"Talaga bang wala na siyang pakialam sa akin! Ako ang asawa niya at hindi ang Furtiza na iyon!" "Bakit gano'n na lang siya kung umasta? Nakalimutan na ba niya lahat ng pinagsamahan namin, lalong-lalo na ang gabing namagitan sa aming dalawa!" Huhuhuhuhuhu "Pakawalan niyo ako rito! Maawa kayo sa akin... Wala na ba talagang nakakakilala sa akin? Isa na lang ba talaga akong katulong sa Hacienda Ferman!" ang umiiyak na sigaw nito habang kinakalampag ang bakal na pinto sa kanyang kinaroroonan. "Ate Elijah, 'wag ka nang sumigaw diyan, nagpapagod ka lang. Walang makakarinig sa’yo rito. Ito ang pagkain mo, Ate," ang sabay abot ni Emely ng isang tray na pagkain sa mismong maliit na pintuan na hindi kakasya ang tao. "Ayokong kumain, gusto kong makalabas dito, gusto kong makausap ang asawa ko. Nakikiusap ako sa’yo, Emely, tulungan mo akong makalabas dito, pakiusap," ang nagmamakaawang saad ni Elijah. "Ate... Sorry ah. Ayoko kasing makialam, baka pati ako pagbuntungan ng mga Ferman. Wala akong
Terakhir Diperbarui : 2024-07-23 Baca selengkapnya