Share

The Second Encounter

“There is no easy way to say this Ren but after several tests, lumabas na nagtamo ng brain injury ang lolo mo, kaya comatose siya ngayon." sabi ng doktor at hinawakan nito ang balikat niya.

"Nasa ICU pa siya ngayon pero pwede rin naman siyang ilipat dito tutal may mga personal nurse naman na pwedeng mag asikaso sa kanya. Ang magagawa lang natin sa ngayon ay hintayin kung kailan siya ulit magigising,” paliwanag pa ng doktor. Inanyayahan siya nito sa VIP room para kausapin ukol sa concern sa Lolo niya. “Dahil sa malakas na impact ng pagkakauntog ng bungo niya specially sa frontal lobe ay naapektuhan ang utak niya,” dagdag pa nito habang itinuturo kung saan sa hawak na dummy skull ang parte na tinutukoy nito.

 

“Pero magigising pa rin siya di ba?” sabat ni Yvette na nakatayo malapit sa pinto, hindi niya namalayan ang pagpasok nito at narinig pala nito ang usapan nila.

 

Napakunot noo siya sa hindi inaasahang estado ng babae. Ang dating eleganteng manamit at ayaw lumalabas hangga’t walang suot na make-up na babae ngayon ay nakapambahay lang at wala man lang kahit anong tinta sa mukha. Hindi rin maipinta ang mukha nito habang nagsasalita dahil sa pinipigilan nitong ‘wag maiyak.

Hindi niya alam kung bakit bigla itong nagpakita samantalang hindi naman niya ito nasabihan. Nanibago siya sa ikinilos nito lalo na at hindi naman ito ang klase ng taong magkakaroon ng paki sa kapakanan ng lolo niya. Nakapagtataka ang ipinakita nitong reaksyon dahil hindi ganun ang pagkakakilala niya sa babae.

Nang mabalitaan nito na ikakasal sila noon ay nanguna pa ito sa pagtutol at sinabihan pa siyang ipakansela na agad ang kasal. 

Nagulat na lang siya nang kinabukasan ay nagbago ang isip nito at masayang tinanggap ang kasunduan ng lolo at madrasta nito. 

Kahit apat na taon na silang kasal nito, ni minsan ay hindi siya nito tinabihan. Ni matulog sa kwarto nilang mag-asawa ay hindi nito ginawa. Kasal nga sila pero sa papel lang, walang pagmamahal at wala ring pakialamanan. Iyon din naman ang gusto niya. Alam naman nilang pareho na nagpakasal lang ito sa kanya alang-alang sa kumpanya. Ngunit kahit pa ganoon pabor pa rin naman sa kanya lahat dahil wala rin siyang balak matali sa babae.

“She’s…," tinitigan niya ang babae, "she’s my wife,” paliwanag niya sa doktor. Nag-alinlangan pa siya sa sinabi ngunit nakita kasi niyang kumunot ang noo nito sa pagsabat ni Yvette. 

Napisil na lang niya ang ilong dahil naaasiwa siya sa paggamit niya sa salitang 'wife' hindi kasi akma sa kanila ‘yun.

“Let’s hope for the best Mr. and Mrs. Inoue. Sa totoo lang depende kasi sa pasyente ‘yun. May iba na nagigising after few days, may iba naman weeks, or it can even take a year. Hindi talaga magkakapareho ang result,” sagot ng doktor.

 

Nang mapansin nitong napatda sila at hindi na muli pang kumibo ay tinapik siya nito sa balikat. “Ren, I suggest you better take a rest and come back again tomorrow. May dalawang personal nurse at nandyan naman ang mga guard sa labas na magmo-monitor kay Don Armando. You have to be strong,” sabi nito at saka nagpaalam na ring lumabas.

“Pero mabubuhay pa naman siya di ba?” tanong ulit ni Yvette na hinabol ang doctor sa labas. 

