RAMIRO
Nang matapos ako sa pag iimpake ay kaagad kong nilisan ang bahay na iyon. Ang tanging alaala sa akin ng dati kong buhay, ang bahay na iniwan sa akin ng aking mga magulang. Iyon na lang ang pag aaring meron ako ngunit kailangan kong talikuran muna ulit iyon upang mabuhay dahil sigurado akong hindi nila ako titigilan hanggat hindi naibibigay ni Dove sa akin ang mga documents. Bakit ba naman kasi nawalan pa ng ala ala si Dove kung kailan mainit sa organization ang mga dokumentong nasa kanya. Nagkakanda letse letse tuloy kami ngayon tsk! talaga ang babaeng iyon. kabilin-bilinan ko pa naman sa kanya na ingatan ang sarili niya pero kung sabagay, kanya kanya tayo ng pinagdadaanan sa buhay na kahit ang kaibigan kong si Dove ay may masalimuot na kwento din. Sana lang ay gumaling na siya dahil simula pa lang ng isang malaking giyera na paparating. Tinatahak ko ang daan papunta sa bayan gamit ang tungkod ko. Ang nag iisang sandata na kailangan ko upang magpatuloy sa buhay. Sa pagiging bulag ko ay natutunan kong makihalubilo sa mga tao na hindi ko naman dating ginagawa. The people in my town know me as the good blind man ngunit walang nakakaalam kung gaanong trahedya ang nangyari sa buhay ko. Natututo akong makipag kapwa tao at humingi ng tulong kapag kailangan ko at natutulungan ko rin naman sila sa mga simpleng bagay na kaya kong gawin. “Ramiro!” bati sa kanya ng isang kakilala. “Hey, Walter,” saad ko sa kanya na ngumiti. “Ingat ka dyan sa daan, gabi na,” saad ni Walter. Siya ang may ari ng isang convenience store na madalas kong binibilhan ng mga gamit ko. “Yeah, you too, ingat!” saad ko sa kanya at saka nagpatuloy na sa paglalakad sa streetwalk nang biglang tumunog ang cellphone ko, kinapa-kapa ko iyon sa aking bulsa at saka kinuha, sinagot ko ang tawag at inilagay sa tainga ko. “Hello? Sino ‘to?” “Ramiro, si Clemente ‘to,” “Oh, Aarav, Anong atin?” “Nasaan ka ngayon? May trabaho ako para sayo,” “Sakto yan, libre ako ngayon,” “Sige, ipapasundo kita,” “Hindi na, ako na pupunta sayo,” “Di nga? kaya mo ba?” “Bulag lang ako, hindi ako baldado, Ulupong!” Narinig ko ang pagtawa ni Aarav sa kabilang linya. Sira ulo ‘tong ulupong na ‘to. Akala niya ata hindi na ako makakagalaw porket bulag ako. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang hawak ang tungkod ko. Mas malakas ang pandama ko ngayon dahil nasa labas ako. Gabi na at mahamog na ngunit may mga naririnig pa akong mga bus at taxi na pumapasada. Pumara ako ng taxi at saka sumakay. Malapit lang naman ang bahay ng Clemente na iyon kung kaya’t hindi naman siya mahirap puntahan. May ari siya ng isa sa pinaka malawak na shopping center sa bansa. “Uhm, manong, sa Shopping Center po,” saad ko ngunit hindi nagsalita ang driver bagkus ay umandar na ito, inobserbahan ko ang paligid. Nakaamoy ako ng pabangong pambabae, mukhang may katabi akong babae sa taxi. “Ms. Fortez, are you alright?” tanong ng driver. “Yes, I’m alright, don’t worry,” saad ng babae. Damn it. May katabi nga akong babae at mukhang mayaman pa ito at sopistikada. “Uhm, Manong, sorry ah, pero… hindi kasi taxi ‘tong nasakyan mo,” saad ng babaeng katabi ko. Mababakas sa kanya ang pagka lango sa alak dahil sa tono ng pananalita niya at amoy ng hininga niya. Naghalo ang alak at ang pambabaeng pabango niya. “I’m sorry, bababa na lang ako,” saad ko. “No, no, no, wait, it’s okay, I can give you a ride, you we’re in a limo right now and… you have a very pretty woman here beside you,” saad ng babae na may halo ng pang aakit, sa tingin ko ay lasing na nga talaga ang babaeng ito. Napaatras ako sa aking kinauupuan ng bigla niya akong tinabihan at isinandal ang kamay niya sa balikat ko. “This is very interesting Sir, I’m curious, why does an attractive blind man like you go to a shopping center late at night? sarado na iyon,” saad nito na tila ineexamine ang mukha ko dahil hinahaplos niya na ang pisngi ko pati na rin ang balbas ko. “Uhm, I live there,” saad ko. “Oh, okay, uuwi ka na pala, kuya Driver, sa shopping center daw ah,” saad niya sa driver niya. “Sige po, Ma’am,” “You mentioned you’re pretty,” saad ko sa kanya at ngumiti. “Yes, my name is Eleizha Fortez, I’m the one and only daughter of Don Octavio Fortez,” pakilala niya. “Yeah, I know your father, he’s good at business,” saad ko. “Oh, you must be very clever, what’s your name?” tanong niya. “Ramiro, Ramiro Castillejo,” “Alam mo sayang, gwapo ka sana, kaso bulag ka,” saad niya, napa smirk naman ako. Siguro iyon na