Chapter 038 Tumigil ang mundo ko sa sandaling iyon. Hindi ko magawang magsalita. Ang dami kong gustong itanong, pero parang may bara sa lalamunan ko. Ang mga mata ko ay nakatuon kay Cris, naghihintay ng paliwanag, pero nanatili siyang nakatulala kay Cassandra at sa batang hawak nito. Ang lahat ng tapang na naipon ko para sabihin sa kanya na mahal ko na siya ay biglang naglaho. Parang lahat ng plano ko para sa amin ay biglang gumuho dahil sa hindi inaasahang pagdating ng ex niya—kasama pa ang isang batang sinasabing anak nila. "Cris, ano to?" tanong ko, sa wakas ay nakahanap ng lakas para magsalita, pero halos pabulong lang. Tumingin siya sa akin, bakas ang pagkabalisa sa kanyang mukha. "Merlyn, I swear, hindi ko alam ang tungkol dito," sagot niya, halatang desperado na maipaliwanag ang sarili. "Aba, syempre hindi mo alam," sabat ni Cassandra, halatang galit pa rin. "Oo, inamin ko na iniwan kita sa araw mg kasal natin, pero noong panahon na pinakamahirap para sa akin at nagsis
Chapter 039Habang naglalakbay kami, pakiramdam ko’y unti-unti nang nawawala ang bigat ng aking puso. Hindi ko pa kayang magkuwento ng lahat ng nangyari, pero sa tuwing tumitingin ako kay Alexa, parang may kabuntot na pag-asa. Hindi siya nagmamadali, hindi rin siya nagtatanong—nagbibigay lang siya ng espasyo para sa akin, at para sa unang pagkakataon mula nang umalis ako sa mansyon, naramdaman ko na hindi ako nag-iisa."Salamat," sabi ko nang mahina, hindi ko kayang ipaliwanag kung gaano kabigat ang mga salitang iyon, pero kailangan ko siyang pasalamatan.Tiningnan ako ni Alexa, at ang mata niyang may kalaliman ay hindi ko rin maipaliwanag. "Wala 'yan," sagot niya, habang nagmamaneho nang maayos. "Laging may mga panahon ng pagsubok. Ang mahalaga, alam mong makakaya mong magpatuloy."Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ang madilim na kalangitan. Hindi ko alam kung saan kami papunta, ngunit sa oras na iyon, hindi ko na rin inaalintana. Ang bawat paghinga ko, isang hakbang palayo
Chapter 040Sa loob ng tatlong taon mula nang umalis ako sa puder ni Alexa, ang buhay ko ay naging isang matinding pagsubok. Andito ako ngayon sa Dubai, nagtatrabaho bilang isang OFW. Sa una, inisip kong magiging madali ang lahat—na kaya kong magsimula muli, malayo sa sakit at alaala ng nakaraan. Pero hindi pala ganoon kadali.Mula sa pagiging isang taong walang tiyak na direksyon, napunta ako sa pagiging kasambahay ng isang mayamang mag-asawa na taga-Dubai. Sa umpisa, akala ko swerte ako—maganda ang bahay, maluwag ang kwarto ko, at hindi ganoon kabigat ang trabaho. Pero sa paglipas ng mga araw, unti-unti kong naramdaman ang bigat ng buhay bilang isang domestic worker sa ibang bansa.Ang amo kong lalaki ay halos hindi nagsasalita, palaging abala sa trabaho. Ang babae naman, si Madam Layla, ay tila may laging hindi nagugustuhan sa akin. Kahit anong gawin ko, may mali pa rin sa kanyang paningin. Masyadong mahigpit sa mga gawain, at minsan, pakiramdam ko’y hindi lang kasambahay ang turin
