หน้าหลัก / Romance / THE BILLIONAIRE'S UNEXPECTED BRIDE / CHAPTER 5: Behind the Billionaire's Mask

แชร์

CHAPTER 5: Behind the Billionaire's Mask

ผู้เขียน: Naisa Hart
last update วันที่เผยแพร่: 2026-07-28 19:44:17

Tahimik ang buong kwarto.

Nanatiling nakatitig si Amara sa mukha ni Adrian matapos nitong sabihin ang balitang matagal na niyang kinatatakutan.

"My grandfather... collapsed."

Sa unang pagkakataon mula nang makilala niya ang billionaire, nakita niyang nawalan ito ng composure. Hindi na malamig ang ekspresyon nito. Hindi na rin ito mukhang CEO na kayang kontrolin ang lahat ng sitwasyon.

Isa na lamang itong apo na nag-aalala sa taong pinakamahalaga sa buhay niya.

Hindi na nagdalawang-isip si Adrian. Agad niyang dinampot ang susi ng sasakyan at mabilis na lumabas ng kwarto.

"Sir Adrian!" sigaw ni Liam habang nagmamadaling sumunod. "The ambulance already took Mr. Monteverde to Monteverde Medical Center."

Hindi na ito sumagot.

Mabilis nitong binuksan ang p***o ng sports car.

Napansin ni Amara ang bahagyang panginginig ng kamay nito habang ini-start ang makina.

"Wait."

Napalingon si Adrian.

"I'll come with you."

"You don't have to."

"I know."

Huminga siya nang malalim.

"But I want to."

Saglit siyang tinitigan ni Adrian bago tahimik na tumango.

"Get in."

Halos walang nagsalita sa buong biyahe.

Tanging tunog ng ulan at makina ng sasakyan ang maririnig.

Paminsan-minsan ay palihim na sinusulyapan ni Amara ang lalaki.

Hindi niya maintindihan kung bakit parang nasasaktan din siya habang nakikita itong nag-aalala.

Hindi naman sila tunay na magkasintahan.

Hindi pa nga sila kasal.

Isa lang itong kontrata.

Pero bakit parang gusto niyang pagaanin ang bigat na pasan nito?

"Sir..."

Mahina niyang tawag.

Hindi ito lumingon.

"Your grandfather will be okay."

Mahigpit ang hawak ni Adrian sa manibela.

"I've already lost my parents."

Napatigil si Amara.

"If I lose him too..."

Hindi nito tinapos ang sasabihin.

Pero sapat na iyon para maintindihan niya.

Mula pala sa simula...

Hindi lang negosyo ang ipinaglalaban ni Adrian.

Pamilya rin.

At iyon ang bagay na pareho nilang pinoprotektahan.

Pagdating nila sa Monteverde Medical Center, agad silang sinalubong ng personal physician ng pamilya.

"Mr. Monteverde."

"How is he?"

"The attack was caused by exhaustion and extreme stress."

Napapikit si Adrian.

"Is he conscious?"

"He's awake, but he's asking for you."

Mabilis na naglakad si Adrian papunta sa ICU.

Susunod sana si Amara ngunit pinigilan siya ng nurse.

"I'm sorry, Ma'am. Family members only."

Ngumiti na lang siya kahit may kung anong kirot siyang naramdaman.

Tama nga naman.

Hindi siya pamilya.

Isa lang siyang estrangherang magiging asawa sa papel.

Umupo siya sa waiting area at tahimik na pinagmasdan ang mga taong nagmamadaling dumaan.

Makalipas ang ilang minuto...

May isang pares ng mataas na takong ang huminto sa harap niya.

"You must be Amara."

Napatingala siya.

Isang eleganteng babae ang nakatayo sa harapan niya.

Suot nito ang puting designer dress at mamahaling diamond earrings.

"I'm Celestine Monteverde."

Ngumiti ito.

Pero hindi umabot sa mga mata ang ngiti.

"I'm Adrian's cousin."

Tumayo si Amara bilang paggalang.

"Good evening po."

"Drop the act."

Nagulat siya.

"Excuse me?"

"You look innocent."

Lumapit pa si Celestine.

"But I know girls like you."

Napakunot-noo si Amara.

"I don't understand."

"Of course you don't."

Mahina itong tumawa.

"Tell me..."

Magkrus ang mga braso nito.

"How much did Adrian pay you?"

Parang sinampal si Amara.

"Wala po akong—"

"Oh, please."

Umikot ang tingin ni Celestine sa simpleng damit ni Amara.

"A waitress marrying a billionaire?"

Napailing ito.

"That only happens in fairy tales."

Mahigpit na napahawak si Amara sa kanyang bag.

"Hindi ko kailangan ipaliwanag ang sarili ko."

"Really?"

Mas lalo pang lumapit si Celestine.

"Then let me give you one piece of advice."

Tumigil ito sandali.

"The Monteverde family doesn't accept gold diggers."

Napayuko si Amara.

Masakit marinig ang mga salitang iyon.

Pero bago pa siya makasagot...

"That's enough."

Pareho silang napalingon.