lamang ang lamang ko sa iba, ang pagiging magandang lalaki ko. “Ms. Fortez, I think you should take care of yourself at sa susunod, wag kang magpapakalasing, lalo na’t madaming gago at sira ulo sa kung saan, baka mapano ka pa, remember, ikaw lang ang nag iisang tagapagmana ng tatay mo,” payo ko sa kanya. “Thank you, noted on that, Mr. Castillejo,” saad niya na nilubayan na ako. Maya maya ay huminto na ang sasakyan, ibig sabihin ay nasa Shopping Center na kami. “Thanks for the ride, Ms. Fortez,” “Just Eleizha,” “Eleizha, you have a very pretty name,” “You’re welcome, Romano, I mean Ramiro, I’m sorry, I’m not good with names,” saad niya na napahalakhak ng mahina. Nakipag kamay siya sa akin, napakalambot ng kamay niya at napaka init non. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan. Ngayon lang ako ulit nakahawak ng kamay ng babae. Tangina, ganon na ba ako katigang? dahil simula ng nabulag ako ay wala ng babaeng gustong magpa-kama sa akin? but this woman is different. I’m sensing a kind heart. “Goodnight,” saad ko na ngumiti at binitiwan na ang kamay niya dahil baka hindi lang shake hands ang magawa ko. “Goodnight,” saad niya at narinig ko na ang muling pag andar ng sasakyan. Damn it, hindi siya nagsisinungaling. Nakasakay nga siya sa limousine. Sinimulan ko ng pumasok sa tahimik na shopping center. May mga apartment at Condo Unit kasi sa tapat non na pagmamay ari din ni Aarav. Now that I’m here, Aarav, ano na naman kayang ipapa trabaho mo sa akin?RAMIROIt was an ordinary day that day. Pumasok sa eskwelahan ang mga bata habang ako naman ay pumasok din sa opisina. Si Eleizha naman ay nagpaalam na mag go grocery lang daw. Walang naiwan sa Mansyon ngunit hindi pa rin ako kampante matapos ang natanggap kong tawag mula kay Nico. Ang sabi ko ay magkita kami dito sa opisina pagkatapos ng trabaho ko dahil marami akong aasikasuhin. “Wendy?” tawag ko sa secretary ko, kaagad naman itong lumapit. “Amin na yung mga project proposals, pipirmahan ko na lahat para mai-go na natin,” saad ko sa kanya at kaagad niya namang kinuha iyon. “Ito na po sir, yung ngayong month,” saad nito at ibinigay iyon sa akin. “Pakitawag na rin si Devon,” utos ko, si Devon ay sa mga malapit sa akin na investor at consultant ko. Nang makapasok si Devon sa opisina ko ay hinatak ko pababa ang mga blinds. “Mukhang seryoso pag uusapan natin ah,” saad pa nito. “Uhm oo, listen, uhm, kapag one week na tapos hindi pa rin ako pumapasok Sabihin mo sa lahat na nag vaca
RAMIRO“Come on boy, he’s the one who killed your father, pull the trigger,” saad sa akin ni Master Chi habang hawak ang kamay ko gamit ang isang baril. Tandang tanda ko pa kung paano magmakaawa ito para sa buhay niya ng mga oras na iyon. “Ramiro, wag! Wag mong papakinggan ang bawat sabihin nila, mga mamamatay tao ang mga yan!” “Avenge your father, boy, sumisigaw ng hustisya ang dugo ng iyong ama. Wag mong hayaang makalusot pa ang walang hiyang ‘to. There are no second chances,” saad ni Master Chi. “Ramiro, nakikiusap ako sayo,” saad naman ng aking tiyuhin. Hawak hawak siya ng ilang mga tauhan ni Master Chi, pinaluhod nila ito sa harapan ko habang duguan ang mukha. “Pull the trigger,” utos ni Master Chi. Naguguluhan ang isip ko ng mga oras na iyon. Ayokong patayin ang tiyuhin ko ngunit sa sama ng loob ko dahil sa pagkamatay ng aking ama ay gusto kong sundin si Master Chi at kalabitin ang gatilyo. Maya maya ay nararamdaman ko ng inaalalayan ni Master Chi ang daliri ko upang kal
RAMIRO5 YEARS LATER…Nagsilang si Eleizha ng isang malusog na batang lalaki at pinangalanan namin siyang Ram Elizalde, para sunod sa pangalan naming dalawa. Nanirahan kami sa Castillejo Mansion at lumaki si Ram na puno ng pagmamahal at pangaral.Nagawa kong ibangon muli ang kumpanya ng aking ama at ako na ngayon ang nagpapatakbo nito at dahil na rin sa tulong ni Don Octavio ay nakapag aral ako at nakapagtayo ng isa pang modular company; Ang RMDC Modular Lab. kung saan kumokontrata kami ng mga projects katulad ng kitchen renovations, countertops, loft type bed, cabinets, TV Console, wardrobe, hotel media console, kiosk in shops, study and office tables at marami pang iba. Naghire din ako ng mga skilled workers upang may mas matutunan pa ako sa kanila sa paggawa ng modular.Ngayon ay nasa kumpanya ako at nakaupo habang nagka kape. Bigla namang lumapit ang aking anak na si Ram na sumampa at umupo sa hita ko. “Daddy, I have a question,” saad ni Ram.“Yes?”“Daddy, did God create evil?”
