Share

CHAPTER 7 DON'T MIND THEM

Tanghali na ng magising sina Aliyah at Reem. Magkasama sila sa isang silid. Pasado alas onse na ng umaga nang pumasok si Darlene sa silid nila para gisingin sila.

" Good morning Ate Aliyah." Nakangiting bati ni Darlene.

"Good morning, Sweetie. Ang aga mo yata nagising?" Sagot ni Aliyah na umupo at sumandig sa headboard ng kama niya.

"Ipapakilala ko kasi si Ate Reem sa kaibigan ni Kuya, Ate." Sagot nito bago nilapitan si Reem at niyugyog ng marahan ang balikat nito, "Ate Reem, wake up!"

"Darling, I'm still sleepy!" Pabulong na sagot ni Reem habang nakapikit pa rin.

"Ate Reem, Wake up na! Dumating na ang kaibigan ni Kuya. Gusto kitang ipakilala sa kanya." Excited na wika nito habang pinipilit na bangunin ito.

Napapailing si Aliyah habang pinagmamasdan sina Reem at Darlene na naghihilahan sa comforter.

"Baby Darling, antok na antok pa talaga ako. Maya na! Please…" Umayos ito ng higa at tinabunan ng unan ang mukha nito.

"It's lunch time, Ate. At naghihintay na sina Kuya Reed At Kuya Grey sa atin sa dining room." Nagmamaktol na wika nito.

"Huh? Sinong Grey?"

Biglang napabalikwas si Reem pagkarinig sa pangalan ni Grey. Darating ngayon ang boyfriend niya. Napatingin siya kay Aliyah, hindi kaya si Grey na boyfriend niya at Grey na kaibigan ni Reed ay iisa?

"Sige na. Mauna ka nang bumaba at mag-aayos lang kami ni Ate Aliyah mo."

pagtataboy ni Reem kay Darlene.

"Okay. Basta bilisan n'yo Ate. Sumunod kayo agad." Wika nito bago nag- martsa palabas.

Umupo si Reem sa kama, paharap kay Aliyah.

"Hoy! Aliyah Sullivan, marami kang sasabihin sa akin. Alam kong may tinatago ka!" Taas kilay na wika nito, habang pinapaningkitan ng mga mata si Aliyah.

"Anong sasabihin ko? Wala akong tinatago! Ayan ka na naman sa instinct mong creepy!" Nakatawang sagot niya.

"Huwag mo akong tinatawanan, bakla ka! Akala mo hindi ko kayo napapansin ni Reed? Sinasabi ko sayo." Tumayo ito at hinarap siya habang nakapamewang.

" 'Nay naman, wala nga akong tinatago sayo. Hindi ba darating si Grey? Hindi kaya.....?" Napatakip si Aliyah sa bibig. Pilit iniba ang usapan nila.

"Si Grey na boyfriend ko at Grey na friend ni Reed ay iisa?" Dugtong ni Reem sa sinabi nito.

"Oo, Bakla!" Tili ni Aliyah.

Napatili na rin si Reem at nawala na sa isip ang e hot seat si Aliyah. Dali-dali silang nag-ayos ng sarili at pumanhik sa dining area.

"Good morning!" Bati ni Reed ng makita sila. Tumayo ito at nilapitan si Aliyah at hinalikan sa pisngi. Namumula naman si Aliyah sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Dahil lahat ng tingin nasa kanila na.

"Good morning, pasensya na, natagalan yata kayo sa paghihintay." Hinging paumanhin ni Aliyah.

"It's okay." Sagot ni Reed at inayos ang ilang hibla ng buhok nito na nakatabon sa mata nito.

"Tatayo na lang ba kayo diyan?"

Lumingon ang kaibigan ni Reed paharap sa kanila dahil nakatalikod ito sa may pintuan.

"Good morning ladies!" Dugtong nito na malaki ang pagkakangiti.

Nanlaki ang mata ni Reem ng mapag-sino ang nagsalita, "Sweetheart......." Tili nito at masiglang lumapit sa boyfriend niya.

Tama nga ang hinala nila.

Tumayo si Grey at niyakap si Reem saka ginawaran ito ng halik sa labi.

"Kainis ka! Magkaibigan pala kayo ni Reed. Hindi mo man lang sinabi… Kilala mo pala ang may -ari ng resort na napuntahan namin. At best friend mo pa!" Wika nito na kinurot pa ang boyfriend sa tagiliran nito.

Ngumiti lang si Grey at hinuli ang kamay ni Reem, at pinaupo sa katabing upuan niya, " Gusto ko kasi kayong e sorpresa."

"Maya na ang landian. Kumain muna tayo." Wika ni Reed at giniya na si Aliyah sa upuan.

Nahihiyang na upo naman si Aliyah sa tabi nito.

"I'm happy at mukhang may nakabihag na naman sa pihikan mong puso, Bro!" Napapangiting tudyo ni Grey kay Reed at sumulyap kay Aliyah.

"Shut up, Bro! Mind your own business." Nakasimangot na sagot ni Reed at nilagyan na ng pagkain ang plato ni Aliyah.