Chapter 041Pagpasok ko sa kwarto, agad kong kinuha ang maliit kong maleta at siniguradong nasa loob ang lahat ng mahahalagang gamit ko—passport, ID, at kaunting ipon na naitatabi ko sa loob ng tatlong taon. Buti na lang at hindi ko kailanman iniwan ang passport ko sa kanila, kundi baka lalo akong hindi makaalis.Mabilis akong nag-impake, nanginginig pa ang kamay ko dahil sa kaba. Alam kong maaaring pigilan ako ni Madam Layla anumang oras.Habang isinusuot ko ang aking abaya upang hindi maging kapansin-pansin sa labas, biglang bumukas nang malakas ang pinto. "''Ila 'ayn Taetaqid 'anak Dhahiba?!" galit nitong sabi sa akin. (saan mo akala pupunta ka?!)Si Madam Layla. Nakatayo siya sa may pintuan, nakapamewang, at nagliliyab ang kanyang mga mata sa galit.Huminga ako nang malalim bago siya hinarap. "I told you, Madam. I am going home. My family needs me."Lalo siyang nagalit at mabilis na lumapit sa akin. "lan 'asmah lak bialmughadara! taihtaj 'iilaa 'idhni!" madiin nitong bigkas. (
Chapter 042Habang nasa opisina ako ng agency, unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakaupo lang ako, pero may narinig akong pabulong na usapan sa kabilang kwarto—ang manager at si Madam Layla."hsnan, sa'uetik almali. faqat ta'akad min 'anah la yastatie aliabtiead," dinig na dinig ko. (Sige, bibigyan kita ng pera. Siguraduhin mo lang na hindi siya makakaalis nang basta-basta.)Nanlamig ako. Binayaran nila ang manager para hindi ako makauwi! Akala ko, kakampi ko ang agency, pero hindi pala.Napagtaksilan ako.Dahan-dahan akong umatras, pilit pinipigilan ang kaba. Kailangan kong makaisip ng paraan bago pa nila ako balikan dito. Kailangan kong tumakas.Napahawak ako sa bag ko. Buti na lang, nasa akin ang passport ko.Nagkunwari akong kalmado at bumalik sa receptionist. “Ate, may bibilhin lang ako saglit. Babalik din ako.”Pinagmasdan niya ako pero hindi nagduda. “Sige, ingat ka.”Paglabas ko ng opisina, hindi na ako lumingon pa. Naglakad ako nang mabilis, palayo sa agency, palay
Chapter 043Matapos kong sabihin iyon, nakita ko ang pag-angat ng kilay ng Filipino officer, tanda ng pagkakaintindi niya sa sitwasyon.“Tama ang desisyon mo, Merlyn. Hindi pwedeng manatili ka pa sa isang lugar na ganito.”Habang nagsasalita siya, napansin ko ang mga pulis na dumating upang mag-imbestiga sa kaso. Tinulungan nila akong magbigay ng pahayag at nagsimula silang magtala ng mga detalye. Lahat ng sinabi ko tungkol sa nangyari sa akin kay Madam Layla at sa asawa nitong may masamang layunin, ipinaabot sa mga awtoridad.Pinakita ko sa kanila ang video na kuha ko kanina, pati na ang mga text messages mula kay Madam Layla na nag-uutos na hindi ako makaalis. Inalam ng mga pulis kung may iba pang detalye tungkol sa pang-aabuso na nangyari, at sinabi ko sa kanila ang lahat.Naramdaman ko ang bigat ng puso ko, ngunit sa mga sandaling iyon, may konting ginhawa. At least, hindi ako nag-iisa.Matapos ang ilang oras, nilapitan ako ng isang opisyal mula sa embahada.“Merlyn, makakapag-uwi
Chapter 045Napangisi siya. "Oh really?" bulong niya habang bahagyang inilapit ang mukha sa akin. "Then why do I have this?"Mula sa loob ng kanyang coat, may inilabas siyang isang dokumento. Hindi ko man ito makita nang buo, pero sapat na ang pamilyar na selyo sa papel para maunawaan ko.Marriage certificate.Halos hindi ako makahinga. Paano? Kailan?Ngumisi siya, kita sa mukha ang kumpiyansa. "You can never escape me, my wife, again!" mariin nitong sabi. At doon ko napagtanto—wala na akong ibang pagpipilian kundi lumaban.Nanginig ang aking mga kamay habang pinipilit kong maging matatag. Hindi ko na kayang maipit na naman sa mundo niya. Kaya nga tumakas ako, hindi ba?"But… may anak ka na!" Mariin kong sabi, pilit na kinakalma ang aking sarili. "Alam ko ang totoo, Cris. May dumating na babae sa mansyon sa Canada, dala ang bata… anak mo!"Nakita ko ang bahagyang pagliit ng kanyang mga mata, ngunit agad din iyong napalitan ng ngisi—isang ngiting punong-puno ng pangungutya."And so?"
