Share

CHAPTER 5 ELEVATOR

Masayang nagbabad sa pool sina Reem at Darlene habang si Aliyah ay nakatanaw lang sa kanila.

Kanina pa siya kinukulit ng dalawa na maligo pero hindi niya kaya ang lamig ng tubig.

"Are you okay, Aly?" Tanong ni Reed sa kanya. Nasa tabi niya ito kaya hindi siya komportable sa kinauupuan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili, para siyang may sakit sa puso dahil sa lakas ng tibok ng puso niya.

Napapitlag siya sa biglang pagsasalita nito.

"Y-Yes! I'm pretty good. Thanks for the dinner, anyway." Sagot niya at matipid na ngumiti.

"My pleasure." Wika nito habang walang kurap na nakatitig sa kanya.

"Pasensiya nga pala sa kakulitan ng pinsan ko. Masyadong hyper. Talagang magkasundo sila ni Darlene niyan." Umiwas siya ng tingin dito dahil hindi niya matagalan ang mga titig nito.

"It's okay! I'm happy at nakilala kayo ng kapatid ko. Nakaiwas ako sa kakulitan niya. But I'm sorry for the both of you, dahil kayo ang kinukulit ngayon," napahalakhak ito.

"Okay lang din naman dahil sanay kami sa makukulit at pasaway. Sa pamilya namin lahat yata ay pasaway at makulit. Maybe in time, I will invite Darlene in our house." Nakangiti niyang pinagmamasdan ang dalawang naliligo na hindi yata tinatablan ng lamig.

Habang nagsasalita siya hindi siya tumitingin kay Reed, pakiramdam niya kasi nakatingin ito sa kanya. Kaya lalo siyang na conscious sa sarili niya.

"I'm happy to hear that. And I'm sorry about my attitude, yesterday. Natakot yata kita kaya ka nahulog." Hinawakan nito ang kamay niya. Kaya napasulyap siya dito.

Lalong nagwala ang puso niya at nag-iinit na naman ang pisngi niya.

"Ahmmm. Okay lang. Kasalanan ko din naman, kahit alam kong bawal, pumunta pa rin ako doon," napapahiyang sagot niya saka binawi ang kamay na hawak nito. Subrang lambot ng kamay nito at naramdaman niya ang mainit na palad nito.

Naninibago siya sa sarili dahil kapag nasa paligid ito para siyang nawawala sa sarili at para siyang aatakihin lagi sa puso lalo na kapag nakatitig ito sa kanya.

Napatanong tuloy siya sa sarili kong may sakit na ba siya sa puso?

Need na ba niyang magpa-doctor?

"Ate, Kuya! C'mon!" Narinig niyang sigaw ni Darlene.

"Sige lang! Next time na lang ako." Sagot naman ni Aliyah at nginitian ito.

"C'mon Baklah! Para makita mo ang malaking Aquarium sa ibaba. It's really amazing! Superb! Nakakatuwang pagmasdan ang mga kulay ng isda. Ang dami nila at may mga corals pa!" Masayang kwento ni Reem.

Sa baba, sa kaliwang bahagi ng pool ay may malaking aquarium at may iba't-ibang klase ng mga isda. Talagang sadyang ipinagawa ni Reed ito.

Sinulyapan niya si Reed, "Really? May aquarium? Wala bang ibang daan para makapunta doon nang hindi nababasa?" Tanong niya rito.

"Meron. Sa kwarto ko." Seryusong sagot nito at mataman na tumitig sa kanya.

Napatili naman siya sa isip , kanina pa ito na aaning sa mga titig nito.

May dumi ba ako sa mukha?

Ano bang trip ng taong ito. Seryuso ba siya?

Magkasalubong ang mga kilay niya.

Na amaze tuloy sa kanyang reaction si Reed.

"Gusto mong tingnan ang Aquarium?" Nakangiting tanong nito.

"A-Ano, ahmm... N-Next time na lang siguro." Pautal na sagot niya. Iisipin pa lang niyang dadaan sila sa kwarto nito. Kinikilabutan na siya.

"Are you scared at me?" Napapangiting tanong ni Reed.

"H-Hindi ah! Sa gwapo mong 'yan!" Biglang sagot niya agad. Ngunit huli na nang ma-realize niya ang huling sinabi.

"Dios ko! Lupa lamunin mo na lang ako!" sabi na lang niya sa isip.

Napahalakhak si Reed sa sinabi niya,

"So, gwapo pala ako sa paningin mo? Crush mo na ako sa lagay na 'yan?!" Inilapit pa nito ang mukha sa kanya.

"Crush agad!? Parang teenager lang ganern?" Namumulang sagot niya. Saka tinampal ang noo nito.

Hinuli nito ang kamay niya at napatawa sa reaction niyang pagpapaikot ng kanyang mata.

