Share

CHAPTER 6 YOU ARE MINE

Isang kwarto na naman ang bumungad sa kanya.

"Bakit puro kwarto ang nadadaanan natin?" Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng malawak na silid.

Namangha siya sa nakita.

Dalawang malalaking screen ng LED TV ang nakita niya. At makikita sa monitor ang loob at labas ng resort at Villa.

"Wow! You're Villa has a lot of surprises! Sino ka ba talaga, Reed?" Wala sa loob na tanong niya.

Napatawa ito sa tanong niya at hindi sumagot.

Hinanap niya ang pool sa monitoring dahil gusto niyang makita sina Reem at Darlene.

Napangiti siya nang makita ang mga ito na nakahiga sa bedday sa gilid ng pool.

Kumakain ng junk foods si Darlene, habang si Reem umiinom ng soft drink in can.

"Knock down na ang dalawa. Hindi man lang yata ako naisip hanapin." Sambit niya habang napapailing.

Napatingin naman si Reed sa tinitingnan niya. Ngunit bumaling ito agad sa kanya kaya nagtagpo ang mga mata nila.

"Do you have a boyfriend , Aliyah?" Out of topic na tanong nito kapag kuwa'y.

Umiwas siya ng tingin dito. Paano ba niya sasabihin na wala pa siyang karanasan sa pakikipag nobyo? Baka pagtawanan siya nito.

"Ahmm...Ano? B-Bakit mo naitanong?" Wala sa loob na sagot niya.

"Sagutin mo muna ang tanong ko." Wika nito habang hindi kumukurap sa pagtitig sa mga mata niya.

Lalong na tension siya, "Wala. At w-wala akong time sa lovelife!" She rolled her eyes.

Natuwa naman ang binata ng lihim at niyakap siya.

"Huwag ka ng humanap at magpaligaw sa iba. From now on, I mark you mine!" Bigla siyang siniil ng halik sa labi.

Hindi siya nakagalaw dahil sa kabiglaan ngunit kusang pumikit ang mga mata niya at pinakiramdaman ang bawat halik nito sa labi niya.

Ano ba Aliyah! Huwag kang papatangay! Bulong ng isipan niya.

Samantala, nalilito man siya sa asta nito ay tinugon niya ang mga halik nito at binaliwala ang sinasabi ng utak niya.

Napakalambot at napakatamis ng labi nito.

Nang bitawan nito ang labi niya ay hingal na hingal siya. Hindi tuloy siya makatingin dito ng diretso.

"You are mine now." Bulong nito sa puno ng tainga niya na nagpakilabot sa sistema niya.

"Pakiulit nga Mr ang sinabi mo?" Nabingi yata siya sa malakas na tibok ng puso niya.

"I said, you are mine now!" Bulong ulit nito sa kanya.

Umatras siya dahil sa sinabi nito. At parang bibigay na ang tuhod niya any moment.

"Wow! Mr. No one owns me! Except myself. Pinagsasabi mo diyan!?" Taas kilay na sinalubong niya ang mga tingin nito, kahit gusto na niyang mag tatalon sa kilig ay nagawa pa rin niyang pormalan ang mukha.

Reed, amuse by her cute reaction at sa pamumula ng pisngi niya. Kaya hinalikan siya muli nito.

Nawala ang kadaldalan niya ng malayang pinasok nito sa bibig niya ang dila nito. Naulit ang mainit na paghahalikan nila na naputol kani-kanina lang.

Halos habulin niya muli ang hininga ng bitawan nito ang labi niya.

Namumulang nag-iwas siya ng tingin dito.

"Ahmm... Tara na kaya sa Aquarium na ipinagmamalaki mo." Kapag kuwa'y sabi niya dahil naging awkward ang feeling niya.

Tumango naman ito at giniya siya sa may pintuan patungo sa aquarium.

Puno ng galak at tuwa ang puso ni Aliyah. Para siyang nakalutang sa alapaap.

Masaya siya dahil sa lalaking kasama niya ngayon.

Nang makapasok sila sa Aquarium ay namangha siya sa laki nito. May iba't-ibang isda. May mga beta fish, guppy, neon tetra, goldfish, rainbow fish, tiger barb, pearl gourami at iba pang isda na hindi na niya alam ang mga pangalan.

"My God, they are beautiful! Sayang at wala akong dalang camera." nanghihinayang na sambit niya.

"I have camera here, If you want, I take you photos!" Sagot nito habang nakangiti.

"Wow! Really? You're a boy scout talaga! Ready sa lahat ng oras. Marami ka na sigurong dinalang babae dito." Namamanghang tanong niya ngunit may kirot sa puso niya sa huling sinabi niya.

"Nope! Ikaw palang ang dinala ko dito.

Saka bago pa lang natapos itong Villa."

Sagot nito habang kinakalikot ang hawak na camera na kinuha sa tabi.

