Share

165.

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-05-27 01:58:38

"Mag-isang nakatayo si Raquel sa kanilang silid, tanaw na tanaw niya ang lupain ng mga Boraque. Malawak na lupain, maaliwalas na buwan ang nagsisilbing liwanag sa napakagandang hardin at malawak na lupain.

Pero... paano ko pa lalasapin ang kagandahan, maaliwalas na kapaligiran kung wala na ang aking panganay na anak!" malamlam niyang sabi, nakatingin naman sa kanya ang bunso nilang anak ni Lejandro.

"Bakit nagkaganito?! Bakit kung sino pa ang kinamumuhian ko sa lahat ay siya pang bumalik sa buhay ko! Tadhana ba ang may pakana ng lahat o sadyang planado na niya ang lahat para sa kanyang sariling kagustuhan!" mahinahon, banayad ngunit punô ng galit at pagkainis kay Lejandro ang kanyang nararamdaman.

Isang katok mula sa pinto ang pumukaw sa madamdaming pag-iisip at pag-iisa ni Raquel sa kanilang malawak na silid – na tanging siya lang at si Baby Claveria ang naroon.

Dahan-dahang naglakad si Raquel patungo sa pinto. May bahid ng kaba sa kanyang paghakbang. Lingid sa kaalaman ni Lejan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   167.

    Marahang tumayo si Raquel, pilit inaalis ang nakayakap na si Lejandro sa kanyang katawan, nang hindi lumilikha ng kahit anong ingay na maaaring makagising sa kanya. At tagumpay siyang nakatakas sa mga bisig ni Lejandro—marahan, walang iniwang bakas ng paggising. Agad siyang nagtungo sa bintana ng kanilang silid. Mula roon, tanaw niya ang isang binatilyong nakasakay pa rin sa kanyang motorsiklo—tahimik, tila matagal nang naghihintay. Habang pinagmamasdan ni Raquel ang binatilyo, nakaramdam siya ng matinding pangamba—baka kilala niya ang binatilyong nasa harapan ng Boraque Mansion. Mabilis ang tibok ng kanyang dibdib. Parang may matagal nang nakakubling alaala na unti-unting gumigising sa kanyang isipan. "Ano itong nararamdaman ko? Hindi ko ito maipaliwanag, pero may kakaiba talaga akong nadarama. Parang may pwersang humihila sa akin pabalik sa aking nakaraan." Habang pinagmamasdan ni Raquel ang binatilyo, nakatingin din ito sa kanya—ang binatilyong kanina pa nasa labas ng m

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   166.

    "Kung alam ko lang na siya ang makakahanap ng kwentas na iyon..." Tumigil ako panandalian sa aking paglalakad. Hindi ko maiwasang ikuyom ang aking mga palad. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko—hindi dahil sa kaba, kundi sa takot. Takot na baka matuklasan niya ang lihim kong matagal ko nang itinatago sa buong mundo. Ang kwentas na iyon... hindi lang isang alahas o ordinaryong kwentas. Iyon ang huling alaala ng aking ina bago siya nawala. Habang iniisip ni Alexander kung ano ang unang hakbang na kanyang gagawin upang mabawi ang kwentas, tulala namang nakatingin sa kanya ang itinuring niyang ina—ang babaeng tumulong sa kanya noong panahong siya’y nasa bingit ng kamatayan. "Alexander, mukhang napakalalim ng iyong iniisip. Baka makatulong ako." Kaya kailangan kong makuha ang kwentas na iyon bago pa niya tuluyang mabuksan ito. "Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako," saad ng kanyang ina-inahan. Ngunit alam ni Alexander na kahit gaano siya magtiwala sa

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   165.

    "Mag-isang nakatayo si Raquel sa kanilang silid, tanaw na tanaw niya ang lupain ng mga Boraque. Malawak na lupain, maaliwalas na buwan ang nagsisilbing liwanag sa napakagandang hardin at malawak na lupain. Pero... paano ko pa lalasapin ang kagandahan, maaliwalas na kapaligiran kung wala na ang aking panganay na anak!" malamlam niyang sabi, nakatingin naman sa kanya ang bunso nilang anak ni Lejandro. "Bakit nagkaganito?! Bakit kung sino pa ang kinamumuhian ko sa lahat ay siya pang bumalik sa buhay ko! Tadhana ba ang may pakana ng lahat o sadyang planado na niya ang lahat para sa kanyang sariling kagustuhan!" mahinahon, banayad ngunit punô ng galit at pagkainis kay Lejandro ang kanyang nararamdaman. Isang katok mula sa pinto ang pumukaw sa madamdaming pag-iisip at pag-iisa ni Raquel sa kanilang malawak na silid – na tanging siya lang at si Baby Claveria ang naroon. Dahan-dahang naglakad si Raquel patungo sa pinto. May bahid ng kaba sa kanyang paghakbang. Lingid sa kaalaman ni Lejan

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   164.