Hinila siya nito at giniya sa elevator,

"R-Reed, ano ba? Saan mo ako dadalhin?" Singhal na sabi niya, ngunit napatayo na rin siya.

"Sa Aquarium."

Bumukas ang elevator at hinila siya papasok. Kinakabahan man ay pilit pa din siyang nagpapaka-pormal dito.

"Seryuso nga?! Nasa loob ba talaga ng kwarto mo ang daanan pa aquarium?"

Hindi makapaniwalang tanong niya.

Nagkibit balikat lang si Reed at hinawakan siya sa baywang.

Nabigla naman si Aliyah sa ginawang paghawak nito sa kanya.Napatitig tuloy siya sa mukha nito saka tumikhim.

"Para-paraan lang din, ano?!" Taas kilay na napahampas siya sa braso nito.

Napahalakhak ito sa sinabi niya.

"Hindi ba nga, crush mo ako? Kaya crush na din kita." Napapangiting sagot nito sa namumulang dalaga.

She rolled her eyes.

"Crush your face! Ano ka teenager!?" Pabalang na sagot niya habang nasa paa ang tingin.

Napakagat-labi siya dahil sa kilig na nararamdaman.

First time niyang kiligin ng bonggang-bongga kaya halos lumabas na ang puso niya sa saya. Yumuko siya para hindi nito makita ang pamumula ng mukha niya.

"Bakit hindi ba pwedeng magka-crush ang matanda?" Tanong ni Reed, sabay hawak sa pisngi niya at marahang inangat ito.

Nagulat naman siya sa ginawa nito, kaya napatanga siya habang nakabuka ang bibig niya.

Bumaba ang tingin nito, sa mapupulang labi niya at dahan-dahang inilapit ang labi niya sa labi nito.Napahawak siya sa laylayan ng damit niya.

Ngunit biglang bumukas ang elevator, kaya napaatras siya sa gulat. Tumikhim siya at napakagat labi.

Samantala si Reed naman ay nagpatiuna na sa paglabas habang nakasimangot kaya napasunod na lang siya dito.

Huminto sila sa isang pintuan. Binuksan nito at in-on ang mga ilaw.

"Come in." Aya nito sa kanya sa seryusong tono at nilakihan ang pagbukas ng pinto.

Tumingin siya sa mukha nito, biglang nag-iba ang mood nito. Naging bad mood yata dahil sa hilatsa ng mukha.

"Kwarto mo?" Tanong niya habang ginagala ang mga mata sa paligid.

Hinahanap niya ang pintong lagusan para sa kabilang daigdig. Natatawa siya sa isip.

Creepy!

Lalaking-lalaki ang kulay. Madilim. Kasing dilim ng aura niya sa una nilang pagkikita.

Napangiti siya.

"Why are you smiling? Pinagnanasaan mo ba ako sa isip mo?" Hinarap siya nito, biglang naging good mood na naman.

"Luh! Bawal bang ngumiti?" Sagot niya sabay irap.

Lumapit ito sa kanya saka hinila siya sa may pabilog na sahig sa gawing kaliwa.

"Hindi bawal ngumiti! Basta ako ang dahilan ng mga ngiti mo." Sagot nito at hinapit siya sa baywang. At may pinindot sa wristwatch.

Napatili siya at napayakap kay Reed dahil biglang bumaba ang sahig na kinatatayuan nila.

Hinawakan naman siya nito ng mahigpit.

Ilang minuto lang nasa baba na sila.

"Kainis ka! Papatayin mo ba ako sa nerbiyos?!" Sigaw niya at pinagsusuntok ang malapad na dibdib nito.

"I'm sorry! I don't know na magugulatin ka pala. You're really vulnerable, Baby."

Kinabig niya ang dalaga saka niyakap at hinaplos-haplos ang kanyang kulot na buhok.

Para tuloy silang sina Marimar at si Sergio. Ngunit sa chinita version nga lang siya.

Na-relax naman ang puso niya at napalitan ng saya.

"Are you okay now?" Bulong nito.

"Yes, I'm okay. Please, next time just tell me. Hindi 'yong ginugulat mo ako lagi. Paano kong may sakit ako sa puso at....." Hindi na natuloy ang iba pa niyang sasabihin dahil hinalikan siya nito sa labi.

Napaawang ang labi niya dahil sa gulat at nanlaki ang mga mata habang magkalapat ang labi nila. Kumabog ng malakas ang puso niya.

Bigla ay naitulak niya ito dahil bumukas ulit ang pintuan, nauna na siyang lumabas.

"Ano ba 'tong Villa na'to, ang daming lagusan." Bulong niya sa sarili.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay grabe ka din Reed para paraan din,hindi kapa nga nanliligaw pero nakailang halik kana sa labi ni Aliyah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status