"Are you ready?" tanong ni Ren habang papunta sa mini stage at itinapat ang baso ng wine sa harap ng camera. Pagkatapos ay sa mga kasama naman niya sa loob ng party house. Nagtilian ang mga babae na nakatayo malapit sa parapet ng rooftop nang makita siya. Habang gumawa naman ng ingay ang mga lalaking may hawak ng pompyang at drum. “In 5, 4, 3, 2, 1!” sigaw ng event organizer na sinabayan naman ng mga tao. Sabay-sabay nilang itinaas ang baso at saka tumungga. Pagkatapos ay sumunod na rin ang pagputok ng mga fireworks display. “Happy New Year!” bati ng lahat. May apat na power house sa Isla Bora. Ang Habitat ang isa sa pinakamalaki sa apat. Ito ang party house na pagmamay-ari ni Ren kung saan madalas siya magdiwang sa tuwing mananalo siya sa casino. Madalas dinaragsa ang casino ng Isla Bora kapag napabalitang may poker tournament dahil sigurado na maiimbitahan sila kapag nanalo ang binata. Bumabaha ng alak, pagkain at syempre babae sa tu
Inis na iminulat ni Roief ang mga mata at padaskol na inalis ang kumot sa sariling katawan saka bumangon. Masakit sa tainga ang doorbell at pakiramdam niya ay binabarena ang ulo niya dahil dito. Nang makaramdam ng lamig ay agad niyang niyakap ang katawan at nagitla siya nang mapagtantong wala siyang saplot. Agad nagising ang kanyang diwa at napatayo siya mula sa malambot na kamang kinahihigaan na para ba siyang sinilaban. Nanlaki ang mga mata na naikot niya ang paningin sa paligid upang bigyang kahulugan kung nasaan siya at kung anong nangyari. “Shit! Shit!” Nasabunutan niya ang sarili dahil wala talaga siyang maalala kung ano man ang nangyari kagabi. Sumakit ang sentido niya nang mapatingin sa mga nagkalat na cosplay attire sa
“Are you okay, kumusta ka na?” tanong nito sa kanya nang batiin niya ito. Dama niya ang pag-aalala sa tinig ng lalaki. "Gosh! Do you kmow how much I miss you?" “I’m sorry…” Hindi niya na napigilang mapahikbi nang marinig ang boses nito. Gusto man niyang pigilang 'wag maiyak ngunit inunahan siya ng lalamunan. Pumiyok siya nang muling magsalita at tuluyan na nga siyang humagulgol. Ang tanging kailangan niya lang ngayon ay karamay at si Earl lang ang makapagpaparamdam nito sa kanya. Parang ngayon lang niya naibuhos lahat ng kinikimkim kaninang bigat ng loob at paputol-putol ang pananalita niya. Tiniis niyang hindi kausapin ang lalaki dahil sa tampuhan nila buhat nang manggaling sila sa isla. Wala rin naman siyang mukhang maihaharap dito pagkatapos ng mangyari. “Why, what happened?” tanong nito sa kanya. Ngunit hindi siya makasagot dahil binabarahan iyon ng pag-iyak niya. “Please tell me you're fine,” sabi nito. "Did Pia talk to yo
Napamulat si Roief dahil nakatapat ang matinding liwanag ng araw sa kanyang mga mata. Iniwas niya ang mukha ngunit tuluyan siyang nagising dahil sa pakiramdam na parang binabarena ang ulo niya.Saglit siyang tumigil sa paggalaw at huminga ng malalim, hanggang sa humupa ng bahagya ang kirot. Dahan-dahan niyang inikot ang paningin sa silid at natigilan siya nang mapagtantong wala siya sa inuupahang apartment.Nasisiguro niyang wala siya sa silid ni Earl dahil sa pambabaeng tema ng mga kagamitan sa loob ng silid. Isa pa ay walang rehas ang bintana nila Earl. Napahawak na lang siya sa ulo nang maalala ang pagkahilo niya kanina. Malinaw pa sa ala-ala niyang may kausap siya nang may lalaking humatak sa kanya at may malanghap siyang masangsang na amoy.Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang mapagtanto ang nangyari sa kanya. Bigla niyang kinapa ang katawan at nang makitang wala naman siyang pasa o anumang senyales na may ginawa sa kanya ay saka pa lang
