LOGINHe was the last man she expected to meet. She was the last person he wanted to let in. Sa unang gabi ng pagbabalik ni Erin sa Pilipinas, isang impulsive decision ang nagdala sa kanya sa isang exclusive bar kung saan nakilala niya ang isang malamig, mailap, at misteryosong billionaire na may lungkot na hindi maitago sa kanyang mga mata. Akala niya, isa lang itong gabing hindi na mauulit. Pero ibang plano ang mayroon ang tadhana. Kinabukasan, nagulat siyang ang estrangherong nakilala niya sa bar ay siya pala niyang next-door neighbor. Si Killian Saavedra, isang billionaire CEO, isang devoted single dad, at isang lalaking matagal nang isinara ang puso sa pag-ibig. Sa tulong ng makulit at adorable nitong anim na taong gulang na anak na si Hershey, unti-unting nagiging bahagi si Erin ng maliit nilang mundo. Ngunit habang mas lalo silang nagiging malapit. Mas lalo ring lumalalim ang pakiramdam na tila noon pa man ay konektado na ang kanilang mga puso. Because some strangers aren't meant to stay strangers... Some are simply finding their way back home.
View MoreERIN'S POV
"Welcome back to the Philippines, Miss Erin." Napangiti ako habang pinagmamasdan ang city lights mula sa bintana ng sasakyan. Anim na taon din akong nawala sa bansang ito. Marami ang nagbago. Mas matataas na gusali. Mas maliwanag na mga kalsada. Mas mabilis ang takbo ng buhay pero sa kabila ng lahat, pakiramdam ko ay may kakaibang pamilyar pa rin sa lugar na ito. Parang may bahagi ng puso kong matagal nang naghihintay na makabalik. "Diretso na po ba tayo sa penthouse, Miss?" tanong ng driver. Napatingin ako sa relo. Alas-diyes pa lang ng gabi. Napangiti ako. "Hindi muna." sagot ko. Napatingin siya sa rearview mirror. "Saan po tayo?" Napalabi ako bago sumandal sa upuan. "I want to celebrate." "Celebrate, Miss?" "I've been living under my parents rules for years." Natatawa kong sabi. "Tonight, I just want to enjoy my first night back." Bahagyang nag-alangan ang driver. "Pero baka mag-alala po sina Señor at Señora." "I'll call them later." Napabuntong-hininga siya. "Saan po tayo?" Ngumiti ako. "Hmm, just drop me off to one of the best bars on that street," sabi ko habang itinuturo ang hilera ng mga mamahaling bars at restaurants sa kabilang side ng kalsada. Tumango ang driver bago marahang itinabi ang sasakyan sa tapat ng Elite Club. Mula pa lang sa labas ay halatang isa itong sikat at exclusive na bar. Sunod-sunod ang mga luxury cars na nakaparada sa harap ng gusali, habang may mga valet na abala sa pagtanggap ng mga bagong dating na bisita. Mukhang ang mga miyembro lang ng elite society ang madalas na nagpupunta rito. "Wait for me here. I'm going inside and I'll be back in a few hours," sabi ko habang inaayos ang maliit kong shoulder bag. "Okay, Señorita," magalang na tugon ng driver. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong tinungo ang entrada ng Elite Club. Pagpasok ko pa lamang sa loob ay sinalubong na ako ng banayad na jazz music at ng dim golden lights na nagbibigay ng elegante at intimate na ambiance sa buong lugar. Napangiti ako. Exactly my kind of place. Hindi ito katulad ng mga maiingay na clubs sa America na puro malalakas na tugtugan at nagsisiksikang tao. Mas classy, mas tahimik at mas sophisticated. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bar counter at umupo sa isang bakanteng stool, saka tahimik na pinagmasdan ang mga taong naroon. "What would you like to drink, Ma'am?" magalang na tanong ng bartender. "Hmm..." Napaisip ako. "Surprise me." Napangiti ang bartender. "I like adventurous customers." Natawa ako ng bahagya. "Life is too short to always play safe." Makalipas ang ilang minuto ay inilapag niya ang isang crystal glass sa harapan ko. "Thanks." nakangiting saad ko sa bartender. I was about to take my first sip when someone caught my attention. A man sitting a few stools away from me. Mag-isa lang siyang umiinom. Tahimik. Hindi siya nakikipag-usap sa kahit na sino, ni hindi rin siya katulad ng ibang lalaking naroon na abala sa pakikipagkilala sa mga babae. Habang ang