status