Chapter 046 Nanlamig ang buong katawan ko habang unti-unting bumibigat ang banta sa paligid ko. Alam kong hindi basta pananakot lang ang ginagawa ni Cris—seryoso siya, at alam kong kaya niyang gawin ang kahit ano para lang hindi ako makatakas sa kanya. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan, hindi ngayon. Kailangang gumamit ako ng utak. Kailangang makahanap ako ng paraan para makatakas—para mailigtas si Alexa. Muling ngumiti si Cris, pero sa likod ng ngiting iyon ay ang lalaking kayang sirain ang buhay ko nang walang alinlangan. "You should be grateful, wife. I'm giving you a chance to be with me again. Hindi ba't yan naman ang dapat mong gawin bilang asawa ko?" bulong niya, at lalo lang akong napalunok. "Asawa?" Bahagya akong tumawa, puno ng pangungutya. "Wala kang asawa, Cris. Ang kasal natin ay wala nang bisa—at kahit kailan, hindi na ako babalik sa'yo." Napawi ang ngiti niya, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang bahagyang pamumula
Chapter 085 Merlin POV "Nanay, bakit ka po magsinungaling sa mamà nang pangalan mo?" inosenteng tanong ni Mila habang hawak-hawak ang bag na kinuha ko sa kanya kanina. Tinitigan ko ang kanyang mga mata—malinaw, walang bahid ng pagdududa, punong-puno ng tiwala. Napangiti ako, pilit kong tinatago ang bigat sa dibdib. "Kasi po, ayaw kong magbigay ng dahilan upang makakuha ng atensyon ng iba," malumanay kong paliwanag sabay haplos sa kanyang pisngi. "Minsan kasi, anak, mas mabuting tahimik lang tayo para walang gulo." "Pero ‘Nay, parang kilala ka po nung mamà… yung naka-kotse," aniyang napakunot ang noo. "Tinitigan ka niya habang kausap mo si Tita Belen." Napatingin ako sa malayo. Tumibok nang mabilis ang puso ko—parang naramdaman kong hinahabol na ako ng nakaraan. "Siguro nagkamali lang siya ng tingin," sagot ko sabay kunwaring tawa. Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi ‘yun basta pagkakamali. Ang tingin na ‘yon… ang pagkakatitig ng lalaking iyon… ay hindi ng isang estranghero.
Chapter 084Kinabukasan. Tulad ng sinabi ko kagabi, maaga kaming nagtungo ni Mang Rudy sa paaralan. Tahimik lang ako sa likod ng sasakyan habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Sa bawat metro ng kalsadang nilalakbay namin, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.Pagdating namin sa harap ng paaralan, agad akong napatayo sa kinauupuan nang makita ko ang mag-ina sa may gate.Napakapit ako sa pintuan ng sasakyan, hindi pa agad bumababa. Parang may humigpit sa dibdib ko.Siya 'yon. Ang bata. Kamukha ni Mila.Hindi ko maiwasang titigan siya. Parehong-pareho ng mata, ng ilong, ng ngiti… pero hindi ako puwedeng magpadala sa damdamin.At ang babaeng kasama niya—hindi si Merlin. Ibang babae. Mas bata, mas payat, at iba ang postura.“Puwede kayang... pamangkin lang ni Merlin? O anak ng kaibigan? O baka naman... anak niya talaga pero... paano kung hindi?”Napahawak ako sa dibdib ko. Huwag kang umasa, Cris... baka masaktan ka lang.Pero hindi ko rin mapigilang mapatingin muli. L