Napatunayan ni Roief ang kasabihang sa una lang masaya ang lahat nang isang araw ay magising siyang matamlay at parang ayaw na niyang mabuhay. Masaya pa siya noong unang tatlong buwan niya sa villa dahil nakakakain siya ng maayos at hindi siya namomroblema sa pang araw-araw na gastusin. Ngunit tuwing iisipin niya ang lahat ng kapalit ng pamamalagi niya roon ay nanghihinayang siya. Malaking bagay sa kanya ang nawalang scholarship at mga opportunity na dapat sana ay matatamasa niya kung nakapagtapos lang siya. Labis din ang pag-aalala niya sa kapatid at kay Earl, paniguradong nag-aalala ang mga ito sa pagkawala niya. Kahit gusto niya sanang tawagan si Earl ay hindi niya alam ang numero ng telepono nito. Wala siyang makausap at palagi lang siyang mag-isang nanonood kaya para na siyang mababaliw. Nami-miss na niya ang kaibigan at ang kapatid. Maski na ang pag-aaral.Gusto na niyang makalabas doon at umuwi. Hindi na niya kaya ang lungkot sa bahay na iyon. Palaging busy ang
“I love you too!”Narinig ni Roief ang boses ng lalaki mula sa mga kumpol ng may katangkaran na halaman. Kasalukuyan niyang isinasara ang gate. Bumilis ang tibok ng puso niya nang gumalaw ang golden bush at may biglang tumayo roon. “Yes! Yes!”Patay-malisya siyang tumalikod at pahakbang na sana nang may biglang humablot sa braso niya. “Ma’am ano po ang ginagawa niyo rito sa labas? Saan po kayo pupunta?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng isang lalaking naka-baby blue na polo shirt at khaki shorts. Sa unang tingin, akalain mong turista ito o pumapasyal lang sa beach sa malapit, hindi aakalain ng kahit na sino na isa itong guard sa villa. Base sa boses nito na medyo may kaba ng kaunti, ito ang lalaking naulinigan niya sa halamanan kanina lang."Magpapahangin lang ako."Pinagmasdan niya ang lalaki. Matangkad din ito tulad ng iba, pero mas bata ito kumpara sa guard na laging nakasuot ng maskara. Wala nga pala siyang nakita sa nakamaskara ngayong araw.Nang nakakita
Nataranta ang mga tao sa ER nang magpatawag bigla ang Director ng emergency meeting gawa nang may darating na VIP.“Makinig kayo! Darating ang babaeng nangngangalang Roief, inutos ito ng Chairman at assistant niya mismo ang tumawag para dito lunasan ang isang buntis na may concussion, hindi pa tiyak kung anong lagay ngunit kailangan niya ng immediate attention sa ICU. Dra. Nelia, Benny at Ana kayo ang aatasan ko sa babaeng ‘yun,” utos ng Director sa mga doktor na kaka-break pa lang. Mabilis namang sumunod ang mga ito at naghanda na.Katatapos lang magsalita ng Director nang dumating ang pamilyar na sasakyan at iniluwa nito ang isang lalaking may kanlong ang babaeng sugatan ang ulo.Agad na nilagay sa stretcher bed ang buntis at mabilis na rumisponde ang mga doktor.Matapos ang operasyon ay nagising din si Roief, hindi nga lang niya alam kung ilang araw na siyang nakaratay sa kama at namimigat ang ulo at masakit ang sugat ni
Apat na taon din ang lumipas buhat nang lisanin niya ang Langria at tapusin ang pag-aaral sa ibayong dagat. Hindi niya lubos akalaing maaabot din niya sa wakas ang pinapangarap na akala niya noon ay tatangayin na lang ng hangin.Hindi nga lang niya inasahan na mapapaaga ng isang taon ang pagbalik niya sa bansa. Kung maaari lamang ay ayaw pa sana niyang umuwi dahil hindi pa sapat ang apat na taon para maghilom ang sugat na dumurog sa pagkatao niya.Kahit pa malayo na ang narating ay hindi niya magawang tuluyang maging masaya. Pakiramdam niya ay mayroong butas sa pagkatao niya na hindi kailanman mapupunan.Mabigat man ang loob niyang muling umapak sa lupang nagpapaalala sa kanya ng pagkatao niya ngunit kailangan niyang sumunod sa napagkasunduan nila ni Don Armando.“Miss Levy?” sabi ng babaeng papalapit sa kanya nang mamataan siya nitong naglalakad sa arrival lobby. “Ikaw ba ito?” paniniguro nito at itinuro ang nasa litra