เข้าสู่ระบบNaglalakad ako pauwi ng makita ang isang batang patawid sa kalsada.
Napanganga ako ng makita ang kotse na paparating sa direksiyon nito kaya walang pagdadalawang-isip na tumakbo ako at niyakap ko ang bata bago pa ito masagasaan ng sasakyan kaso na out of balance ako kaya bumagsak kami sa semento.
Pikit ang mga mata ko habang yakap ang bata at hinihintay na masagasaan kami ng sasakyan.
“Gaven!...Gaven!”rinig kong sigaw ng lalaki habang patakbong papalapit sa’min.
Tiningnan ko ang batang yakap-yakap ko. Tulala ito at hindi makapagsalita dahil siguro sa pagkabigla.
“Gaven, wake-up”nag-alalang sabi ng lalaki bago kinuha sa’kin ang bata.
Napatingin ako sa mukha ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala si Mr. Monterroyo
Tumingin ito sa’kin at nagpasalamat.
“Thank you for saving him”pagpapasalamat nito bago tuluyang inalayo sa’kin ang bata.
Tumayo naman ako at nagpagpag ng damit na nadumihan.Napangiwi ako ng makita ang galos sa siko ko, mabuti na lang dahil hindi nasaktan ‘yong bata.
Teka, anak ba s’ya ni Mr. Monterroyo? Magkamukha sila, e at kailan pa ako nakailan sa buhay ng iba?
Sinundan ko sila ng tingin.Ipinasok ng binata ang bata sa mamahalin n’yang kotse.
Hayst, pakialam ko sa kanila.Ang importante maghanap buhay ako ngayon.
Excited akong pumunta sa bar kung saan nag ta-trabaho ang kaibigang si Cheery.
Tinawagan ako nito kanina dahil naghahanap daw ng bagong waitress ang boss n’ya kaya hindi kuna palalampasin ang pakakataong ‘to.
Malaki ang sahod na nasasahod ni Cheery kada buwan bukod pa dito may tip pa s’yang natatanggap galing sa costumer.
Kaagad akong sinalubong ni Cheery na may ngiti sa labi.
“Pwede pa ba ‘tong ipasa? Nagusot, e”tanong ko sa kaniya sabay pakita ng resume ko.
Mahina naman itong tumawa saka kinuha mula sa’kin ang hawak kong resume.
“Hindi muna ‘to kailangan kasi ang sabi ni Sir Zion ay tanggapin kana kaagad.At magsisimula kana ngayong gabi magtrabaho”nakangiting sabi nito.
Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi n’ya.
“Totoo? Ang bait naman pala ni Sir Zion”saad ko.
“Ang swerte mo nga,e. Dahil magsisimula kana na ng walang interview at training”pahayag nito kaya nagtaka ako.
“Oo nga ‘no saka hindi kuna kailangan ng resume”tugon ko.
Sa lahat ng napag-applayan ko ng trabaho kulang na lang igisa ako sa apoy bago nakapasok sa trabaho tapos kakarampot pa ang sahod.
“Nga pala, Xy. Nasa drawer muna ‘yong susuotin mo. Try muna lang kung kasya o maluwag sa’yo para malaman kaagad ng manager”anito.
Ngumiti naman ako. “H’wag kang mag-alala dahil ayos lang sakin kahit masakip o maluwag pa ‘yan”
Sabay kaming nagtawanan ni Cheery dahil sa wakas magkasama na kami sa iisang trabaho.
Sinamahan ako ni Cheery sa locker room. Kaagad ko namang isinukat ang uniform ng mga waitress na nag ta-trabaho dito. Samantalang si Cheery naman ang nag-ayos sa buhok ko.
Naglagay ‘din ako ng kunting pulbos at lipbam para hindi dry ang lips ko.
“Hayst, ang ganda mo kahit walang kolorete sa mukha”sabi nito na ikinatawa ko.
“Gumaganda na lang sa kakatrabo”natatawang sabi ko na ikinatawa n’ya rin.
“Minsan talaga may sayad ka”iling-iling na sabi nito.
Lumabas na kami sa locker room matapos kong makapag-ayos. Ilang minuto na lang kasi magbubukas na ang bar kaya kailangan na maghanda.
Hindi naman ako kinakabahan dahil sanay akong magtrabaho.
“Ms. Lopez, pinapatawag ka ng Manager”tawag sa’kin ng isang waitress.
Kaagad akong nagpaalam kay Cheery para puntahan ang Manager.
Kumatok muna ako sa nasaradong pintuan bago pumasok sa loob.
“Good evening po”bati ko sa kaniya.
Nag-angat ito ng tingin sa’kin nakataas ang kabilang kilay nito at pulang-pula ang lipstick, panigurado kong makikita s’ya ng mga bata talagang katatakutan s’ya.