    "Hindi magawang tumingin ng deretso ni Alexander sa lalaking kaharap niya. Pakiramdam niya, galit na galit siya sa lalaking kararating lang at nagkataon pang nasa bahay-mansyon siya ng mga Monteroso. Napakuyom ang kamao ng binatang si Alexander nang makita ang mukha ng lalaki. Hindi niya malaman ang dahilan kung nanggagaling ba ang galit o dahil sa bigat ng alaala ng kanyang ina sa lalaki. Kahit pilit niyang iwaksi ay hindi na iyun mababago ,tumatak na sa isip niya na ''SIYA ANG HULING KASAMA NG KANYANG INA , bago siya nawala ng biglaan. Tumindig ang balahibo ni Alexander nang marinig niya ang malalim na tinig ng lalaki. Ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa lalaki; bagkus ay mas tinaasan pa niya ang kanyang tindig upang hindi halata ang inis niya sa lalaki. Sa huli, nagsalita rin si Alexander. "Magkakilala ba tayo? ,tanong niya . Pasensiya na kung narito ako sa pamamahay n’yo?" alinlangan niyang sabi. "Wag kang mag-alala, hijo, hindi ko pag-aari ang bahay-mansyon na 'yan." Bigla

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   163.

    "Talaga bang anak ko ang nakahimlay rito?" ang boses ay garalgal,pinipilit itago ang nanginginig na damdamin, ang mga mata niya'y nanlilisik na sa luha, malungkot na may halong emosyon na tanong ni Raquel kay Madam Borra. Tahimik si Madam Borra. Ngunit sa kanyang mukha, Pansin ang bangungut na ilang ulit na niyang inililihim.Nasa anyo ni Madam Borra ang sakit at pighati na nadarama niya ngayon, dahil sa biglaang pangyayari. ''Dyos ko' bulong niya, kung alam mo lang ang pinagdaanan ko.... Sa tinagal-tagal na panahong naghanap si Madam Borra kay Lucifer, napag-alaman na lamang niya na namatay si Lucifer sa isang malagim na hit-and-run. At hanggang ngayon, hinahanap pa rin ng mga tauhan ni Madam Borra ang gumawa noon kay Lucifer. "At napag-alaman niya ang balitang iyon sa mag-asawang nakakita kay Lucifer sa gitna ng highway. Tila ba tadhana ang nagudyok sa kanilang pagkikita. At sa pag-aakala ng mag-asawa na isang masamang tao si Madam Borra—dahil sunod-sunod ang mga hindi

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   162.

    "Kailangan niyang mawala sa mundong ito! Hindi ako papayag na mawala ulit sa akin si Furtiza, sa buhay namin ng anak ko!" saad ni Erick habang mabilis niyang pinapaharurot ang sasakyan, palayo sa Mountain Road. "Hoy! Ano ba! Magdahan-dahan ka naman! Baka nakakalimutan mong kasama mo kami rito sa biyahe!" galit na sigaw ni Furtiza (Elijah face). Ngunit hindi iyon narinig ni Erick. Bagkus, lalo pa niyang pinabilis ang pagpapatakbo, lalo na nang marating nila ang tapat ng kinatatayuan ni Lejandro. Kaya't mas tumaas pa ang boses ni Furtiza sa mga sandaling iyon. "Ano baaaaaaaa!" Pagkasabi ni Furtiza ay hindi niya napigilan ang sarili kaya agad siyang napatingin sa kanilang nadaanan. Habang si Lejandro ay nagulat sa pangyayaring iyon. "Kaskaserong nilalang! Hindi ba niya alam na may ta—" Hindi naituloy ni Lejandro ang kanyang sasabihin nang may mapansin siyang kwintas na natatapunan na ng lupa. Tanging ang pendant na lamang ng kwintas ang lumilitaw sa ibabaw. Agad hinukay ni Lejand

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status