Ang tanging gusto lang ni Roief ay makaahon sa kahirapan kaya ginawa niya lahat para makakuha siya ng scholarship sa ibang bansa. Ngunit nasira ang lahat nang tangayin ng kapatid ang lahat ng perang pinag-ipunan niya. Kaya naman sumama siya sa matalik na kaibigan para sakaling mabawi niya sa casino ang perang ninakaw sa kanya ng kapatid. Naging mapaglaro nga lang ang tadhana sa kanya dahil nagising na lang siya isang umaga na hinahabol ng mga di kilalang tao. Ang malala pa ay natuklasan niyang nagdadalang tao siya. Kaya naman halos mabaliw siya kakaisip kung papaanong nagkaroon ng bata sa sinapupunan niya at kung sino ang ama.
View More"Anong ginagawa mo rito?" Napalunok si Roief at kamuntikan pa niyang makagat ang sariling dila nang makita si Ren na nakatayo sa labas ng pinto."Sinabi sa akin ni Rosa na nandito ka raw sa library, I just didn't expect Dr. Farrah to be here." Sabi ni Ren habang nakatitig pa rin sa mga mata nya. "You two appear to be familiar with one another," dagdag pa nito na ikinabalaha ng dalawa.Bago pa sumagot ay tinitigan ni Roief ng mariin ang doktora. "Magkakilala na kami noon pa ni dok, ipinakilala siya sakin ng isang kaibigan." "Let's grab a coffee soon. It's good to see you once more Levy," agad namang sabat ng doktora at nagpalitan ng yakap ang dalawa. "Dok." Singit naman ni Ren na nagpaangat sa kilay niya. "Can I have a moment with you?" dugtong pa nito at agad naman itong sinundan ng doktora.Napakagat sa labi si Roief nang makitang bumuka ang bibig ni Ren. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan ang mga ito. Ngayon lang niya napansin na namawis ang palad n
"Doctora Farrah?" hindi makapaniwalang nasambit ni Roief nang makita ang babaeng psychologist na tumingin sa kanya noon."How have you been? I can't believe it's really you. What are you doing here by the way?" Niyakap siya ni Dra. Farrah at hindi maalis sa mukha nito ang pagkamangha. "You've changed so much! Look at you, muntik na kitang hindi mamukhaan.""Ito alive and kicking dok. Ako nga rin dok nagdalawang isip po ako parang mas bumata po kayo," biro niya rito at nagtawanan naman sila. "For now I am living as Levy. Long story dok," sabi niya at mukhang naintindihan naman agad ito ng babae."I see. Would you like to share?" pabulong na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang kamay nito sa bibig."M
"You stay with ate Rosa, Mommy will go downstairs for a while," pakiusap ni Roief kay Luigi. Mabuti na lang at pumayag ito kaya mabilis niyang kinuha ang papel na itinago sa bag at bumaba.. "Good morning!" bati sa kanya ni Earl pagkalabas niya pa lang sa gate. "Good morning! Ito pala 'yung sinasabi ko." Itinaas niya ang papel na naglalaman ng buhok ni Luigi at buhok niya. "Pasensya na pumunta ka pa rito. Hindi kasi ako papasok ngayon dahil may sinat 'yung bata kaya hindi ako makalalabas." "Anything for you," nakangiting sagot nito. "Wala kang pasok ngayon? Sinong bata?" nagtatakang tanong nito. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan at inilagay sa ziplock ang inabot niyang papel. "May sakit kasi si Luigi,
Nagulat si Roief nang kaumagahan dahil ngayon lang niya ulit nakasabayan si Yvette na mag-agahan. Habang magtitimpla ng kape ay hindi pa rin mawala sa isip ang sinabi sa kanya ni Ren. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinabi o niloloko lang siya nitong kahawig niya ang taong minahal nito. "Hindi pa ba gising ang mag-ama?" tanong ni Nanay Maggie nang ilapag nito ang toast sa tabi ng kape niya. "Napuyat po 'yung isa kagabi. Hinika kasi si Luigi," sagot niya rito. "Nagtatabi na pala kayo ni Ren? Since when?" tanong bigla ni Yvette na ikinabigla nilang dalawa ni Nanay Maggie. "Hindi naman sa ganun, si Luigi kasi nilalagnat. Alam mo naman 'yung