RAMIRO“It’s up to you if you will pull the trigger now or kiss me, handa akong mamatay para sayo Siobeh,” saad ni Aarav ngunit tumulo na ang dugo mula sa kanyang bibig. “No, you can’t die, I’m pregnant,” saad ni Siobeh at saka walang kagatol gatol na hinalikan si Aarav at hindi na nakatiis ngunit pagkatapos ng halik na iyon ay bumagsak ang katawan nito kay Siobeh. “No! no! no! Aarav!” saad ni Siobeh na nagpapanic habang inaalalayan ang katawan ni Aarav dahil wala ng malay ito. “Halika na! I know a place where he can be cured!” saad ko na kaagad na tinulungan si Siobeh na buhatin si Aarav, tumulong na rin si Nico at isinakay namin si Aarav sa kotse. Nagmadaling magmaneho si Nico at pumunta kami sa clinic ni Gaia.“Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Gaia.“He lost his empire to a mafia heiress,” saad ko naman at napailing na lang si Gaia. Kaagad naming dinala si Aarav sa emergency room at doon ay ginamot siya ni Gaia. Habang ginagamot siya ay panay ang pagsisisi ni Siobeh sa nang
RAMIRONang makalapag kami ay naghanda na kami ni Nico ngunit napag alaman ko na pinadala din pala ni Eleizha ang mga bodyguard niyang si Diamond at Cheat kung kaya’t sabay sabay na kaming pumasok sa loob at saka inatake ang lahat ng humaharang sa amin papasok ng shopping centre. Nang makapasok kami sa pinakaloob ay nakarinig kami ng mga putok ng baril kung kaya’t nagtago kami sa mga pader habang hawak ang mga baril namin. “Boss, dito tayo!” saad ni Diamond na itinuro sa akin ang daan. “Kabisado ko dito, alam ko rin ang mga pasikot sikot,” saad naman ni Nico.“Okay, you lead the way,” saad naman ni Cheat.Paano ba namang hindi niya makakabisado ang lugar na ito? eh nagtrabaho siya dito. Dumaan kami sa likod kung saan iyon ay secret passage papunta sa private office ni Aarav ngunit ang gago, wala doon! nasaan na kaya iyon?! Kaagad kong tinawagan si Aarav. “Hoy, Ulupong nasaan ka?! sumagot ka!” “Dito na sa parking lot, bilisan niyo, putang ina! hindi ko sila kayang ubusin!” saad
RAMIRONgayon ay nasa front deck na kami ni Eleizha at kami na lamang dalawa ang naroon. Tahimik na rin ang mga bisita at ang iba naman ay mga lasing na kung kaya't nagsitulog na. “Are you happy now, Hon?” tanong ko kay Eleizha na niyakap siya mula sa likod. “Alam mo hindi nangyari yung perfect wedding na gusto ko eh pero binigyan ako ni Lord ng wedding na sobrang worth it at sobrang unforgettable,” saad niya na ngumiti at lumingon sa akin. “Aba, kung hindi ikaw ang pakakasalan ko hindi ako magtitiis na magpakabasa doon, ganyan kita ka-mahal kahit na topakin ka,” saad ko na inilagay sa kanya ang suot kong baseball cap dahil mahamog na sa labas at balabal lang ang suot niya at maxi dress. “Bahala ka ngayon dyan, ako na si Mrs. Eleizha Fortez-Castillejo, kaya tiisin mo talaga ang topak ko dahil asawa mo na ako,” “Eh ano pa nga ba? Pero seryoso, salamat sa hindi pag iwan sa akin simula noon hanggang ngayon, hindi mo ako iniwan kahit na nabulag ako, tinanggap mo pa rin ako, hanggang