"Oh! I'm lucky then! Thank you sa pagdala sa akin dito. I really treasure it a lot. Hindi ko ito makakalimutan." Nakangiting wika niya na nakatingin dito.

"That's great! At nagustuhan mo...

So, ready for the pictorial?" Masiglang ngumiti ito sa kanya.

"Sure." Masayang lumapit siya sa aquarium at nnagpa- cute, wacky, at kung anu-anong maisip niya na action.

Lahat ng photo niya ay authomatic na laminated.

Kaya sobrang excited na siyang ipakita ito kay Reem at dahil sa tuwa, nayakap niya ito ng mahigpit at ginawaran ng halik sa pisngi.

"Thank you so much!" Bulong niya.

Nagulat si Reed sa ginawa niya ngunit ng makabawi ito ay hinawakan siya sa pisngi at masuyong hinalikan sa labi.

Nangangapal na ang lips niya sa kakahalik nito, "R-Reed, baka hinahanap na tayo ng dalawa." Bulong niya, saka dahan-dahan na kumalas sa pagka kayakap sa kanya ng binata.

"Please let's stay like this for a while." His eyes pleading.

"R-Reed..." Anas niya, ngunit wala naman siyang magawa dahil nagugustuhan niya rin naman ang mayakap at mahalikan nito.

"Don't worry, just hug and kiss. Nothing else!"

He's a good kisser at walang makaka hindi sa marahan at masuyong mga halik nito na nakakapanghina sa buong pagkatao ng mahalikan niya.

"What did you do to me, Aliyah?" Tanong nito sa kanya, habang nakahilig sa balikat niya.

"Mula ng makita kita ng araw na iyon, lagi ka na sa isip ko. Hindi mo na ako pinapatahimik." Reed whispered to her ear.

"R-Reed, baka naninibago ka lang dahil wala kang ibang nakikitang babae dito. Baka ako ang apple of the eye mo ngayon." Mapait na sabi niya.

"Not like that. I know masyado pang maaga pero talagang gustong-gusto kita, Aliyah!"

" R-Reed, kung pinaglalaruan mo lang ang damdamin ko, please, nakikiusap ako sayo. Huwag ako.

Wala pa akong karanasan sa mga lalaki. Hindi pa ako nagka-boyfriend ni minsan. Kaya natatakot akong mahulog sayo." Seryusong wika niya.

Natuwa si Reed sa nalaman kaya hinawakan nito ang mukha niya

"Para kang crystal ball, na nakakatakot hawakan. Baka masaktan lang kita. Pero kahit anong pilit ko na ipagsawalang bahala ang nararamdaman ko para sayo ay hindi ko magawa."

"R-Reed, kong talagang seryuso ka sa akin. Let make things slowly. Gusto kitang makilala ng lubos."

"Hindi ko alam manligaw ng babae but I try to court you in my own way." Nakangiting wika ni Reed.

"Ganyan naman kayong mga gwapo, dinadaan na lang sa kagwapuhan ang lahat. At huwag mo na ulit ako hahalikan dahil hindi pa naman kita sinasagot."

Napakamot sa ulo si Reed, saka napapalatak na niyakap siya.

" I love kissing your soft lips. I try not to kiss you.....But, I didn't promise not to kiss you." Pilyong sabi ni Reed at napangiti.

"Basta! Sige na, balik na tayo sa taas." Sabi niya, saka nagpatiuna ng maglakad.

Sumunod naman sa kanya si Reed at magkahawak kamay silang bumalik sa taas.

Nakapagbihis na ang dalawa ng maabutan nila. Kumakain ang mga ito ng junk food at nagkalat ang mga pinagkainan sa mesa.

"Sa wakas nakabalik na din kayo!" Nakataas kilay na sabi ni Reem.

Nag-peace sign si Aliyah sa pinsan. At excited na kinuha ang mga picture niya.

"Chadaaaannnnn!!!!!" Excited na lahad niya sa mga picture na kuha niya sa aquarium.

Nanlalaki ang mga mata ni Reem, nang makita ang photos, "Ang daya nyo. Bakit hindi nyo kami sinama?" Busangot na singhal ni Reem.

"Don't worry Ate Reem, tomorrow tayo din ang gagala sa baba." Nakangiting sabi ni Darlene.

"Talaga! I really love you na! Your my angel." Matamis na nakangiting sabi ni Reem kay Darlene.

"Ladies, It's getting late. Matulog na kayo." Untag ni Reed habang nakatingin sa dalawa.

Kaya tumayo na sina Darlene at Reem. Bago naglakad si Reem papasok ay huminto ito sa harap ni Aliyah.

"Mag-uusap tayo bukas!" Paangil na sabi ni Reem saka nagmartsa na papasok sa loob pasunod kay Darlene.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hayaan mo na ang pinsan mo Reem dalaga na kasi...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status