“Sa VVIP ka naka-assign, wala kang ibang gagawin kundi pagsilbihan ang VVIP natin dahil kapag nag full-out s’ya sa bar natin. Pagbabayaran mo ‘yun ng malaki, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?”mataray na sabi nito.
Tumango ako. “Malinaw na malinaw po madam”
Tumaas ang sulok ng labi nito bago ako pinaalis.
Siguro gawain n’ya ‘yun para matakot sa kaniya ang mga empleyado n’ya?
Napailing-iling ako dahil kahit katiting hindi man lang n’ya ako nasindak.
“Bilib talaga ako sa mga babaeng may kapit, ‘no? Biruin n’yo naman na first day n’ya pero sa VVIP na naka-assign”parinig sa’kin ng isang waitress.
Napabuga ako ng hangin dahil sanay na sanay na ako sa mga taong katulad nila.
“Siguro ginamit n’ya ang ganda n’ya?Tayo nga na halos magkakalahating buwan na dito hindi pa tayo na-a-assign sa VVIP”dagdag pa nitong sabi.
Tsk! May kapit? Ginamit ang ganda? Iba talaga ang mindset ng mga tao. Masapawan mo lang ng konti, kung ano-ano na ang kasiraan ang ibabato sa’yo.
Tinawag ako ng bar tender kaya lumapit ako sa counter. Mamahaling alak ang ibinigay nito sa’kin nagkakahalaga ‘yon ng ilang libong piso.
“Sa VVIP room 3 mo ‘to ihatid, ingatan mo ‘to dahil importanteng tao dito sa bar ang taong iinom nito”bilin sa’kin ng bar tender.
"Yes, captain”nakangiting sabi ko sabay saludo sa kaniya bago kinuha ang mamahaling alak para ihatid sa VVIP room 3.
Napanganga ako ng makita desinyo ng pasilyong dinadaanan ko papunta sa VVIP room 3. Hindi ko mapigilan na hindi humanga sa gumawa ng interior design dahil nakapaganda ‘non sa mga mata ko.
Bumuga ako ng hangin nang makarating ako sa room 3 bago kumatok ng tatlong beses.
“Come in”rinig kong sabi ng lalaki mula sa loob kaya binuksan ko ang nakasaradong pintuan at pumasok sa loob dala ang mamahaling alak.
Maingat ko ‘yong inilagay sa round table.
Napakalawak ng kwartong ‘to para dito sa nag-iisang VVIP. Siguro mahilig s’yang mapag-isa? Kawawa naman ang taong ‘to.
“Have a seat”alok nito.
Kaagad naman akong umiling. “I’m sorry, Sir. Pero hindi pwedeng umupo ang isang empleyadong katulad ko sa oras ng trabaho”
Kagat-kagat ko ang labi ko habang nakayuko ang ulo. Ngayon palang nagsisi na ako kung bakit ko pinasok ang trabahong 'to!
Oo, mukhang pera ko pero hindi ko naisip na ipagamit ang katawan ko para sa pera.
"Kung gano’n tinatanggihan mo ako bilang customer? Isa pa,nakakabastos na hindi mo man lang ako tingnan”anito kaya parang robot ang ulo kong binalingan s’ya.
Gano’n ang pagkagulat sa mukha ko ng makilala kung sino ito.
Ngumisi naman ito sa’kin kaya kaagad akong nag-iwas sa kaniya ng tingin.
“Naalala mo ‘ko?”tanong nito.
Kaagad akong umiling. “H-Hindi po”
“Sinungaling ka”anito kaya napapikit ako.
Lagot na talaga! Tumakbo na kaya ako?
Hindi pwede dahil pera lang ang buhay ko.
“Umupo kana habang mabait pa ‘ko”anito.
Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling lalo na 'nong maalala ko ang ginagawa nitong kabastusan sa kotse 'nong gabing 'yon.
Baka may pagnanasa sa'kin ang lalaking 'to?!
“Pero, Sir. Bibitayin ako ng boss ko at ng manager kapag nalaman nilang umupo ako habang nag ta-trabaho”paliwanag ko sa kaniya.
Tumawa naman ito kaya salubong ang dalawang kilay ko ng balingan s’ya.
“Ako ang boss mo ngayon kaya ako ang sundin mo”anito.
“H’wag kang mag-alala babayaran ko ang oras na kasama kita”dagdag pa nitong sabi kaya nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sa pera kundi dahil baka gahasain ko ang manyak na 'to
Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Napamura ako sa utak ko dahil wala akong nakikitang maski isang CCTV man lang na kahit sana may mangyari sa'king masama ngayon, may ebidensiya naman akong mahahawakan para makasuhan ko siya.
