Mag-log inNangunot ang noo ko ng mag vibrate ang phone ko.Napangnga ako ng makitang nabawasan ng five thousand ang babayaran kong tuition sa school.
Baka nagkamali lang ng account ang nagbayad?
Nagpagulong-gulong ako sa maliit na kama ko dahil paano ko isasauli ang pera kung hindi ko naman kilala kong sino ang taong nag bayad ng five thousand sa account ko?
Ano ba ‘yan! Imbes na matuwa ako dahil sa wakas nabawasan ang twenty thousand kong balance pero naguguilty naman ako.
Alam ko kung paano paghirapan ang bawat sentimo kaya hindi ko pwedeng ipagpasalamat ang nangyari.
“Xyla, nand’yan kaba? Si Cheery ‘to”pakilala ni Cheery sa sarili mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko kaya tumalon ako sa kama ko at mabilis na binuksan ang pinto.
“Natanggap muna? Nabawasan ng five thousand ang balance mo”anito.
“Paano mo nalaman ‘yon?”takang tanong ko.
Malawak itong ngumiti. “Hiningi sa’kin ni Boss ang account mo, e. Tapos sinabi n’ya sa’kin na ididiposit n’ya ‘don ang five thousand na tip na natanggap mo mula kay Mr.Monterroyo"
Napanganga ako. Galing ‘yon kay Mr.Monterroyo?Pero tinanggihan kuna ang perang ‘yon!
“Ang swerte mo, girl”ngiting-ngiting sabi nito.
“Tigilan mo nga ako Cheery dahil kapag ako nainis magiging prutas ka talaga”pagbabanta ko sa kaniya kaya napasimangot s’ya.
Tumalon s’ya sa kama at nahiga ‘don.
“Ang gwapo ni Mr.Monterroyo di’ba? Ang laki pang magbigay ng tip”anito kaya napairap ako bago isinarado ang nakabukas na pintuan.
“Hayst, pumunta kana sa EO dahil malala na ang mga mata mo. Ang laki kaya ng buntas ng ilong n’ya, ang kapal ng kilay at kulubot ang mukha. Hay naku! Ang pangit n’ya talaga”inis na sabi ko sabay upo sa gilid ng kama ko.
“Grabe ka naman girl, halos lahat ng babae ay naglalaway kay Mr.Monterroyo.Sobrang hot n’ya, mayaman, gwapo, at ang sarap gawing unan ang matipunong dibdib n’ya”nagpapantasyang sabi ng kaibigan.
“Lumabas kana nga dito, Cheery dahil hindi tayo magkakasundo. Biruin mo, sinabi mong halos lahat ng babae naglalaway sa kaniya? Yuck kaya! Big YUCK!”singhal ko.
“Teka, bakita kaba naiinis ng ganyan sa kaniya?”tanong nito sabay bangon muna sa pagkakahiga sa kama ko.
Bumuga ako ng hangin at tiningnan s’ya.
“H’wag munang alamin basta hindi ko gusto ang pagmumukha ng mayabang na ‘yon.Napaka-antipatiko porket mayaman”inis na sabi ko sabay higa sa kama ko.
Pagkatapos ng klase ko.Dumiretso ako sa bar para magtrabaho. At dahil sa ginawa kong pag-iwan kay Mr.Monterroyo kaya pinapanusan sa’kin nang manager ang lahat ng maduduming mesa bilang parusa.
Nagbulungan naman ang mga langaw na waitress habang nakikita akong nagpupunas ng mesa.
Tuwang-tuwa sila sa nangyayaring pagpapahirap sa’kin pero hindi ko sila hahayaan na magtagumpay.
“Ito na lang ba ang mesang lilinisin ko? Wala na ‘bang iba? Nakakalungkot naman kung gano’n dahil nag e-enjoy kaya akong maglinis dito”masayang sabi ko sabay kindat sa mga langaw kaya umalis na ang mga ito.
Sa VVIP parin ako naka-assign dahil ako lang daw ang nire-request ni Mr.Monterroyo na waitress.Mukhang masayang-masaya s’ya sa ginagawang paglalaro sa’kin.