Hinilot na lang niya ang sentido gamit ang hinlalato at hintuturo. Naramdaman niya kasing parang may matulis na bagay na nakatusok sa ulo. Tila may pumipitik-pitik sa bumbunan at maski ang likurang bahagi ng leeg pababa sa shoulder blade niya ay parang tinutusok din ng mga maliliit na karayom.

“I understand how you feel right now. As we all know wala namang ibang sakit si Don Armando, he’s healthy and strong physically and mentally but I don’t want to give you false hope. Let’s just pray for his fast recovery at sana gumising siya as soon as possible. Makabubuti rin sa kanya na kinakausap niyo siya lagi na parang naririnig niya kayo. If possible iwasan ang mga negative na usapan,” dinig niyang sabi ng doktor.

Nakita niyang napasalampak si Yvette sa kinatatayuan nang makaalis na ang doktor. Hindi niya alam ngunit nahihiwagaan na siya sa ikinikilos ng asawa. Normal lang na mag-alala ito dahil parte naman siya ng pamilya pero sobra naman yata sa namatayan kung umasta ito. Tila may kung anong hindi niya alam na patungkol dito at ganun na lang ito kung mag-alala ito sa kanyang lolo.

“Pumasok ka kaya, nakakahiya mamaya baka may makakita pa sa’yo,” sabi niya dito. Iniwan naman niya ito at naupo siya sa loob.

“Bakit parang ayos lang sa’yo ‘yung nangyari? Wala ka bang pakialam sa kanya? Hindi ba’t dapat pinapa-imbistigahan mo na ‘yung nangyari? Hindi mo ba alam na patay na ang driver? Inayos ko na dapat ang mga aayusin. Pero hindi ako kumbinsidong aksidente lang ang nangyari. Someone must have plotted to kill him and you’re letting them get away with it,” hiyaw nito nang pumasok ito sa loob at padabog na isinara ang pinto.

 

Ipinagpasalamat na lang niyang nasa recovery room pa ang Chairman at dadalawa lang sila sa loob. Kung nagkataon ay baka makasama dito ang pagtatalak at pagdadrama ngayon ni Yvette. Ngunit hindi niya alam na namatay pala ang driver ng lolo. Bigla niyang naalala si Tony. 

Para siyang sinabuyan ng malamig na tubig sa narinig. Muli ay napabuntong hininga siya. Hindi niya talaga maintindihan ang pagtatalak ng babae at nagawa pa siya nitong sigawan. Mas lalo tuloy nanakit ang ulo niya. "Pwede ba Yvette pakalmahin mo nga muna ang sarili mo," nasambit na lang niya. Umiiyak na kasi ito.

Masakit na nga ang ulo niya kanina sa office dahil hindi niya mahanap ang business partner ng Lolo na dapat ay mapa-close deal na nila. Ngayon naman mas malala pa pala ang problema niya dahil buhay naman ng Lolo niya ang nakasalalay.

Dinagdagan pa 'yun ng alalahanin nang malamang namatay ang driver nito. Nanghina ang mga tuhod niya at nanginginig siya ngayon. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha at nagpakawala muli ng malalim na buntong hininga. Hindi na alam ng utak niya kung ano ang unang ipoproseso.

"What do you want me to do? Celebrate? How can you be so calm? You don't seem like you care about him," sigaw pa nito.

Nanatili lang siya sa kinauupuan at pinagmasdan ang babaeng umiyak hanggang sa matapos ito. Hindi na niya pinatulan ang sinabi nito dahil dagdag sakit lang sa ulo. Para silang mga estranghero na hindi kilala ang isa't-isa at hindi man lang nagtinginan. Gusto man niyang itanong kung ang kaibigan na si Tony ang nag-drive kanina o ang reliever nito ngunit naunahan siya ng takot. 

Hindi niya alam kung papaano ito tatanggapin kung marinig na ang kaibigan nga ang namatay. Natatakot rin siyang marinig iyon dahil hindi niya alam kung papaano ipaparating iyon sa mga itinuring niyang pangalawang magulang. Nanatili pa rin siyang parang pipi, hindi niya kayang ibuka ang mga bibig. Sinundan na lang niya ng tingin ang babaeng palabas ng silid.