Napangiti lang naman si Grey sa turan ng kaibigan.

"How are you, Aliyah? You look beautiful and blooming." Baling ni Grey kay Aliyah.

"I'm pretty good, Grey! Thank you." Tipid na sagot ni Aliyah.

"Alam mo ba, Sweetheart, 'yang dalawa. Hindi kami isinama sa tour nila kagabi sa big aquarium. Kahapon pa ako pinapainggit ng ka-sweetan ng dalawang iyan." Sumbong ni Reem kay Grey habang nakanguso.

Ngumiti lang si Grey at sinubuan ito ng soup.

Namula naman si Aliyah sa sinabi ni Reem kaya sumubo na lang siya ng pagkain na hinain sa kanya ni Reed.

"Ayeehhh!! Kinikilig ako sa inyong apat." Nakangiting turan ni Darlene na hindi na nakatiis. Kanina pa kasi siya kinikilig sa ka sweetan ng kuya niya, " Ate Reem, huwag ka ng mainggit, nandito naman na si Kuya Grey. What a small world, diba? Kayo yatang apat ang destained."

Napangiti naman si Reem sa sinabi ni Darlene.

"Sinabi mo pa, Baby Darling. Kapag nagpakasal kami ni Kuya Grey mo, ikaw ang kukunin kong Maid of Honor." Wala sa loob na wika ni Reem habang nakangiti.

Tumaas ang kilay ni Aliyah sa sinabi ng pinsan, "Bakla, nag- daydreaming ka na naman. Baka gutom lang yan. Maya na ang daldal." Saway nito sa pinsan.

"Whatever. Hindi pa rin tayo bati!" Sagot ni Reem at inirapan si Aliyah.

Napapailing na lang na nagpatuloy sa pagkain si Aliyah.

"Ate Reem, kailan pala kayo magpapakasal ni Kuya Grey?" Out of the blue na tanong ni Darlene matapos malunok ang kinakain na beef stick.

Nagkatinginan tuloy sina Grey at Reem. "Soon, Darlene." Sagot ni Grey sabay kindat kay Reem.

Habang si Reed naman ay lagay nang lagay ng sari-saring pagkain sa plato ni Aliyah.

"Enough Reed. I'm full.Thank you!" Mahinang saway ni Aliyah rito

Nahihiya na kasi siya dahil panaka-nakang sinusulyapan sila ng mga kasama na tila may panunukso sa mga mata nila.

"Can you morons, just eat without staring at us!" Singhal ni Reed kina Darlene, Grey at Reem.

"Sungit!" Wika ni Darlene, kapag kuwa'y tumayo na ito at naglakad papunta sa sink para maghugas ng kamay.

"Anyway Bro, kailan ang balik mo sa Manila?" Tanong ni Grey kay Reed habang hawak ang isang baso ng orange juice.

"I don't know yet. Baka dito muna ako ng ilang linggo." Sumulyap ito kay Grey.

"Good then. Makakabuti yan sayo. Hindi puro trabaho." Nakangising sagot naman ni Grey at uminom na ng juice.

Grey is a best friend of Reed, since College.

"Maybe. I guess so!" Sagot naman ni Reed at pasulyap kay Aliyah.

"Kuya sama ako kina Ate Aliyah sa resort." Paalam ni Darlene habang nagpupunas ng tissue sa kamay.

"Sure, para matulungan mo silang mag-impake." Sagot ni Reed sa kapatid.

Nagkatinginan sina Aliyah at Reem. Tumikhim si Aliyah saka nilingon si Reed na may pagtatanong ang mga mata.

"Yes. Dito na kayo mag-stay habang nandito pa kayo. Malaki ang Villa. Kaya no buts." Sagot ni Reed at tumayo na rin siya para makapag hugas ng kamay.

Sinundan siya ng tingin ni Aliyah, "P-pero nakakahiya naman ...." Kontra nito.

Hindi na natapos ni Aliyah ang sasabihin dahil pinutol ni Reem.

"Wow! Gusto ko 'yan! Libre na tayo Baklah!"

"Mas okay pag nandito kayo, Aliyah, mababantayan ko itong Sweetheart ko." Sagbat naman ni Grey.

"O-Okay! Wala na akong masabi." Labas sa ilong na sagot ni Aliyah. Hindi niya alam kung makakabuti ba sa kanya na sa Villa sila mag stay pansamantala.

"Inilalapit talaga ako sa tukso" bulong niya sa isip.

"Gusto niyo bang sumakay ng speedboat?" Kapagkuwa'y tanong ni Reed.

Lumaki ang mga mata ng dalawang dalaga.Pareho nilang pangarap na sumakay ng speedboat mula ng bata pa sila ngunit hindi sila pinapayagan ng kanilang mga magulang. At wala talaga silang lakas ng loob kapag wala silang kasama.

"Kailan ba? I'm so excited. Sweetie, turuan mo akong mag drive ng speedboat." Pakiusap ni Reem kay Grey.