Chapter 083 Hindi na siya nagtanong pa. Agad siyang kumabig pakanan at huminto sa tabi. Bumaba ako ng sasakyan, lumapit sa matanda, at tahimik na tumingin sa mga nakalinyang kakanin. Kinuha ko ang ilang balot ng sapin-sapin, kutsinta, at puto. Ibinayad ko ang higit pa sa halaga, saka muling tumitig sa mga pagkain—parang nakikita ko si Merlin sa bawat kulay, sa bawat patong ng sapin-sapin. "Salamat po, sir!" masiglang sambit ng matanda. Ngumiti ako nang bahagya. "Salamat din po." Pagbalik ko sa sasakyan, tahimik kong pinatong sa kandungan ang mga binili. Sa isip ko, Merlin… kung buhay ka pa… baka ito ang paraan mo para ipaalala sa akin na hindi pa tapos ang kwento natin.Tahimik pa rin ang biyahe. Hawak-hawak ko ang plastic ng mga kakanin sa kandungan ko, habang nakatitig lang sa labas ng bintana. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang batang babae sa paaralan—ang mga mata niya… parang nakita ko na ‘yon dati. At ang babae na kasama niya—malumanay ang kilos, pamilyar ang paraan ng
Chapter 082 Cris POV "Magandang araw pagdating sa paaralan, Mr. Montereal!" bati sa akin ng isa sa mga guro habang bumababa ako ng sasakyan. Bahagya akong ngumiti at tumango bilang tugon, bitbit ang kumpiyansa ngunit may halong pag-iingat. Ito ang unang araw ng pakikilahok ko sa proyektong sinusuportahan ko para sa paaralan—isang programang nakalaan para sa mga batang may potensyal ngunit salat sa buhay. Tahimik akong naglakad papasok, sinusundan ng mata ang paligid. May ilang magulang pang palabas, kasabay ng ilang batang tumatakbo sa hallway. Ngunit sa isang gilid ng aking paningin, may isang batang babae akong nasilayan—at isang babaeng tila ina niya. Simple ang kanilang pananamit, ngunit may kakaibang liwanag sa mga mata ng bata. Napahinto ako sandali. Hindi dahil sa bata—kundi dahil sa babae. Parang may kakaiba sa presensya niya. Pamilyar? O baka dahil sa paraan ng kanyang pagyakap sa anak niya, na tila buong mundo niya ito. "Sir, dito po ang faculty room. Doon po tayo
Chapter 081KinabukasanMaaga akong nagising upang maihanda ang aming agahan at ang paboritong pagkain ni Mila—pritong itlog at sinangag na may konting tuyo. Habang nilalatag ko ang pagkain sa mesa, lumabas si Mila mula sa kwarto, hawak-hawak ang maliit niyang bag at nakasuot na ng malinis niyang uniporme."Good morning, Nay!" bati niya sabay halik sa pisngi ko."Good morning din, anak. Kumain ka na para may lakas ka mamaya," sabi ko habang inaabot sa kanya ang plato.Masaya kaming kumain. Habang kumakain, paulit-ulit siyang nagkukwento tungkol sa mga kaklase niya at kung gaano siya kasabik para sa homeroom meeting dahil ipapakilala daw nila ang mga magulang nila sa klase.Pagkatapos naming kumain, inayos ko ang gamit niya at hinatid siya sa paaralan."Anak, mag-behave ka ha. Mamaya, darating si Inay para sa meeting," paalala ko."Opo, Nay! Promise po!" sabi niya, sabay kindat at takbo papasok sa gate ng paaralan.Pagkatapos ko siyang ihatid, nagtuloy ako sa palengke para asikasuhin a
Chapter 080Paglipas ng mga buwan, sa kabila ng pagod at walang patid na pagtitinda, sa wakas dumating din ang araw na pinakahihintay namin—ang unang araw ng pasukan.Nasa Grade 1 na si Mila.Suot niya ang kanyang bagong uniporme na bahagyang maluwag pa, pero kita sa kanyang mukha ang tuwa at kaba. Inayos ko ang kanyang kwelyo habang nakaabang kami sa labas ng bahay, hinihintay ang traysikel na magsasakay sa amin."Inay, ang ganda po ng damit ko," sabik niyang sabi habang iniikot-ikot ang sarili."Bagay na bagay sa'yo, anak," sagot ko, hindi mapigilan ang ngiti. "Tandaan mo, ha? Magpakabait ka sa school, makinig sa teacher, at huwag kakalimutang mag-enjoy.""Opo, Inay!" tuwang-tuwa siyang humawak sa bago niyang bag na pinag-ipunan namin ng ilang buwan.Pagdating sa paaralan, napuno ako ng emosyon habang pinagmamasdan siyang nakapila kasama ng ibang bata. Napakaliit pa niya, pero puno ng tapang ang kanyang mga mata—parang sinasabi nilang kaya niya ito, para sa mga pangarap niya, para s
