LOGINTulog na tulog si Mr.Monterroyo kaya hindi ko matanong kung saan ito nakatira.
Ayaw ko naman s’yang gisingin dahil baka masapak n’ya ako ng wala sa oras dahil naniniwala ako sa kasabihang magbiro kana sa lasing h’wag lang sa bagong gising.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil nag try na akong mag search sa internet kung saan nakatita si Mr.Monterroyo pero walang impormation kong saan ba s’ya nakatira.
“Saan ko naman s’ya dadalhin sa mga oras na ‘to?”tarantang sabi ko.
Hindi ko naman s’ya pwedeng dalhin sa hotel dahil baka may makakita sa’min at isipin nila na may balak akong pagnasaan ang lalaking ‘to dahil dadalhin ko s’ya sa hotel nang lasing.
Mabilis kong ipinaikot ang sasakyan. Babalik kami sa bar baka sakaling bukas pa ‘yon nang ganitong oras.Pwede naman ata s’yang matulog ‘don sa paborito n’yang kwarto na VVIP room 3.
Gano’n na lang ang pagkadesmaya ko ng maabutang sarado na ang bar.
“Anong gagawin ko?”tanong ko sa sarili pagkuwa’y nilingon ko si Mr. Monterroyo na himbing na himbing sa pagtulog habang nakaupo ito sa backseat.
“Ayos, ah. Ang sarap ng tulog mo samantalang namomroblema ako dito”nakasimangot na baling ko sa kanya.
I don’t have a choice but to take him to my apartment.
Ayaw ko naman s’yang iwan sa lugar na ‘to dahil baka ako pa ang sisihin kapag may nangyari sa kaniyang masama.
Tinawagan ko ang phone ni Cheery baka sakaling hindi pa tulog ang kaibigan pero hindi na nito sinasagot ang cellphone kaya mukhang nakatulog na ito sa sobrang pagod.
Mabilis akong nagmaneho papunta sa apartment ko dahil gusto kunang magpahinga,namimiss na ng likod ko ang kama ko.
Buong-lakas kong inakay papalabas ng sasakyan si Mr.Monterroyo.
Tinapik-tapik ko ang mukha nito pero hindi man lang ito nagising.
“Ang bigat mo!”reklamo ko habang naka-akbay ang mabigat n’yang braso sa leeg ko.
Lahat ng bigat nito ay na sa’kin kaya hirap na hirap akong akayin s’ya papunta sa kwarto ko.
Buong lakas ko s’yang itinulak papunta sa kama ko. Napahawak ako sa bakalang ko at nag stretching ng katawan, grabe ang bigat n’ya talaga.
Halos mabali na ang buto ko sa katawan dahil sa kaniya tapos ngayon wala akong karapatan na matulog sa sarili kong kama.
Inayos ko ang pagkakahiga n’ya sa kama ko. Tinanggal kuna ‘din ang sapatos at medyas n’yang suot saka ko binuksan ang electric fan.
Inilagay ko ang kamay ko sa beywang habang pinagmamasdan s’yang matulog, gusto ko sana s’yang sipain palabas para makahiga na ako sa kama ko.
“Ang taray ni bakla, ang sarap ng tulog, ah.”inis na sabi ko.
Bumuga ako ng hangin bago nilagyan ng sapin ang sahig, dito na lang ako matutulog ngayong gabi. Dumiretso ako sa walking closet ko at kumuha bg damit pantulog saka nagtungo sa banyo para maligo.
Sobrang lagkit na ng katawan ko kaya kailangan kung maligo.
Nang matapos akong maligo at makapagpalit ng damit, nag-init na ako ng tubig sa heater saka ako kumuha ng cup noodles. Ito na ang dinner ko ngayon, sa wakas makakakain na 'din.
Habang kumakain ako ng cup noodles nagrereview na 'din ako. Hindi kuna namalayan ang oras, nakita kuna lang na alas tres na pala ng madaling araw.
Kaya nag desisyon na akong magpahinga na 'din. Nagtungo ako sa sahig na may sapin at humigs doon, nag dasal muna ako bago ko ipinikit ang mga mata ko. Hindi na ako nag se-set ng alarm dahil alam naman ng katawan ko kung anong oras ako nagigising sa umaga.
****
Kinabukasan, iksaktong ala-sais ako nagising, nag-streatch ako ng katawan bago bumangon.
Binalinhan ko si Mr. Monterroyo na tulog na tulog pa ‘din sa kama ko, mukhang komportable naman s'yang tingnan kaya hinayaan kuna lanv.
Nagtungo ako sa banyo para maligo, inilala ko ang mga nireview ko kagabi habang nag sasabon ng katawan.
“Kapag wala talaga ang mga nireview ko sa exam, I swear talaga na hinding-hindi na ako magrereview. As in never! Over my dead body!”sabi ko sa sarili habang nagkukuskos ng katawan.
Ang sarap naman na matanggal ang libag sa katawan ko.
Himbing parin sa pagtulog si Mr.Monterroyo nang lumabas ako mula sa banyo kaya nag-ayos na ako at nag-blower ng basang buhok.
Pagkatapos ay kumuha ako ng cup noodles at nilagyan ‘yun ng mainit na tubig.
Napabaling ako sa tulog na tulog paring si Mr. Monterroyo kaya hindi na ako nakatiis. Naglakad ako papalapit sa kaniya at sinipa-sipa ang pwet n’ya para magising na s’ya.
Natawa ako ng umugong ito at tinapik ang paa ko kaya malakas ko s’yang sinipa na ikinahulog n’ya sa kama ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng bumangon s’ya mula sa pagkakahulog s sahig.
“Ayos ka lang ba Mr.Monteorroyo?”tanong ko sa kaniya.
Napakamot ito sa magulong buhok at iginala ang mga mata sa apat na sulok nitong apartment ko.
Gano’n na lang ang pagkabigla n’ya ng mapagtantong sa ibang bahay s’ya nakitulog.
“I-Ikaw?”anito sabay turo sa’kin.
Nag-cross arms naman ako at taas kilay na tiningnan s’ya.
“Hindi ko alam ang address ng bahay mo kaya wala akong choice kundi patulugin kita dito sa bahay ko”paliwanag ko sa kaniya.
Tinalikuran kuna s’ya at nagtungo sa mesa para mag-almusal.
Kumuha ako ng isa pang cup noodles at nilagyan ‘yun ng mainit na tubig.
“May extrang toothbrush ‘don sa banyo, mag sipilyo ka muna bago umuwi baka mahimatay ang mga taong makakaamoy sa hininga mo, concern lang ako, okay?”baling kong sabi sa kaniya na nagtutupi ng kumot.
Kinuha ko ang tinidor at kaagad na nilantakan ang cup noodles.
“Ganyan lang ba ang kinakain mo kapag pumapasok ka?”tanong n’ya ng lumapit sa’kin.
Nag-angat ako ng mukha sa kaniya at tumango.
“Kainin mo ‘tong isang cup noodles para magkaroon ng laman ang tiyan mo”ngumunguyang sabi ko.
Kumuha ‘din ito ng tinidor para kainin ang cup noodles na inalok ko sa kaniya.
Natawa ako ng tunggain nito ang laman na sabaw ng noodles.
“Ohh…it’s so good”bulalas nito sabay punas sa kaniyang bibig.
Tamang-tama ang noodles para sa hang-over n’ya. Inubos ko ang laman ng cup noodles bago inayos ang mga gamit na dadalhin ko sa school.
“Ihatid na kita sa school mo para makabayan man lang ako ng noodles na kinakain ko at pakikitulog dito sa apartment mo”pahayag nito na kaagad kong tinanggihan.
“Ayaw kong ilagay ang sarili ko sa spotlight dahil hindi ako si Cinderella”tugon ko sa kaniya.
Napabuga ito ng hangin at hindi na ako pinilit pang ihatid sa school ko.
“Mauuna na akong umalis. After five minutes saka kana lang lumabas at siguraduhin mong walang makakakita sa’yo, ah"bilin ko sa kaniya.
"Tss, andami mo namang arte"bulong n'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Ayaw kung ma-chismiss na may inuwi akong lalaki dito 'no kaya lumabas ka after five minutes, okay?"saad ko bago ako tuluyang lumabas.
Hiyang-hiya ako ng lumabas sa apartment ko, parang may malaki akong kasalanang ginawa sa mundo. Nakatungo ang ulo ko habang naglakad sa makipot na daan at nagtatago kapag may makakasalubong akong tao.
Nagtago ako sa poste ng may mga taong dumaan sa daraanan ko, napabuga ako ng hangin bago lumabas sa pinagtataguan ko pero laking gulat ko ng lampasan ako ni Mr.Monterroyo kaya napanganga ako habang sinusundan ang likuran n'ya na mabilis na naglakakad.
Walang hiya talaga 'tong mukong na 'to!
Mala modelo itong naglakad habang nakasilid ang magkabilaan nitong kamay sa bulsa ng pants n’yang suot papunta sa kotse n’ya na pinagtitinginan ng mga taong nakakapansin dito.
Napahawak na lang ako sa batok ko at napahimas ‘don. Bwesit talaga!
Sa bar ako dumiretso ng pagkagaling ko sa school. Ang saya-saya ko dahil lahat ng nireview ko ay naalala ko kaagad sa exam kanina kaya hindi na piga ang utak ko.Nagbihis ako at pumunta sa VVIP room 3.Napakagat-labi ako ng madatnan si Mr. Monterroyo na mag-isang uminom.“Late ka”anito.“Hindi kaya, maaga ka lang dumating”pagdadahilan ko bago naupo sa single sofa na palagi kong inuupuan.“May iaalok ako sayong trabaho, h’wag kang mag-alala mataas ang salaray at libre lahat. Accomodation, pagkain at lahat ng needs mo basta siguraduhin mo lang na magagampanan mo ng maayos ang trabaho”pahayag nito sabay simsim ng alak sa kaniyang kopita.Nagtaka ako sa trabahong inaalok nito. Mataas ang sahod at libre lahat? Talaga bang may gano’n na trabaho o ini-scam n’ya lang ako? Sabi kuna nga ba, e. Kaya pala mabait siya sa'kin 'nong nakaraang araw dahil may balak talaga siya saking masama. Baka nakitang malusog ako kaya n'yang ipa-harvest ang lamang loob ko? Jusko naman!“Minsan munang iniligtas an
Tulog na tulog si Mr.Monterroyo kaya hindi ko matanong kung saan ito nakatira.Ayaw ko naman s’yang gisingin dahil baka masapak n’ya ako ng wala sa oras dahil naniniwala ako sa kasabihang magbiro kana sa lasing h’wag lang sa bagong gising.Napasabunot ako sa buhok ko dahil nag try na akong mag search sa internet kung saan nakatita si Mr.Monterroyo pero walang impormation kong saan ba s’ya nakatira.“Saan ko naman s’ya dadalhin sa mga oras na ‘to?”tarantang sabi ko.Hindi ko naman s’ya pwedeng dalhin sa hotel dahil baka may makakita sa’min at isipin nila na may balak akong pagnasaan ang lalaking ‘to dahil dadalhin ko s’ya sa hotel nang lasing.Mabilis kong ipinaikot ang sasakyan. Babalik kami sa bar baka sakaling bukas pa ‘yon nang ganitong oras.Pwede naman ata s’yang matulog ‘don sa paborito n’yang kwarto na VVIP room 3.Gano’n na lang ang pagkadesmaya ko ng maabutang sarado na ang bar.“Anong gagawin ko?”tanong ko sa sarili pagkuwa’y nilingon ko si Mr. Monterroyo na himbing na himbin