Kaagad akong napairap nang madatnan si Mr.Monterroyo sa VVIP room 3 pagpasok ko.
Ngumiti ako ng pagkalawak-lawak dito bago ibinigay sa kaniya ang alak na pinadala sa’kin ng bar tender. “Mukhang hindi ka ata masaya na makita ako”anito bago nagsalin ng alak sa kopita.Pansin kong palagi ito nakasuot ng three piece suit? Galing siyang trabaho? Ang tanga ko naman dahil malamang, Oo ang sagot.
Umiling ako habang nanatili ang malawak na ngiti sa labi ko.
“Hindi mo ba nakikita na nakangiti ako dito?”saad ko habang nakangiti parin. “Itigil muna nga ‘yan namumukha kang si Joker sa paningin ko, e”pang-iinsulto nito kaya napasimangot ako. May kinuha ito sa bulsa at itinapon sa’kin mabuti na lang dahil mabilis ko iyong nasalo. Nagtataka ko s’yang tiningnan nang makitang susi iyon ng sasakyan n’ya, hindi n’ya naman ata ibibigay sa’kin ang mamahalin n’yang sasakyan di’ba? “Maglalasing ako ngayong gabi,gusto kong ikaw ang maging driver ko pauwi”anito. Napabuga ako ng hangin dahil huminto na ako sa pagiging driver pero sayang naman ang pera kaya payag na kaagad ako. Wala akong imik habang pinapanood itong magpakalunod sa alak. Mukhang may problema ito, pero nasa kaniya na ang lahat paano s’ya dadapuan ng problema? Mukha ngang problema na ang lumalayo sa kaniya, e. “Teka lang, Mr.Monterroyo.Pwede ko bang gamitin ang oras na ‘to para mag review?”tanong ko sa kaniya. Napahinto naman ito sa paglagok sa alak at tiningnan ako kaya napakamot ako sa leeg ko. “May exam kasi ako bukas tapos ipag-di-drive pa kita pauwi kaya wala na akong oras para mag review pag-uwi ko sa apartment”paliwanag ko. Tumango ito. “Sure” Kaagad kong inilabas ang note,pen at ang phone ko para simulan na ang pag-review. Isinusulat ko sa kwaderno ang mga importanteng details para hindi ko makalimutan. Ang pinaka-ayaw ko kasi talaga ay mag sayang ng oras.Para sa’kin ang oras ang pinakaimportanteng mahalaga sa buhay ko bukod sa pera. “Instead of memorizing all of that mas maganda kong e-explain mo kung ano ang naintindihan mo at ipag-compare mo ang bawat isa para mas madali mong matandaan. Katulad nitong brand ng alak, bakit kakaiba ‘to sa lahat ng alak?”paliwanag ni Mr. Monterroyo. Napakurap-kurap ako ng makuha ko kung ano ang gusto n’yang sabihin kaya kaagad akong nagkaroon ng ideya at mabilis na sumulat sa kwaderno. Tama s’ya dahil naging mas madali nga sa’kin ang mag review base sa tricks na tinuro n’ya sa’kin. “Alam mo Mr.Monterroyo mapapadali ang buhay mo”sabi ko ng mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Mahina naman itong natawa dahil sa sinabi ko. “Why?”tanong nito habang hawak-hawak ang basong may lamang alak. “Dahil hindi ka naman pala masamang damo katulad ng unang naisip ko tungkol sa’yo”tugon ko sa kaniya na mas lalo n’yang ikinatawa. “Tapos kana bang magreview?”tanong nito sa’kin kaya kaagad akong tumango. “Alright. Let’s go”anito sabay kuha sa coat n’yang nakasampay sa armchair ng sofa.Napamaang ako,hinintay n’ya akong matapos magreview o nag-iimagine lang ako?
Nakasunod ako sa paglakad n’ya kaya pinagtitinginan kami ng mga taong nakakakita sa’min.
Sumenyas ako kay Cheery nang makita ko ito.Nakangiti naman s’yang kumaway sa’kin at nag thumbs-up pa, minsan talaga may pagka-lokaret s’ya. Nagtataka nga ako kung bakit kami naging magkaibigan? Hindi naman ako lokaret na katulad n'ya, pero sobrang swerte ko kay Cheery kasi kahiy s'ya lang ang kaibigan ko okay lang sa'kin atleast totoo kami sa isa't-isa.
Kaagad kong ipinagbukas ng pintuan si Mr.Monterroyo nang makarating kami sa sasakyan n’ya. Napansin kong bago ang sasakyan nitong gamit dahil hindi ito 'yung sasakyan na pinagmaneho ko 'nung nakaraan—sabagay hindi na nakakapagtaka ‘yon dahil may-ari lang naman s’ya ng Imperial Motors.
"Where have you been, pinasundo kita kanina pero ilang oras nag hintay sa'yo ang driver tapos 'yun pala wala na kayo dahil nag swi-swimming na"sermon sa'kin ni Sir Elle ng makauwi kami ni Gavin.Sobrang nag enjoy kami sa tubig kaya hindi kuna namalayan ang oras na madilim na pala. "Sorry po—Sir"paghingi ko ng pasensya."Hachuuuu!"napahawak ako sa bibig ko ng bumahing ako."Sige na, magbihis kana"anito.Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina kaya nag swimming 'din akong kasama ni Gavin dahil sa sobrang init ng panahon kaya umuwi akong nanginginig sa lamig dahil basang-basa ako, mabuti si Gavin dahil may dala akong extra na damit.Ang lamig ng tubig kaya talagang napalusong ako, hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko kaya okay lang masermonan. Iyan ang sabi na—enjoy now, iyak later.Dali-dali akong nagtungo sa banyo at naligo. Mabilis lang akong naligo dahil bahing ako ng bahing mukhang sisipunin pa yata ako.Kaagad akong uminom ng gamot ng matapos akong maligo, nanatili 'din ako s
"This is your school, Mommy?"tanong ni Gavin ng makarating kami sa school ko, mabuti na lang dahil nagustuhan n'ya ng maglakad kaya hawak-hawak ko ang maliit n'yang kamay.Papunta kami ngayon sa cafeteria baka kasi gutom na si Gavin kaya kailangan kuna s'yang pakainin, mamayang 1pm pa naman ang meeting ko kay Dean."Yes, Gab-Gab ito ang school ni Mommy"nakangiting tugon ko.Wala bang pasok?Bakit walang mga students? Kinakabahan na ako kaninang pagpasok ko kasi baka tanungin ako nila tungkol kay Gavin pero hindi naman ako nangangamba dahil dito sa school ko normal lang ang may dalang bata dahil karamihan sa nag co-college dito ay may anak na."I want this school, mommy"anang ni Gavin ng papasok kami sa cafeteria."Do you want to enroll here?"tanong ko sa kanya.Tumango s'ya. "Yes"Mahina akong tumawa, sa sobrang yaman ng Daddy n'ya impossible na dito s'ya mag-aral baka nga sa ibang bansa pa s'ya pag-aralin.Kasama ko si Gavin na nag order ng pagkain, sisig ang inorder kong ulam. Chicke
Kinabukasan, nagising ako na wala na sa tabi ko si Gavin kaya kaagad akong bumangon sa kinahihigaan at dali-daling lumabas ng kwarto para hanapin s'ya.Nanlaki ang mga mata ko ng matagpuan ko s'ya sa kusina kasama si Sir Elle pareho silang naka-upo sa bawat dulo ng mahabang mesa."Gavin, eat your food"utos ni sir Elle sa bata na tila pinaglalaruan lang ang cereal na nasa harapan n'ya.Hayst. Daddy ba talaga 'to ni Gavin? Hindi n'ya alam ang ayaw at gusto ng bata basta kung ano ang gusto n'ya 'yun ang masusunod. Bumaling sa kinatatayuan ko si Gavin sabay ngiti kaya ngumiti 'din ako sa kanya at lumapit."Mommy"masigla n'yang tawag sa'kin.Hinawakan ko ang maliit n'yang pisngi at hinaplos iyon."Finish your na Gab-Gab para mag play na tayo after mong kumain"mahinahon kung sabi.Umiling s'ya. "I don't want that food, mommy. It's disgusting, I want eggs and veggies that Nanay Edga cooked for me"Ngumiti ako sa kanya bago ko binalingan si Sir Elle na walang imik na nakatingin sa'min ni Gav