Chapter 079 Habang hinihila ko ang kariton paalis sa palengke, napansin ko ang unti-unting pagdilim ng kalangitan. “Mila, bilisan natin nang kaunti. Mukhang uulan.” Sa daan pauwi, bagama’t may kabigatan ang kariton, hindi ko maramdaman ang hirap. Siguro dahil ramdam kong masaya ang araw namin—maraming nabenta, may dagdag ipon, at higit sa lahat, nandoon ang anak kong si Mila na hindi kailanman nagrereklamo. “Inay, ang saya po kanina sa palengke,” sambit ni Mila habang palundag-lundag pa sa gilid ng daan. “Ang dami pong bumili, tapos si Aling Rosa gusto raw ng pre-order tuwing linggo!” “Oo nga anak, salamat sa tulong mo ha. Kung wala ka, di ko kakayanin ‘to araw-araw.” Ngumiti siya, sabay sabing, “Gusto ko po talaga makatulong, Inay. Para makapag-aral po ako sa private school, gaya ng sabi niyo.” Napahinto ako sandali. Hinaplos ko ang buhok niya. “Oo, anak. Sa susunod na pasukan, papasok ka na sa private school. Desidido na ako. Kaya natin ‘yan. Basta magsipag lang tayo, ipon ng
Chapter 078Merlyn POVMaaliwalas ang umaga. Maaga kaming nagising ni Mila para magtinda ng suman sa palengke, pero ngayong tapos na ang gawain, nakaupo na kami sa balkonahe ng maliit naming bahay, may tasa ng mainit na tsokolate sa kamay.Tahimik lang si Mila habang sinusuyop ang mainit na inumin. Napatingin ako sa kanya—parang may iniisip.“Anak Mila,” mahina kong tawag.Napalingon siya sa akin, ngumiti. “Opo, Nanay?”Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Sa susunod na pasukan, mag-aaral ka na sa private school.”Napakunot ang noo niya. “Ha? Bakit po, Nay? Eh, okay naman po ako sa public school. Mabait naman po si Teacher Agnes. At may mga kaibigan na rin po ako dun.”Hinaplos ko ang buhok niya. “Alam ko, anak. At hindi kita pipilitin kung ayaw mo talaga. Pero gusto ko lang sanang mabigyan ka ng mas maraming oportunidad. Mas maganda ang pasilidad doon, at may scholarship program na inalok sa'yo. Ibig sabihin, halos wala tayong babayaran.”Nanlaki ang mga mata niya. “May scholarship po ak
Chapter 077Kinagabihan, habang natutulog si Mila sa maliit naming papag na may kulambo, tahimik akong nakaupo sa tabi ng lamparang nakapatong sa lamesita. May hawak akong lumang diary—ang tanging alaala ng lumipas na buhay na pilit kong kinalimutan.Sa bawat pahina ay mga salitang isinulat ko noon—panahong hindi ko pa alam ang kahulugan ng katahimikan. Mga gabing umiiyak ako sa takot, sa sakit, at sa kawalang-kasiguraduhan kung makakabangon pa ba ako. Ngunit ngayon, habang binabasa ko ito, dama ko ang layo ko na sa dating ako. Parang ibang tao na ang nagsulat ng mga iyon.Kumatok ang alaala ni Cris. Hindi ko alam kung dahil ba sa diary o sa katahimikan ng gabi, pero bigla ko siyang naalala. Ang mga mata niyang mapangusap, ang tinig niyang minsang naging musika sa tenga ko—bago ito naging dahilan ng bawat luha.Napahawak ako sa dibdib ko. May kirot pa rin. Hindi na kasing tindi ng dati, pero andoon pa rin. Siguro dahil hindi ganun kadaling kalimutan ang taong minsang minahal mo ng buo