Share

Chapter 31

Author: Diane Ruiz
last update Last Updated: 2025-07-04 10:33:30

RAMIRO

Nang mag isa na lamang ako sa kwarto ay kaagad kong tinawagan si Aarav. Nasa speed dial ko si Eleizha at Dove kaya sigurado akong si Aarav ang pangatlo sa listahan kung kaya’t pinindot ko na iyon.

“Yes?” sakto namang boses ni Aarav ang narinig ko sa kabilang linya.

“Nandito na ako sa mga Fortez,”

“Sige, balitaan mo na lang ako dyan, CCTV cameras, securities, lahat,”

“Sige, wait lang, si Nico ba bumalik na?”

“Hindi pa, pero kakatawag niya lang sa akin kanina, ang sabi niya ay aasikasuhin niya lang daw ang lola niya at pagkatapos ay babalik na daw siya kaagad,”

“Sige,”

“Mag ingat ka dyan, Spade,”

“Thanks, you too,”

Iyon lang at pinatay niya na ang tawag.

Damn it, Nico, what’s taking you so long?

***

“Ramiro, pinapatawag ka ni Daddy,” saad ni Eleizha sa akin.

“Sige, susunod na ako,” tugon ko naman sa kanya at saka tumayo.

Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa corridor, habang ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa tungkod ko at winawasiwas iyon upang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    Chapter 78

    Maya maya ay may kumatok ulit sa pinto kung kaya’t naantala ang pag uusap namin ni Diamond at pagbukas ko ay isang babae ang tumambad sa aking harapan. Nagulat pa siya nang makita na nakakakita na ako. Kaagad niya akong niyakap. “Teka Miss, sandali, sino ka ba?”“Nakakakita ka na, sa wakas,” saad niya na hindi sinasabi kung sino siya ngunit sa tingin ko ay kilala ko na: Dove.“Dove, buti at nakabisita ka,” “Asan si Nico?” tanong niya kaagad.“Hey, Dove!” napalingon naman kami pareho nang magsalita ito, kaagad na sinalubong ni Nico si Dove at niyakap. “Kausapin ko muna si kuya,” saad ni Dove at saka kinuha ang braso ko at lumayo kami ng kaunti sa kanila. “It’s a nice place you have here, buti naman at naisipan mong ayusin ang lugar na ito,” “Wag na tayong magpaligoy ligoy pa, anong ginagawa mo dito, Dove, mag isa ka pa, baka mamaya ay biglang may umatake sayo dito,”“Makakatulog ka na ng mahimbing kuya dahil patay na ang pumatay kay mommy,” “Ano?! Paano nangyari iyon? Kilala mo n

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    Chapter 77

    RAMIRO Isang malakas na katok ang gumising sa akin sa Mansyon kung kaya’t kaagad kong kinuha ang baril ko at binuksan ang pinto.Tumambad sa harapan ko ang isang lalaking duguan at halatang pinahirapan siya, punit punit ang damit niya at wala siyang sapin sa paa. “Sino ka?” “Ramiro, totoo ngang nakakakita ka na, ako ‘to, si Diamond,” “Diamond?! halika, pumasok ka dito! bilisan mo! Sinong may gawa sayo nito?!” saad ko sa kanya ngunit kinuwelyuhan niya ako at tumingin sa akin, mata sa mata. “Tulungan mo kami, Ramiro, nasa panganib ang buhay ni Ma’am Eleizha at ako lang ang nakatakas mula sa kamay ni Warren, patay na si Ziggy, papatayin din niya si Cheat, Ramiro! nakikiusap ako sayo, naging mabuti sayo ang crime family Ramiro, tulungan mo kami. Si Ma’am Eleizha, wala siyang maalalang kahit ano, tulungan mo siya, kunin mo siya kay Warren!” saad niya sa akin na may pang gigigil at bigla siyang nawalan ng malay. Paanong walang maalala si Eleizha? eh nagpabuntis nga siya sa gago na iy