buong club ay puno ng tawanan at masayang usapan, tila wala siyang pakialam sa lahat ng iyon. He simply sat there... Holding a glass of whiskey. His black suit fitted him perfectly. His broad shoulders and sharp jawline made him stand out effortlessly. Pero hindi ang kaguwapuhan niya ang unang napansin ko kundi ang lungkot sa mga mata niya. Parang... May mabigat siyang pasan. Napailing ako. "Stop staring, Erin." Pero hindi ko mapigilan. There was something about him. Something... Lonely. Parang gusto ko siyang i-comfort at samahan sa pag iisa niya. Nawala ang atensyon ko sa lalaki ng may biglang maupo sa bakanteng stool sa tabi ko. "A beautiful woman shouldn't drink alone." Napalingon ako. Isang lalaking nasa early thirties ang nakangisi sa akin. Mukhang nakainom na ito. Ngumiti ako nang magalang. "I'm fine." "Come on." sabi niya saka lumapit pa sa akin. "One drink with me." "I said I'm fine." seryoso ko ng sabi. Hindi na nawala ang ngisi nito. "Don't be shy." Bago pa ako makatanggi ay hinawakan niya ang pulsuhan ko. Napakunot-noo ako. "Let go." inis na sabi ko. "Just one dance." "No, ayoko." patuloy na tanggi ko. "Sige na, huwag ka nang pakipot." Mas humigpit ang hawak niya sa akin. "I said let me go! You--" Naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang isang malalim at malamig na boses. "She said let her go." Sabay kaming napalingon. Ang lalaking kanina ko pa pinagmamasdan ay nakatayo na ngayon sa likuran ng estranghero. His expression remained calm, pero ang malamig niyang titig ay sapat para manigas ang kahit sino. Unti-unting binitawan ng lalaki ang kamay ko. "K-Killian..." Biglang nag-iba ang mukha nito. "S-Sorry." Hindi na ito nagsalita pa at nagmamadaling umalis. Napakurap ako. Mukhang kilalang-kilala niya ang lalaking iyon. Tahimik akong tumingin sa kamay kong bahagyang namula. "Thank you," taos-pusong sabi ko. Ni hindi niya man lang ako nilingon. "Don't thank me," malamig niyang tugon. "He was just blocking my way." Sandali akong napatulala. Seriously? Iyon lang? Akala ko pa naman ay nagmalasakit siya sa akin. Tahimik ko na lamang siyang pinagmasdan habang naglakad siya patungo sa harap ng bar counter. Inilapag niya ang walang lamang baso bago walang emosyon na tumingin sa bartender. "Another glass of whiskey." Agad namang tumango ang bartender at nagsimulang ihanda ang inumin niya. Bumalik ito sa dating pwesto at mag isa na ulit na uminom. Kinuha ko ang baso ko at lumipat sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Can I sit here?" Hindi siya sumagot. Tinuring ko na lang iyong oo. Tahimik kaming parehong uminom. Ako ang unang bumasag sa katahimikan. "You don't seem like someone who enjoys bars." Saglit siyang tumingin sa akin. Then, he looked back at his whiskey. "I don't." "Then why are you here?" curious na tanong ko. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Akala ko hindi na siya sasagot. Hanggang sa mahina kong narinig ang boses niya. "I'm remembering someone." Napatingin ako sa kanya. The sadness in his eyes became even more evident. "Someone important?" tanong ko. His fingers tightened around the glass. "Someone special." Parang may kung anong kumurot sa puso ko. Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Hindi ko rin alam kung bakit nalungkot ako ng makita ko ang kalungkutan na bumalatay sa guwapong mukha niya. "I'm... sorry." Tahimik siyang tumango. Wala na akong sinabi pa. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko. Hindi niya kailangan ng awa. Kailangan lang niya ng katahimikan. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ako. "I guess I'll let you have your peace." Hindi siya sumagot. Ngumiti ako nang bahagya. "I hope... someday, whatever you're carrying becomes a little lighter." Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko ng muli siyang tumingin sa akin, sa pagkakataong iyon diretso sa mga mata ko. Saglit lang iyon saka niya ibinalik ang tingin sa basong hawak. Tumayo na ako at bumalik sa puwesto ko. Hindi ako makapaniwala na may isang taong may kakayahang paguluhin ang buong sistema ko.ERIN'S POV Matapos ang halos isang oras na site inspection, sa wakas ay nakahinga rin ako nang maluwag. Naayos na ng engineering team ang temporary support issue, at nagsimula na rin silang magsagawa ng mas detalyadong measurements bago ipagpatuloy ang anumang trabaho sa affected floor. Akala ko pagkatapos noon ay ihahatid na ako ni Killian pauwi. Pero nang makasakay kami sa sasakyan, hindi niya agad pinaandar ang makina. “Are you still busy?” tanong ko. He glanced at me. “I need to check something at the office.” Tumango ako. “Okay. You can drop me at the penthouse.” Saglit siyang hindi umimik pero maya-maya lang ay nagsalita siya na kinagulat ko. “Come with me.” Napakurap ako. “Sa office?” “Yes.” “Why?” “I want you to look at the project documents.” Mas lalong kumunot ang noo ko. “Project documents?” “Your observations earlier were useful.” Simple lang ang pagkakasabi niya, pero hindi ko napigilang mapangiti. “You're asking me to work?” “I
ERIN'S POVMakalipas ang ilang minuto, tuluyan na kaming nakarating sa construction site. Pagbukas pa lang ng pinto ng sasakyan, agad kong narinig ang ingay ng heavy equipment at mga manggagawang abala sa kani-kanilang gawain. May mga truck na pumapasok at lumalabas, habang ang ilang workers ay may bitbit na construction materials.This place was busy. And somehow, familiar. Hindi man ito ang mismong environment na nakasanayan ko sa States, alam ko ang pakiramdam ng isang active construction site.“Stay close to me,” sabi ni Killian habang bumababa ng sasakyan.Tumango ako. Hindi pa man ako nakakahakbang nang maayos, lumapit na ang isang site staff dala ang dalawang safety helmets.“I already prepared these, sir.”Kinuha ni Killian ang isang helmet at lumapit sa akin.“Here.”Iniabot niya iyon sa akin pero bago ko pa man mahawakan, siya na mismo ang naglagay nito sa ulo ko. Bahagya akong natigilan. His fingers carefully adjusted the strap beneath my chin.“Too loose,” bulong niya.The
ERIN'S POV Tahimik ang buong sasakyan pagkatapos naming ihatid si Hershey sa school. Kanina lang, halos hindi siya mapakali sa excitement. She kept reminding us that she would make new friends, show her drawings to her teacher, and tell us everything when we picked her up later. Pero ngayon, kami na lang ni Killian ang magkasama. And neither of us seemed to know what to say. Tahimik akong nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa labas ng bintana. I tried to focus on the passing buildings, but my mind kept wandering somewhere else. Last night. That kiss. Napadiin ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko. I didn't want to think about it. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang banggitin iyon kay Killian. But honestly, may parte sa akin na ayaw kong pag-usapan namin iyon. What if he apologized? What if he told me it meant nothing? What if he said that he only kissed me because we were caught in the moment? I wasn't sure I wanted to hear any of those things. Kaya mas ma
ERIN'S POVPinangako ko kay Hershey na sasama ako sa paghatid sa kanya sa first day ng school niya.At kahit gusto kong tuparin ang pangako ko, hindi ko maikakaila na may parte sa akin na kinakabahan. Dahil alam kong makikita ko si Killian at pagkatapos ng nangyari kagabi, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.We almost forgot about our boundaries. Isang simpleng halik lang sana iyon. Isang sandaling pareho kaming nadala ng emosyon at ng mga bagay na ilang linggo naming pilit na iniiwasan.Pero hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isip ko ang bawat segundo. The way he looked at me. The warmth of his touch. The way my heart raced when our lips met, at hindi ko alam kung gusto ko bang kalimutan iyon.Napadiin ang pagkakakagat ko sa labi ko bago mabilis na umiling.Hindi ko dapat iyon iniisip. May napagkasunduan kami ni Killian. May boundaries kami. At kailangan kong respetuhin iyon.Besides, I was here because of Hershey. Hindi dahil gusto kong makita si Killian. At least, iyon ang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore