Kinagabihan, sinigang ang niluto ni ate Edna na ulam since kaming tatlo lang naman ang kakain kaya simple lang putahe.Umalis kanina si Sir Elle at malamang na nasa bar na naman ‘yon at nagpapakalasing.Binalingan ko si Gab-Gab na nilalaro ang maliit na sasakyan sa mesa. Kayaya naman ‘tong bata, isang araw palang ako dito pero hindi ko man lang maramdaman na mahal n’ya ‘tong bata.“Ate Edna, ilang taon na po kayo ditong nag ta-trabaho?”tanong ko kay ate na naghahalo ng niluluto n’ya.“Tatlong buwan palang akong nandito mabuti nga dahil nakatagal naman ako”tugon nito sabay lingon sa’kin.Napatango-tango naman ako. “Ikaw, Xyla mukhang tatagal ka dito. Gustong-gusto ka ng alaga mo, e”Ngumiti ako saka binalingan si Gab-Gab, hinawakan ko ang manipis na buhok nito saka iyon hinaplos ng marahan.“Nong hindi kapa dumadating, jusko. Halos minu-minuto nag wawala ‘yan kaya sinukuan ng mga naging yaya n’ya.Kahit ako, tatlo na ang mga anak ko pero sukong-suko ako kapag si Gavin ang aalagaan mo”pa
Terakhir Diperbarui : 2025-12-02 Baca selengkapnya