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    Chapter 76

    RAMIRO Pinuntahan ko ang sementeryo ng gabing iyon kung saan nakalibing si Elise. “I’m sorry, Elise, pero kailangan kong gawin ‘to,” saad ko at saka sinimulang hukayin ang kanyang puntod. They said love doesn’t die when you lose the person you love kaya heto ako ngayon, hinuhukay ang libingan niya, damn it! Patawarin mo ako Elise, alam kong nababaliw na ako dahil nananahimik ka na ngunit ginugulo pa kita. Halos mabali na ang palang gamit ko ngunit hindi ako tumigil sa paghuhukay hanggang sa matunton ko ang kabaong ngunit pagbukas ko ay wala, walang lamang kahit ano, kahit naagnas na bangkay ay wala.Damn it! sinasabi ko na nga ba!Elise is Eleizha, Eleizha is Elise.Bumalik ako sa Mansyon na nirenovate namin ni Eleizha bago ako umalis. Totoo ngang maganda at maayos na ulit ito. Pagpasok ko ay dumiretso ako sa masters bedroom kung saan pinuno namin ng sinasabi niyang memories ang lugar na iyon. Pagpasok ko ay tumambad kaagad sa akin ang wall na ginawa niya, nakadikit nga doon ang

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    Chapter 75

    RAMIROMANILA, PHILIPPINESNang makalapag ang chopper na sinakyan ko ay hindi na ako nag aksaya pa ng oras at pinuntahan si Aarav. Nagpanggap pa rin akong bulag at sinuot ang shades ko.“Don Octavio is…dead,” “Oo nga, pero dahil sa kakuparan mong kumilos ay may pumalit na sa pwesto niya, panibagong sagabal na naman,” “Sino?!”“Sino pa nga ba?! Edi yung Warren Saldivar na iyon na fiance ni Eleizha, ano bang nangyayari Ramiro?! Akala ko ba ay kayo ni Eleizha bakit may mga nababalitaan akong ngayon ang kasal nila?!” inis na tanong ni Aarav.“Ano?! Bro! peram kotse!” singhal ko saka at tinanggal ang shades ko sa gulat. Hindi pwedeng magpakasal si Eleizha kay Warren, kailangan kong pigilan iyon!“Hoy! Ulupong ka, nakakakita ka na?! anong ginawa mo?!” gulat na tanong ni Aarav ngunit nagbato na siya sa akin ng susi. “Basta! Saka ko na ipapaliwanag sayo!” saad ko na hinanap ang kotse at nang tumunog iyon ay mabilis akong sumakay at pina andar iyon. “Wag mong gagasgasan yan, bubulagin uli

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    Chapter 74

    RAMIRO Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. paulit ulit sa utak ko ang nangyaring pag uusap namin ni Don Octavio, kung paano niya sabihin sa tono ng kanyang pananalita ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Ayokong gawin ito pero mahal ko si Eleizha. Nasa kwarto ako ngayon at ako na lamang mag isa, hindi ko maiwasang wag mag isip. Bigla akong kinabahan sa mangyayari bukas kung kaya’t hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko at lumuhod ako at iniyuko ang aking ulo at pumikit. Sa pagkakataong iyon hindi ko alam kung may didinig ba ng panalangin ko ngunit sinubukan ko pa rin. “Alam kong wala akong karapatang tumawag Sayo dahil matagal tagal na rin simula ng huli kitang kinausap. Namatay si Elise at nabulag naman ako pero makakita lang ako ulit, ipinapangako ko, magbabagong buhay na ako. Iiwanan ko na ang madilim na mundo na ‘to at kahit kailan ay hindi na ako babalik pa,” ***KINABUKASAN ay hindi na ako nakatiis tinawagan ko na si Eleizha ngunit nakapatay ang cellphone niya.

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    Chapter 73

    RAMIROI miss Eleizha so much. Walang araw at buwan na hindi ko siya nami-miss pero kailangan kong gawin ito. Nagsimula ang training namin tungkol sa installation at modular making. Binilhan ako ni Don Octavio ng espesyal na mga libro na yari sa braille upang mas maintindihan ko ang mga lessons na itinuturo. Naging maayos naman at may mga natutunan din ako. Bihira ang mga ganitong oportunidad at sa wakas ay natuon din ang buhay ko sa ibang bagay. Ibang bagay na mas kapaki pakinabang at hindi puro dahas at pagpatay na lamang. Sa loob ng isang buwan na training ay natuto ako ng napakaraming bagay at sigurado akong magagamit ko iyon balang araw. Nang matapos kami sa training ay kinausap ako ulit ni Don Octavio pero hindi ko na pwedeng patagalin ito. Galit na sa akin si Aarav at sigurado akong hindi siya magdadalawang isip na patayin si Eleizha kaya kailangan ko ng tapusin ito. Nasa opisina kami ngayon ni Don Octavio at kami lamang dalawa ang naroon. Ano naman kaya ang pag uusapan nam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status