Nangunot ang noo ko ng mag vibrate ang phone ko.Napangnga ako ng makitang nabawasan ng five thousand ang babayaran kong tuition sa school.Baka nagkamali lang ng account ang nagbayad? Nagpagulong-gulong ako sa maliit na kama ko dahil paano ko isasauli ang pera kung hindi ko naman kilala kong sino ang taong nag bayad ng five thousand sa account ko?Ano ba ‘yan! Imbes na matuwa ako dahil sa wakas nabawasan ang twenty thousand kong balance pero naguguilty naman ako.Alam ko kung paano paghirapan ang bawat sentimo kaya hindi ko pwedeng ipagpasalamat ang nangyari.“Xyla, nand’yan kaba? Si Cheery ‘to”pakilala ni Cheery sa sarili mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko kaya tumalon ako sa kama ko at mabilis na binuksan ang pinto.“Natanggap muna? Nabawasan ng five thousand ang balance mo”anito.“Paano mo nalaman ‘yon?”takang tanong ko.Malawak itong ngumiti. “Hiningi sa’kin ni Boss ang account mo, e. Tapos sinabi n’ya sa’kin na ididiposit n’ya ‘don ang five thousand na tip na natanggap mo mul
Naglalakad ako pauwi ng makita ang isang batang patawid sa kalsada.Napanganga ako ng makita ang kotse na paparating sa direksiyon nito kaya walang pagdadalawang-isip na tumakbo ako at niyakap ko ang bata bago pa ito masagasaan ng sasakyan kaso na out of balance ako kaya bumagsak kami sa semento.Pikit ang mga mata ko habang yakap ang bata at hinihintay na masagasaan kami ng sasakyan.“Gaven!...Gaven!”rinig kong sigaw ng lalaki habang patakbong papalapit sa’min.Tiningnan ko ang batang yakap-yakap ko. Tulala ito at hindi makapagsalita dahil siguro sa pagkabigla.“Gaven, wake-up”nag-alalang sabi ng lalaki bago kinuha sa’kin ang bata.Napatingin ako sa mukha ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala si Mr. MonterroyoTumingin ito sa’kin at nagpasalamat.“Thank you for saving him”pagpapasalamat nito bago tuluyang inalayo sa’kin ang bata.Tumayo naman ako at nagpagpag ng damit na nadumihan.Napangiwi ako ng makita ang galos sa siko ko, mabuti na lang dahil hindi nasaktan ‘yong bata.T
XYLA LOPEZ POV’sHindi kuna mabilang kung ilang beses akong napabuga ng hangin matapos bayaran ang mga utang ko.Sa wakas makakatulog na ako ng mahimbing ngayong gabi pero kailangan ko pa’ring kumayod para may pangbayad ako ng renta sa boarding house at pang bayad ng kuryente at tubig.Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kung plastic bag ng makakita ng magkasintahan sa gitna ng daan na sweet sa isa’t-isa.Ano ba 'yan, ang sakit n'yo sa mata!"Hindi ako normal na babae katulad ng iba. Pera lang ang laman ng puso’t-isip ko, wala ng iba pa”bulong ko sa sarili.Bata palang ako, iniwasan kuna ang magkaroon ng pantasya sa mga lalaki dahil para sa’kin ang kumita ng pera ang kailangan kung pag-ukulan ng pansin. Walang puwang sa’kin ang umibig at kung ano pa ‘man na hindi naman ako makikinabang.Pilit akong ngumiti at nagsimula ng maglakad pauwi sa bahay. Minsan hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaedad kung mayayaman bakit sila pinalad na ipinganak sa mayamang pamilya? Samantalang ako, minala