Pabebe! Bulong ni Aliyah sa isip.

Inggit ka lang! Sabi naman ng kabilang side ng isip niya.

"Sure, Sweetheart! But for now, gusto muna kitang masolo" Pilyong ngiti ang namumutawi sa labi ni Grey.

Namula naman sa hiya si Reem at pinalo sa balikat ang boyfriend. Alam niya ang ibig sabihin ng pilyong ngiti nito.

"Huwag ka ngang bulgar diyan! May virgin pa naman tayong kasama." Irap ni Reem sa boyfriend bago tinapunan ng tingin ang pinsan.

"Umalis na nga kayo! Alam ko naman na kanina pa gusto magpalapa ang iba diyan." Ganting asar ni Aliyah ky Reem.

Napatawa naman si Reem sa sinabi ni Aliyah, "Sweetheart, buhatin mo ako! Ayokong maglakad. Iinggitin ko rin ang isa diyan!" Pabebeng nagpa- cute ito kay Grey.

Napapailing naman na binuhat ni Grey si Reem palabas ng dining area. Kilala na niya ang magpinsan, madalas mag-asaran.

"Alis muna kami ng sweetheart kong pabebe." Wika nito habang nakangiti.

Samantala, naging awkward naman ang dalawang naiwan. Kaya nagligpit na lang si Aliyah sa kanilang pinagkainan.

"Stop that, Baby! May pinapunta akong staff ng resort dito para magligpit diyan." saway ni Reed sa kanya.

" Okay! Pero gusto ko ng bumalik sa resort. I need to change my clothes." Naghugas siya ng kamay bago hinarap ito.

"Sasamahan na kita." Sabi ni Reed habang nakatitig sa kanya.

"Naku! Huwag na, nakakahiya na kasi sayo. Kagabi pa kami nakakadisturbo."

Nahihiyang tanggi niya.

"Are you avoiding me, Aliyah?" Tanong nito na seryoso ang mukha.

"Hindi ah! Bakit naman kita iiwasan?" Sagot agad niya at hindi makatingin ng diretso rito.

"Kung hindi mo ako iniiwasan, bakit hindi ka makatingin sa akin?"

Humakbang ito palapit sa kanya, "Patunayan mo.Tingnan mo ako sa mata. At sabihin mong hindi mo ako iniiwasan."

Biglang nairita si Aliyah sa asta nito.

Humalukipkip siya at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. Saka lumapit siya dito at talagang inilapit pa ang mukha niya sa mukha nito.

"Akala mo hindi ko magagawa." Sa isip-isip niya. Kahit nanlalambot ang tuhod niya.

"HINDI KITA INIIWASAN! Gusto kong bumalik sa resort dahil...."

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil hinawakan nito ang batok niya saka siniil ng halik sa labi.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi agad nakapalag.

"Ang daldal mo." Ngisi nito ng bitawan ang labi niya.

"Ikaw talaga, sumosobra ka na! I told you not to kiss me!" Bulyaw niya dito.

Napahalakhak naman si Reed sa reaction niya.

"Hindi ba maliwanag pa sa sikat ng araw ang usapan natin kagabi na bawal humalik. Manliligaw ka palang!" Masungit na sabi niya.

"Meron bang agreement na naganap? Tanong nito sa kanya.

"Iwan ko sayo. Bahala ka na nga dyan sa buhay mo!" Padabog siyang nag martsa palabas ng dining room ngunit bigla na lang siyang lumutang sa ere dahil buhat-buhat na naman siya ni Reed.

"Hoy! Reed, ibaba mo ako!Nakakainis ka na talaga." Sigaw niya at hinampas ito sa dibdib.

"You say you want to go back to the resort? I will bring you back there." Naglakad ito palabas.

"At kailangan pa talagang buhatin mo ako? Ano tayo bagong kasal?! Put me down, please! Nakakahiya sa makakakita." Singhal niya sa binata.

Natawa si Reed sa sinabi niya,

"Don't mind them." Maikling sagot nito.

"Don't mind them, your face! Stop!"

Papasok na sila ng elevator para makapunta sa ground floor ng magbago ang isip niya.

" Put me down. Hindi na ako babalik sa resort." Nakasimangot na sabi niya at naiinis na inirapan ito.

" That's good then! Madali ka naman palang kausap." Kinindatan siya nito at dahan-dahan siyang binaba sa sofa sa may couch.

" I hate you! Why are you manipulating me?" Banas na banas siya at hindi niya na malayang napanguso na lang siya.

" Stop pouting your lips! Inaakit mo ba ako?" Pang-aasar na naman nito sa kanya.

" Hoy, Mr Reed Sebastian! Are you kidding me?" Singhal niya na pinamewangan ito.

"Nope. I'm not! You're so cute while you pouted! I attempt to kiss you once more." Prangkang sagot nito.

Sa narinig niya, nanlaki ang kanyang mga mata at tinalikuran ito at wala sa sariling napatakbo.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang bilis mo nga naman Reed hindi pa nga naman kayo pero halik ka na ng halik kay Aliyah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status