"H'wag kang mag-alala dahil wala akong balak na masama. Naasiwa kasi ako kapag may nakatayo sa harapan ko"paliwanag niya kaya kaagad akong umupo sa single sofa na katapat ng kinauupuan n’ya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman pala siyang balak na masama. Isa pa, naka-upo pa 'ko. Nakakangalay 'din ang tumayo ng matagal.
Malayo ang tingin ko habang umiinom siya ng alak.
“Ilang taon kana ba?”tanong nito.
“21 po”mabilis kong sagot habang hindi parin tumitingin dito.
“Nag-aaral?”tanong nito.
Tumango ako. “Oo”
“Anong course mo?”tanong pa nito.
“Bachelor of Secondary major in Filipino”sagot ko naman sa kaniya.
“Bakit Filipino? Mas makikinabang ka kong english ang kinuha mong major”anito kaya inis ko itong binalingan.
Ano bang pakialam ng lalaking ‘to?
Naningkit ang mga mata ko ng makita itong ngumisi sabay lagok sa alak na nasa baso n’ya.
“Sa wakas nakuha ko ‘din ang atensyon mo”nakangisi paring sabi nito.
Bumuga ako ng hangin at kinalma ang sarili dahil baka kong hindi mabubogbog ko ang bakulaw na lalaking ‘to!
“For your information, kaya Filipino ang kinuha ko kasi doon ako mag e-excel at mag e-enjoy talaga ako sa major na ‘yon. Bakit naman ako kukuha ng major katulad ng english kong papatayin ko ‘din naman ang sarili ko di’ba? Ayaw kong mag shift or mag retake dahil ako lang ‘din naman ang nagpapaaral sa sarili ko. Masaya kana?”mahabang lintaya ko.
"Pwede 'din naman akong mag-aral ng English kong gugustuhin ko"dagdag ko pang sabi.
Ipinaikot nito ang hintuturo sa bunganga ng baso bago iyon sinalinan ng alak.
“What about your family?”tanong nito.
Napabuga ako ng hangin. “Wala kana ‘don, napaka-personal na ng tinatanong mo”
“Sabihin muna sa’kin dahil kada information na sasabihin mo sa’kin tungkol sa mga itinatanong ko sa’yo may presyong nakalaan para ‘don”pahayag nito.
“P-Presyo?”ulit ko sa sinabi n’ya.
Natawa ako. “Akala mo ba sa’kin mukhang pera? Sa’yo na pera mo, i*****k mo sa tiyan mo”
Tatayo na sana ako ng pigilan ako nito. Kinuha nito ang wallet at naglabas ng cash.Kumuha ito ng limang libong peso at inilagay sa ibabaw ng mesa.
“Kung wala kanang gagawin, ipag-drive mo ‘ko”anito.
Napairap naman ako sa kawalan dahil napaka-antipatiko ng lalaking nakaharap ko.
“Kunin mo ang pera mo at mag drive ka mag-isa mo”sabi ko at tuluyan ng tumayo saka naglakad papunta sa nakasaradong pintuan.
“Iba talaga ang ugali ng mayayaman ‘no? Nakakayamot”sabi ko habang hindi s’ya nilingon bago binuksan ang pintuan at lumabas mula doon.
Sa bar ako dumiretso ng pagkagaling ko sa school. Ang saya-saya ko dahil lahat ng nireview ko ay naalala ko kaagad sa exam kanina kaya hindi na piga ang utak ko.Nagbihis ako at pumunta sa VVIP room 3.Napakagat-labi ako ng madatnan si Mr. Monterroyo na mag-isang uminom.“Late ka”anito.“Hindi kaya, maaga ka lang dumating”pagdadahilan ko bago naupo sa single sofa na palagi kong inuupuan.“May iaalok ako sayong trabaho, h’wag kang mag-alala mataas ang salaray at libre lahat. Accomodation, pagkain at lahat ng needs mo basta siguraduhin mo lang na magagampanan mo ng maayos ang trabaho”pahayag nito sabay simsim ng alak sa kaniyang kopita.Nagtaka ako sa trabahong inaalok nito. Mataas ang sahod at libre lahat? Talaga bang may gano’n na trabaho o ini-scam n’ya lang ako? Sabi kuna nga ba, e. Kaya pala mabait siya sa'kin 'nong nakaraang araw dahil may balak talaga siya saking masama. Baka nakitang malusog ako kaya n'yang ipa-harvest ang lamang loob ko? Jusko naman!“Minsan munang iniligtas an