Nang makakuha ng sapat na lakas ay sinubukan niyang pumunta sa ICU para makita man lang ang lolo bago siya umuwi. Mabigat ang balikat at paang tinahak niya ang daan papunta roon. Habang naglalakad ay naalala niya ang huling usapan nila nito. Malapit pa naman ang kaarawan ni Luigi at panay ang sabing uuwi silang Isla Bora para mag-celebrate at may malaking surpresa ito ngunit natatakot siya ngayon.

 

Kahit pa hindi niya nakasama mula pagkabata ang Chairman ay hindi naman ito nagkulang sa pagbibigay ng pangangailangan niya. Mula noong mamatay sa aksidente ang mga magulang ay ito na ang tumayong magulang at sandalan niya. Kahit pa gaano katigas ang ulo niya at kung ano-anong kalokohan ang kinasadlakan niya ay hindi pa rin siya sinukuan nito. Kaya naman nang hilingin nitong pakasalan niya si Yvette para sa kumpanya ay hindi niya ito sinuway, kahit pa labag sa kalooban niya. 

Nang masilayan ang estado ng kanyang lolo ay napahawak siya sa bibig. Naramdaman na naman niyang parang binibiyak ang ulo at may sumasaksak sa kanyang batok. Hindi niya kayang pagmasdan pa ito ng matagal kaya hinakbang niya ang mga paa paalis bago pa siya tuluyang panghinaan ng tuhod at di makapaglakad palayo.

“Ingat po sa pag-uwi,” tugon sa kanya ng guard na nakabantay sa labas. Nakita pala siya nito. 

Nakita niya kanina ang gasgas na natamo ng sasakyan at alam niyang kinakailangan niya itong ibalik kinabukasan sa kumpanya para sa insurance nito. Habang nagmamaneho papunta sa bar ay naalala niya si Leila. Hindi nga pala siya humingi pa ng tawad dito sa nangyari kanina. 

Alam niyang marami na namang missed calls na galing sa babae. Nagtataka lang siya kung sino ang sakay nito at bakit ito patungo sa daan papunta sa manor?

Naisip niyang uminom muna sa paboritong bar bago umuwi, para makatulog siya mamaya. Sa dami ng tumatakbo sa isip niya ngayon ay siguradong mahihirapan na naman siyang makatulog kaya kailangan n'ya ng pampakalma.

“Anong drink of the night?” tanong niya sa bartender nang makaupo na siya sa front bar.

“Kalishnikov Shot po sir,” sagot naman nito.

“Okay, get me one,” utos niya rito at agad namang kumilos ang lalaki.

 

“Here’s your drink sir, enjoy!” sabi nito sa kanya matapos iabot ang inumin sa kanya. 

Madalas whiskey o tequilla ang inoorder niya tuwing madadaan siya sa bar ngunit ngayon lang niya naisipang mag-order nito. Hindi na niya ito pinasundan dahil naalala niyang magda-drive nga pala siya, hindi pa naman niya kabisado ang tama nito kaya inunti-unti niya ang pag-inom.

Nang matapos niya ang isang shot ay nagpasya na siyang umalis ngunit naagaw ng atensyon niya ang umupong babae malapit sa tabi. 

Kulay blonde ang buhok nito ngunit parang pamilyar ang mata nito. Nakusot niya ang mga mata dahil sa nakita. 

Parang nakita na niya ito noon. Nanatili lang siyang nakatingin dito habang may kausap ito sa cellphone. Hindi siya maaaring magkamali. May kahawig ang babae at biglang nagkarera sa pagtibok ang puso niya.

"Blue Margarita please," order nito sa bartender.

Siniguro niya munang hindi siya namalik mata kaya nagpunta siya sa banyo at naghilamos doon. Ngunit paglabas niya ng banyo ay may kausap na ito. Nanatili siyang nakatayo at tinitigan lang ang babaeng masayang nakikipag-usap sa kasama nito.

 

"Roief?"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Mae Alingcotan
Next chapter when...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status