Nakatayo sa likod nila si Adrian.

Matalim ang tingin nito kay Celestine.

"I told you to stay away from her."

Ngumisi si Celestine.

"So you're protecting her now?"

"I said... enough."

Tahimik na napabuntong-hininga si Celestine bago tumalikod.

"This isn't over."

Pagkaalis nito ay muling bumalik ang katahimikan.

Hindi agad nagsalita si Adrian.

Napansin niyang namumula ang mga mata ni Amara.

"Did she say something?"

Umiling siya.

"It's okay."

"It's not."

Mabagal na lumapit si Adrian.

"If anyone disrespects you because of this contract..."

Mahina ngunit seryoso ang boses nito.

"They're disrespecting me too."

Napatingin si Amara sa kanya.

Hindi niya alam kung bahagi lang ba iyon ng kasunduan.

O may ibang dahilan.

"Thank you."

Iyon lang ang naisagot niya.

Makalipas ang ilang sandali, lumabas ang doktor mula sa ICU.

"Mr. Monteverde."

Tumayo agad si Adrian.

"Your grandfather is asking for both of you."

"Both?"

"Yes."

Nagkatinginan sila ni Amara.

Dahan-dahan silang pumasok sa silid.

Mahina ang ilaw.

Nakahiga ang matanda habang nakakabit ang iba't ibang medical equipment sa katawan nito.

Ngunit nang makita sila, agad itong ngumiti.

"There you are..."

Lumapit si Adrian.

"Lolo."

Ngumiti ang matanda bago tumingin kay Amara.

"So... this is the woman who finally melted your stubborn heart."

Parehong natigilan sina Adrian at Amara.

Hindi alam ni Amara kung ano ang sasabihin.

Ngunit bago pa siya makapagsalita...

Hinawakan ng matanda ang kamay niya at marahang inilapit ito sa kamay ni Adrian.

"Promise me..."

Mahina ang boses nito.

"...that no matter what happens..."

Pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay.

"...you will protect each other."

Tahimik ang buong silid.

Nararamdaman ni Amara ang init ng kamay ni Adrian.

At sa unang pagkakataon...

Hindi ito bumitaw.

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

Bago pa man may makapagsalita...

Biglang bumukas ang p***o ng ICU.

"Mr. Monteverde!"

Humahangos ang isa sa mga security personnel.

"Sir... may emergency po."

Napakunot-noo si Adrian.

"What happened?"

Huminga nang malalim ang guwardiya bago sumagot.

"Someone leaked your marriage contract to the media."

At sa labas ng ospital...

Dose-dosenang reporters na ang naghihintay.

Handang ilantad sa buong bansa ang lihim na kasal ng billionaire.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • THE BILLIONAIRE'S UNEXPECTED BRIDE   CHAPTER 15: The Suspect

    Natahimik ang buong silid.Paulit-ulit na tinitigan ni Adrian ang litrato na nasa kamay ni Liam.Si Celestine.Ang kanyang pinsan.Ang babaeng ilang beses nang nagpakita ng galit kay Amara."You're saying Celestine ordered the shooting?" malamig niyang tanong.Tumango si Liam."That's what the evidence suggests, Sir."Agad namang umiling si Amara."Pero bakit niya gagawin iyon?"Napatingin si Adrian sa kanya."Because she wants something.""Something?""Money. Power. The company."Mabilis na binuksan ni Liam ang folder."Sir, we traced several suspicious transactions from one of Celestine's accounts."May inilabas siyang mga dokumento."Three weeks ago, she transferred a large amount of money to an offshore account."Adrian's expression darkened."How much?""Enough to finance a private operation."Tahimik na napatingin si Amara sa mga dokumento."But that doesn't prove she kidnapped my mother.""You're right."Sagot ni Liam."But there's more."Inilapag niya ang isa pang litrato.Isa

  • THE BILLIONAIRE'S UNEXPECTED BRIDE   CHAPTER 14: The Man Behind the Mask

    "Adrian!"Nanginginig ang boses ni Amara habang mahigpit niyang hawak ang balikat ng binata."Please, wake up!"Bahagyang dumilat si Adrian, ngunit agad ding napapikit. Maputla ang mukha nito habang patuloy na dumadaloy ang dugo mula sa kaliwang balikat."Ma'am!" sigaw ni Liam. "We need to get him to the hospital!"Mabilis na lumapit ang dalawang security personnel at tinulungan si Adrian na makatayo."Careful!"Hawak ni Amara ang isang braso nito habang si Liam naman ang sumuporta sa kabilang panig."Adrian, please stay awake.""I’m fine..."Mahina ang sagot nito."You're bleeding!""Still alive."Kahit nasasaktan, nagawa pa rin nitong ngumiti.Hindi napigilan ni Amara ang pagluha."You're impossible."Mabilis nilang isinakay si Adrian sa sasakyan.Kasama si Amara sa likod habang mahigpit niyang hawak ang kamay nito."Drive faster!" utos ni Liam."Yes, sir!"Habang tumatakbo ang sasakyan, tahimik na nakatingin si Amara sa sugat ni Adrian."Why did you do that?"Hindi sumagot si Adria