Tulog na tulog si Mr.Monterroyo kaya hindi ko matanong kung saan ito nakatira.Ayaw ko naman s’yang gisingin dahil baka masapak n’ya ako ng wala sa oras dahil naniniwala ako sa kasabihang magbiro kana sa lasing h’wag lang sa bagong gising.Napasabunot ako sa buhok ko dahil nag try na akong mag search sa internet kung saan nakatita si Mr.Monterroyo pero walang impormation kong saan ba s’ya nakatira.“Saan ko naman s’ya dadalhin sa mga oras na ‘to?”tarantang sabi ko.Hindi ko naman s’ya pwedeng dalhin sa hotel dahil baka may makakita sa’min at isipin nila na may balak akong pagnasaan ang lalaking ‘to dahil dadalhin ko s’ya sa hotel nang lasing.Mabilis kong ipinaikot ang sasakyan. Babalik kami sa bar baka sakaling bukas pa ‘yon nang ganitong oras.Pwede naman ata s’yang matulog ‘don sa paborito n’yang kwarto na VVIP room 3.Gano’n na lang ang pagkadesmaya ko ng maabutang sarado na ang bar.“Anong gagawin ko?”tanong ko sa sarili pagkuwa’y nilingon ko si Mr. Monterroyo na himbing na himbin
Nangunot ang noo ko ng mag vibrate ang phone ko.Napangnga ako ng makitang nabawasan ng five thousand ang babayaran kong tuition sa school.Baka nagkamali lang ng account ang nagbayad? Nagpagulong-gulong ako sa maliit na kama ko dahil paano ko isasauli ang pera kung hindi ko naman kilala kong sino ang taong nag bayad ng five thousand sa account ko?Ano ba ‘yan! Imbes na matuwa ako dahil sa wakas nabawasan ang twenty thousand kong balance pero naguguilty naman ako.Alam ko kung paano paghirapan ang bawat sentimo kaya hindi ko pwedeng ipagpasalamat ang nangyari.“Xyla, nand’yan kaba? Si Cheery ‘to”pakilala ni Cheery sa sarili mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko kaya tumalon ako sa kama ko at mabilis na binuksan ang pinto.“Natanggap muna? Nabawasan ng five thousand ang balance mo”anito.“Paano mo nalaman ‘yon?”takang tanong ko.Malawak itong ngumiti. “Hiningi sa’kin ni Boss ang account mo, e. Tapos sinabi n’ya sa’kin na ididiposit n’ya ‘don ang five thousand na tip na natanggap mo mul
Naglalakad ako pauwi ng makita ang isang batang patawid sa kalsada.Napanganga ako ng makita ang kotse na paparating sa direksiyon nito kaya walang pagdadalawang-isip na tumakbo ako at niyakap ko ang bata bago pa ito masagasaan ng sasakyan kaso na out of balance ako kaya bumagsak kami sa semento.Pikit ang mga mata ko habang yakap ang bata at hinihintay na masagasaan kami ng sasakyan.“Gaven!...Gaven!”rinig kong sigaw ng lalaki habang patakbong papalapit sa’min.Tiningnan ko ang batang yakap-yakap ko. Tulala ito at hindi makapagsalita dahil siguro sa pagkabigla.“Gaven, wake-up”nag-alalang sabi ng lalaki bago kinuha sa’kin ang bata.Napatingin ako sa mukha ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala si Mr. MonterroyoTumingin ito sa’kin at nagpasalamat.“Thank you for saving him”pagpapasalamat nito bago tuluyang inalayo sa’kin ang bata.Tumayo naman ako at nagpagpag ng damit na nadumihan.Napangiwi ako ng makita ang galos sa siko ko, mabuti na lang dahil hindi nasaktan ‘yong bata.T
XYLA LOPEZ POV’sHindi kuna mabilang kung ilang beses akong napabuga ng hangin matapos bayaran ang mga utang ko.Sa wakas makakatulog na ako ng mahimbing ngayong gabi pero kailangan ko pa’ring kumayod para may pangbayad ako ng renta sa boarding house at pang bayad ng kuryente at tubig.Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kung plastic bag ng makakita ng magkasintahan sa gitna ng daan na sweet sa isa’t-isa.Ano ba 'yan, ang sakit n'yo sa mata!"Hindi ako normal na babae katulad ng iba. Pera lang ang laman ng puso’t-isip ko, wala ng iba pa”bulong ko sa sarili.Bata palang ako, iniwasan kuna ang magkaroon ng pantasya sa mga lalaki dahil para sa’kin ang kumita ng pera ang kailangan kung pag-ukulan ng pansin. Walang puwang sa’kin ang umibig at kung ano pa ‘man na hindi naman ako makikinabang.Pilit akong ngumiti at nagsimula ng maglakad pauwi sa bahay. Minsan hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaedad kung mayayaman bakit sila pinalad na ipinganak sa mayamang pamilya? Samantalang ako, minala







