로그인ERIN'S POV “Where are we?” Takang tanong ko kay Killian habang nakatingin sa labas ng bintana. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan, agad kong napansin ang malaking construction site sa harapan namin. Naka-display sa malaking signage ang pangalan ng proyekto. RIVERSIDE MIXED-USE DEVELOPMENT Napanganga ako. “Why am I here?” takang tanong ko. “This is your workplace.” Hindi siya agad sumagot. Kinuha lang niya ang kamay ko. “Don't worry. This will be a quick visit.” Napatingin ako sa kanya. “I'll drop you home after. I don't want you going home by yourself with those big bags of groceries.” Muling kumabog ang dibdib ko. Ibang klase rin talagang magpakilig ang isang Killian Saavedra. Simple lang ang sinabi niya, walang romantic tone, walang dramatic na expression pero tagos hanggang buto. He was worried about me. “Okay,” mahina kong sagot. Bago pa ako makapagsalita ulit, pinisil niya ang kamay ko. “Come on.” Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin.
ERIN'S POVNang umagang iyon, tahimik kong inaayusan ng buhok si Hershey habang si Killian naman ay matiyagang nakaupo sa sofa at hinihintay kaming matapos.Papasok sa school si Hershey, habang sasabay naman ako sa kanila para dumaan sa supermarket. Naubusan na kasi ako ng stocks sa refrigerator, kaya kailangan ko nang mag-grocery.“Stay still, Hershey,” paalala ko habang maingat na sinusuklay ang mahaba niyang buhok.“Yes, Mommy.”Hindi ko napigilang mapangiti bago napalingon kay Killian.He was looking at me intently.Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Pinigilan ko ang sarili kong magpakita ng kahit anong pagkailang, kahit sa loob ko ay nagkakagulo na ang buong sistema ko.Bakit ba kasi ganoon siya tumingin?I quickly looked away and continued fixing Hershey’s hair. Hinati ko sa gitna ang buhok niya bago ko ito inayos sa dalawang maliliit na braid. Pinagsama ko ang mga dulo nito sa likod at inayos para magmukhang isang simpleng princess-style braided hairstyle. Matapos kong ayusin ang ba
ERIN'S POVTahimik ang biyahe namin pauwi pagkatapos ng dinner date namin ni Killian. Nasa passenger seat ako habang nagmamaneho naman siya. Mahina lang ang tugtog mula sa car stereo, habang lumalagpas sa mga mata ko ang mga ilaw ng lungsod. Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari kanina. We just talked, laughed, and simply enjoyed each other’s company.Pero hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala si Hershey at ang request niya. 'Miss Erin, can I call you Mom?'Simple lang sanang tanong pero para sa akin, hindi iyon simpleng tawag. It meant responsibility. It meant staying. It meant becoming someone she could depend on.Napatingin ako kay Killian. Tahimik siyang nagmamaneho, pero tila ramdam niyang may malalim akong iniisip.“You're quiet,” Sabi niya.Napabuntong hininga ako. “I’m thinking.”"What are you thinking?" curious na tanong niya. “About Hershey." sagot ko naman.He didn't say anything more. Tila ba naghihintay siyang ako mismo ang
LIAM'S POV Nakahinto ang sasakyan ko sa kabilang bahagi ng driveway nang makita ko siya. Si Erin. Hindi ko naman siya agad nakilala mula sa malayo. Ang unang napansin ko ay ang isang babae na masayang naglalakad palabas ng mamahaling restaurant, magkahawak-kamay sila ng lalaking kasama niya. Then she smiled. At doon ko siya nakilala. My hands tightened around the steering wheel. Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumigat ang hangin sa loob ng sasakyan. Nakatitig lang ako sa kanila. Sa paraan ng paghawak ng lalaki sa kamay niya. Hindi iyon basta simpleng paghawak. Their fingers were intertwined, natural and intimate. Parang wala silang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. My jaw tightened. Erin looked happy. At dapat siguro ay masaya rin ako dahil masaya siya. Pero hindi. Dahil hindi ako ang dahilan ng mga ngiti niya. Dahan-dahang napunta ang tingin ko sa lalaking kasama niya. Matangkad. Imposing. Kahit mula sa malayo ay hindi mahirap mapansin ang
ERIN'S POV For a few seconds, wala akong ibang narinig kundi ang mahinang tugtog ng piano sa paligid namin. Nakatitig lang ako kay Killian at siya rin naman sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang biglang naging mas intimate ang simpleng dinner na ito. Maybe because this was different. Tonight, Killian had deliberately asked me out. An official date. “Why are you looking at me like that?” Napakurap ako. Si Killian ang unang umiwas ng tingin. “Like what?” “Like you're thinking too much.” Napangiti ako. “You know me too well already.” “I don't think I do.” Bahagya akong natahimik. Tiningnan ko siya habang inaayos niya ang napkin sa tabi ng plato niya. “Then what do you want to know?” Napatigil siya. His eyes met mine again. “Everything.” Hindi ko agad nasagot ang sinabi niya. For some reason, iba ang dating ng simpleng salitang iyon. Everything. “That's a dangerous answer,” biro ko para mabawasan ang biglang kaba sa dibdib ko. “Why?” “Bec
ERIN'S POVHindi ko napigilang ngumiti habang magkahawak kami ng kamay ni Killian sa loob ng elevator. Tahimik lang kami pero hindi iyon iyong klase ng katahimikan na awkward.It was different, tila napakabilis na naging kumportable kami sa isa't isa at nakakapanibago. Ilang linggo lang ang nakalipas, hindi ko nga maisip na darating ang araw na kusang hahawakan ni Killian ang kamay ko.Ngayon? Parang natural na lang. Parang may sarili nang lugar ang kamay ko sa kamay niya. Napatingin ako sa magkahawak naming daliri.Napansin niya iyon.“What?”Napatingin ako sa kanya.“Nothing.”“You're smiling.”“Am I?”“Yes.”Mas lalo akong napangiti.“Maybe I'm just happy.”Bahagya siyang tumingin sa akin.“Because of the date?”Napataas ang isang kilay ko.“So, inaamin mo na date nga ito?”Nagbukas ang elevator at nauna siyang lumabas.“Come on.”Napatawa ako.“Killian!”Hindi niya ako sinagot pero hindi rin niya binitiwan ang kamay ko.Nang makarating kami sa parking area, agad niya akong dinala