  • THE BILLIONAIRE'S UNEXPECTED BRIDE   CHAPTER 13: The Trap

    Madilim ang kalangitan nang umalis si Adrian sa Monteverde Mansion.Tahimik ang paligid.Tanging ang mahinang tunog ng makina ng kanyang itim na sedan ang maririnig habang binabaybay niya ang lumang highway papunta sa address na ipinadala ng misteryosong caller.Hindi niya sinabi kay Amara ang buong plano.Ayaw niyang madamay pa ito.Ngunit hindi niya alam...May isa pang sasakyang palihim na sumusunod sa kanya."Ma'am, hindi po pwede!"Pilit na pinipigilan ni Maria si Amara."Please, Ma'am. Sinabi ni Sir Adrian na manatili kayo rito."Huminga nang malalim si Amara."I know...""But I can't just wait."Kanina pa siya hindi mapakali.May kung anong nagsasabi sa kanya na may masamang mangyayari.Hindi niya kayang pabayaan si Adrian na mag-isa."Liam."Napalingon si Liam."I know you're worried too."Tumango ito."Yes, Ma'am.""Then help me."Nag-alangan ito."Sir Adrian ordered me to protect you.""And I'm asking you to help me protect him."Tahimik na napayuko si Liam.Pagkatapos ng il

  • THE BILLIONAIRE'S UNEXPECTED BRIDE   CHAPTER 12: Trust Me

    Tahimik ang buong opisina. Hindi pa rin bumibitaw si Amara sa pagkakayakap kay Adrian. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya matapos marinig ang boses ng kanyang ina sa telepono. Buhay ito. Pero malinaw na nasa panganib pa rin. Marahang hinawakan ni Adrian ang magkabilang balikat niya. "Look at me." Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Amara. Namumugto ang mga mata niya sa kakaiyak. "I heard Olivia's voice..." Mahina niyang sabi. "I'm sure it was her." Tahimik na tumango si Adrian. "I believe you." Natigilan si Amara. "You... believe me?" Hindi nag-alinlangan si Adrian. "Yes." Napatitig si Amara sa kanya. Noong una, halos hindi siya paniwalaan ng lalaki tungkol sa mga litrato. Pero ngayon... Isang salita lang niya... At agad siyang pinaniwalaan nito. Unti-unting may kung anong mainit na bumalot sa puso niya. Pagbalik nila sa Monteverde Mansion, agad na nagpatawag si Adrian ng emergency meeting. Nasa conference room sina Liam, Attorney Gomez, at ang head of secu

  • THE BILLIONAIRE'S UNEXPECTED BRIDE   CHAPTER 11: Between Love and Duty

    Tahimik ang buong conference room.Lahat ng mata ay nakatutok kay Olivia.Samantalang si Adrian ay mahigpit na hawak ang litrato ng ina ni Amara.Malamig ang kanyang titig."Tell me where she is."Ngumiti lamang si Olivia."I already told you.""Leave Amara.""And I'll tell you everything."Napatayo si Amara."Olivia!"Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay."Kung alam mo kung nasaan ang mama ko, please... sabihin mo."Saglit na tumingin si Olivia sa kanya.May bahid ng awa ang kanyang mga mata.Ngunit agad din itong nawala."I wish I could.""But I made a promise.""A promise to whom?" malamig na tanong ni Adrian.Hindi ito sumagot.Sa halip ay tumingin ito kay Adrian."Choose.""Your family...""Or her."Tahimik ang buong silid.Biglang ngumiti si Adrian.Isang ngiting walang saya."You really think I'd believe you?"Naningkit ang mga mata ni Olivia."I'm your only lead.""Maybe."Lumapit si Adrian hanggang halos isang dipa na lang ang pagitan nila."But if you're involved i

  • THE BILLIONAIRE'S UNEXPECTED BRIDE   CHAPTER 10: The Ultimatum

    Mahigpit ang pagkakahawak ni Adrian sa manibela habang mabilis niyang pinatatakbo ang sasakyan pabalik sa Monteverde Mansion.Tahimik ang loob ng kotse.Tanging ang mahihinang hikbi ni Amara ang maririnig.Hindi pa rin siya makapaniwalang may dumukot sa kanyang ina.At mas lalong hindi niya matanggap na nadamay ito dahil sa kasunduang pinasok nila."Kasalanan ko ito..."Mahina niyang bulong habang nakatingin sa labas ng bintana.Agad namang lumingon si Adrian."No."Matigas ang boses nito."Hindi mo kasalanan.""Pero kung hindi ako pumayag sa kontrata—""I said no."Napahinto siya sa pagsasalita.Sa unang pagkakataon, narinig niya ang galit sa boses ni Adrian.Hindi galit sa kanya.Kundi sa sarili nito."My enemies are targeting the people close to me."Huminga ito nang malalim."And I failed to protect your mother."Napatingin si Amara rito.Ngayon lang niya nakita ang guilt sa mga mata ng lalaki.Hindi ito perpekto.Nasasaktan din pala ito.---Pagdating nila sa Monteverde Mansion,

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status