Dumating na 'yung mga inorder ko from Shein kaya tuwang-tuwa kami ni ate Edna dahil kasyang-kaysa ang mga na-order ko para kay Gab-Gab.Kaya kaagad ko siyang pinaliguan at binihisan dahil lalabas kami ngayong araw.Nagsuot ako ng maikling short, blouse at flat sandals. Naglagay 'din ako ng sunscreen dahil mainit sa labas pati si Gab-Gab nilagyan ko 'din ng sunscreen."Mommy, I like your smell"saad ni Gab-Gab kaya niyuko ko siya na nakatingala sa'kin."Why? Wala naman akong nilagay na perfume, ah"tugon ko sa kaniya.Allergy ako sa pabango kaya hindi ako gumagamit 'non. Alcohol lang ang gamit ko or minsan wala pa nga."Really? But your smell is so good"aniya kaya natawa ako.Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya na kaagad niya namang hinawakan kaya sabay na kaming naglakad palabas ng kwarto."Ang cute naman ng baby namin"bulalas ni ate Edna ng makita si Gab-Gab."Para talaga kayong mag nanay"anito kaya napangiti ako.Kung kasing cute ni Gavin ang magiging anak ko, why not?"Mommy, let's go
Nagising ako kinabukasan ng may maramdaman nakayakap sa'kin kaya kahit antok pa ako talagang nagising ang diwa ko para tingnan kung sino ang nakayakap sa'kin.Napangiti ako ng makitang katabi ko si Gab-Gab sa kama, paano ba s'ya nakarating dito sa kwarto ko? Tulog na tulog pa ang bata kaya hindi na muna ako bumangon total katabi ko naman ang trabaho ko, e."Lumipat siya dito sa kwarto natin dahil gusto ka daw niyang katabi matulog"paliwanag ni ate Edna na nag-aayos ng higaan niya."Magluluto na ako ng almusal"dagdag niya pang sabi bago lumabas ng kwarto.Bumaling ako kay Gab-Gab na himbing parin sa pagtulog sa tabi ko kaya ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Halos 10pm na kasing natapos 'yung klase ko kagabi tapos nagkaroon pa ako ng long quiz at may mga activity pa akong ginawa after that kasi nga kailangan kuna 'yung ipasa mamaya kaya kailangan ko ng mahabang tulog dahil parang ang gaan-gaan ng ulo ko.Mukhang pinapahirapan ako ng mga instructor ko ngayon, naiintindihan ko naman ang p
Maaga akong nagising para surprisahin si Gab-Gab sa paglabas namin. Alam kung matutuwa talaga siya ng todo.Mahimbing s’yang natutulog nang pumasok ako sa kwarto n’ya kaya maingat akong naglakad papalapit sa kama n’ya.“Hey, baby. Wake up”bulong ko sabay hawak at haplos sa buhok n’ya.Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mala anghel n’yang mukha.Sobrang cute n’ya kaya inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at hinalikan s’ya.“Hmmm…”anito sabay mulat ng mata at tingin sa’kin.Malawak akong ngumiti. “Good morning”Kaagad s’yang bumangon at niyakap ang leeg ko. Sunod-sunod ko namang halikan ang mukha n’ya kaya napahagikhik s’ya.Kung ako ang Nanay n’ya hinding-hindi ko talaga s’ya iiwan ng ganito. Magkamatayan na lang pero hindi ko hahayaan na mahiwalay ang anak ko sa’kin dahil hindi ko mawi-witness kong gaano sila ka cute sa umaga.Mukhang nabitin si Gab-Gab sa pagtulog kaya nakatulog pa ito habang karga-karga ko kaya inihiga ko s’ya kama dahil maghahanda pa ako kung ano ng mga dadalhin