Parang natunaw ang puso ni Roief nang makita si Luigi na umiiyak habang tumatakbo papunta sa kanya. Napakunot noo siya dahil may nakatapal ding cool fever sa noo nito "Kanina pang umaga 'yan may lagnat, ayaw magpaawat. Hintayin ka raw namin kaya hindi pa s'ya natutulog," paliwanag agad ni Ren. Tinitigan lang niya si Ren ngunit mabilis namang niyakap niya si Luigi at naramdaman nga niyang mainit ito. "What took you so long, Mommy? I haven't seen you all day," tanong pa sa kanya nito na parang nagtatampo. Pinakiramdaman niya ang noo nito at mainit pa nga ito. Kinarga naman niya agad ito at naglakad na paakyat ng hagdan. "I'm sorry, I didn't know you're sick," sabi niya rito at hinalikan ang noo nito. Parang ay
Hindi alam ni Roief ang gagawin nang lumapit si Earl sa kanya at makita ito ni Ren. “Hi,” tipid na bati niya sa lalaki nang i-beso siya nito sa harapan ng boss. “May date ka pala?” tanong ni Ren sa kanya habang sinusuri ng mga mata nito ang lalaking lumapit sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita dahil inunahan siya ni Earl. “Hi! I’m Earl,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili. Nakangiti nitong inilahad ang kamay kay Ren at inabot naman ng boss niya ang kamay nito. Kita niyang mahigpit na nagkamayan ang mga ito. “Ren,” sagot naman ng boss niya at saka siya binalingan nito. “Hindi ko alam na may lakad ka pala, sana sinabi mo ng mas maaga para nalaman ko.”
“Anong ibig sabihin ng mga ipinadala mong litrato?” tanong ni Roief kay Earl nang tawagan niya ito. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ito biglang nagpadala ng litrato ng sanggol sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” tanong agad nito sa kanya. Mukhang tumatakbo ang lalaki kaya pinakiramdaman niya ang kausap. “Sorry, hindi ako nakarating at hindi man lang kita nasabihan na hindi ako matutuloy. Naiwan ko kasi ‘tong phone kaya ngayon lang ako nag-open. Are you okay?” Hindi niya maiwasang mag-alala para sa lalaki dahil parang kinakapos ito ng hininga. “I have a very important news to tell you. I just need to hang up right now,” sabi ni Earl. “Wait, please tell me you’re ok
Sa ginawa ng lalaking muling paggawad ng halik sa labi ni Roief ay hindi napigilan ng babaeng itulak ito. Pinunasan niya ang labi at tinitigan ng masama ang lalaki, “get out!” malakas na sabi niya. Itinuro niya ang pinto para lumabas ang lalaki. Hindi niya alam kung papaano pa sila maghaharap mamaya nito. “I’m sorry,” tanging nasabi lang nito at saka mabilis na lumabas. Napahawak siya sa batok at hinaplos ‘yun dahil sa naramdaman niya kaninang dumaloy na maliliit na boltahe ng kuryente sa parteng ‘yun. Kung bakit naman kasi bigla siyang halikan nito, kamuntikan tuloy siyang mawala sa sarili. Ang malambot na labi nito at ang paghawak pa lang nito sa katawan niya ay sapat na para mawala siya sa katinuan. Mabuti na lang at naalala niya si Leila kaya hindi siya nagpadala sa mapang-akit at pangahas na halik nito. “Bwisit.” Gusto niyang alisin ang bakas ng halik nito sa kanyang bibig kaya nagsipilyo siya. Pagkatapos magpalit ay nagmadali siy
Masakit ang ulo ni Roief na bumangon dahil pinilit siya nila Rosa na uminom ng wine kagabi. Nagising siya gawa nang may dumagan at pumisil sa kanyang d****b na akala niya ay si Luigi. Aalisin niya sana ang kamay nito ngunit napamulat siya nang maramdaman na may umumbok sa may puwetan niya kaya napatalikod siya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang katabi at natadyakan niya ito. Sumama naman ang nakapulupot na kumot dito at kumalabog ito nang mahulog sa sahig. Mabilis na inikot niya ang mga mata at nakitang nasa loob naman siya ng kanyang silid. “Bastos ka! Bakit nandito ka na naman?” naisigaw niya sa inis. Mabilis na ch-in-eck ang pang-ibaba kung may namagitan ba sa kanila ng lalaki at nakahinga lang siya ng maayos nang makitang maayos ang damit at suot pa naman ng lalaki ang damit nito.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments